You are on page 1of 4

Unang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 6

Oktubre
S.Y.: 2022-2023

Pangalan: __________________________ Seksyon: __________________ Marka: _______


Petsa: _____________________________ Lagda ng Magulang: _______________________

Pangkalahatang Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Ipinagbabawal ang pagbubura.
I. Ang Pag-Usbong ng Liberal na Ideya Tungo sa Kamalayang Nasyonalismo
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang katanungan ng bawat bilang at tukuyin ang hinihingi.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa kaisipang makabansa o makabayan?


a. Liberalismo b. Nasyonalismo c. Imperalismo d. Monarka

2. Ito ay tumutukoy sa kaisipan na Pagkamulat o Age of Enlighment.


a. Nasyonalismo b. Imperalismo c. Liberalismo d. Monarka

3. Ito ay ang tawag sa kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco bilang bahagi ng pagkontrol
ng mga Espanyol sa pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa mga kalapit -bansa nito.
a. Kalakalang-Kotse c. Kalakalang Galyon
b. Kalakalang-Kalesa d. Kalakalang Barter

4. Ito ang artipisyal na daanan ng tubig na nagdurugtong Mideterranean Sea at Red Sea.
a. Spratly Island b. Pantag Shoal c. Suez Canal d. Benham Rise

5. Ano ang magandang naidulot ng pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa pandaigdig na


kalakalan?
a. Napadali ang pakikipagkalakalan.
b. Naging madali ang pagpasok ng mga dayuhang mananakop.
c. Naging maikli ang paglalakbay ng Maynila patungo sa ibang bansa.
d. Napadali ang komunikasyon ng mga Espanyol sa iba’t ibang dako ng mga katutubong
Pilipino.

6. Ano ang tawag sa mga paring Pilipino sa panahon ng Espanyol sa Sekularisasyon at Cavite
Mutinity?
a. Paring Sekular b. Paring Regular c. Misyonero d. Obispo

7. Ito ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda noong Pebrero 15, 1889.
a. Diariong Tagalog b. Kalayaan c. La Liga Filipina d. La Solidaridad
8. Paano nakaimpluwensiya sa pananaw at kaisipan ng mga Pilipino ang pagbitay ng mga
Espanyol sa tatlong paring martir na tinawag na GOMBURZA?
a. Namayani ang takot sa mga Pilipino kung kaya pinili na lamang nilang manahimik.
b. Naghimagsik ang mahihirap na Kristiyano laban sa mga Espanyol kaya sumiklab ang
malawakang pag-aalsa.
c. Itinuring na bayani ang tatlong paring martir kung kaya napukaw ang kanilang
damdaming nasyonalismo.
d. Nawalan ng tiwala ang mga Pilipino sa kaparian at simbahan dahil sa kawalan nila ng
aksiyon sa karahasan.

9. Ang sumusunod na mga pahayag ay mga dahilan kung bakit hinangaan ng maraming Pilipino
ang pamumuno ni Gobernador-Heneral Carlos Moira Dela Torre maliban sa alin?
a. Nagpatupad siya ng mga makatarungang patakaran at naging pantay ang katayuan ng
mga Pilipino at Espanyol.
b. Isinulong niya ang kalayaan sa pagpahayag at malayang pagtatalakay sa usaping may
kinalaman sa lipunan at politika.
c. Ipinahinto niya ang paglalatigo sa mga Pilipinong sundalo na tumiwalagsa hukbong-
sandatahan ng kolonya.
d. Sinikap niyang maiangat at mapaunlad ang kalagayang pang-ekonomiya ng Pilipinas
upang maging probinsiya ng Espanya.

10. Bakit sumiklab ang pag-aklas sa Cavite noong Enero 20, 1872?
a. Ito ay dahil sa tila kwalang pakialam ng pamahalaang kolonya ng Espanya sa laganap
na kahirapan ng mga Caviteño.
b. Nag-ugat ito sa agawan ng lupa ng mayayamang Espanyol at mahihirap na magsasaka.
c. Tinanggalan ng karapatan ang mga manggagawang Caviteño na hindi nakapagbayad
ng kaukulang buwis.
d. Ito ay dahil pagpataw ng pamahalaang kolonyal na mataas at hindi makatarungang
buwis sa mahihirap na magsasaka.

II. Sino Ako?


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
tinutukoy ng bawat aytem. Piliin ang sagot sa kahon.

a. Graciano Lopez Jaena f. Emilo Jacinto


b. Gregorio Meliton Martinez g. Rafael Izquierdo
c. Marcelo H. Del Pilar h. Miguel Morayta
d. Andres Bonifacio i. Sarhento La Madrid
e. Dr. Jose P. Rizal j. Carlos Maria Dela Torre

_______11. Siya ay ang may-akda ng Noli Me Tangere.


_______12. Siya ay ang Gobernador Heneral na tumulong sa mga Pilipino at naniniwalang pantay-
pantay ang lahat.
_______13. Siya ay ang Utak ng Katipunan.
_______14. Siya ay ang Ama ng Katipunan.
_______15. Siya ay ang Gobernador Heneral na nagpahirap sa mga Pilipino.
_______16. Siya ang may-akda ng Diariong Tagalog.
_______17. Siya ay ang tumulong ni Dr. Jose Rizal sa samahang La Liga Filipina.
_______18. Siya ang paring naniniwalang nawalang kasalanan ang tatlong pari.
_______19. Siya ay ang namuno sa pag-aalsa sa Cavite.
_______20. Siya ay ang may-akda ng La Solidaridad.
III. Sanhi at Bunga ng KKK
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Ipares ang sanhi sa Hanay A ang mga
bungang pangyayari nito sa Hanay B sa pamamagitan ng pagdugtong gamit ang linya.

Hanay A Hanay B

21. Nilitis at binaril si Dr. Jose P. Rizal. a. Higit na nag-alab ang damdaming
III. paghihimagsik ng mga Pilipino.
22. Naghanda ng mga kagamitang
pandigma ang mga Katipunero. b. Itinatag ng mga Pilipino ang KKK.
23. Sinimulan ng mga Katipunero ang
pakikipaglaban kahit hindi sila c. Natalo sa labanan ang mga
nakahanda. Katipunero.
24. May traydor sa samahan ng d. Kumalat ang paghihimagsik sa
Katipunan. mga lalawigan.
25. Itinatag ng mga Espanyol ang e. Natuklasan ng mga Espanyol ang
maigting na Pamahalaang Batas balak ng mga Katipunero.
Militar.

Sanaysay
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan  sa bawat bilang. Ipaliwanag o ibigay ang
sariling opinyon ng mga ito nang buong husay. Gawing gabay ang rubrik sa
ibaba sa pagsagot. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.

Punto Mga Pamantayan


s
 Maayos ang paglalahad ng sanaysay.
 Akma ang sagot sa paksa.
5  Wastong pagbaybay ng bawat salita.

 Maayos ang paglalahad ng sanaysay.


 Hindi gaanong magka-akma ang sagot sa tanong.
4  May isa hanggang dalawa ang hindi wastong pagbaybay ng salita.

 Hindi gaanong maayos ang paglalahad ng sanaysay.


 May mga sagot na nawawala sa paksa.
3  May hanggang tatlong salita ang hindi wasto sa pagbaybay.

 Hindi gaanong maayos ang paglalahad ng sanaysay.


 Nawawala sa paksa ang sagot.
2  Maraming salita ang hindi wastong pagbaybay.
1. Alin ang mas makapangyarihan, ang pluma ng mga propagandista o ang armas ng mga
katipunero? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Kung ikaw ay isang Katipunero at ginigipit ng mga Espanyol, isisiwalat mo ba ang lihim ng
iyong kilusan? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Kung ikaw ay nabuhay sa panahon ng mga Katipunero, makikibahagi ka ba sa paghihimagsik


kahit alam mong ito ay mapanganib para sa iyo at sa iyong pamilya? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

“Gamitin ang kalakasan at karunungan sa mabuting paraan.”

Inihanda ni:
Gng. Queency C. Lozano

You might also like