You are on page 1of 10

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA MOTHER TONGUE 3

First Quarter

TABLE OF SPECIFICATION

No. of No. of Item


Objectives Percentage
Days Items Number
Natutukoy ang mga element ng
1 14% 3 1-3
kuwento
Natutukoy ang pangngalan sa
1 14% 3 4-6
pangungusap
Napag-uuri ang mga pangngalan 1 15% 5 7-11
Natutukoy ang kailanan ng
1 14% 3 12-14
pangngalan
Natutukoy ang pangngalang
1 15% 4 15-18
pantangi at pambalana
Natutukoy ang pangngalang
1 14% 3 19-21
pamilang at di-pamilang
Nagagamit ang mga tandang
1 14% 4 22-25
pamilang
TOTAL 7 100% 25 25

Tukuyin ang elemento ng kuwentong inilalarawan sa bawat bilang. (Tagpuan, Tauhan, Pangyayari)
1. Ang ______ ay ang mga tao na gumanap sa kuwento.
2. Ang ______ ay nagsasaad kung saan at kalian nangyari ang kuwento.
3. Ang _____ ay nagpapakita ng suliranin at kalutasan sa kuwento.

Kopyahin ang mga pangungusap at bilugan ang lahat ng pangngalan.

4. Sumayaw sa plasa ang mga mag-aaral.


5. Nilinis ni Mang Erning ang buong paaralan.
6. Masayang ipinagdiwang ni Annie ang kanyang kaarawan.

Isulat sa tamang hanay ang mga sumusunod na pangngalan.

upuan Kuting aklat ibon Bagong Taon


Tiya Rose palengke tatay kasalan silid-aklatan

7. Tao 8. Hayop 9. Bagay 10. Lugar 11. Pangyayari

Tukuyin ang kailanan ng pangngalang may salungguhit.

12. Pinatuka ni Julie ang kanyang mga alagang manok.


13. Ang pusa ay kasabay na tumatakbo ng mga aso.
14. Bumili si Jim ng isang kahon na may lamang dalawang paso

Isulat kung ang sumusunod na pangngalan ay Pantangi o Pambalana.


15. paaralan
16. Colgate
17. Choco Mucho
18. kamag-aral

Isulat ang PP kung ang sumusunod ay pangngalang pamilang at DP kung di-pamilang.

19. ice cream


20. saging
21. bayabas

Piliin ang angkop na tandang pamilang na ginagamit sa sumusunod na pangngalang di-pamilang. Ilagay ito sa
patlang.
isang basong isang platong
isang tasang
isang kahong isang kilong
22. _________ kanin
23. _________ manok
24. _________ tubig
25. _________ pasas
IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA MOTHER TONGUE 3
First Quarter

TABLE OF SPECIFICATION

No. of No. of Item


Objectives Percentage
Days Items Number
Natutukoy ang angkop na tagpuan
(lugar at panahon) ng mga 1 14% 6 1-3
pangyayari
Napagsusunud-sunod ang mga
pangyayari o mga hakbang sa 1 14% 5 4-6
gawain
Natutukoy ang wastong gamit ng
1 15% 6 7-11
salitang umaasa at gusto
Natutukoy ang pagkakaiba ng
kongkreto at di-kongkretong 1 14% 6 12-14
pangngalan
Nakikilala ang kaibahan ng tula at
1 15% 7 15-18
kuwento
TOTAL 5 100% 30 30

Piliin ang tamang lugar na pinangyarihan ng kuwento. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Handaan para sa Pasasalamat saan ito nangyari? ____________


a. sa bahay b. sa parke c. sa palengke
2. Kailan ito nagaganap?
a. Araw ng mga Kaluluwa c. Araw ng Pasko
b. Araw ng mga Puso
3. Kuwento tungkol sa mga diwata Saan ito nangyari? ___________
a. Paaralan b. Palasyo c. Zoo
4. Kailan ito naganap? ____________
a. noong unang panahon b. Kasalukuyan c. sa darating na panahon
5. Mga katatakutang kuwento saan ito nangyari? ____________
a. sa handaan b. Nakakatakot na bahay c. palasyo
6. Kailan ito nangyari? ____________
a. gabi b. tanghali c. madaling araw

Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa pagkuha ng pagsusulit. Isulat ang 1-5


7. _________ Basahin at unawain ang panuto
8. _________ Isulat ang pangalan, baitang at pangkat
9. _________ Tingnan kung gaano katagal ang pagsusulit
10. _________ Magbalik-aral sa iyong mga sagot
11. _________ Basahin at maingat na sagutan ang pagsusulit

Punan ang patlang ng salitang umaasa o gusto upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
12. _______ akong hindi uulan sa aking karawan.
13. _______ nina Maria at Carla na maging diwata.
14. _______ akong bibisita ang aking mga lolo at lola ngayon.
15. _______ ng aking kapatid na makakita ng taga-ibang planeta.
16. _______ si Norman na manalo siya sa paligsahan.
17. _______ ang aking mga magulang na makakatapos ako ng pag-aaral.

Tukuyin at isulat kung ang sumusunod ay sumusunod na pangngalan ay kongkreto o di-kongkreto.


18. pag-ibig
19. kaunlaran
20. luha
21. telebisyon
22. kabayanihan
23. mag-anak

Pangkatin at isulat sa loob ng kahon ang angkop na mga salitang magpapakilala ng kaibahan ng kuwento sa tula.
IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA MOTHER TONGUE
First Quarter

TABLE OF SPECIFICATION

No. of No. of Item


Objectives Percentage
Days Items Number
Natutukoy ang salitang-ugat at
1 16% 5 1-5
panlapi na ginamit sa salita
Nakikilala ang simile o pagtutulad
1 17% 5 6-10
sa pangungusap
Natutukoy ang pangunahing diwa
1 17% 5 11-15
ng talata at bawat saknong ng tula
Nagagamit ang angkop na
1 17% 5 16-20
metapora sa pangungusap
Nagagamit ang mga bahagi ng
aklat (talaan ng nilalalaman) sa 1 16% 5 21-25
pagkuha ng impormasyon
Nakasusulat ng talata na
sinusunod ang mga pamantayan 1 17% 5 26-30
sa pagsulat ng talata
TOTAL 5 100% 30 30

Kumpletuhin ang talahanayan

Salita Salitang-ugat Panlapi


1. madaya
2. kasama
3. sabihin
4. sumayaw
5. kinain

Salungguhitan ang simile o pagtutulad na ginamit sa bawat pangungusap.


6. Nagningning tulad ng araw ang kaniyang mga mata nang makita niya si Leah.
7. Nagsasalita siyang simbanayad ng hangin.
8. Singgaan ng balahibo ang papel.
9. Ang hanging amihan ay tulad ng malambot na tela sa aking balat.
10. Lumangoy siyang simbilis ng isda.

Basahin ang mga sumusunod na saknong at talata. Piliin at isulat ang titik ng pangungusap na nagsasaad
ng pangunahing diwa.

11.

12.
13.

14. Ang mag-anak nina Rico ay nakatira sa lungsod. Wala silang bakuran upang pagtaniman ng
mga puno ngunit mayroon silang gulayan. Tinuruan siya ng kaniyang mga magulang na magtanim ng
gulay tulad ng petsay, kamatis, at talong sa mga lata at boteng lalagyan ng tubig.
a. Ang mag-anak nina Rico ay nagtatanim ng mga gulay.
b. Ang mag-anak nina Rico ay nangangarap magkaroon ng bakuran.
c. Ang mag-anak nina Rico ay may gulayan kahit sila’y nakatira sa lungsod.
15. Si Ana at ang iba pang girl scout ay sumali sa isang proyekto sa kanilang pamayanan na tinawag na
“Tayo nang Maglinis.” Araw-araw pagtapos ng klase, nagwawalis sila ng kalsada. Nagtatanim din sila ng
mga puno upang mapanatiling luntian ang paligid. Naniniwala silang ang pamayanang malinis ay ligtas sa
sakit.
a. Si Ana at ang iba pang girl scout ay naglilinis ng paligid araw-araw.
b. Si Ana at ang iba pang girl scout ay sumali sa proyektong “Tayo nang Maglinis” upang maging ligtas
sa sakit ang kanilang pamayanan.
c. Nakatutuwang maging girl scout dahil maaari kang sumali sa proyekto ng pamayanan.

Buuin ang pangungusap gamit ang metapora sa loob ng kahon.


dilang-anghel pusong mamon dugong-bughaw
pusong bato isang kahig, isang tuka

16. Madaling mawala ang galit ni Bing. Siya ay may _____________________________.


17. Hindi marunong magpatawad si Rene. Mayroon siyang __________________________.
18. May_____________________ang pamilya nila Mark. Mayaman at kilala ang pamilya nila sa kanilang lugar.
19. Kung minsan, nagkakatotoo ang lahat ng sinasabi ni Susan. Siya ay may__________.
20. Wala halos makain ang pamilya nila Jose dahil walang trabaho ang magulang niya. Sila
ay___________________________________.

Pag-aralan ang talaan ng nilalaman ng aklat.

21. Ilang aralin mayroon sa talaan?


22. Ano ang pamagat ng huling aralin?
23. Saang pahina mo makikita ang impormasyon tungkol sa pagtuklas ng iyong lakas?
24. Anong impormasyon ang makikita sa pahina 98?
25. Aling aralin ang nagbibigay ng pangkalahatang ideya ng libangan?

26-30. Sundin ang wastong paraan ng pagsulat ng talata.


a. Linisin ang isda.
b. Ibalot ang isda sa harinang may asin at paminta.
c. Ilagay ang isda sa kumukulong mantika.
d. Iprito ang isda hanggang sa maluto.
e. Hanguin ang isda at ilagay sa lalagyang may sapin upang tumulo ang mantika.
f. Ilagay ang isda sa isang pinggan na may hiniwang kamatis.
IKAAPAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT SA MOTHER TONGUE
First Quarter

TABLE OF SPECIFICATION

No. of Percentag No. of Item


Objectives
Days e Items Number
Nakikilala ang mga bahagi ng
1 25% 5 1-5
aklat
Natutukoy ang mga bahagi ng
1 25% 5 6-10
payak na pangungusap.
Nagagamit ng wasto ang mga
salitang iisa ang baybay
1 25% 5 11-15
ngunit magkaiba ang diin at
kahulugan
Natutukoy ang katangian ng
tauhan base sa kanyang kilos 1 25% 5 16-20
at pananalita
TOTAL 4 100% 20 20

Isulat ang bahagi ng aklat na inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.
Pabalat ng Aklat Talaan ng Paglilimbag ng Aklat Talaan ng Nilalaman
Katawan ng Aklat Glosari
1. Ang ________ ang makapal na bahagi ng aklat kung saan matatagpuan ang nilalaman ng aklat.
2. Sa ______ makikita ang kahulugan ng mga salitang ginamit sa aklat.
3. Sa ______ matatagpuan ang paksa, aralin at pahina kung saan ito mababasa.
4. Sa bahaging ito nasasaad kung kalian inilimbag ang aklat.
5. Ang makulay na bahagi ng aklat ay ang ____ kung saan makikita ang pamagat, may-akda at gumuhit ng
larawan.

Basahin at kopyahin ang sumusunod. Bilugan ang simuno at guhitan ang panaguri sa bawat pangungusap.
6. Nagwawalis ng bakuran si Athena.
7. Nagbubunot naman ng damo si Mark.
8. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong dahon sa hukay na gagawing abono.
9. Nilalagyan ni Mang Jose ng abono ang mga tanim.
10. Nagbubungkal ng lupa si Rose.

Hanap larawan: Piliin at isulat ang titik ng larawang nagpapahayag ng pangungusap.


11. Kulay ube ang puso sa puno ng saging.

a. b.

12. Si Mimi ay nagdiwang na ng ika-pito niyang kaarawan.

a. b.

13. Ang baso ay puno ng gatas.

a. b.

14. Saya ang nais isuot ni ate sa Linggo ng Wika.

a. b.

15. Kulay berde ang upo.

a. b.
Balikan ang detalye ng kuwento. Piliin ang katangian ng tauhan na inilalarawan sa pangungusap.
16. Iniwan ni Monita kay Monina ang mga kasangakapan na hindi nahuhugasan sa gabi. Si Monita
ay__________.
mapagbigay bastos tamad
17. Hinugasan ni Monina ng mga pinggan ng walang reklamo si Monina ay __________.
mabait mapagbigay matulungin
18. “Monita, ibigay na lang natin sa matandang nagugutom ang ating baon. Si Monina ay__________.
malungkot galit mapagbigay
19. “Ibigay mo ang iyong baon, pero ang sa akin ay hindi ko ibibigay,“ wika ni Monita. Siya ay _________.
makasarili maalalahanin palakaibigan
20. Nararamdaman niyang siya ay __________.
masaya malungkot mainitin ang ulo
IKALIMANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA MOTHER TONGUE
First Quarter

TABLE OF SPECIFICATION

No. of No. of Item


Objectives Percentage
Days Items Number
Natutukoy ang susi o paksang
1 20% 5 1-5
pangungusap sa talata
Napag-uugnay ang dalawang
payak na pangungusap upang
1 20% 5 6-10
makabuo ng tambalang
pangungusap
Natutukoy ang pagkakaiba ng
tambalang pangungusap at 1 20% 5 11-15
hugnayang pangungusap
Nagagamit ang angkop na
pang-ugnay upang mabuo 1 20% 5 16-20
ang hugnayang pangungusap
Nailalarawan ang kahulugan at
1 20% 5 21-25
kahalagahan ng talaarawan.
TOTAL 4 100% 25 25

Basahin ang bawat talata at isulat ang paksang pangungusap ng bawat isa.
1. Sa kabuuan, mayroong 7,107 na isla ang Pilipinas. Sa bilang na ito, may 2,773 lamang ang may
pangalan. Marami sa mga pulo ang lubhang maliit kaya hindi matirhan ng tao. Ito ang dahilan kung
bakit wala silang pangalan.
2. Nagtatanim sa kagubatan ng palay, mais, tubo, pinya at iba pang halamang pagkain. Nagtatanim
din ditto ng tabako, abaka, puno ng goma at iba pang puno at halaman. Angkop na angkop talagaang
malawak at matabang lupa ng kapatagan bilang lupang taniman o sakahan.
3. Malaki ang naitutulong ng Ma. Cristina Falls sa pagkakaroon ng kuryente sa Lanao Del Norte.
Giangamit ang enerhiya ng tubig upang makakuha ng kuryente. ANg kuryeteng mula ditto ay ginagamit
sa mga makina ng pabrika, ilaw sa tahanan at iba pang kagamitan.
4. Ang kaibigan ko ay mabait at maalalahanin. Mapagbigay siya at handang dumamay sa lahat ng oras.
Hinding-hindi ka niya iiwan kahit kalian. Hindi rin niya hahayaang mapasama ang kaibigan. Mabuting
kaibigan si Norie.
5. Ang watawat ay pambansang sagisag ng ating bansa. Ito ay my kulay asul, pula at puti. May isang araw
na may 8 sinag sa gitna ng tatsulok. Sa bawat sulok nama’y may 3 bituin na kumakatawan sa Luzon,
Visayas at Mindanao.

Pagtambalin ang dalawang sugnay na nakapag-iisa upang makabuo ng tambalang pangungusap. Gumamit ng
wastong pang-ugnay.

6.
7.
8.
9.
10.
Basahing mabuti ang pangungusap. Isulat kung ang pangungusap ay tambalang pangungusap o hugnayang
pangungusap.
11. Pumunta kami sa hardin ngunit wala naman kaming ginawa doon kahapon.
12. May sakit si Alice at kailangan niyang tumigil muna sa bahay.
13. Nagpunta ang pamilya Montemayor sa evacuation center dahil nangangailangan sila ng tulong.
14. Hindi magamit nina Lina at Sarah ang bisikleta dahil sira ito.
15. Nagbasa ang nanay ng magasin habang naghihintay siya ng bus.

Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng paglalagay ng pag ugnay na dahil o habang.


16. Nakapunta kami sa maraming lugar _____ kami ay nasa Cebu.
17. Kailangan ni Marta na magsuot ng tsinelas ______ namamaga ang kaniyang paa.
18. Sikat ang pamilya Garrara ________ lahat ng kanilang mga anak ay nasa honor roll.
19. Dapat tayo ay palaging magbasa _______ tayo ay bata pa.
20. Pumunta muna kami sa silid-aklatan ______ naglilinis ang mga lalaki sa silid-aralan.

Basahin ang mga pangungusap tungkol sa talaarawan. Isulat kung ito ay Tama o Mali.
21. Sa talaarawan karaniwang isinusulat ang mga bagay tungkol sa ating sarili.
22. Mga pangyayari na gusto lang natin.
23. Nakatutulong ito upang matandaan o mabalikan natin ang mahahalagang pangyayari sa ating buhay.
24. Ang talaarawan ay nagpapalungkot lamang sa isang tao.
25. Ang masaya o malungkot na pangyayari sa buhay mo ay maari ding isulat sa talaarawan.

You might also like