You are on page 1of 17

1

MTB-MLE
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Pagtukoy sa Sanhi at Bunga
ng mga Pangyayari sa
Kuwentong Napakinggan
MTB-MLE – Unang Baitang
Self- Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Pagtukoy sa Sanhi at Bunga ng mga
Pangyayari sa Kuwentong Napakinggan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Joan T. Ladrido


Editor: Genelyn H. Morante at Jim Ryan S. Dela Cruz
Tagasuri: Genelyn H. Morante
Tagaguhit: Mary Kris M. Tangonan
Tagalapat: Jim Ryan S. Dela Cruz
Cover Art Designer: Jay Sheen E. Molina
Tagapamahala: Dr. Carlito D. Rocafort, CESO V - Regional Director
Fiel Y. Almenda, CESO V - Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE - Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera - Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. - REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug - REPS, ADM
Leonardo Mission - REPS, MTB-MLE
Ismael M. Ambalgan - Chief, CID
Sheryl L. Osano - Division EPS, LRMS
Josevic F. Hurtada - EPS, ADM
Juliet L. Sison - EPS, MTB-MLE

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN

Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893
Website: depedroxii.org
Email: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin
at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng
mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga
mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.
Alamin

Magandang araw! Kumusta ang iyong pag-aaral?


Sino-sino ang mga tumutulong sa iyo upang ikaw ay
matuto? Kilala mo na ba ang mga pangalan ng iyong
mga kaklase?
Kung kilala mo na, maaari mo ba akong bigyan ng
limang pangalan nila?
Magaling! Ngayon ay handa ka na para sa ating
leksiyon.
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang matutuhan
ang layuning natutukoy ang sanhi at bunga ng
pangyayari sa kuwentong napakinggan
(MT1LC-IIc-d-4.2)

1
Subukin

Paunang Pagsusulit

Bago mo pag-aralan ang leksyon sa modyul na ito,


sagutin muna ang maikling pagsusulit.

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap.


Lagyan ng S kung ito ay sanhi at B kung ito ay bunga.

1. _______ Umulan ng malakas.


_______ Hindi kami natuloy sa palengke.

2. _______ Araw-araw akong nagdidilig ng mga


halaman.
_______ Kung kaya’t matataba ang mga ito.

3. _______ Malusog ang aking kapatid.


_______ kumakain siya ng mga masustansiyang
pagkain.

2
Aralin Pagtukoy sa Sanhi at Bunga ng

4 Pangyayari sa Kuwentong
Nabasa

Balikan

Magaling! Sa iyong pagpapatuloy, pag-usapan


naman natin ang tungkol sa iyong pag-aaral ng
asignatura sa araw-araw.
Alam mo ba na napakahalaga sa bata ang patuloy
na pag-eensayo sa pagbabasa at pag-aaral ng leksiyon
upang matuto ng mabuti at magkaroon ng mataas na
grado?
Ano ang ginagawa ng bata sa larawan?

Sa pagbabasa, ano ang iyong ginagamit na parte


ng katawan na may kasintunog sa salitang
bata?________

3
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ang bawat
pares ng salita ay magkasintunog at ekis (x) naman kung
hindi. Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

_______1. pulis – walis

_______2. katulong – talong

_______3. basa – tasa

_______4. kapitbahay – kaibigan

_______5. bata – mata

Tuklasin

Ngayon, mayroon kang kuwentong babasahin na


pinamagatang, Si Lolly.
Handa ka na ba?

Si Lolly
ni Joan T. Ladrido

Si Lolly ay isang masayahing bata. Mahilig siyang


maglaro, manood ng telebisyon at higit sa lahat
kumain ng kaniyang paboritong lollipop.

4
Sa bawat paglipas ng oras, tanging lollipop
lamang ang siyang kinahiligan niyang kainin.

Hanggang, isang araw.


“Aray! Aray! Inay, ang sakit ng ngipin ko,” ang
paiyak niyang sambit. Agad namang lumapit ang
kaniyang ina at dinala si Lolly sa dentista.

Dagling ginamot ng doktor si Lolly at pinayuhan


na kung maaari ay iwasan na ang pagkain ng
lollipop o anomang matatamis na pagkain sapagkat
ito ay nakakasira ng ating ngipin at katawan. “Opo,
doktor, lagi ko pong tatandaan ang iyong mga bilin.
Maraming salamat po,” ang sagot ni Lolly.

5
Simula noon iniwasan na ni Lolly ang pagkain ng
lollipop at ipinagpatuloy ang pagkain ng
masustansiyang pagkain.

Nagustuhan mo ba ang kuwento?


Ngayon, sagutin mo ang mga tanong.
Ano ang kinahiligang kainin ni Lolly?
Bakit umiiyak si Lolly?
Kung ikaw si Lolly, kakain ka rin ba ng lollipop araw-
araw? Bakit?
Ano ang bilin ng doktor kay Lolly?

Suriin
Ang sanhi ay isang dahilan ng pangyayari na
maaaring humantong sa isang bunga. Ito ay
nagbibigay paliwanag sa mga pangyayari.
Ang bunga ay ang resulta o kinalabasan ng
pangyayaring naganap.
Pag-aralan ang larawan na nasa ibaba.

6
Ang galing mo
Nag-aral kasi ako
naman nakuha mo
nang mabuti.
ang pinakamataas
na grado.

Bunga Sanhi

Sa halimbawang ito, nakuha mo ang


pinakamataas na grado ang bunga at nag-aral kasi
ako nang mabuti ang sanhi.

7
Pagyamanin

Panuto: Pag-aralan ang mga diyalogo. Isulat sa kahon


kung ito ay sanhi o bunga.

Bakit kaya absent Napuyat daw, naglaro


si Toni? ng mobile legend kagabi
at umaga na natulog.

Masakit na naman Mahilig ka kasi sa


ang ngipin ko. matamis.

8
Isaisip

Naunawaan mo ba ang iyong leksiyon?

Ano ang tawag sa dahilan ng mga pangyayari?


Ano ang tawag sa resulta o kinalabasan ng mga
pangyayari?

Panuto: Pagtambalin ang sanhi o bunga ng bawat


larawan sa Hanay A at Hanay B. Gawin ito sa sanayang
papel.

Hanay A Hanay B

1.

2.

3.

9
Isagawa

Panuto: Gawaan ng pangungusap ang bawat larawan


na may sanhi at bunga. Isulat sa patlang ang iyong
sagot.

1.

2.

10
Tayahin

Panuto: Pagtambalin ang sanhi sa Hanay A sa angkop na


bunga sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang. Gawin ito sa kalakip na
sanayang papel.

Hanay A Hanay B

____1. Hindi nag–aral si Ben a. kinansela ng lokal na


pamahalaan ang klase.

____ 2. Napakalakas ng b. basa ang damit dahil sa


bagyo pawis.

____ 3. Nagtulungan kami c. sumakit ang kaniyang


ngipin.
____ 4. Napakainit ng
panahon d. madali naming natapos
ang gawain.
____ 5. Kumain ng maraming
kendi e. mababa ang kaniyang
grado.

11
Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat ang S kung tumutukoy sa sanhi at B kung


bunga ng pangyayari. Gawin ito sa kalakip na sanayang
papel.

1. a. May balat ng saging sa sahig. ________


b. Nadulas si Tina. ________

2. a. Nagdala ng payong si Nene. ________


b. Hindi siya nabasa ng ulan. ________

3. a. Maraming halaman sa bakuran. ________


b. Masipag magtanim ang mga tao. ________

4. a. Nagtapon ng mga basura sa ilog. ________


b. Mamamatay ang mga isda. ________

12
Susi sa Pagwawasto

b. B
S a. S 4.
3. B b. S
a. B 3.
B / 5. c 5. b. B
2. S X 4. b 4. a. S 2.
/ 3. d 3. b. B
B / 2. a 2. a. S 1.
1. S / 1. e 1.
Gawain
Subukin Isagawa Tayahin Karagdagang

Sanggunian
Department of Education (DepEd). 2019. “Mother-Tongue
Curriulum Guide.pdf. Uploaded on January 2019.
https://www.gov.ph/wp - content/upload/2019.
Agabas, C. D. 2017. Ang Sulo Batayan at Sanayang Aklat
sa FILIPINO 1, K to 12 Series. Unang Rebisyon. Aklat at
Dunong Publishing, Inc.
Magkasintunog”, Uploaded on May 30, 2020.
https://www.youtube.com/watch?v=FrEvDruwwCI
Department of Education.2019.”MTB-MLE Grade 1”
(Teacher’s Guide)

David, Minerva, Rolle, Agnes G., Salvatus, Grace U.,


Santos, Nida C., Villaneza, Rosalina J., “Mother Tongue -
Based Multiligual Education”, 2013. DepEd K to 12
Curriculum Guide and DepEd Learner’s Material
(MTB-MLE 1)
13
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming
hinihikayat ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

15

You might also like