You are on page 1of 7

FILIPINO 9&10

K- /10
Unang Markahang Pagsusulit
P- /18
S.Y 2016-2017
U- /22
Pangalan: ______________________________ Petsa: ______________ Marka: Total: /50

I. Kaalaman (10 points)


Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.

______ 1. Ano ang kasalungat ng nakasalungguhit na salita?

Namimighati ang ilan nating mga kababayan sapagkat hanggang ngayon


silay bihag pa rin ng kahirapan at kasalatan sa buhay.

A. nasisiyahan C. nababalisa
B. nalulungkot D. nag-aalala

_______ 2. Ang mga isyung tinalakay sa kwentong Takipsilim sa Dyakarta ay ang mga
sumusunod MALIBAN sa:
A. kahirapan
B. suliranin sa transportasyon
C. paghina ng pwersa ng kapulisan
D. pagkamanhid ng mayayaman sa kalagayan ng mahihirap

_______ 3. Ano ang iyong mahihinuha sa pahayag na nasa ibaba?


Nagpalipat-lipat ang tingin ng pulis kay Pak idjo, kay Raden Kaslan, at kay
Fatma.

A. Tinitingnan ng pulis kung sino ang nagsasabi ng totoo.


B. Tumitingin ang pulis sa ebidensyang magdidiin sa may kasalanan.
C. Nalilito ang pulis kung paano lulutasin ang suliraning kinasangkutan ng tatlo.
D. Naghihintay pa ng karagdagang patunay ang pulis sa aksidenteng
naganap.

_______ 4. Ano ang kahulugan ng apelyidong Rizal?


A. luntiang bukirin C. malaking bukirin
B. malawak na bukirin D. maaliwalas na bukirin
1
_______ 5. Itinatag ni Dr. Rizal sa Maynila ang La Liga Filipina noong ika-8 ng Hulyo,
1982. Ano ang mithiin ng samahang ito?
A. Layunin nitong magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Spanish Cortes.
B. Mabilisang hakbang para sa liberalisasyon ng ekonomiya ng bansa.
C. Mabago ang naghaharing sistema ng pamahalaan sa pamamagitan ng
mapayapang paraan.
D. Isang lihim na samahan na may layuning palayain ang bansa sa ilalim na ng
mga mananakop na Espanyol.

______ 6. Ano ang naging malaking tulong ni Maximo Viola sa pagbuo ng aklat
na Noli Me Tangere?
A. Nagpahiram ng salapi kay Jose Rizal upang makapaglimbag ng 2,000 sipi
nito sa Berlin.
B. Nanguna sa lupong nagsiyasat at gumawa ng ulat upang ipagbawal na
basahin ang Noli Me Tangere.
C. Propesor na pinadalhan ni Rizal ng sulat ang librong Aritmetika na nakasulat
sa wikang Espanyol at Tagalog
D. Nag-utos na bantayan si Rizal upang mailigtas siya sa mga tangka ng
kanyang mga kaaway, matapos mapalimbag ng mga aklat.

______ 7. Alin sa mga pagpipilian sa ibaba ang MALI?


A. Kapitan Tiago : tuso C. Padre Sibyla : masakitin
B. Padre Damaso : mapagmalaki D. Padre Salvi : laging nag-iisip

_______ 8. Sino sa mga sumusunod ang HINDI kinikilala bilang isa sa mga
makapangyarihan sa San Diego?
A. Alperes C. Kapitan Tiago
B. Don Rafael D. Gobernadorcillo

______ 9. Isang kasawian para sa alperes ang pagpapakasal kay Donya Consolacion.
Dahil dito, may mga bagay na ginagawa ang alperes laban sa kanyang asawa.
Anu-ano ang mga ito?
I. Lagi siyang naglalasing.
II. Minumura ng alperes si Donya Consolacion.
III. Binubugbog niya ang kaniyang maybahay.
IV. Pinagmamartsa niya ang mga kapwa-alperes.

A. I at II C. I, II, III, at IV
B. I, II, at III D. Wala sa nabanggit
2
_____ 10. Marahan ang mga hakbang ni Ibarra at iniiwasang mayapakan ang
nadaraanang puntod. Huminto siya nang marating ang lugar at iginala ang
tingin. Anong damdamin ang mahihinuha mula sa pahayag?

A. nandidiri C. natatakot
B. nag-iingat D. nagtatago

II. Proseso (18 puntos)


A. Panuto: Basahin at sagutan nang maayos ang mga sumusunod na katanungan.

11-14. Alin sa mga sumusunod ang na pares ng salita ang MALI?


A. bandido : tulisan C. largabista : kolektor ng buwis
B. pintakasi : patron D. artilyero : gumagawa ng kanyon

Piliin at isulat ang titik ng iyong sagot. Bakit ito ang iyong napili? Ipaliwanag. (4 puntos)

15-19. Paano mo maikukumpara ang mga katangiang taglay nina Padre Damaso at Padre
Salvi? May pagkakaiba at pagkakatulad ba sila? Isulat ang mga ito sa Venn Diagram
at ipaliwanag ang iyong sagot sa kahon. (5 puntos)

Paliwanag:

3
20-22. Ano ang mahihinuha mo mula sa pahayag na nakasalungguhit? Ipaliwanag
ang iyong sagot. (3 puntos)

Maraming nag-uusyoso sa kalye, patuloy si Pak Idjo sa paghimas sa ulo


ng kabayo, at nang bumalik si Raden Kaslan at sinabing Huwag kang tatakas.
Tumawag ako ng pulis, siya, kasama ang kabayo, ay libong beses na namatay
at humarap na sa lahat ng apoy sa impyerno, hanggang sa dumating ang mga
pulis sakay ng kanilang umaangil na motorsiklo, tulad ng tunog ng mga baril
na pumapatay.

B. Basahin ang mga pahayag na sinipi mula sa Kabanata IV at Kabanata VII at sagutin ang
mga sumusunod na katanungan.

Noon nagsilantad ang mga kaaway ni Don Rafael. Nagsimulang maglabasan


ang mga kasinungalingan. Inakusahan siya ng pagiging erehe at subersibo.
Ang pagiging erehe ay grabeng kaso, lalo na sa pagkakataong ito. Subalit
ang pagiging subersibo o pilibustero ay mas grabe kaysa pumatay ng
tatlong kolektor ng buwis na marunong bumasa at sumulat. Itinakwil ng lahat
ang inyong ama.

23-25. Ano ang ibig pakahulugan ng pahayag na nasa itaas? Ipaliwanag nang maayos
ang mga salitang erehe, subersibo, at pilibustero sa loob ng kahon. (3 puntos)

4
Sa palagay mo bay ikaw lamang ang marunong umibig, na di mahal ng
iyong ama, at hindi siya masasaktan sa iyong pag-alis? Kailan lamang namatay
ang iyong ina. Tumatanda na ako at nangangailangan ng iyong tulong at
pagtingin. Ngunit minabuti ko ang mag-isa. Hindi ko alam kung magkikita pa tayo.
Subalit may mas importanteng bagay kang dapat isipin. Nakabukas pa sa iyo ang
kinabukasan. Sa akin ay pinid na. ang mga pag-ibig mo ay isa-isa pa lamang
sumisilang samantalang ang sa akin ay isa-isa nang naghihingalo.Sumusulak pa ang
dugo sa iyong mga ugat samantalang ang sa akin ay unti-unti nang nanlalamig.
Ngunit umiiyak ka at hindi makapagtiis ngayon alang-alang sa ikabubuti ng iyong
bayan.

26-28. Ang pahayag na ito ay sinabi ni Don Rafael Ibarra kay Crisostomo bago siya
mamatay. Ano ang nais ipakahulugan ni Don Rafael? Bakit niya ito sinabi sa kanyang
anak?(3 puntos)

III. Pag-unawa (27 puntos)


Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Sagutan nang lubos ang mga ito upang
makuha ang buong puntos sa bawat bilang.

29-31. Bakit napakahalaga ng aklat na The Wandering Jew? kay Dr. Jose Rizal?
Ipaliwanag. (3 puntos)

5
32-37. Ano ang pinakamatingkad na isyung panlipunan ang ipinakita sa kwentong
Takipsilim sa Dyakarta, na hanggang sa ngayon ay umiiral pa rin sa ating bansa?
Bigyang-patunay ang sagot at ipaliwanag. Magbigay ng posibleng solusyon sa
isyung nabanggit na maaaring magawa ng kabataang tulad mo. (6 puntos)

Isyung Panlipunan:

Mga Patunay: Paliwanag:

Posibleng Solusyon:

38- 40. Basahin at unawain ang pahayag na sinabi ni Dr. Jose Rizal. Sagutin ang
sumusunod na tanong. (4 puntos)

Minsan lamang mamatay ang isang tao at kung hindi lamang ito magiging
isang mabuting pagkamatay, isang magandang pagkakataon ang nawala
at hindi na muling babalik.

Sumasang-ayon ka ba sa pahayag na ito? Kung oo, bakit? Kung hindi, bakit hindi?

6
41-45. Ang Noli Me Tangere ay isinulat ni Rizal mahigit 100 taon nang nakalipas. Sa tingin
mo, dapat bang gamitin at pag-aralan pa rin ang aklat na ito sa hayskul kahit ang
Pilipinas ay isa ng malayang bansa? Bigyang patunay ang iyong sagot. (4 puntos)

46-50. Paano makatutulong sa iyong sarili ang mga aral na makikita sa Kabanata 1-13 ng
Noli Me Tangere? Magbigay ng ilang aral na natutunan mo at ipaliwanag kung
paano mo ito gagawin sa kasalukuyang panahon. (5 puntos)

Aral 1: Paliwanag:

Aral 2: Paliwanag:

Aral 3: Paliwanag:

Magtiwala sa iyong sarili. KAYA MO YAN!

You might also like