You are on page 1of 30

FILIPINO 5

QUARTER 4
Paggawa ng Dayagram
ng Ugnayang Sanhi at
Bunga mula sa
Tekstong Napakinggan.
PAUNANG
PAGSUBOK
PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na
SANHI ng sumusunod na BUNGA sa bawat
bilang. Isulat sa patlang ang titik ng tamang
sagot.
_____1.Malulusog ang mga tanim na halaman ni
Mang Aldo.
_____2.Umiiyak ng malakas ang bunsong anak
ni Layla.
_____3.Napapatawa ang bawat masalubong ni
Karina.
_____4.Pinuri ng guro at pinalakpakan ng mga
kamag-aral si Miya.
_____5.Malungkot na malungkot nang umuwi
mula sa pabrika si Mang Franco.
a. Mataas na mataas ang kanyang
lagnat.
b. Tinanggal siya sa trabaho.
c. Alaga niya sa dilig at pataba ang
mga halaman.
d. Tamang lahat ang mga sagot niya
sa pagsusulit.
e. Magkaiba ang kulay ng suot
niyang pares ng sapatos
BALIKA
N
Isulat sa patlang ang salitang SIMUNO kung ang may
salungguhit ay tumutukoy sa paksa ng pangungusap. Isulat
naman ang salitang PANAGURI kung ang may salungguhit
ay ang bahaging nagsasabi ng tungkol sa paksa.
___1.Tumayo tayo nang tuwid habang inaawit ang Lupang
Hinirang.
___2. Masayang nakilahok sa paligsahan sina Ana at Lina.
___3.Napansin ng guro ang mabubuting asal na ipinamalas
ng mga mag-aaral.
___4. Sina Allan, Patrick, at Joshua ay naghanda ng masarap
na meryenda para sa mga panauhin.
___5. Si Ginoong Ramos ang nahalal bilang pangulo ng
samahan.
Basahin ang kuwentong inihanda ng guro para sa
iyo.Sagutin ang mga tanong tungkol dito.
“Ang Batang Pulubi”
Sa Panulat ni: Margarita Andrea Mahor
Malakas ang pag-ihip ng hangin kaya maraming natangay
na mga sanga ng puno. Baha na rin ang mga daan dahil sa
sobrang daming nakabara na basura sa
mga kanal. Hindi natatanaw ang pagsikat ng haring araw
dahil sa dami ng ulap na tumatakip dito.
Gumising ang isang bata na natutulog sa tabi ng kalsada.
Inayos niya ang kanyang pinaghigaan na gawa lamang sa
karton ng mga “tetrapack juice”.
Pagkatapos, nagsimula na siyang maglakad habang hindi pa
umuulan. Nakakita siya ng isang tambak ng basura sa isang
tabi. Nagsimula siyang maghanap ng plastic na baso para
gawing lalagyan ng perang mapanlilimusan at
nagbabakasakali ring may pagkain na makita. May nakita
siyang isang “take-out” na lalagyan. Binuksan niya ito at
nakita niya ang mga buto ng manok. Naghanap pa siya,
hindi alintana ang masangsang na amoy ng basura.
Pagkatapos ng pagbukas ng ilan pang lalagyan, nakakita
siya ng isang lalagyan na may tira pang spaghetti. Napangiti
ang bata sapagkat may almusal na siya. Kinuha niya ito at
umupo sa tabi ng poste, doon niya nilantakan ang nakuhang
pagkain.
Hindi pa rin bumubuti ang panahon.Malakas
pa rin ang hangin at makulimlim ang
kalangitan.Nagsimula nang maglakad ang bata
at nakita niya ang estasyon ng tren. Naisip
niya na maraming tao doon, baka maraming
maawa sa kanya at bigyan siya ng mga barya.
Naghanap siya ng magandang puwesto at
nilabas ang plastic na baso.
Makalipas ang apat na oras, nagising ang bata. Hindi niya namalayan
na nakatulog pala siya. Nang tingnan iya ang kanyang baso, isang
limampiso at dalawampiso ang laman. Natuwa siya sapagkat
makabibili na ito ng murang pagkain. Nanatili siya sakanyang
puwesto, umaasang baka mayroon pa siyang makuhang dagdag na
barya. Naagaw ang pansin niya ng isang pamilyang masayang
naglalakad. Ang ama, ina at ang kanilang anak na hawak-hawak nila
sa magkabilang kamay. Nainggit siya. Kung hindi sana namatay ang
kanyang ama’t ina, baka wala sana siya sa sitwasyon ngayon. Sana
may nagbibigay ng gabay at pagmamahal sa kanya. Yinakap na
lamang niya ang kanyang mga paa, at nakatulog muli.
1. Sino ang pangunahing tauhansa kuwento?
_________
2. Ano ang hinahanap niya sa basurahan?
____________
3. Ano ang dahilan kung bakit naging palaboy ang
bata? ______________________________
4.Ayon sa kuwento, sino ang nagbibigay sa atin ng
gabay at pagmamahal?
____________________________
5.Ano ang gagawin mo sakaling may madaanan kang
batang tulad ng nasa kuwento?_________________
Basahin mo ang mga pangungusap na
nabanggit sa kwento.
Mapapansin na ang mga parirala sa unang kolum ay
nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari. Ito
ay ang tinatawag na SANHI. Ang sanhi ay tumutukoy
sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.
Ginagamitan ito ng mga pangatnig na nagpapahayag
ng sanhi o tinatawag na pananhi: dahil/ dahil sa,
sapagkat, palibhasa, kundangan, mangyari, at kasi.
Ang mga parirala naman sa ikalawang kolum ay ang
mga epekto ng kadahilanan ng mga pangyayari. Ito ay
tinatawag na BUNGA.
Ang bunga ay ang resulta o kinalabasan ng
pangyayari. Ginagamitan naman ito ng mga
pangatnig na nagpapahayag ng bunga o tinatawag
na panlinaw: kaya/ kaya naman, kung kaya, bunga
nito/ng, sa gayon, sa ganitong dahilan.
Ang paggamit ng ugnayang sanhi at bunga ay higit
na nakapagpapaliwanag at nakapaglalarawan kung
bakit naganap ang isang pangyayari at kung ano
ang naging epekto nito.
Upang mas madaling maunawaan ang
uganayang ito, mas mainam na gamitan ito
ng dayagram. Ang dayagram ay isang
paglalarawan o drawing para maipakita ang
presentasyon o ugnayan sa pagitan ng mga
bahagi ng isang sistema. Halimbawa ay
Venn Diagram, Fishbone Diagram, Tree
Diagram, Flowchart at marami pang iba.
PAGSASANAY 1
Gamit ang Venn Diagram, tukuyin ang sanhi at bunga
gayundin ang pangatnig na ginamit sa mga
pangungusap sa ibaba.
1. Nag-aral ng mabuti si Alex kaya matataas ang marka
niya sa pagsusulit.
2. May sugat si Lani kaya iyak siya ng iyak.
3. Bumaha sa EDSA dahil sa malakas na ulan.
4. Dinala sa ospital si Sam sapagkat mataas ang
kanyang lagnat.
5. Hindi siya kumain ng almusal kaya sumasakit ang
kanyang tiyan.
PAGSASANAY 2
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Gamit ang Fishbone Diagram
tukuyin ang Sanhi at Bunga. Isulat ang inyong sagot sa dayagram.
1. Lumawak ang kaalaman ni Pablo dahil sa pagbabasa niya ng sari-saring
aklat.
 
2. Unti-unting naglalaho ang mga isda at iba pang lamang dagat dahil sa
polusyon.
 
3. Nakatulog ng mahimbing ang guwardiya ng grocery store kaya nakapasok
ang mga magnanakaw.
 
4. Laging napaglilipasan ng gutom si Rona kaya nagkasakit siya.
 
 
5. Naging marumi ang ilog dahil tinambakan ito ng mga basura ng tao.
PAGLALAHAT
Punan ng tamang salita ang
bawat pangungusap upang
mabuo ang ibig ipakahulugan ng
bawat pangungusap.Piliin ang
sagot sa kahong nasa ibaba.
1. Ang _____ ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng
isang pangyayari.
1
.
2. Ang _____ ay ang resulta o kinalabasan ng pangyayari. 3.
Ginagamitan ang sanhi ng pangatnig na nagpapahayag ng sanhi o
tinatawag na ______.
4. Ginagamitan naman ang bunga ng pangatnig na nagpapahayag
ng bunga o tinatawag na ______.
5. Ang ________ ay isang paglalarawan o drawing para
maipakita ang presentasyon o ugnayan sa pagitan ng mga bahagi
ng isang sistema.
PAGPAPAHALAGA
Lagyan ng tsek (/) kung tama ang ugnayang sanhi at
bunga at ekis (X)kung mali.
__1.Palaging nalilipasan ng gutom si Marie kaya
sumigla ang kanyang katawan.
__2.Laging nahuhuli sa pagpasok sa klase si David
kaya pinuri siya ng kanyang guro.
__3.Madalas magsunog ng kilay si Lina dahil dito,
matataas ang kanyang marka.
__4.Nahulog si Efren sa kanal dahil hindi niya
tinitignan ang kanyang dinaraanan.
__5.Masaya si Aling Mila sapagkat suwail ang kanyang
mga anak.
PAGSUSUL
IT
Piliin saibaba ang angkop
na sanhi at bunga upang
mabuo ang pangungusap
sa bawat bilang na nasa
tsart.
a. kaya nakalabas ang tuta
b. agad na natuyo ang mga damit sa
sampayan
c. Pumutok ang gulong ng bisikleta
ni Ling
d. nadulas at nasaktan si Aurora
e. dahil nakalimutan ni Esme ang
kanyang I.D.

You might also like