You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon IV – MIMAROPA
Dibisyon ng Oriental Mindoro
BULBUGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Maria, Gloria

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 9
Pangalan:_______________________________ Iskor:________
Seksyon:________________ Petsa:________

PANUTONG PANLAHAT: Basahing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.

I- Panuto: Piliin sa mga sumusunod na pangungusap ang gumamit ng denotatibo at konotatibong


pahayag.

1. Sa mga pangungusap na nasa ibaba alin ang gumamit ng denotatibong pahayag?


A. Siya ay mahusay humabi ng tula.
B. Ang kalapati ay isang uri ng ibon na ginagamit ng mga nagpapakasal.
C. Naging masaya ang Foundation Day sa bayan ng Gloria.
D. Marami sa mag-aaral mula sa Grade 8 ang nagwagi sa iba’t ibang patimpalak.
2. Alin sa pangungusap ang gumamit ng konotatibong pahayag?
A. Pahalagahan natin ang ating wikang Pambansa.
B. Nalalapit na ang pagbibigay ng marka para sa unang markahan
C. Nangangalat sa gabi ang mga kalapating naghahanap ng masisila.
D. Kahanga-hanga ang mga batang nagsisikap sa kanilang pag-aaral.
3. Napakalutong ng kanyang halakhak. Ang may salungguhit
A. denotatibong pahayag C. naratibo
B. konotatibong pahayag D. persweysibo
4. Si Panginoon ang pagkaing nagbibigay buhay at ang sino mang sumampalataya ay magkakaroon ng buhay na
walang hanggan.
A. denotatibong pahayag C. naratibo
B. konotatibong pahayag D. persweysibo

Mataas ang kaniyang pangarap. Nang araw na iyon ay nalalapit na ang pagtataposng anak.
Halaw sa “Ang Kalupi”ni BenjaminPascual
5. Ang konotatibong pahayag na ginamit sa pangungusap ay ang____
A. nalalapit na C. nang araw na iyon
B. pagtatapos ng anak D. mataas ang kaniyang pangarap

1.Uminog ang istorya sa buhay ni Mabuti, isang guro, habang kinukwento mula sa punto de vista ng isa sa
kanyang mga estudyante. 2. Tinatawag siyang Mabuti ng kaniyang mga estudyante sa kanyang likod dahil lahat
ng kaniyang mga salita ay naglalaman ng mga kabutihan
Halaw sa kuwento ni Mabuti
6. Sa unang pangungusap ginamit ang salitang guro bilang________
A. denotatibong pahayag C. naratibo
B. konotatibong pahayag D. persweysibo
7. Ito’y maikling kuwento na nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari .
A. kababalaghan C. makabanghay
B. katutubong-kulay D. pangtauhan
8. Sangkap ng maikling kuwento na tumatalakay sa simula ng kuwento.
A. katawan C. suliranin
B. saglit na kawilihan D. wakas

9. Pinakamadulang bahagi ng kuwento kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng
kanyang ipinaglalaban.
A. gitna C. kasukdulan
B. kakalasan D. wakas
10. Nakapaloob sa simula ang mga sumusunod maliban sa isa_______
A. panahon C. tauhan
B. tagpuan D. wakas

II- A. Basahin ang mga pangungusap na nasa ibaba. Ibigay ang pagkakasunod-
sunod nito. Piliin ang titik ng tamang sagot
1. Madalas masapok ang mukha ng kanilang ina, madalas itong marinig ng mga bata.
2. Magkahalo lagi ang lungkot at pananabik sa tuwing hinihintay nila ang kanilang ama.
3. Walang ano-ano’y ang kamao ng ama ay mabilis na bumulusok sa nakangusong mukha ni Mui-Mui.
4. Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihanh halaman ang mga bata.
Halaw sa kuwentong “Ang Ama” ni: Mauro R. Avena
11. Alin ang dapat mauna sa mga pangyayaring ito?
A. 2, 1, 3, 4 B. 1,2,3, 4 C. 4, 3, 2,1 D. 3,2, 1, 4
12. Ang mga pangatnig at transitional devices ay nakatutulong sa___________
A. Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa akda
B. Pagbibigay-kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita.
C. Pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat
D. Pagkilala kung kailan naganap, nagaganap, o gaganapin ang kilos o pangyayari
13. Ang taong masipag ay laging pinagpapala_______, ang taong tamad ay walang magandang bukas na kahaharapin.
Ang pangatnig na nawawala sa pangungusap ay_______
A. kaya B. ngunit C. sapagkat D. subalit
14. Palagian siyang mataas sa pagsusulit__________ siya ay nag-aaral
A. kagyat B. ngunit C. sapagkat D. subalit
15. Sa kuwentong “Nang Minsang naligaw si Adrian” anong tunggalian ang kinakaharap ng pangunahing tauhan?
A. tao vs. sarili C. tao vs. kapaligiran
B. tao vs. tao D. tao vs. sa lipunan
16. Tao vs. sa sarili ay nangangahulugang__________
A. sarili ang pinakamahirap na katunggali C. kapaligiran maaaring makatunggali
B. kapaligiran ay mahigpit na katunggali D. maraming katunggai sa lipunan
17. Sa sanaysay na Kay Estella Zeehandillar, anong tunggalian ang nakapaloob ditto?
A. tao vs. kapaligiran C. tao vs. sarili
B. tao vs. lipunan D. tao vs. tao
B.
18. Napaganda ng paalaala ng kaniyang ama sa kanya___________ dapat siyang magsumikap sa pag-abot sa rurok ng
tagumpay.
A. datapwat B. kung gayon C. ngunit D. subalit
19. Nasiyahan ang mga mag-aaaral sa katatapos lang na Buwan ng Nutrisyon. Heto talaga ang hinihiling ng maraming
guro _________ natupad din ito.
A. akala B. kung gayon C. sa wakas D. subalit
20. Kailangan niyang magtinda ng pandesal tuwing umaga upang siya’y may mabaon sa
eskwelahan. Ang tuwing sa pangungusap ay pang-abay na_______
A. may pananda C. walang pananda
B. nagsasaad ng dalas D. walang katapusan
21. “Bukas na lang kita mamahalin,” wika ng isang awit. Ang bukas ay pang abay na_____
A. may pananda C. nagsasaad ng limit
B. nagsasaad ng dalas D. walang tanda
22. Araw-araw tayong magdasal at humingi ng tawad sa Panginoon. Ang araw-araw
sa pangungusap ay_______.
A. may pananda C. nagsasaad ng limit
B. nagsasaad ng dalas D. walang tanda

III- Pagsusuri ng Damdaming nakapaloob sa tula.

At ako’y lumakad, halos lakad takbo,


Sa may dakong ami’y meron pang musiko
Ang aming tahana’y masayang totoo
At nagkagulo ang maraming tao….
Salamat sa Diyos ang nabigkas ko,
“Nalalaman nila na darating ako.”

At ako’y tumloy ,, pinto ay nabuksan,


Mata’y napapikit sa aking namasdan;
Apat na kandila ang nangagbabantay;
Sa paligid-ligid ng irog kong mahal;
Mukha nakangii at nang aking hagkan;
Para pang sinabi, “Irog ko paalam!”

Halaw sa Ang Pagbabalik ni: Jose Corazon De Jesus

23 . Sa ikalawang saknong ng tula, ano ang damdaming nangingibabaw dito?


A. pagkabagabag B. pagkainis C. pagkalungkot D. pagkatuwa
24. Mapapansing sa unang saknong ay nakapaloob ang damdamin ng________
A. pagkabagabag B. pagkainis C. pagkalungkot D. pagkatuwa
25. Ano ang sukat ng tula
A. lalabindalawahin C. lalabing-apatin
B. lalabing-animin D. lalabingwaluhin
Sa aking paanan ay may isang batis
Maghapot magdamag na nagtutumangis
Sa mga sanga ko nangakasabit
Sa pugad ng mga ibon ng pag-ibig

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan


Asa mo ri’y agos na luhang nunukal
At saka ang buawng tila nagdarasal
Ako’y binabati ng ngiting malamlam

Ang mga kampana sa tuwing orasyon


Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy
Ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon
Batis sa sanga ko’y may may luha nang daloy

Halaw: Isang Punong kahoy ni:Jose Corazon de Jesus

26. Kasingkahulugan ng salitang nagtutumangis na ginamit ng may akda sa unang saknong ng tula.
A. naliligayahan B. nalulungkot C. nayayamot D. walang patid na pagluha
27. Ang malamlam ay nagangahulugang_____________
A. madilim B.maligaya C. malungkot D. masaya

Ang mga kampana sa tuwing orasyon


Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy
28. Ang dalawang taludturan na nasa itaas ay nangangahulugang_______
A. pagnonobena
B. palagiang pagsisimba
C. pagdarasal tuwing ika-6:00 ng gabi
D. ang tugtog ng kampana ay nagpapaalaala ng kalungkutan at panaghoy

May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,


may araw ding di na luha sa mata mong namumugto
ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
samantalang and dugo mo ay aserong kumukulo;
sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
at ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punlo!

Halaw: Kung Tuyo na ang Luha mo Aking Bayan ni: Amado V. Hernandez

29. May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,ay nangangahulugang________
A. madadagdagan ang luha C. perlas na mga luha
B. mauubos ang luha D. luha’y mauubos pagdating ng tamang
panahon
30. Ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punlo!, ibig sabihin nito ay_________
A. dadagdagan ng punlo C. hahagisan ng punlo
B. gagamitan ng punlo D. lumang sistemay’ wawakasan gamit ang
dahas o tabak
Para sa 31-34
IV- Tukuyin ang damdamin sa mga sumusunod na sitwasyon.
A. pagkalungkot C. pagkatuwa
B. pagkamuhi D. panghihinayang
31. Nanalo ka sa sweeptakes.
32. Namatay ang iyong mahal sa buhay
33. Hindi ka sinipot ng iyong ka-date.
34. Planong pagsamantalahan ang kaptid mong babae.

35. Ayon kay Belvez ito ay isang akdang maaaring maglahad maglarawan ng isang
buhay sa makatotohanan o makasining na pamamaraan.
A. balita C. nobela
B. maikling kuwento D. sanaysay
36. Uri ng sanaysay na naghatid ng mahahalagang kaalaman o impormasyon, kaisipang makaagham
at lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga ideya.
A. di- pormal C. maanyo
B. impormal D. pormal
Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglalabing-anim na taon. Salamat sa Diyos! Malalabasan ko
ang aking kulungan nang Malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis pangsumunod ang mga
pangyayari nagpabalik sa aming mga babae ang nawawala naming kalayaan.
Kay Estella Zeehandillar
37. Ang damdaming nangibabaw sa bahagi ng sanaysay ay________________
A. pagkamuhi C. pagkatakot
B. pagkalungkot D. pananabik
38. Ipinakita sa bahagi ng sanaysay na ito na hinangad ng babae na siya’y maging____
A. malaya C. malungkot
B. makapag-asawa D. mapasama

V-A. Piliin ang angkop na pang-ugnay na ginamit sa pangungusap


39. Mahilig siyang magpaibig ng babae___________ pogi siya.
A. datapwat C. palibhasa
B. ngunit D. palibhasa
40. Maaliwalas ______ ang paligid natin ngayon
A. na B. nang C. ng D. ngunit
41. Ibibigay ko ang langit________ Rosa na aking minamahal.
A. kay B. na C. nang D. ng
42. Paano nga ba hindi magkakaganon______ ginawa lamang para sa lalaki ang batas.
A. ka B. kung C. para sa D. si

43. Isang uri ng dulang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari subalit nagwawakas na masaya
ang_______
A. komedya B. melodrama C. tragikomedia D. trahedya
44. Ang sining ng panggagaya sa tunay na kakikasan ng buhay na kinatha upang itanghal at magsilbing
salamin ng buhay ang____
A. dula B. kathambuhay C. sarsuwela D. teatro
45. Uri ng dula na nagtatapos sa malungkot na pagwawakas
A. melodrama B. parsa C. sarsuwela D. trahedya
46. Ang mensaheng nakapaloob sa binasang dulang may pamagat na “Si Simon.”
A. kawalan ng lakas ng loob C. pagtitiwala sa Diyos
B. kawalan ng tiwala sa kapwa D. pagmamahal sa magulang

Maligayang-maligaya si Ana ng araw na iyon sapagkat dinalaw siya ng kanyang nobyo. Labis din ang pagkatuwa ng kanyang
mga magulang sapagkat di nila akalain na dadalaw sa kanilang tahanan ang binatang ito. Mahal din nila ang kasinatahan ng kanyang
anak kaya’t dali-dali nilang ipinaghanda ng pagkain si Berto. Matapos na maipagluto ng masarap na tinolang manok kaagad inihanda
sa hapag ang pagkaing ito. Habang sila’y kumakain nakita nina Aling Isidra at mang Jose ang matatamis na ngiti ng kanyang anak.

B. ASPEKTO NG PANDIWA: Tukuyin ang aspekto ng pandiwa ng mga salitang sinalungguhitan sa talata.
Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon na nasa ibaba.

A. IMPERPEKTIBO C. PERPEKTIBO
B. KONTEMPLATIBO D. PERPEKTIBO KATATAPOS

47. dinalaw
48. dadalaw
49. ipinaghanda
50. kumakain

GOOD LUCK!

Inihanda nina:

Ma’am Edith A. Quitain


Ma’am Nery H. Salazar
Ma’am Cynthia A. Cuevas

You might also like