You are on page 1of 4

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO 8

IKATLONG MARKAHAN

Name: __________________________ Grade Level and Section: ________


School: _________________________ Date: ________
Teacher: ________________________ Score: _____________________

I. Pamagat: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang


Popular
II. Kasanayang Pampagkatuto:
 Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa:- paksa,
layon, tono,pananaw, paraan ng pagkakasulat ,pagbuo ng salita,
pagbuo ng talata ,pagbuo ng pangungusap (F8PB-IIIa-c-29232)
III. Panimula:.
Mayroong iba’t ibang midyum na ginagamit sa paghahatid ng impormasyon,
balita at iba’t ibang palabas na maaaring napakikinggan o napanonood ng
mamamayan lalo na ng kabataan sa kasalukuyan? Ang ilan sa mga ito ay ang
tabloid, komiks, magasin, internet, radyo at telebisyon. Ang mga ito ay
maituturing nating kumakatawan sa kulturang popular ng mga Pilipino sa
ngayon

IV. Mga Gawain:


Activity 1
Panuto: Bugtungan, Dugtungan
Tukuyin mo ang inilalarawan ng mga bugtong sa ibaba. Pagkatapos, isulat
mo ang mga titik ng iyong sagot sa mga kahon upang mabuo ang crossword
puzzle

katanungan:
1. Bakit nga ba nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na
panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular?
2. Bakit kailangang basahin at pag-aralan ang mga panitikang popular?
Activity 2:

Panuto: Buuin ang CROSSWORD PUZZLE, gawing gabay ang mga nakasulat sa
ibaba sa pagsagot.

Gabay sa Pagsagot:
1. Kuwentong isinalarawan ng mga dibuhista. (pababa)
2. Pahayagan ng masa. (pahalang)
3. Kuwentong higit na maiksi sa maikling kuwento. (pahalang)
4. Makulay na babasahin na hitik sa iba’t ibang impormasyon (pahalang)

Activity 3

Panuto: SARBEY-TSEKLIST
Lagyan mo ng tsek (/) ang mga babasahing popular sa iyo. Pagkatapos, iayos nang
paranggo batay sa naging resulta. Lagyan ng bilang 1-4 ang bawat kahon.
Pinakamataas ang bilang 1 samantalang ang bilang 4 ang pinakamababa.
Gawin sa papel. Gayahin ang format.
Activity 4
Panuto: LISTING 1. (Tabloid)
Napakaraming popular na babasahin sa kasalukuyan ang kinagigiliwang basahin.
Nariyan ang mga tabloid, komiks, magasin, at mga kontemporaryong
dagling katha. Magsimula tayo sa tabloid.

katanungan:
1. Ano sa palagay mo ang mga dahilan kung Bakit kaya higit na binabasa ang
tabloid kaysa sa broadsheet?
2.Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya,lalo na ang malaganap na internet, bakit
marami pa rin ang tumatangkilik at nagbabasa ng mga pahayagan?

GUHIT-LIKHANG KUWENTO 2.(komiks)

Tanong:
1. Bakit patuloy na kinagigiliwang basahin ang komiks?
2. Mabisa bang midyum ang komiks upang mailarawan ang kultura, tradisyon
at ang kasalukuyang kalagayan ng isang lipunan?

Gawain 5:
Gumawa ng isang pagsusuri. Sumuri ng tig-iisang tabloid, magasin at
komiks.Tingnan ang antas ng wikang ginagamit ng mga ito at kung bakit ganoon
ang mga ginagamit nilang antas ng wika.
Pangalan Antas ng wika Bakit ganito ang
antas ng wika
Magasin
Tabloid
Komiks

V. Pangwakas/ Ano ang aking natutunan?

VI. Sanggunian:

Filipino 8 Learners Module

Prepared by:

MELBA L. ALFEREZ
Guro

You might also like