You are on page 1of 4

Pangalan:_______________________________ Petsa:_____________

Baitang:________________________________ Seksyon:__________

Unang Markahan: Panitikan ng Mindanao

Aralin 1: Kwentong Bayan Ating Alamin?

Mga Layunin

-Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng


kuwentong
bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan. F7PN-Ia-b1

-Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng salita ayon sa


gamit sa pangungusap. F7PT-Ia-b1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto.

Bidasari
Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon.
Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao. Ang
ibong ito ay ang ibong garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na
nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mga yungib. Takot na takot sila sa
ibong garuda pagka’t ito’y kumakain ng tao. Sa pagtatakbuhan ng mga tao,
nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng Kembayat.
Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay
naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at
pagkalito naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog. May nakapulot naman ng
sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian.
Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak.
Pinangalanan nila ang sanggol ng Bidasari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang
gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang magulang.
Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa
lamang kasal kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Nag-alala ang sultana na
baka may lalo pang maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan. Kaya’t

FILIPINO 7 / UNANG MARKAHAN / PAHINA 1


karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na saliksikin ang
kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana.
Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda
kaysa kay Lila Sari. Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano
ay gagawing dama ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na
ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon pinarurusahan. Nang hindi na matiis ni
Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa
halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito’y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa
gabi’y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag si
Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari. Isinuot nga ni
Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung gabi.
Kaya’t si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi. Nag-alala si
Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang
magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.
Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang
isang magandang palasyo. Ito’y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok
niya ang mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay
si Bidasari. Hindi niya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi
nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siya hanggang
gabi. Kinagabihan nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mongindra.
Ipinagtapat ni Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan
niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari.

Si Bidasari na ang naging reyna.

A. Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakasulat ng pahilis sa mga pangungusap sa


Hanay A. Hanapin ang sagot sa Hanay B. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
Hanay A Hanay B

____1. Ang kaharian ay naliligalig dahil sa isang a. mainggitin


dambuhalang ibon.
____2. Si Diyuhara ay isang mangangalakal mula b. nakasarado
sa kabilang kaharian.
____3. Mapanibughuin si Lila Sari. c. agad-agad
____4. Nakita niya ang isang magandang d. nagkakagulo
palasyong nakapinid
____ 5. Karakarakang inutusan niya ang matapat e. negosyante
niyang mga kabig

FILIPINO 7 / UNANG MARKAHAN / PAHINA 2


B. Suriin ang katangian ng mga tauhan batay sa kanilang pahayag. Isulat sa patlang
ang titik ng tamang sagot.

____ 6. Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog.
At dahil sa pagkalito na rin naiwan niya ang sanggol sa bangka . Anong katangian
ng ina ang mahihinuha sa pahayag?
a. mapagmahal c. mapagbigay
b. matarantahin d. madamot
____ 7. Si Diyuhara ay isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian. Kanyang
pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol. Anong katangian ni Diyuhara ang
mahihinuha sa pahayag?
a. mapagmalaki c. mapag-aruga
b. matulungin d. mapagkawang-gawa

____ 8. Si Bidasari ay higit na maganda kaysa sa Sultana kaya’t inanyayahan ng


Sultana si Bidasari sa palasyo ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na
ikinulong sa isang silid at doon pinarusahan. Anong katangian ng Sultana ang
mahihinuha sa pahayag?
a. mapag-alala c. mapagmataas
b. masasakitin d. maiinggitin

____ 9. Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi
niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Anong katangian ni
Bidasari ang mahihinuha sa pahayag?
a. mapagkunwari c. maparaan
b. matiisin d. magagalitin
____ 10. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siya hanggang gabi. Anong
katangian ng Sultan ang mahihinuha sa pahayag?
a. masipag c. matiisin
b. mapagmahal d. mapaghangad

FILIPINO 7 / UNANG MARKAHAN / PAHINA 3


Susi sa Pagwawasto

A.
1. D
2. E
3. A
4. B
5. C

B.
6. A
7. C
8. D
9. C
10. D

FILIPINO 7 / UNANG MARKAHAN / PAHINA 4

You might also like