You are on page 1of 4

Kaalaman: /6

Kasanayan: /11

FILIPINO 8 Pag-unawa: /13


Pagsusulit 1, Unang Markahan
T. A. 2016-2017 / 30

Pangalan:__________________________________________________
Baitang at Seksyon _________________________________________
Petsa:______________________________________________________

I. KAALAMAN: (1 puntos bawat bilang)


A. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng karunungang-bayan ang mga
sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

1. Putak, putak, Batang duwag


Matapang kat Nasa Pugad
2. Aanhin pa ang damo,
kung patay na ang kabayo.
3. Parang natuka ng ahas nagulat

B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

__________4. Sino ang nanay sa kwentong Ang Alamat ng Durian?


A. Aling Mira C. Aling Gracia
B. Aling Rosa D. Aling Maria
__________5. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ni Daria?
A. mahina kumain
B. regular ang pagligo
C. walang hilig sa prutas
D. tamad sa paglinis ng katawan
__________6. Kanino inihabilin ng nanay sa kwento si Daria?
A. sa Panginoon
B. sa bahay-ampunan
C. sa kanyang tagapag-alaga
D. sa matalik na kaibigan ng nanay

II. KASANAYAN:
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong tungkol sa pangungusap.

7-9. Sang-ayon ka ba sa pagpapatupad ng curfew sa mga katulad mong


kabataan, kung saan hindi na maaaring umabot ng lagpas alas-diyes
ng gabi sa daan? Ipaliwanag ang iyong sagot sa loob ng kahon.
(3 puntos)

10-13. Anong uri ng karunungang-bayan ang pahayag na nasa ibaba?


Bakit mo ito nasabi? Ipaliwanag ang iyong sagot. (4 puntos)
Ang lumalakad nang marahan, matinik man ay mababaw. Ang
lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim.

14 - 17. Ano ang tema ng kwentong Ang Alamat ng Durian?


Ipaliwanag
ang iyong sagot. (4 puntos)

III. PAG-UNAWA
Panuto: Basahin at sagutan nang lubos ang mga sumusunod na
katanungan.
Alamat ng Sibuyas

Si Buyas ay anak ng manggagamot ng isang tribo na nakatira sa


paanan ng bundok ng Sierra Madre. Maliit pang bata ay kapansin-
pansin na ang pagiging sensitibo ni Buyas. Lalo siyang naging
maramdamin nang isilang ang bunsong kapatid. Maganda ang kapatid
kung ihahambing kay Buyas kaya agad napapansin ang kaibahan nila.
Palibhasa ay marami ang nagpapagamot sa ama, kadalasan ay
maraming tao sa kanilang kubo. Hindi maialis na mapansin ang mag-
kapatid dahil maliit lang ang kubo at doon mismo nanggagamot ang
kanilang ama.
"Kayganda ng inyong bunso," madalas ay sinasabi ng mga
nagpupunta roon.
"Maganda rin si Buyas," madalas ay maririnig ng kanyang ina. Ayaw
na ayaw ni Buyas na maririnig ang ganitong usapan. Agad na siyang
pupunta sa likod ng kubo at doon uubusin ang oras hanggang maubos
ang kanyang mga luha.
Nang magdadalaga si Buyas ay umibig siya sa isang makisig na
binata. Ang problema, ang bunso niyang kapatid ang gusto ng lalaki.
Masakit na masakit sa loob ni Buyas tuwing aakyat ng ligaw ang binata
sa kapatid. Ang gagawin niya ay magtatago sa kanilang likod-bahay at
doon iiiyak ang bigat ng damdamin.
Alam ng kanyang ina ang nararamdaman ni Buyas ngunit wala
itong magawa. Hindi nito mapanghihimasukan ang puso ng binata. Isa
pa ay paano naman ang damdamin ng bunsong anak?
Ilang buwan pa ay isinama na ng binata ang mga magulang upang
hingin ang kamay ng kapatid ni Buyas. Nais raw magpakasal ng dalawa
sa ikalawang pagbilog ng buwan.
Labis na dinamdam ni Buyas ang kamatayan ng pag-ibig.
Kinabukasan ay hindi na nakita si Buyas. Naglaho siyang tila bula.
Sumapit at natapos ang araw ng kasal ng bunsong kapatid ay hindi na
nakita si Buyas.
Isang umaga, habang nagwawalis sa likod-bahay ang ina ay
napansin nito ang isang halamang tumubo roon. Nang bunutin iyon ng
babae para itanim sa mas maayos na lugar ay nakita ang bilog nitong
mga bunga. Natuklasan ng ina na maaaring ipanahog sa pagkain ang
bunga. Pero higit sa lahat, natuklasan nitong nakapagpapaiyak ang
bunga kapag hinihiwa. Naalala tuloy ng ina ang anak na si Buyas.
Pinangalanan nitong buyas ang bungang iyon. Ang buyas ay naging
sibuyas makaraan ang maraming panahon.

Sanggunian: http://www.gintongaral.com/mga-alamat/alamat-ng-sibuyas/
18-22. Paano mo maiuugnay ang pangyayaring naganap sa pamilya ni
Buyas sa kasalukuyang panahon? Nangyayari pa rin baa ng
ganitong tagpo ngayon? Ipaliwanag ang iyong sagot. (5 puntos)

23-26. Ano ang pinakamahalagang aral na natutunan mo sa kwentong


Alamat ng Sibuyas? Paano mo ito magagamit sa iyong buhay?
(4 puntos)

27-30. Ano ang ibig sabihin ng salawikaing nasa ibaba? Magbigay ng


iyong sariling karanasan na maiuugnay mo sa salawikaing ito.
(4 puntos)

Habang maikli ang kumot, matutong mamaluktot.

You might also like