You are on page 1of 6

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO 8

IKALAWANG MARKAHAN
Name: __________________________ Grade Level and Section: ________
School: _________________________ Date: ________
Teacher: ________________________ Score: _____________________

I. Pamagat: Sarswela
“Walang Sugat” ni Severino Reyes
II. Kasanayang Pampagkatuto:
 Naipahahayag ang pangangatuwiran sa napiling alternatibong solusyon o proposisyon sa
suliraning inilahad sa tekstong binasa (F8PB-IIe-f-25)
 Naibibigay ang denotatibo at konotatibong kahulugan, kasingkahulugan at kasalungat na
kahulugan ng malalalim na salitang ginamit sa akda (F8PT-IIe-f-25)
 Nasusuri nang pasulat ang papel na ginagampanan ng sarsuwela sa pagpapataas ng
kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t ibang rehiyon sa bansa (F8PU-IIe-f-26)
III. Panimula:. Ang Sarsuwela ay isang anyo ng dulang musikal na unang
umunlad sa España noong ika-17 siglo. Binubuo ito ng mga pagsasalaysay
na sinamahan ng mga sayaw at tugtugin at may paksang mitolohikal at
kabayanihan. Hinango ang taguring Sarsuwela sa maharlikang palasyo ng La
Zarzuela na malapit sa Madrid, España. Sa Pilipinas, dinala ito ni Alejandro
Cubero noong 1880 kasama ni Elisea Raguer. Itinatag nila ang Teatro
Fernandez, ang unang grupo ng mga Pilipinong Sarsuwelista sa Pilipinas.

IV. Mga Gawain:


Activity 1 (Unang Araw)
Panuto: Storyboard
Pagkatapos mong sagutan ang pagsasanay sa talasalitaan ay dumako na tayo sa
kasunod na Gawain.Ibuod mo ang Sarsuwela sa tulong ng sumusunod na story
board. Piliin mo sa kasunod na mga pangyayari. Isulat ang tamang letra sa loob ng
kahon ayon sa pagkakasunod- sunod. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.
a. Sugatang dumating si Tenyong sa kasal.
b. Naisipan ni Julia na tumakas at pumunta sa kinaroroonan ni Tenyong.
c. Binuburdahan ni Julia ang panyong ibibigay kay Tenyong.
d. Ipinagkasundo ni Juana si Julia kay Miguel.
e. Namatay si Kapitan Inggo dahil sa sobrang palo na dinanas.
f. Sinulatan ni Julia si Tenyong at ibinalita ang pagkamatay ni Kapitana
Putin at pagpapakasal niya kay Miguel.
g. Matapos ang kasal ay bumangon si Tenyong at ang lahat ay napasigaw
ng “Walang Sugat”.
h. Ibinilin ni Tenyong na darating siya sa araw ng kasal ni Julia.
i. Hinuli ng mga boluntaryo ng Sta. Maria si Kapitan Inggo.
j. Si Tenyong at ang mga kalalakihan ay humandang makipaglaban upang
mapalaya ang Inang-bayan.

Mga katanungan:

1. Bakit hindi agad inamin ni Julia na kay Tenyong ang panyong kaniyang
binurdahan?
2. Ano ang nangyari sa tatay ni Tenyong na si Kapitan Inggo? Ano-anong
pagpapahirap ang naranasan niya sa kamay ng mga prayle?
3. Tama ba ang ginawa ng ina ni Julia na ipagkasundo nito ang anak sa isang
lalaking mayaman ? Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Julia, papayag ka ba
sa pasiya ng iyong ina? Bakit?.
4. IIarawan ang namayaning damdamin sa Tagpo II.
5. Angkop ba ang pamagat na Walang Sugat sa akda? Bakit?
6. Tama ba na magtanim ng galit si Tenyong sa mga pari? Ipaliwanag.

Activity 2: (Ikalawang Araw)

Panuto: Hanap - Salita


Ibigay ang hinihingi ng sumusunod na mga salita. Pagkatapos, gamitin mo ito sa
pangungusap.Pumili din mula sa nabasang akda(sarswela) ng mga salitang may
denotatibo at konotatibong kahulugan at gamitin sa pangungusap bilang
halimbawa.

Hanay A Hanay B
_____ 1. Pagkasiphayo a. sinisinta
_____ 2. sumisimsim b. kalungkutan
_____ 3. kaparangan c. apihin
_____ 4. malumbay d. awit- panalangin
_____ 5. dalit e. magtaksil
_____ 6. maglilo f. malungkot
_____ 7. magahis g. mamatay
_____ 8. makitil h. mapahamak
_____ 9. aglahiin i. mapulaan
____ 10. pagbabata j. kabukiran
k. pagtitiis

Activity 3 (Ikatlong Araw)

Panuto: Isulat ang mga katangian ng mga tauhan sa akda. Gayahin ang pormat sa
sagutang papel.
Activity 4 (Ikaapat na Araw)
Panuto: Gamit ang Venn Diagram, ipakita ang pagkakatulad at pagkakiba ni Julia
sa kababaihan sa kasalukuyan. Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang
pormat.

Mga katanungan:

1. Ano ang Sarsuwela?


2. Bakit ito kinagiliwan mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano?
3. May Sarsuwela pa ba sa kasalukuyan? Paano ito naiiba sa ibang akdang
pampanitikan?
4.Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Sarsuwela bilang bahagi ng
panitikang Pilipino?
5. Suriin ang kultura o kalagayang panlipunang masasalamin sa akdang Walang
Sugat.
V. Pangwakas/ Ano ang aking natutunan?

VI. Sanggunian:
Filipino 8 Learners Module

Prepared by:

MELBA L. ALFEREZ
Guro

You might also like