You are on page 1of 6

Filipino 9&10 K- /7

Ikaapat na Markahang Pagsusulit


P- /12
S.Y 2016-2017
U- /16
Pangalan: ______________________________ Petsa: ______________ Marka: Total: /35

I. Kaalaman (7 puntos)
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong tungkol sa nobelang Noli Me Tangere.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapahayag tungkol sa mapait na buhay
ni Pablo?
A. Nilapastangan ang anak niyang babae.
B. Ginawang katiwala ng mga kura ang mga anak ni Mang Pablo.
C. Pinagbintangan ang isang anak na lalaki na walang dalang cedula.
D. Pinagbintangang nagnakaw ang isang anak niyang lalaki na nagnakaw sa
kumbento.

_____ 2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa tatlong paraan ng pagtataguyod
ng pag-unlad, ayon sa kabanata ng Ipinakikilala ng Umaga ang Magandang
Araw?
A. mamuno C. pahila
B. makiisa D. pabigat

____ 3. Ano ang kahilingan ni Pilosopo Tasyo na sinabi niya kay Don Filipo bago siya
mamatay?
A. Bisitahin siya ni Ibarra.
B. Bigyan siya ng magandang libing.
C. Huwag ilibing ang kaniyang bangkay sa tabi ng simbahan.
D. Bumalik si Don Filipo sa kaniyang tungkulin sa pamahalaan.

_____ 4. Sa paanong paraan pinarusahan si Tarsilo ng mga guardia civil at ng alperes?


A. Ikinulong sa karsel at binugbog ng mga guardia civil.
B. Ibinitin nang patiwarik at nilublob sa nangangamoy na balon.
C. Pinakaladkad sa kabayo at inikot sa buong bayan ng San Diego.
D. Walang tigil na pinalo ng latigo, pagkatapos ay pinugutan ng ulo.

FILIPINO 9&10 | T. LYNETTE | IKAAPAT NA MARKAHAN 1


_____ 5. Sino-sino ang mga bangkay na pinagsama-samang inilagay sa isang kariton
nang hanapin ng mga guardia civil kung sino ang may pakana ng kaguluhan?
I. Bruno III. Pedro
II. Lucas IV. Lahat ng nabanggit

A. I at II C. II at III
B. I at III D. IV

_____ 6. Sino ang tinutukoy sa paglalarawan sa ibaba?

Nang maiwan ng kanyang asawang nagtungo sa Espanya ay nalulong


sa paglalasing at pananabako kayat pinagkatakutan tuloy ng mga bata at
dalaga.

A. Alperes C. Donya Consolacion


B. Don Tiburcio D. Donya Victorina

______ 7. Sino sa mga tauhan ng Noli Me Tangere ang nagturan ng pangungusap na


nasa ibaba?

Ngunit kung mabuti kang magbayad . . . ay magiging magkaibigan tayo!

A. Bruno C. Lucas
B. Linares D. Tarsilo

II. Proseso (12 puntos)


Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong nang buong husay.

8-10. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit? Gumawa ng sariling likhang


pangungusap gamit ang iyong sagot at salungguhitan ito. (3 puntos)

Tumitimo sa isip ni Ibarra ang sakit na naramdaman niya nang makita niyang
magkalapit na nag-uusap sina Maria Clara at Linares sa balkonahe.

FILIPINO 9&10 | T. LYNETTE | IKAAPAT NA MARKAHAN 2


11-13. Sino sa mga sumusunod ang gumamit ng kayarian ng salita na nasa tambalang
ganap? Bilugan ang pangalan ng mag-aaral na iyong sagot at ipaliwanag sa
kahong nasa ibaba. (3 puntos)

Kirk : Dumalaw kami sa bahay-ampunan noong nakaraang taon.


Mclaren : Karamihan ng mga pumunta sa pagpupulong ay mga anak-pawis.
Kervin : Naghahanap siya ng pamatid-uhaw dahil sa labis na init ng panahon.
Jay : Mistulang nag-asal-hayop siya nang malamang sinaktan ang anak niya.

14-16. Mula sa kabanatang Ang Kasaysayan ni Elias, paano mo mailalarawan ang


kaniyang naging buhay, maging ng kaniyang mga ninuno? Maglahad ng
dalawang (2) patunay bilang suporta sa iyong sagot. (3 puntos)

17-19. Ano ang nais ipagpakahulugan ng pahayag ni Don Filipo kay Pilosopo Tasyo?
Bakit niya ito nasabi? Ipaliwanag ang iyong sagot. (3 puntos)

Ganyan din ang pagsulong ng tao. Hindi ito mapipigil anuman ang
mangyari. Susuko ang ilan, may ilan pa ring mamamatay, subalit magpapatuloy
ang pag-unlad.

FILIPINO 9&10 | T. LYNETTE | IKAAPAT NA MARKAHAN 3


III. Pag-unawa (16 puntos)
Panuto: Basahin at sagutin nang lubos ang mga sumusunod na katanungan upang
makuha ang buong puntos.
20-25. Ilarawan ang mga katangian nina Crisostomo at Elias sa pamamagitan ng
pagsagot sa compare and contrast chart sa ibaba. (6 puntos)

Mga Katangian ni Pagkakapareho nina Mga Katangian ni Elias


Crisostomo Crisostomo at Elias

Ang isang lider sa Ang isang lider sa


kasalukuyang panahon na kasalukuyang panahon na
maihahalintulad mo kay maihahalintulad mo kay
Crisostomo ay si Elias ay si
__________________________. __________________________.
Bakit? Bakit?

FILIPINO 9&10 | T. LYNETTE | IKAAPAT NA MARKAHAN 4


26-29. Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang hindi namamatay dahil kahit noon pang
panahon ng Kastila isinulat ito ay patuloy pa ring natatalakay nito ang mga
pangyayari o ilang isyung panlipunan sa ating bansa sa kasalukuyan. Sa iyong
palagay, sino-sino ang sinisimbolo ng mga tauhan sa nasabing nobela sa
kasalukuyang panahon? Pumili ng dalawa (2) mula sa kahon at kumpletuhin ang
talahanayan. (4 puntos)

Maria Clara Padre Damaso Crisostomo Ibarra

Elias Tandang Tasyo Sisa

Tauhan Sinisimbolo nito sa lipunan Maikling Paliwanag


1.

2.

FILIPINO 9&10 | T. LYNETTE | IKAAPAT NA MARKAHAN 5


30-35. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong baguhin ang naging kinahinatnan o
wakas ng akdang Noli Me Tangere, paano mo ito tatapusin? Magbanggit ng
tatlong (3) paborito mong tauhan sa nobela at bigyan ng sariling makabuluhang
wakas. (6 na puntos)

Mga Paboritong Tauhan Sariling Wakas


Unang Tauhan:

Ikalawang Tauhan:

Ikatlong Tauhan:

Binabati kita sa iyong ipinakitang pagpupursige mula una hanggang ika-apat na markahan!

FILIPINO 9&10 | T. LYNETTE | IKAAPAT NA MARKAHAN 6

You might also like