You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 5

SUMMATIVE TEST NO. 1


Modules 1-2
RD
3 QUARTER

Pangalan: _____________________________________________ Iskor: __________

I. Iguhit ang tsek ( / ) sa pahayag na nagsasaad ng paraan ng pagtugon sa kolonyalismo at ekis ( X )


naman kung hindi.

____1. Ginamit ng mga ilustrado ang dunong upang gisingin ang diwang makabansa ng mga katutubo.
____2. Nagtanim ng mga gulay ang mga katutubo sa bakuran nila.
____3. Tinanggap ang pamahalaang kolonyal sa pamamagitan ng
pagsasawalang-kibo sa nagaganap na kalupitan ng mga dayuhan.
____4. Nagalit ang mga prayle sa mga Pilipino.
____5. Ninais ng mga datu na maibalik ang dating posisyon at dangal kaya sila ay bumuo ng pangkat at nag-
alsa.

II. Piliin ang wastong paglalarawan sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa tugon ng mga
katutubo sa kolonyalismo. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

____6. Ano ang naging bunga ng pagkakaroon ng edukasyon ng mga kabataan noong panahon ng
kolonyalismo?
A. Ginamit nila ito upang makilala sa lipunan.
B. Naging mulat sila at naghangad ng pagbabago.
C. Napabilang sila sa mga pinuno ng pamahalaan.
D. Nanatili silang tahimik sa nagaganap sa bansa.
____7. May mga Pilipino na likas na makasarili upang makuha ang pansariling kagustuhan.
A. Nagtago sila sa mga Espanyol upang malibre sa mga patakarang Espanyol.
B. Nagbayad sila ng mga kapwa Pilipino upang sila ang gumawa ng mga gawaing nakatakda sa
kanila.
C. Nakipagsabwatan sila sa mga Espanyol para malibre sa mga patakaran.
D. Naging tapat sila sa kapwa Pilipino.

____8. Si Jose Rizal ay naglayon na mamulat ang mga katutubo sa malupit na pamamahala ng mga
Espanyol.
A. Nagtatag siya ng pangkat na magmamanman sa mga sundalong Espanyol
B. Naghikayat at namuno siya sa pagsasagawa ng mga lihim na pag-aalsa.
C. Sinulat niya ang librong Noli Me Tangere at El Filibusterismo upang tuligsain ang dayuhan.
D. Nagpagawa siya ng maraming sandata upang ipamigay sa mga katutubo.
____9. Naranasan ng mga Pilipino ang lupit ng mga patakarang ipinatupad sa kolonya.
A. Nagsawalang-kibo ang nakararaming mga katutubo dahil sa takot sa mga sundalong Espanyol
B. Tumutol sila sa pamamahala ng mga dayuhan at piniling takasan ang kalupitan ng mga dayuhan.
C. Bumuo sila ng samahan upang simulan ang pag-aalsa.
D. Lahat ay tama.

____10. Ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan ay nakaranas ng diskriminasyon mula sa
mga dayuhan ay hindi nanatiling sunud-sunuran na lamang.
A. Nanatiling tikom ang bibig at takot na sumalungat sa patakaran ng mga dayuhan.
B. Mga kababaihan na sumali sa pag-aalsa ay hindi naging hadlang ang kanilang kasarian.
C. Mga magsasaka na hinayaang kunin ang kanilang lupain.
D. Gumawa ng kasunduan na babayaran ang mga katutubo sa kanilang gawain

Tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang. Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa loob ng
kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
anim Digmaang Moro Legazpi walo
Moors comandancia Jihad 1964

11.) Ito ay pamahalaang militar na itinatag ng pamahalaang kolonyal upang masiguradong magiging
mapayapa ang partikular na teritoryo at susunod sa mga patakarang Espanyol ang mga nakatira dito.
12.) Ang katawagang “Moro” ay buhat sa ______________, o ang pangkat-etnikong mula sa hilagang
Aprika na sumakop sa Espanya noong ikawalong siglo.
13.) Banal na digmaang inilunsad ng mga Muslim upang ipagtanggol ang kanilang relihiyon at paraan ng
pamumuhay.
14.) Ilang digmaan ang sumiklab sa pagitan ng mga Muslim at mga Espanyol?
15.) Sino ang nagpadala ng misyon sa Ilocos na pinamunuan ng kaniyang apo na si Juan de Salcedo upang
siyasatin ang mga gintong ibinebenta dito ng mga Igorot?

Ilagay ang tsek (/) sa patlang kung ang mga sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng tunay na
nangyari at ekis (X) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_______
16.) Dalawang paraan ang ginamit ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas ito ay sa pamamagitan ng
paggamit ng dahas at pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
_______
17.) Maraming matapang na Pilipinong Muslim ang lumaban sa mga Espanyol. Gumawa sila ng mga
sariling armas na kanilang ginamit laban sa mga dayuhan.
_______
18.) Mayroong mga katutubong pamayanan na tumangging mapasailalim sa Kristiyanismo.
_______
19.) Hindi lumaganap ang Kristiyanismo sa mga Muslim sa katimugan ng Pilipinas at sa mga katutubong
pangkat ng Cordillera.
_______
20.) Nagtagumpay ang pag-aalsa ni Magat Salamat laban sa mga Espanyol dahil higit na makabago ang
kanilang sandata.

III. Isulat sa iyong sagutang papel ang TAMA kung ang pahayag ay tungkol sa mga kahalagahan ng
pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol at MALI kung hindi.

_______21. Ipagtanggol ang bansa kahit sa mga sa anumang paraang naaayon sa batas.
_______22. Huwag tularan ang mga unang Pilipinong nagtanggol sa bansa.
_______23. Ipagsawalang bahala ang kabayanihang ginawa ng mga Pilipino na nagtanggol sa bansa laban
sa mga Espanyol.
_______24. Mahalagang malaman ng mga kabataan ang mga ginawang kabayanihan ng mga unang Pilipino
na nagtanggol sa bansa
_______25. Gawing huwaran ang mga unang Pilipinong nagtanggol sa bansa.

You might also like