You are on page 1of 4

TXTBK + QUALAS

SANAYANG PAPEL Blg. 4


Textbook based instruction paired
with MELC-Based Quality
SA FILIPINO 8
Assured Learner’s Activity Sheet
(LAS) Kwarter 2 Linggo 4

Pangalan: ____________________________Baitang at Pangkat: _____________________

Guro: _____________________________Petsa ng Pagpasa : _________________________

MELC: 7. Naibibigay ang denotatibo at konotatibong kahulugan, kasingkahulugan at kasalungat na


kahulugan ng mahihirap na salitang ginamit sa akda. (F8PT-IIef-25)
MELC 6: Naipapahayag ang pangangatuwiran sa napiling alternatibong solusyon o proposisyon sa
suliraning inilahad sa tekstong binasa (F8PB-IIef-25)
MELC 9:Nasusuri nang pasulat ang papel na ginagampanan ng sarsuwela sa pagpapataas ng kamalayan
ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t-ibang rehiyon sa bansa. (F8PU-IIef-26)

Aralin: Sarswelang Walang Sugat, Denotatibo at Konotatibong Kahulugan


Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8 Pahina: 209-252

Layunin: .
1. Naibibigay ang denotatibo at konotatibong kahulugan, kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng
mahihirap na salitang ginamit sa akda. (F8PT-IIef-25)
Subtask:
Nakikilala ang denotatibo at konotatibong kahulugan ng mga salitang ginamit sa akda.

Kasanayan Bilang: 1 Pagbibigay Denotatibo at Konotatibong kahulugan Araw: 1


KONSEPTO:

Denotatibo- ito ay tumutukoy sa literal na kahulugan ng salita na matatagpuan sa


diksyunaryo.
Hal.1. bulaklak- isang uri ng halaman
2. puso- bahagi ng katawan na tumitibok
Konotatibo- di lantad o may malalim na pagpapakahulugan sa isang salita.
Hal. 1. Bulaklak- dalaga
2. puso – pagmamahal, pag ibig

Pagsasanay 1

Panuto: Surin ang ilang pahayag na matatagpuan mula sa akdang “Walang Sugat”. Tukuyin kung ang
salitang nakasalungguhit ay denotatibo o konotatibo. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

___________1.”Ako po’y di maaring magmahal sa lalaking di may-ari ng aking puso.” sabi pa ni Julia.
___________2. Mag - iisang palad din sina Julia at Tenyong sa bandang huli.
___________3. “Mabuti pa Lucas ako’y uminom ng lason.” Ani Julia.
___________4. Umayon tayo sa kaloob ng langit.
___________5. “Nahulog ka ba sa kamay ng kaaway Tenyong?” Tanong ni Julia
___________6. “Tenyong huwag mo ng isiping ipaghiganti ang iyong ama.” Sabi pa ni Julia.
__________ 7. Hugasan ng mabuti ang iyong kamay bago kumain.
___________8. Nilason mo na ang isip ng iyong kapatid.
___________9. Langit ang nadarama ni Julia ng sila’y nagkatuluyan ni Tenyong.
__________ 10. Iginuguhit ng mga bata ang pulang puso tuwing Pebrero

Layunin: Naibibigay ang denotatibo at konotatibong kahulugan, kasingkahulugan at kasalungat na


kahulugan ng mahihirap na salitang ginamit sa akda. (F8PT-IIef-25)
Subtask: Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mahihirap na salitang ginamit sa
akda.

1
Aralin: Sarswelang Walang Sugat, Kasingkahulugan at kasalungat na Kahulugan

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8 Pahina: 207-252

Kasanayan Bilang: 2 Pagbibigay Kasingkahulugan at Kasalungat na Kahulugan Araw:2


KONSEPTO:

Kasingkahulugan- magkapareho ang kahulugan


Kasalungat- magkaiba/kabaliktaran ang kahulugan

Pagsasanay 1

Panuto: Ibigay ang kahulugan at kasalungat ng mga salitang madiin mula sa akdang
“ Walang Sugat” .Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa talahanayan.

apihin mamatay mabuhay


magtaksil mapahamak magtapat
malungkot mapulaan maligtas
arugain masaya matulungin

Kahulugan Mahirap na Salita Kasalungat


1 Aglahiin ng dayuhan
2 buhay ma’y makitil
3 Magahis sa panganib
4 Maglilo sa Inang Bayan
5 Malumbay ang buhay
,
nakatayo kalungkutan wagas
pagtitiis kaligayahan bumibilis
pagpapakasaya bumabagal huwad
kaunlaran kahirapan natumba

Kahulugan Mahirap na Salita Kasalungat


1. Kaakibat na pagbabata
2. Sumisinsin ang tibok
3. Matinding pagkasiphayo
4. Pag-ibig na dalisay
5. Dagling nabuwal

Layunin: .
1. Naipapahayag ang pangangatuwiran sa napiling alternatibong solusyon o proposisyon sa suliraning
inilahad sa tekstong binasa (F8PB-IIef-25)

Aralin: Pangangatwiran
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8 Pahina: 257

Kasanayan 3: Pangangatwiran Araw: 3


KONSEPTO:

Pangangatwiran- ito ay isang uri ng pagpapahayag na ang pangunahing layunin ay magpatunay ng


katotohanan o pagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang itoy maging katanggap-tanggap o kapani-
paniwala.
Alternatibong solusyon- panandaliang solusyon sa problema o suliranin.

Pagsasanay 1

Panuto: Suriin ang ilang pahayag na kinokonsiderang suliranin ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon.
Ibigay ang iyong pananaw kung ito ba ay tunay na nagaganap sa ating bansa o hindi. Lagyan ng ( / ) ang
hanay ng iyong sagot. Ibigay ang iyong katwiran o paliwanag batay sa iyong obserbasyon at ang mga
mungkahing solusyon kung ito ay mayroon ngang katotohanan.

Mga Tinatayang Suliranin Totoo Hindi Totoo Mga Patunay Mga Mungkahing
Solusyon
Mga Pilipinong nakararanas
Ng mga paglabag sa
karapatang pantao mula sa
kamay ng mga

2
maykapangyarihan tulad ng
nangyari kay Kapitan Inggo.
Paghahari ng mga dayuhan
sa bansa upang
mapakinabangan ang ating
mga likas-yaman
Pakikialam ng magulang sa
buhaypag-ibig o maging sa
pag-aasawa ng anak.

Layunin: .
1. Nasusuri nang pasulat ang papel na ginagampanan ng sarsuwela sa pagpapataas ng kamalayan ng
mga Pilipino sa kultura ng iba’t-ibang rehiyon sa bansa. (F8PU-IIef-26)

Aralin: Sarswelang Walang Sugat at Pasulat na Pagsusuri


Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8 Pahina: 262

Kasanayan 3: Pasulat na Pagsusuri Araw: 4


KONSEPTO:

Ang sarswela ay isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog na tungko sa mga
punong damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kapootan o kaya’y tungkol sa mga suliraning panlipunan o
pampolitika. Ito’y binubuo ng tatlong yugto, ang mga tagpo ay magkahalong seryoso at katawa-tawa o kung
tawagin ito’y melodrama o tragikomedya bilang isang uri ng dula.
Sa Sarsuwelang Walang Sugat ni Severino Reyes nakasalamin dito ang mga pagpapahalaga o
kulturang Pilipino tulad ng pagpapahalaga sa kababaihan kung saan may pantay na karapatan ang mga
babae sa mga lalaki, pagpapahalaga sa matrimonyo ng kasal kung saan magpapakasal si Julia kay Miguel
labag man sa kalooban niya pagkat matagal ng umanib bilang tulisan o rebelde si Tenyong. Ang ,
pagmamahal at paggalang sa magulang, ito’y naipakita ni Julia sa kanyang ina nang umayon siyang
magpakasal kay Miguel nang siya’y ipagkasundo nito. at maalab na pagmamahal sa bayan kung saan
Ipinaglalaban ni Tenyong ang kanyang karapatan, na dapat ang mga nasa poder o makapangyarihan ay di
mang-aapi sa mga taong mas mababa sa kanila lalo pa kung wala naman itong ginagawang masama. Ang
akda ay winakasan ng si Tenyong ay dumating sa kasal ni Julia, sugatan na halos mamatay na kaya
napapayag ang pamilya ni Miguel na ipakasal si Julia at Tenyong pagkat di magtatagal, ito’y mamatay din
naman. Napasigaw na lamang Miguel ng “Walang Sugat” pagkatapos ng kasal, kaya masayang masaya
ang dalawa dahil sila pa rin ang nagkatuluyan sa bandang huli.

Pagsasanay 1.

Suriin ang sarsuwelang “Walang Sugat” sa pamamgitan ng pagbuo ng graphic organizer. maglahad ng
papel na ginampanan ng dulang ito upang higit na mapahalagahan ang ating mga natatanging kultura at
pagpapapahalagang mayroon ang ating lahi.

Walang Sugat

Uri ng Dula Ayon sa Anyo

Mga pangyayari sa akdang sumusuporta sa uri ng


Dulang iyong isinulat sa sinundang kahon.

Maglahad ng papel na ginampanan ng dulang ito upang higit nating


mapahalagahan ang mga natatanging kultura at pagpapahalagang
mayroon ang ating lahi.

3
Inihanda ni:

VIVENCIA B. ESCAREAL

Oquendo National High School

You might also like