You are on page 1of 108

6

Filipino
Unang Markahan
Modyul 1
Una-Ikawalong Aralin

DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN1-8
Filipino – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Una-Ikawalong Aralin
Binagong Edisyon, 2022

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Sara Z. Duterte-Carpio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mary Jane P. Gatchalian, T3, Coloong ES, Ma. Eloisa E. Gonzales, T3,
Arcadio Deato ES, Shirley B. Borromeo, T3, Dalandanan ES, Ma. Eloisa R.
Gutierrez, TI, Apolonia F. Rafael ES, Agnes L. Bico, T3, Lingunan ES, Ira U.
Roque, MT II, Serrano ES

Editor: Lilibeth S. Gozo, Principal IV, Pio Valenzuela Elementary School


Liberty R. Ragragio,Teacher II, Pio Valenzuela Elementary School

Tagasuri: Rosarie R. Carlos., Education Program Supervisor

Tagasurinng Teknikal: Jean A. Tropel, Division EPS In-Charge of LRMS & ADM
Coordinator

Tagaguhit: Ricardo B. Ruiz

Tagalapat: Maricel R. Diones, Maysan Elementary School


Joy Aimee M. Chang, Parada Elementary School

Tagapamahala: Meliton P. Zurbano, Schools Division Superintendent


Filmore R. Caballero, CID, Chief
Jean A. Tropel, Division EPS In-Charge of LRMS & ADM Coordinator
Rosarie R. Carlos, EPS-Filipino

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – NCR, SDO Valenzuela City
Office Address: Pio Valenzuela St., Marulas, Valenzuela City
Telefax: 02-292-3247
E-mail Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

ii
2
6
Filipino
Unang Markahan
Modyul 1
Aralin 1:
Pagsagot sa Tanong
Tungkol sa
Napakinggang Pabula
Paggamit ng
Pangngalan at
Panghalip

1
iii
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa
kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinatakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na naglalaman ng mga
paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay
at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na
may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng
aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung
tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng
ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na
matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

2
iv
Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang pabula,
kuwento, tekstong pang-impormasyon at usapan F6PN-Ia-g-3.1, F6PN-
la-g-3.1, F6PB-lc-e-3.1.2, F6PN-la-g-3.1
• Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-
usap sa iba’t ibang sitwasyon F6WG-Ia-d-2

Subukin
A. Panuto: Basahin ang talata. Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Pakinabang Mula sa Basura

Ang basurang itinapon ay muling babalik sa iyo. Hindi dahil ito ay


makapagdudulot ng malaking pinsala tulad ng baha kundi ito ay babalik na may
magandang kapakinabangan lalo na sa mga may maliit na kita sa panahon ngayon.
Isang halimbawa rito ay ang dumi ng mga hayop na kung saan-saan na lamang
inilalagak na nagdudulot ng maruming kapaligiran. Batid nating ang bulok na bagay
na ito ay napatunayang,kapag nakukulong,ay nagbubunga ng gas. Ito ay maaaring
maging methane gas na magagamit sa pagluluto, pag-iihaw at pagpapaandar ng mga
generator. Hindi imposibleng ito ngayon ay magtagumpay sa ating bansa dahil
mayroong mga madaling pamamaraan upang ito’y maisagawa. Samantala, ang ibang
bansa ay gumagamit na rin ng methane gas lalo na sa mga lalawigang hindi sapat
ang bigay ng enerhiya.

1.Tungkol saan ang binasang teksto?


2.May kapakinabangan ba ang mga basurang itinatapon natin? Bakit?
3.Bakit natin kailangan na ihiwalay ang mga nabubulok sa hindi nabubulok na
basura?
4.Ano naisip na solusyon ng iba upang masolusyunan ang kakulangan sa
enerhiya?
5.Paano mo pakinabangan ang mga basura na naiipon mo sa inyong tahanan?

B. Panuto: Bumuo ng usapan gamit ang pangngalan at panghalip sa mga


sumusunod na sitwasyon.
1. Pagpapakilala sa sarili.
2. Pag-iwas sa sakit na Delta variant.
3. Pagpapahayag ng paboritong libangan.
4. Pagbanggit ng mga lugar na nais pasyalan.
5. Pagtukoy sa taong iyong naging inspirasyon.

3 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN1
Aralin • Pagsagot sa Tanong Tungkol
sa Napakinggang Pabula
1 ⚫ Paggamit ng Pangngalan at
Panghalip

Balikan

A. Panuto: Lagyan ng ekis (X) ang pangngalang hindi dapat mapabilang sa


pangkat. Isulat sa patlang kung pantangi o pambalana ang pangkat ng
mga pangngalan.
1. kalye kuya lola nanay __________________
2. pambura papel parke plato __________________
3. Luzon Mindanao Valenzuela Visayas ______________
4. binyag buwan kaarawan kasal __________________
5. Globe Nokia Samsung Vivo ________________

B. Panuto: Isulat ang ipinahahayag sa bawat pangungusap.


Ang (1.) ________________ ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng
tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari. Ang (2.) _________________ay uri ng
pangngalan na tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at
pangyayari. Ito ay nagsisimula sa (3.) ____________________ letra. Ang (4.)
_________________ ay uri ng pangngalan na tumutukoy sa pangkalahatang ngalan at
isinusulat sa (5.) __________________na letra.

Tuklasin

A. Panuto: Basahin at unawain ang pabulang “Nainggit si Kikang Kalabaw.” Sagutin


ang sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Nainggit si Kikang Kalabaw

Sa isang malayong nayon sa bayan ng Maribojoc sa lalawigan ng Surigao ay


may isang masipag na magsasakang nagngangalang Mang Donato.
Si Mang Donato ay tahimik na namumuhay kasama ang kanyang pamilya at
dalawang alagang hayop, sina Kikang kalabaw at Basyong Aso.
Si Kikang Kalabaw ang katuwang ni Mang Donato sa bukid. Masipag ito sa
pag-aararo at wala ring reklamo sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay kaya naman
mahal na mahal siya ng kanilang amo. Laging may nakahandang sariwang damo at
malinis na tubig para sa kanya si Mang Donato. Binibigyan din siya ng pagkakataong
maglublob sa putikan lalo na kapag kainitan ng araw upang maginhawahan ang
kanyang katawan. Sa gabi naman ay pinagpapahinga siya sa isang kubong malapit
sa bahay ng mag-anak.
Sa kabila ng maayos niyang kalagayan ay hindi masaya si Kikang Kalabaw.
Nakikita niya kasi kung paano tratuhin ni Mang Donato si BasyongAso.
Kasama siya ng kanilang amo sa loob ng bahay. Wala ring ginagawa ang aso
kundi kumahol at kumawag ang buntot kapag dumarating sila ni Mang Donato mula

4 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN1
sa bukid. Tuwang-tuwa namang hahaplusin ni Mang Donato ang mga tainga ng aso.
Magpapakandong ang aso kay Mang Donato at saka siya hahalik-halikan nito na
labis namang ikinatutuwa ng amo.
“Buti pa si Basyong Aso,” ang madalas maibulong ni Kikang Kalabaw sa sarili.
“Nasa bahay lang siya at hindi nahihirapan sa bukid katulad ko subalit mas mahal
pa siya ni Mang Donato kaysa sa akin,”dagdag na himutok pa nito.
Habang tumatagal ay lalong lumalaki ang inggit ni Kikang Kalabaw sa kapwa
alagang si Basyong Aso. Paano ba naman kasi’y madalas niyang makitang
binibigyan ni Mang Donato ng pagkain mula sa kanyang sariling pinggan si Basyong
Aso. Tuwang-tuwa rin ang buong pamilya sa pagsayaw-sayaw ng aso at pagkawag-
kawag ng buntot nito kapag ito’y tinatawag.

“Paano kaya ako mapapansin at mamahalin din ni Mang Donato? Kung


gagayahin ko kaya ang ginagawa ni Basyong Aso ay mapapamahal na rin ba ako sa
kanila? tanong nito sa sarili habang nalulumbay na nagpapahinga, mga lamok na
umuugong sa kanyang tainga ang kasama niya sa mga tahimik na gabing katulad
nito samantalang si Basyong Aso ay natutulog sa isang malambot na higaan sa ibaba
ng kama ni Mang Donato.
Nakatulugan na ni Kikang Kalabaw ang kanyang mga sama ng loob medyo
nababawasan lang ito kapag muli siyang pinupuntahan ni Mang Donato sa umaga
at saka siya tatapik-tapikin nito bago bigyan ng almusal niyang damo at tubig.
Subalit hindi nawawala sa kanya ang pag-iisip ng paraan kung paano niya
mahihigitan ang pagtingin ng amo kay Basyong Aso.
Isang araw, nakaligtaang itali ng katiwala ni Mang Donato si Kikang Kalabaw
sa posteng nasa bungad ng kanyang kubo. Tuwang-tuwa si Kika.
“Ito na, ito na ang pagkakataon ko!” ang halos pagsigaw na wika nito. “Gagayahin
ko ang mga ginawa ni Basyong Aso para kay Mang Donato. Tingnan ko lang kung hindi
matuwa at mas mahalin pa ako ng aking amo,” ang tila tiyak na tiyak na wika pa
nito.
Patakbong pumasok si Kikang kalabaw sa loob ng kusina nina Mang Donato.
Nadatnan niya itong mag-isang kumakain ng tanghalian. Dali-dali siyang sumugod
sa kinauupuan ng magsasaka at kinawag-kawag ang kanyang buntot tulad ni
Basyong Aso habang patalon-talon at patakbo-takbo.
Sa katatalon niya ay natabig niya ang mesa kaya’t naglaglagan ang mga
pagkain at nabasag ang mga pinggan, baso, at iba pang bagay na nasa mesa. Bigla
rin siyang naupo sa kandungan ni Mang Donato habang walang humpay niya itong
hinalik-halikan.
“Tulong! Tulungan ninyo ako!” Dahil sa malakas na sigaw ni Mang Donato ay
nagtakbuhang pumasok sa kusina ang kanyang buong pamilya at mga katiwala.
Dali-daling hinatak ng isang katiwala ang tali ng kalabaw at dinala ito sa kalapit na
kubo.
“Anong pumasok sa utak mong kalabaw ka? muntik mo nang mapatay si
Mang Donato sa ginawa mo! Magtatanda ka na ngayon at hindi mo malilimutan ang
araw na ito! Ang galit na galit na sigaw ng katiwala habang pinapalo ang kalabaw
dahil sa ginawa nito. Tunay ngang ang pagiging mainggitin ay hindi nagbubunga
nang mabuti.

1. Ano ang pagkakaiba ng katangian ni Basyong Aso kay Kikang Kalabaw?


2. Bakit nainggit si Kikang Kalabaw kay Basyong Aso?
3. Kung ikaw si Kikang Kalabaw gagayahin mo rin ba ang kanyang pagdamba
katulad ni Basyong Aso? Bakit?

5 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN1
4. Bakit nagalit si Mang Donato sa ginawa ni Kikang Kalabaw noong siya ay
nakalimutang itali?
5. Paano dapat disiplinahin ang alagang hayop?

B. Panuto: Hanapin ang angkop na panghalip o pangngalang bubuo sa mensahe


ng usapan. Piliin ang wastong salita mula sa panaklong,
Masusing nag-uusap ang magkakapatid na Rielle, Michael at Lorenz tungkol
sa kanilang pag-aaral.
Rielle: Michael, Lorenz pagbutihan (ninyo, mo, niya} ang pag-aaral upang
gumaan ang gastusin ni Mama.
Michael: Isang taon na lang (tatay, kuya, tito) matatapos na rin (siya, ka, ako)
sa kolehiyo.
Lorenz: ”Ako naman ay magsisikap sa pag-aaral sa lilipatan kong ( bahay,
lugar, paaralan) “pagtatapos na wika ng bunso sa (magkakaibigan,
magkakapatid, magkakaklase)

Suriin

Ang Pabula ay isang uri ng kathang-isip ng panitikan kung saan ang mga
hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad
ng “Leon at Daga”, “Pagong at Matsing”, “Lobo at Kambing”, at “Kuneho at Leon”.
May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay
ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang
kuwentong nagbibigay-aral.
Madalas na inilalarawan ng pabula ang dalawang hayop na may magkaibang
ugali at nagwawakas ang kuwento na nagwawagi ang may mabuting ugali. Nag-iiwan
ito ng aral sa mambabasa.
Ang Pangngalan ay mga salita o lipon ng mga salita na tumutukoy sa
pangalan ng tao, bagay, pook o pangyayari
Halimbawa: Tao – guro, doktor, kapatid, ina, nars, G. Wilfredo Reyes
Hayop- kalabaw, ahas, kambing, aso
Bagay- damit, sapatos, aklat, mesa
Lugar – simbahan, Quezon City, parke, Manila Cathedral
Pangyayari- Bagong Taon, kaarawan, Buwan ng Wika

Ang Panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa pangngalan na


nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap.Kabilang sa mga
uri ng panghalip ang panghalip panao, panghalip pananong, panghalip panaklaw,
at panghalip pamatlig.

6 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN1
Pagyamanin
A. Panuto: Basahin ang maikling teksto at sagutin ang sumusunod na tanong.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
.
Ang hangin ay ang pinakamahalagang yaman - ang ating mga buhay ay
nakasalalay dito. Ito ay binubuo ng 78 porsiyentong nitrogen, 21 porsiyentong
oxygen, at mas mababa kaysa isang porsiyentong gas na tulad ng argon at carbon
dioxide. Sa kasamaang-palad, ito ay maaari ring magtaglay ng mga bagay na hindi
malusog para langhapin natin. Nagiging marumi ang hangin kapag nahahaluan ito
ng organiko at mineral, hibla ng gulay, alikabok, karbon at sari-saring mga
mikrobyo. Ang dami ng mga bagay na ito ay mataas sa mga siyudad, mga sentro ng
pagmamanupaktura, mga minahan, mga tibagan at mga paggawaan.

Tanong:
1. Ano ang kabilang sa hangin ang may 78% ng gas?
2. Paano nagiging marumi ang hangin?
3. Ano ang magiging epekto ng maruming hangin sa kalusugan ng tao?
4. Ano sa palagay mo ang magiging aksyon ng gobyerno sa pagpapanatili ng
malinis na hangin?
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo mahihikayat ang mga kabataan upang
makatulong sa pagpapanatili ng malinis na hangin? Ipaliwanag.

B. Panuto: Basahin ang usapan ng mag-ama. Piliin ang wastong panghalip sa


panaklong upang mabuo ang diwa ng kanilang usapan. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Sa loob ng tahanan nag-uusap ang mag-amang si Pedro at Mang Karding.


Mang karding: Pedro, halika at tulungan mo akong itaas ang ating mga kagamitan
na maaring mabasa sa pagtaas ng tubig..
Pedro: Opo ama.nariyan na po ako upang (ikaw, kayo) ay tulungan. Ano po ba
ang aking bubuhatin upang itaas nang hindi mabasa?
Mang Karding: Unahin (natin, atin) ang mga bagay na maaring masira gaya
ng telebisyon, kabinet at mga gamit sa pagluluto.
Pedro: Ama, Bakit po ba (tayo, kami) nakararanas ng matinding pagbaha ngayon
sa ating lugar?
Mang Karding: Oo nga halos dalawang Linggo na natin itong nararanasan
sa ating lugar sa kadahilanang mayroong natibag na dike sa
pagitan ng barangay Wawang Pulo at ng Obando, Bulacan.
Pedro: Ganun po ba? Matagal pala natin (itong nito) mararanasan?
Mang Karding: Oo anak, kaya kailangan nating hintayin ang solusyon na
isasagawa ng (ating, naming) pamahalaang Lungsod ng Valenzuela
katuwang ang pamahalaan ng Obando, Bulacan.

7 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN1
Isaisip

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga salitang kukumpleto sa kaisipan.

nagbibigay-aral pangngalan panaklaw panitikan


panghalip pabula panao paari
pananong pamatlig

Ang ______ ay isang uri ng kathang-isip na ________ kung saan ang mga hayop
o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan. May
natatanging
Pa kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat __________ ito para
sa mga mambabasa. Ang ________ay mga salita o lipon ng mga salita na tumutukoy
sa pangalan ng tao, bagay, pook o pangyayari. Ang ________ay ang salitang
humahalili o pamalit sa pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o
kasunod na pangungusap. Kabilang sa mga uri ng panghalip ang __________,
___________, _______________, __________________, at _____________.

Isagawa
Panuto: Basahin at unawain ang pabulang Si Dagang Bayan at Si Dagang
Bukid.

Si Dagang Bayan at si Dagang Bukid


May dalawang dagang magkaibigan, sina Dagang Bayan at Dagang Bukid.
Magkalayo ang kanilang mga tirahan subalit patuloy pa rin ang kanilang
pagkakaibigan.
Isang araw, dinalaw ni Dagang Bayan si Dagang Bukid. “Napakalayo ng
lugar mo. Nagutom ako sa pagod. Kumain na tayo,” ani Dagang Bayan.
“Wala akong pagkain dito. Halika, maghanap tayo,” sagot ni Dagang Bukid.
“Ano? Maghahanap pa tayo?” di-makapaniwalang tanong ni Dagang Bayan.
“Oo, ganyan talaga rito sa bukid. Hahanapin mo muna ang iyong kakainin,”
malumanay na sagot ni Dagang Bukid.
Naglakad silang dalawa. Sa may daan, nakakita sila ng supot. Dali-dali nila
itong binuksan.
“Tinapay! Masarap na tinapay!” sabi ni Dagang Bayan.
“Teka, akin ‘yan. Ako ang unang nakakita riyan,” sabi naman ni Dagang Bukid.
“Para walang away, hati na lang tayo,” mungkahi ni Dagang Bayan. Tango lamang
ang tugon ng kanyang kaibigan.
Hinati ni Dagang Bayan ang tinapay. Iniabot niya ang maliit na bahagi kay
Dagang Bukid.
“Naku, hindi pantay ang pagkakahati mo,” reklamo ni Dagang Bukid.
“Oo, nga ‘no? Bawasan natin,” sagot ni Dagang Bayan, at pagkatapos ay
kinagatan niya ang mas malaking bahagi.
“Naku, lumiit naman itong isa,” sabi ni Dagang Bukid.
Kinagatan naman ni Dagang Bayan ang kabilang bahagi ng tinapay.

8 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN1
“Naku, lumiit nang pareho,” himutok ni Dagang Bukid. “Para walang
problema, akin na lang lahat ito. Ang susunod nating makikita ay sa iyo naman,”
sabi ni Dagang Bayan sabay subo sa lahat ng tinapay.
Dito nakahalata si Dagang Bukid. “Niloko mo ako! Paano kung wala tayong
makitang pagkain?” pagalit niyang wika kay Dagang Bayan.
Dahil dito, nag-away ang magkaibigang daga at ang kanilang pagkakaibigan
ay tuluyang naglaho.

A. Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Sino sa mga daga ang nagpakita ng hindi magandang asal?
A. Dagang Bayan C. Dagang Costa
B. Dagang Bukid D. Dagang Imburnal
2. Anong hindi magandang ugali ang ipinakita ni Dagang Bayan?
A. makalat C. sinungaling
B. mapanlamang D. tsismosa
3. Alin sa mga sumusunod ang unang nangyari sa kuwento?
A. Nakaramdam ng pagod at gutom si Dagang Bayan.
B. Naghanap ng makakain sina Dagang Bukid at Dagang Bayan.
C. Nakahalata si Dagang Bukid na niloloko siya ni Dagang Bayan.
D. Hinati ni Dagang Bayan ang tinapay. Iniabot niya ang maliit na
bahagi kay Dagang Bukid.
4. Alin sa mga sumusunod ang huling nangyari sa kuwento?
A. Nakaramdam ng pagod at gutom si Dagang Bayan.
B. Naghanap ng makakain sina Dagang Bukid at Dagang Bayan.
C. Nakahalata si Dagang Bukid na niloloko siya ni Dagang Bayan.
D. Hinati ni Dagang Bayan ang tinapay. Iniabot niya ang maliit na
bahagi kay Dagang Bukid.
5. Anong pagkain ang nakita ng mga daga?
A. keso C. prutas
B. pritong manok D. tinapay
6. Anong aral ang hatid ng pabulang ito?
A. Maging palakaibigan
B. Huwag manlalamang ng kapwa.
C. Laging isipin ang sariling kapakanan.
D. Laging isipin ang kapakanan ng kapwa.
7. Bakit tuluyang natapos ang pagkakaibigan ng dalawang daga?
A. Dahil namatay si Dagang Bukid sa gutom
B. Dahil nanirahan na sa ibang lugar ang dalawa
C. Dahil nakahanap ng bagong kaibigan si Dagang Bayan.
D. Dahil nagalit si Dagang Bukid kay Dagang Bayan sa ginawang
panloloko nito sa kanya.
8. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Dagang Bukid, ano ang gagawin mo
upang itama ang maling ginawa ni Dagang Bayan?
A. Ipaliwanag sa kanya na mali ang kanyang ginawa.
B. Agawin na lamang sa kanya ang tinapay na kanilang nakita.
C. Manahimik na lamang, upang huwag nang lumala ang sitwasyon.
D. Awayin si Dagang Bayan, upang maliwanagan siya na mali ang kanyang
ginawa.

9 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN1
9. Kung may pasalubong sa inyo ang inyong magulang na pagkain,
paano mo ito hahatiin?
A. Ibigay ang parehong laki o dami sa bawat isa.
B. Ibigay ang mas malaki sa iyo dahil ikaw ang naghahati.
C. Ibigay ang mas malaki sa bunso upang lumaki siya agad.
D. Ibigay ang mas malaki sa panganay kasi mas malaki siya.
10. Paano mo mapapanatiling matatag ang inyong pagkakaibigan?
A. Iparamdam sa iyong kaibigan na mas lamang ka sa kanya.
B. Magpakita ng kagandahang asal kung kasama mo ang iyong
kaibigan.
C. Lagi mong bigyan ng materyal na bagay ang iyong kaibigan upang
hindi ka niya iwanan.
B. Itama ang nakikita mong mali sa iyong kaibigan sa mahinahong paraan,
na hindi mo masasaktan ang kanyang damdamin.

B. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang panghalip na panao upang mabuo


ang pangungusap.

Sa loob ng silid-aralan nag-uusap ang dalawang magkaibigan habang


nagre-recess.

Cynthia: Amy, maaari bang sabay tayong pumunta sa (kantina, silid-


aklatan) upang magsaliksik ng ating takdang aralin?
Amy: Sige, gusto (kita, ko) nga na may kasabay para may
mapagtanungan din ako.
Cynthia: Natutuwa naman (ako, kita) na pumayag ka na makasabay
ko.
Amy: (Ako, Ikaw) rin ay masaya na makasama ka at makasabay sa
paggawa ng ating takdang aralin.
Cynthia: Salamat sa iyo (ate, kaibigan).

Tayahin

A. Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Mga Magagandang Pasyalan sa Valenzuela


ni Gng. Ira U. Roque

Nakarating ka na ba sa Lungsod ng Valenzuela? Halika at samahan ninyo ako


na ipakilala ko sa inyo ang mga magagandang pasyalan sa ating lugar. Ang Lungsod
ng Valenzuela ay maraming bagong pasyalan na pinagawa ng pamahalang Lungsod.
Una dito ay ang Valenzuela People’s Park na matatagpuan sa barangay Malinta.
Maraming tao ang namamasyal dito upang magzumba, magehersisyo, manood ng
iba’t ibang kulay ng ilaw habang sumasayaw ang tubig ng fountain pagsapit ng
alasais ng gabi.Pagpumunta ka naman sa barangay Karuhatan ay makikita mo ang
Valenzuela City Family Park. Marami rin dito ang nagpupuntang mga senior citizen
upang magpahangin sapagkat maraming puno ang nakatayo sa lugar kaya
maaliwalas. Mayroon din mga palaruan para sa mga bata na nais na maglaro. Sa
barangay Polo naman ay matatagpuan ang Polo Park. Matatagpuan mo sa lugar na
ito ang nag-iisang malaking fountain na nagbibigay din ng atraksyon sa lugar.

10 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN1
Makikita rito ang dalawang estatwa nina Dr. Jose P. Rizal at Dr. Pio Valenzuela na
nakaupo habang sila ay nag-uusap. May bantayog din si Dr. Jose Rizal sa pasyalang
ito.

1.Ano-ano ang magagandang pasyalan ang nabanggit sa talata?


2.Anong pasyalan ang matatagpuan sa Karuhatan na nais dayuhin ng mga senior
citizen?
3.Sino-sinong bayani ang matatagpuan sa Polo Park?
4.Bakit nawiwili ang mga taong namamasyal sa Valenzuela People’s Park?
5.Papasyalan mo ba ang mga lugar na ito sa Valenzuela? Bakit?

B. Panuto: Piliin sa panaklong ang angkop na gamiting pangngalan at panghalip


upang mabuo ang usapan.

Usapan sa telepono ng magkaibigang Hazel at Linda

Hazel: Hello, Magandang hapon po.


Linda: Hello!, Magandang hapon din po sa (akin,iyo). Sino po bang
hinahanap ninyo?
Hazel: Maaari (ko, mo) po bang makausap si Linda? Ako po si Hazel ang
kaniyang kamag-aral sa Paaralang Elementaryang Serrano.
Linda: Hazel, ako na ang iyong kausap ngayon. Ano ang kailangan mo?
Hazel: Linda, nais ko sanang magpatulong na masagot ang ilang katanungan
tungkol sa ating aralin. Maaari ba?
Linda: Sige. Ano ba ang hindi mo naiintindihan sa ating araling ibinigay ng
ating (guro, kamag-aral)?
Hazel: Anong pahina sa (kuwaderno, modyul) ang ating sasagutan?
Lumabas kasi ako nang magbigay siya ng panuto.
Linda: (Ikaw, Siya) pala yung nakita kong lumabas ng silid-aralan.
Hazel: Oo, nagpaalam muna ako sa ating guro na pupunta muna ako sa
palikuran. Maraming Salamat sa iyong tulong, kaibigan.
Linda: Walang Anoman, kaibigan. Paalam.

Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng iyong reaksyon tungkol sa isyung pagpapabakuna ng mga


kabataang may edad 17 pababa. Bilugan ang mga pangngalan at
panghalip na iyong ginamit.

11 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN1
DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN1 12
Subukin:
1. Pakinabang na makukuha mula sa basura
2. Oo, ang mga nabubulok na basura ay maaaring panggalingan ng
methane na maaaring magamit sa maraming paraan
3. Kailangan ihiwalay ang mga nabubulok sa di nabubulok, sapagkat
magkaiba ang naibibigay ng bawat isa ( may iba pang sagot)
4. Isang batas na magpapatupad at magbibigay pansin sa tunay na
pagsasakatuparan ng paggamit ng basura bilang panggagalingan ng
enerhiya (may iba pang sagot)
5. Ipunin ang mga di nabubulok na basura na mapapakinabangan pa,
maaaring ibenta at gamitin ang mga nabubulok bilang pataba sa mga
halaman. (may iba pang sagot)
A. Balikan
1. kalye pambalana
2. parke pambalana
3. Valenzuela pantangi
4. buwan pambalana
5. Nokia pantangi
B.
1. pangngalan
2. pangngalang pantangi
3. malaki
4. pangngalang pambalang
5. maliit
A. Tuklasin
1. Si Kikang ay masipag sa pag-aararo at pagbuhat ng mabibigat
na bagay, subalit hindi siya masaya sa kanyang kalagayan,
samantalang si Basyong Aso ay walang ginagawa kundi kumahol at
kumawag ang buntot at masayang kasama sa loob ng bahay ni Mang
Donato.
2. Nainggit si Kikang Kalabaw kay Basyong Aso, sapagkat
magaan lamang ang ginagawa nito at kasama pa siya ni Mang Donato
sa loob ng bahay.
3. Hindi ko gagawin ang ginawa ni Kikang Kalabaw,
sapagkat napakalaki niya para dumamba at kumandong sa amo.
4. Nagalit si Mang Donato kay Kikang Kalabaw sapagkat
maraming gamit ang nasira at hindi niya nagustuhan ang ginawa nito sa
kanya.
5. Hindi kailangang saktan ang hayop upang sila ay disiplinahin,
maaaring gawin ang palagiang pagtuturo at pagsasanay sa kanila.
B. 1. ninyo 2. kuya 3. ako
4. paaralan 5. magkakaparid
Susi sa Pagwawasto
DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN1 13
Pagyamanin
A.
1.nitrogen
2. Kapag nahahaluan ng mga organiko at mineral hibla ng gulay, alikabok,
karbon at sari-saring mga mikrobyo.
3. Ang maruming hangin ay delikado para sa kalusugan ng mga tao.
4. Maaaring paigtingin ng gobyerno ang batas ukol sa pagpapanatili ng
kalinisan ng hangin.
5. Sasabihin ko sa kanila ang masamang dulot o panganib kung marumi
ang
hanging malalaghap ng mga tao.
B.1, ikaw 2. natin 3. tayo 4. itong 5. ating
Isaisip
1. pabula 6. pananong
2. panitikan 7. pamatlig
3. nagbibigay-aral 8. panaklaw
4. pangngalan 9.panao
5. panghalip 10. paari
A. Isagawa
1. A 2. B 3. A 4. C 5. D
6. B 7. D 8. A 9. A 10. D
B. 1. silid-aklatan 2. ko 3. ako 4. ako 5. kaibigan
A. Tayahin
1. Valenzuela People’s Park, Valenzuela City Family Park at Polo Park
2. Valenzuela City Family Park
3. Dr. Jose P. Rizal at Dr. Pio Valenzuela
4. Nawiwili ang mga tao sa makukulay na fountain tuwing ikaanim ng
gabi, at upang doon ay mag zumba at mag ehersisyo
5. Oo, nais kong puntahan ang mga lugar na ito upang makapag relaks
pagkatapos ng mga gawain, at upang maipakita ang pagpapahalaga sa
mga lugar na ito sa ating lungsod
B. 1. iyo 2. ko 3. guro 4. modyul 5. ikaw
Phoenix 6
Pluma 6
Curriculum Guide 6

14 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN1
6
Filipino
Unang Markahan
Modyul 1- Aralin 2:
Pagbibigay Kahulugan sa
Kilos ng mga Tauhan sa
Pabula
Paggamit ng mga Panghalip
Paggamit ng
Pangkalahatang
Sanggunian

15 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN1
Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Nabibigyang kahulugan ang kilos at pahayag ng mga tauhan sa
napakinggang pabula F6PN-Ic-19
• Nagagamit nang wasto ang mga panghalip na panao, paari, pananong,
pamatlig, panaklaw sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon F6WG-Ia-
d-2
• Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagsasaliksik F6EP-Ib-d-6

Subukin

A. Panuto: Piliin sa loob ng saklong ang wastong gamitin na panghalip sa


usapan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Lorraine: Magandang umaga sa ___ (atin, iyo) Lili, siya ang kaibigan kong si
Monique.
Lili: Magandang umaga sa iyo Monique, ako naman si Lili, tara upo tayo ___ (dito,
ganito) sa may upuan at magkwentuhan .
Lorraine: Mahilig si Monique magbisikleta tulad natin isasama ko siya sa susunod
na araw.
Lili: (Kailan, Saan) ____ka natira Monique?
Monique: Sa Palasan lang ang bahay ______ (namin,natin), malapit lang kami sa
parke ng Polo.
Lili: Sige sa susunod magbisikleta tayo, ___ (ilan, lahat) ng kaibigan mo ay isama
mo na rin.
B. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang T kung tama ang ipinapahayag ng
sitwasyon at M naman kung mali.
1.Kinuha ni Rico ang encyclopedia upang hanapin ang tiyak na lokasyon ng
bansang Brazil dahil ito ay kanilang takdang aralin.
2.Inalam ni Sammy ang wastong pagbaybay ng salitang Anluwage , kinuha niya
ang diksyunaryo at sinimulan nyan itong hanapin.
3.Almanac ang binasa ni Aling Helen para malaman ang pinakahuling balita sa
relihiyon at pulitika.
4. Internet ang gagamitin ni Lili para hanapin ang larawan ng magagandang pook
sa Pilipinas.
5. Ang encyclopedia ang gagamitin ni Billy para malaman ang nangyari noong
panahaon ng World War II.

16 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN2
⚫ Pagbibigay Kahulugan sa Kilos ng
Aralin mga Tauhan sa Pabula

2 ⚫ Paggamit ng mga Panghalip


⚫ Paggamit ng Pangkalahatang
Sanggunian

Balikan
A. Panuto: Basahin at unawain ang tekstong impormasyon. Sagutin ang mga
sumusunod sa inyong sagutang papel.
Epekto ng Pag-ikot ng Mundo
Ni Liberty Ragragio

Ang mundo ay hindi tumitigil sa paggalaw. May dalawang uri ito ng pag-ikot,
ang rotasyon at rebolusyon. Ang pag-ikot ng mundo sa sarili nitong aksis mula sa
direksyong kanluran patungong silangan na umaabot sa 24 na oras ay tinatawag na
rotasyon habang ang pag-ikot naman ng mundo sa araw habang umiikot sa sarili
nitong aksis na umaabot sa 365 na araw, limang oras, 48 minuto at 46 na segundo
o katumbas ng isang buong taon ang tinatawag naman na rebolusyon.
Ang pagbabago ng panahon sa iba’t ibang bansa ay epekto ng ikot ng mundo
sa araw. Ang mga bansang nasa mataas na latitud ay parating nakararanas ng
taglamig dahil sa hindi ito gaanong nasisikatan ng araw samantalang ang mga nasa
mababang latitud naman ay direktang nasisikatan ng araw at nakararanas ng
dalawang uri ng panahon ang tag-ulan at tag-araw habang ang nasa bandang
gitnang latitud ay bahagyang nasisikatan ng araw na dahilan kung bakit
nakararanas ng apat na panahon ang tag-init, taglagas, tagsibol at taglamig.
Nakasalalay rin sa tindi o sa kawalan ng sikat ng araw ang pagbabago ng
klima at temperatura ng isang lugar. Ang klima ng isang lugar ay naaapektuhan
batay sa lokasyon at topograpiya nito.
1. Alin sa sumusunond ang epekto ng pag-ikot ng mundo sa araw?
A. pagkakaroon ng araw at gabi
B. pagkakaroon ng tag-ulan at tag-araw
C. pagbabago ng panahon sa iba’t ibang bansa
D. pag-iiba-iba ng nararanasang liwanag at dilim ng isang lugar
2. Ano ang tawag sa pag- ikot ng mundo sa sarili nitong aksis mula sa
direksyong kanluran patungong silangan?
A. pag-inog
B. pagpihit
C. rebolusyon
D. rotasyon

17 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN2
3. Ano ang tawag sa pag-ikot naman ng mundo sa araw habang umiikot sa sarili
nitong aksis?
A. pag-inog
B. pagpihit
C. rebolusyon
D. rotasyon

4. Alin sa sumusunod ang dahilan sa nararanasang iba’t ibang panahon ng mga


bansa?
A. pag-ikot ng mundo sa aksis
B. pag-ikot ng mundo sa araw
C. kinalalagyan nitong lokasyon
D. kinabibilangang latitud ng isang bansa

5. Saan nakasalalay ang klima at temperature ng isang lugar?


A. pag-ikot ng aksis ng mundo
B. pag-ikot ng mundo sa araw
C. sa tindi o sa kawalan ng sikat ng araw
D. kinabibilangang latitud ng isang bansa

B. Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na gamiting pangngalan o


panghalip upang mabuo ang usapan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Nag-uusap ang magkapatid para sa sopresang ihahanda sa kaaraawan ng
kanilang ina.
Ate: Nabili na ba ang lahat ng gagamiting dekorasyon para sa (kaarawan,
piyesta) ni ina?
Bunso: Opo ate, naihanda na ang lahat. (Ako, Ikaw) na rin ang gumawa ng
poster na ididikit sa may hapag kainan.
Ate: Salamat sa iyo, nakabili na rin ba ng (kandila, laso) para sa kaniyang
keyk?
Bunso: Opo ate, inilagay (ko, niya) na po ito sa mesa.
Ate: Maraming salamat, bunso. Tiyak na masisiyahan si ina sa (ating,
iyong) munting sopresa.

Tuklasin
A. Panuto: Basahin at unawain ang pabulang “Ang Leon at Ang Daga.” Sagutin sa
sagutang papel ang sumusunod na tanong.
Ang Leon at Ang Daga

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon.


Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos
siya paibaba.
Sa katuwaan ay ‘di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang
daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin.
Natakot at nagmakaawa ang daga.
"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa
pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro
sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.

18 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN2
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa. "Sige,
pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko,"
sabi ng leon.
"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "
sagot ng daga.
Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa
loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan. Dali-daling
inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad
namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob.
Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na makawala sa lambat.
"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa
kaibigang daga.

1. Anong ugali mayroon ang leon sa kuwento?


A. maamo B. mabait C. mabangis D. matulungin
2. Bakit nagalit ang leon sa daga?
A. dahil niloko niya ito
B. dahil kinagat niya ang paa nito
C. dahil kinuha niya ang pagkain nito
D. dahil naglaro siya sa ibabaw nito habang natutulog
3. Ano ang reaksyon ng leon sa ginawa ng daga?
A. nagalit B. nagulat C. nalungkot D. natuwa
4. Ano ang reaksyon ng daga nang magalit sa kanya ang leon?
A. nagalit B. nalungkot C. natakot D. natuwa
5. Ano ang naramdaman ng leon ng siya ay makawala sa lambat?
A. nagalit B. nalungkot C. natakot D. natuwa

B. Panuto: Basahin ang maikling usapan. Sagutin sa sagutang papel ang


sumusunod na tanong.

Nag-uusap sa telepono sila Jessa at Maria tungkol sa kanilang takdang aralin.

Jessa: Hello, Magandang umaga po, maaari ko po bang makausap si Maria?


Maria: Magandang umaga, ako po si Jessa, ano ang maipaglilingkod ko sa
iyo?
Jessa: Ako ito ang iyong kamag- aral na si Jessa, Nakadalo ka ba sa ating
online class kahapon?
Maria: Oo, nakadalo ako kahapon Jessa
Jessa : Kung gayon maaari ba akong humingi ng tulong sa iyo tungkol sa
ating takdang aralin?
Maria: Walang problema, ano ba ang nais mong malaman, nandito ako
upang tulungan ka sa abot ng aking makakaya.
Jessa : Maraming salamat, nais ko lamang malaman kung ano-ano ang
iba’t ibang pangkalahatang sanggunian na tinalakay sa atin
sapagkat nawalan kami ng internet connection habang nagtuturo si
Mrs. Gonzales
Maria: Walang problema. Isulat mo na lamang angmga mahahalagang
impormasyon na iyong kinakailangan upang maunawaan ang ating
aralin.
Jessa: Sige ihahanda ko lamang ang aking lapis at papel

19 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN2
Maria: Ang pangkalahatang sanggunian ay diksyunaryo, encyclopedia, atlas,
almanac, internet, mapa at globo. Ang diksyunaryo ay pinagkukunan
ng kahulugan, pagpapantig, baybay diin, bahagi ng pananalita at
origin o pinanggalingan ng salita. Nakaayos nang paalpabeto ang mga
salita sa diksyunaryo. Encyclopedia ay set ng mga aklat ng kalipunan
ng mahahalagang impormasyon tulad ng ekonomiya, teknolohiya,
kabuhayan, edukasyon, pulitika, at iba pa. Ang Atlas naman ay aklat
ng mga mapa na nagsasaad ng lawak, distansya at lokasyon ng mga
lugar. Ipinakikita rito ang mga anyong-tubig at anyong-lupa na
matatagpuan sa isang lugar. At ang huli naman ay Almanac ito ay aklat
na naglalaman ng kalendaryo ng mga araw sa isang taon na
kinasusulatan ng mga oras sa iba’t ibang mga pangyayari at
katotohanan tulad ng anibersaryo, pagsikat at paglubog ng araw,
pagbabago ng buwan, pagtaas at pagbaba ng tubig at iba pa.
Jessa: Naunawaan ko na ang ating aralin. Salamat sa iyong tulong.
Maria: Walang anoman, tumawag ka lamang kung may kailangan ka.
Jessa: Maraming salamat Maria sa pagsagot sa aking tawag. Paalam!

Tanong:
1. Sino ang magkausap sa telepono?
2. Ano ang kanilang pinag -uusapan?
3. Bakit tinawagan ni Jessa si Maria?
4. Ano ano ang sinagot ni Maria tungkol sa ibat-ibang uri ng sanggunian?
5. Naipaliwanag ba ito ni Maria nang maayos? Ipaliwanag.

Suriin
Ang pabula ay uri ng panitikan na ang pangunahing mga tauhan ay mga
hayop. Sa panitikang ito, ang mga hayop ay kumikilos at nakapagsasalita tulad ng
mga tao. Ito ay kapupulutan ng mabuting aral at magandang asal.
Halimbawa ng mga Pabula
Ang Daga at ang Leon, Ang Palaka at ang Kalabaw, Si Dagang Bayan at Dagang
Bukid, Bakit Dala-dala ng Pagong ang Kanyang Bahay?
Ang panghalip ay humahalili o pumapalit sa pangngalan upang maiwasan ang
pag-uulit. May iba’t ibang uri ng panghalip ito ay ang panao, paari, pamatlig,
pananong at panaklaw. Ang bawat panghalip ay may iba’t ibang gamit.
1. Panao- salitang inihahalili / pinapalit sa ngalan ng tao
Halimbawa: ako, kami, sila, siya, tayo
2. Paari- nagsasaad ng pagmamay-ari
Halimbawa: akin, atin, kanila, kanya
3. Pananong – nagtatanong tungkol sa pangngalan
Halimbawa: ano, ano-ano, sino, sino-sino
4. Panaklaw- tumutukoy o sumasaklaw sa kaisahan, dami o kalahatan
Halimbawa: bawat, ilanman, lahat, madla
5. Pamatlig- nagtuturo ng kinaroroonan ng pangngalan
Halimbawa: dito, diyan, doon, ito

20 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN2
Ang pangkalahatang sanggunian ay diksyunaryo, encyclopedia, atlas,
almanac, internet, mapa at globo.
Ang pag-uanawa sa mga salita Mapalalalim at mapalalawak ang pag-unawa
sa mga salita kung sasangguni sa iba’t ibang sanggunian. Ang mga ito ay maaaring
nakalimbag o nasa internet web page gamit ang iba’t ibang search engines.
Diksyunaryo - pinagkukunan ng kahulugan, pagpapantig, baybay diin, bahagi ng
pananalita at origin o pinanggalingan ng salita. Nakaayos nang paalpabeto ang mga
salita sa diksyunaryo.
Encyclopedia - set ng mga aklat ng kalipunan ng mahahalagang impormasyon tulad
ng ekonomiya, teknolohiya, kabuhayan, edukasyon, pulitika, at iba pa. Makikita rin
dito ang mga artikulong nagsasaad ng katotohanan sa isang tao, bagay, pook o
pangyayari.
Atlas - aklat ng mga mapa na nagsasaad ng lawak, distansya at lokasyon ng mga
lugar. Ipinakikita rito ang mga anyong-tubig at anyong-lupa na matatagpuan sa
isang lugar.
Almanac - aklat na naglalaman ng kalendaryo ng mga araw sa isang taon na
kinasusulatan ng mga oras sa iba’t ibang mga pangyayari at katotohanan tulad ng
anibersaryo, pagsikat at paglubog ng araw, pagbabago ng buwan, pagtaas at
pagbaba ng tubig at iba pa.
Iba pang sanggunian:
2. Internet - teknolohiyang maaaring pagkunan ng impormasyon gamit ang
kompyuter, tablet at piling telepono
3. Mapa - isang palapad na drowing ng mundo o bahagi nito
4. Globo - isang maliit na replika ng mundo

Pagyamanin
A. Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na katangian na ipinapahayag ng bawat
bilang mula sa iba’t ibang pabula.
1. “Nakakaawa ka naman”, wika ni Tagak kay Kalabaw. “Tutulungan kita,
pagtutukain ko ang mga pesteng lamok na ito.”
2. “Talo na iyan! Talo na iyan! Pagkabagal-bagal!” sigaw na panunudyo ng mga
kamag-anak ni Kuneho.
3. “Kaibigang Tipaklong kailangan nating mag-ipon ng pagkain upang sa gayon ay
handa tayo sa paparating na tag-ulan,” wika ni Langgam.
4. “Hindi ang isang tulad mo ang nais kong kaibigan. Ang gusto ko ay iyong
kasinlaki at kasinlakas ko, hindi tulad mong lampa na’t maliit ay sobra pa ang
kupad kumilos.”
5. “Masasaya na sila, magaganda pa! Pagkapuputi ng mga balahibo nila. Maitim
na maitim ako. Pagkapangit-pangit ko. Siguro nakapagpapaputi,
nakapagpapaganda at nakapagpapaligaya ang batis na pinaglalanguyan nila.”

mainggitin mapangkutya
mapag-impok mapanghamak sa kapwa
matulungin

21 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN2
B. Panuto: Lagyan ang patlang ng tsek (/) kung tama at ekis (x) kung mali ang
ipinahahayag ng bawat pangungusap.
____1. Ang globo ay modelo ng mundo.
____2. Ang mapa ay palapad na guhit ng mundo o ng bahagi nito.
____3. Ang pangkalahatang sanggunian ay hindi kapaki-pakinabang.

C. Panuto: Punan ng wastong panghalip ang sumusunod na dayalogo:


Napag- usapan ng magkaibigan na sila ay sasali sa liga ng basketbol sa
kanilang barangay, narito ang kanilang pinag- usapan.

Ariel: ____ nga ba ang simula ng laro natin?


Gilbert: Sa Sabado na, mag ensayo ____ upang manalo at mauwi natin ang
tropeyo.

Isaisip

Panuto: Kumpletuhin ang pahayag batay sa iyong natutuhan sa aralin.


Ang ____________ ay isang uri ng panitikan na kung saan ang
pangunahing mga tauhan ay ginagampanan ng mga hayop.
Ang ____________ ay mga salitang ipinapalit sa pangngalan.
Nakatutulong ang mga __________________ upang mapalalim at mapalawak ang
ating mga kaalaman.

Isagawa

A. Panuto: Sumulat ng maikling usapan na gumagamit ng iba’t ibang uri ng


panghalip tungkol sa mga pasyalan sa Valenzuela. Isulat ito sa sagutang papel.
B. Panuto: Magsaliksik sa inyong silid-aklatan tungkol sa Solar System. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Tayahin

A. Panuto: Basahin ang maikling usapan. Piliin sa panaklong ang wastong gamitin
na panghalip at isulat ito sa sagutang papel.

Habang sila ay naglilinis ng silid aralan napag -usapan ng magkaibigan ang gagawin
nilang pamamasyal sa Sabado.

Rina: Nabalitaan ___ ba ang bagong pasyalan na ating lugar dito sa


Valenzuela?
Ana: Oo nga nabalitaan ko rin, mukhang magandang pasyalan___
Rina: ______ ba iyong magagandang pasyalan ?
Ana: Ang mga bagong pasyalang Parke ay ang Valenzuela City Peoples
Park atValenzuela City Family Park, Polo Park at Wawangpulo Sports Park.

22 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN2
Rina: Halika, sa Sabado ay puntahan ___, may gagawin ka ba sa araw na
iyon?
Ana: Wala naman ngunit magpapa -alam muna ako kay inay
Rina: Sige pumunta ____ sa pinakamalapit na parke dito sa Karuhatan.

B. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang gagamiting sanggunian sa sumusunod na


sitwasyon.
1.Nais mong malaman ang kahulugan ng salitang hindi mo maunawaan.
2 Nais mong malaman ang lawak, at distansya ng bansang Japan.
3.Nais mong alamin ang pinakahuling impormasyon tungkol sa eleksyon at
usapang palakasan.

C. Panuto: Piliin sa kahon at isulat sa patlang ang damdamin ng tauhan sa kuwento.

masaya nagagalit natatakot

1. "Salamat kaibigan, balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo”.


_____________
2. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak
siyang isubo at kainin. ___________

Karagdagang Gawain

Panuto: Magtala ng sampung di-pamilyar na salita mula sa binasang pabula at


bigyang kahulugan ang mga ito upang makabuo ng sariling diksyunaryo.

23 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN2
DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN2 24
Subukin
A.
1. iyo 2.dito 3.saan 4.naming 5.lahat
B.
1. M 2.T 3.M 4.T 5.T
Balikan
A.
1. C 2.D 3.C 4.C 5.C
B.
1. Kaarawan 2.ako 3.kandila 4.ko 5.ating
Tuklasin
1.C 2.D 3.D 4.C 5.D
1. Si Jessa at Maria
2. Ang kanilang Takdang Aralin
3. Nais niyang malaman ang piang -aralan kahapon sapagkat hindi
nya ito naunawaan ng lubos
4. Ensayklopedia, diksunaryo, almanac, atlas at internet
5. oo, sapagkat naunawaan ito ni Jessa
Pagyamanin
1. Matulungin
2. Mapangutya
3. Mapag-impok
4. Mapanghamaksa kapwa
5. Mainggitin
B.1. / 2./ 3.X
C. 1.kailan 2.tayo
Isaisip
1.Pabula 2.panghalip 3.Pangkalahatang Sanggunian
Tayahin
1. Mo 2.iyon 3.saan 4.natin 5.tayo
B.1. diksyonaryo 2.atlas 3.internet
C.1.masaya 2.natatakot
Susi sa Pagwawasto
25 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN2
6
Filipino
Unang Markahan
Modyul 1
Aralin 3:
Pagsusunod-sunod ng
Pangyayari
Pagsulat ng Kuwento
at Talata

26 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN2
Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng
nakalarawang balangkas at pamatnubay na tanong
F6PB-Ib-5.4, F6RC-IIe-5.2
• Nakasusulat ng kuwento, talatang nagpapaliwanag at nagsasalaysay
F6PU-Id-2.2, F6PU-If-2.1, F6PU-Ih-2.1

Subukin
A. Panuto: Sa pamamagitan ng tsart ng Story Mapping, isulat ang hinihinging
detalye tungkol sa kuwentong “Ang Leon at Ang Daga”.

B. Panuto: Basahin ang maikling kwento at isulat ang mahahalagang detalye nito
sa pamamagitan ng paglalagay sa talahayan. Gawin ito sa sagutang
papel.

Ang mga mag-aaral sa Paaralan ng Apolonia F. Rafael Elementary School ay


tumanggap ng tablet mula sa puno ng lungsod ng Valenzuela na Mayor Rex
Gatchalian.
Ang pamimigay ng tablet sa mga mag-aaral ay ginanap sa Multi Purpose Barangay
Hall ng Brgy. Mapulang Lupa noong Enero 6, 2021 ganap na ika-8 ng umaga.

27 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN3
Isinigawa ito upang magkaroon ng gamit ang mga mag-aaral sa kanilang online class
dahil karamihan sa kanila ay walang kakayahang bumili ng gamit pang-online class.
Upang maging maayos ang pamamahagi ng tablet ay magkakasamang pinapila
ang bawat baitang. Ang pasasalamat sa puno ng lungsod ay pinangunahan ng
punongguro na si Gng. Merlie B. Oganiza at ang pangulo ng PTA na si Gng. Virginia
P. Tuling

SINO KAILAN ANO BAKIT PAANO

Aralin
⚫ Pagsusunod-sunod ng Pangyayari

3 ⚫ Pagsulat ng Kuwento at Talata

Balikan

A. Panuto: Punan ng mga patinig ang patlang upang mabuo ang mga salita.
Gamitin ang kahulugan bilang gabay.
1. s_ts_ry_ - pagkaing walang makukuhang sustansya
2. _h_rs_sy_ - may kaugnayan sa pagpapaunlad ng kalusugan
3. b_t_m_n_ - sustansyang kailangan para sa kalusugan ng katawan
4. p_n_g_n_p - pansariling karanasan ng mga guni-guning imahen, tunog/tinig,
pag-iisip o pakiramdam habang tulog
5. k_mpy_t_r - elektronikong gamit na patuloy na pinauunlad upang mas
mapadali ang pagpoproseso ng mga iba’t ibang bagay gaya ng komunikasyon,
pagpapalaganap ng mga impormasyon at marami pang iba.

28 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN3
B. Panuto: Punan ang bawat patlang ng angkop na salita upang mabuo ang
kaisipang nakapaloob sa bawat saknong.
Orasan
Ikaw at ________ magkasama
________ sa lahat ng oras.
Ako’y maaasahan ________.
Tik! Tak! Tik! Tak! ________ ang maririnig mo.
Sa bawat pag-ikot ng ________ mga kamay
oras ay matagal kapag hinihintay.

Tuklasin

A. Panuto: Basahin “Ang Kuwento Nina Pepe at Susan”. Sagutin sa sagutang papel
ang sumusunod na tanong.

Ang Kuwento Nina Pepe at Susan

Sina Pepe at Susan ay magkapatid. Sila ay mga batang hindi mahilig kumain
ng gulay at prutas. Mas gusto pa nilang kumain ng hindi masusustansyang
pagkain.
Tamad din silang mag – ehersisyo, kung kaya’t madalas silang makaramdam
ng panghihina, at minsan pa ay nagkakasakit.
Isang tanghali sa kanilang kusina, “Susan huwag kang maingay kay mommy
ha, ayoko talaga ng ampalaya at iba pang gulay”, ang sabi ni Pepe. “Oo nga Pepe,
ewan ko ba kila mommy at daddy kung bakit lagi nila tayong gustong kumain ng
gulay” ang tugon ni Susan.
“Halika, kunyari naubos natin ang pagkain natin, itapon na natin ito sa
basurahan para hindi na makita nila mommy,” ang yaya ni Pepe.
“Sige Pepe tapos kainin natin ang kendi sa bag ko,” sang-ayon ni Susan.
Ganyan nga sina Pepe at Susan, hindi sila mahilig sa gulay.
Pagkatapos ng pananghalian, naglaro sila sa kompyuter. “Susan, ang galing
mo sa computer games kanina, natalo mo ako,” ang sabi ni Pepe. “Kasi dapat dalasan
mo ang paglalaro sa kompyuter para gumaling ka rin,” sagot ni Susan.
Nang gabing iyon, hindi makatulog nang mahimbing sina Pepe at Susan.
Napunta sila sa isang madilim na lugar at nakakita sila ng mga anyong hindi nila
nagustuhan. Tumakbo sila nang mabilis.
“Ay naku Susan, hindi ko na kayang tumakbo, pagod na pagod na ako.” “Ako
rin humihingal na ako Pepe, paano na ‘yan?”
“Sana nandito sila mommy at daddy, Mommy! Daddy!”
Ganoon nga ang nangyari, hindi kinaya nina Susan at Pepe ang pagtakbo
nang matagal dahil hindi sila nasanay mag- ehersisyo at kumain ng gulay at prutas
na makatutulong sana sa pagpapalakas ng kanilang katawan.
Nang papalapit na ang mga humahabol kina Pepe at Susan, biglang …
“Huwag kayong matakot ililigtas namin kayo!”
Sa tulong nina Mely Malunggay, Tally Talong, Benny Banana at Nina Pinya
naligtas sina Pepe at Susan. “Yehey!, salamat iniligtas ninyo kami. Ang galing ninyo
mga Super Prutas at mga Super Gulay”, sabay na wika ng magkapatid.
“Walang anuman, masaya kaming natulungan namin kayo”, sagot ng mga
gulay at prutas.
“Ako nga pala si Mely Malunggay.” Ako naman si Tally Talong”. “Ang tawag sa
amin ay Super Gulay.

29 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN3
Ako naman si Benny Banana”. “At ako naman si Nina Pinya”.” Kami naman
ang Super Prutas!” “Hindi n’yo ba kami kilala?” tanong ng mga prutas at gulay sa
magkapatid.
“Sorry hindi kasi namin kayo paboritong kainin e, mahilig kami sa mga
pagkaing hindi masusustansya,” sagot ni Pepe.
“Ha, naku! Pepe at Susan napakahalaga lalo na sa mga batang katulad ninyo
ang pagkain ng prutas at gulay. Bukod sa mga sustansya na kailangan ninyo araw-
araw tumutulong din kami upang maiwasan ang sakit”, ang sabi ni Benny Banana.
“Tama at hindi lang ‘yon, kami rin ang nagbibigay ng mga bitaminang
kailangan ng inyong katawan upang kayo’y maging malusog na mga bata”, dagdag
ni Nina Pinya. “At isa pa katulong namin ang exercise at food supplement sa
pagpapatibay ng inyong katawan.”
“Kaya pala mabilis kaming manghina ni Pepe kasi tamad kaming mag-
ehersisyo.”
Ipinaliwanag ni Mely malunggay ang kahalagahan at ang mga bitaminang
makukuha sa mga gulay at prutas.
“Ang galing naman pala, hindi namin alam ‘yon. Mula ngayon kakain na kami
ni Pepe ng gulay at prutas,” ang dugtong ni Susan.
“Mahalaga pala ang pagkain nito, tama pala sila mommy at daddy, sasamahan na
rin namin ng pag- eehersisyo araw-araw at babawasan namin ang panonood ng
telebisyon at paglalaro sa kompyuter”
“Maraming salamat sa inyo mga Super Prutas at Super Gulay,” sabay na sabi
ng magkapatid.
“Walang anuman, ang sabay-sabay ring sagot ng mga prutas at gulay.
“Babay!”
Nang bigla silang nagising.
“Ha! panaginip lang pala”, sabi ni Pepe. “Oo nga Pepe, isang panaginip na may
magandang aral.
Mula nga noon ay sabay na silang kumakain ng prutas at gulay at nag-
eehersisyo. Dahil sa nangyari ay binigyang halaga nina Pepe at Susan ang wastong
nutrisyon.

Tanong:
1. Ano-anong gulay ang malimit ninyong kainin?
2. Anong katangian nina Pepe at Susan ang hindi nararapat tularan? Bakit?
3. Ano ang magandang naidulot ng panaginip sa magkapatid na Pepe at Susan?
4. Nababatid ba ninyo ang kahalagahang dulot ng mga prutas at gulay sa inyong
katawan? Pangatwiranan.
5. Ano ang kahalagahan ng masusustansyang pagkain sa pakikipaglaban natin
ngayon sa panahon ng COVID-19?

B. Panuto: Basahin ang tekstong nasa ibaba. Sagutin sa sagutang papel ang
sumusunod na tanong.

Edukasyon ang tanging paraan tungo sa magandang kinabukasan. Gaano


nga ba kahalaga ang edukasyon? Bakit ba napaka-importante nito? Ilan lang
yan sa mga katanungan ng bawat isa sa atin.

30 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN3
Mayo 18, 2018 namatay ang pinakamamahal na ama ni Lara. Halos
dinamdam niya ng sobra ang pagkawala nito. Unti-unti siyang nanghina,
nawalan nang lakas ng loob at unti-unting nawalan ng pag-asa. Sobrang sakit
ang naramdaman niya noong mga panahong na iyon. Parang nadurog yong puso
niya at nawalan siya ng ganang mag-aral. Kaya noong 2019, tumigil siya sa pag-
aaral. Nanghihinayang si Lara sa mga oportunidad. Ang bawat pagkakataon ay
nabalewala niya. Kaya heto siya ngayon, walang natapos at punong-puno ng
pagsisisi.

Sa panahon ngayon may mga taong nakapag-aral nga, ngunit wala namang
mabuting asal. Tipong may mga pinag-aralan nga sila ng magandang kurso,
ngunit hindi naman umaakto ng maayos ayon sa kanilang pinag-aralan. Sa
mahaba-habang panahon na lumipas, natutuhan kong pahalagahan ang
edukasyon. Para sa akin kasi, ang edukasyon ay hindi lang pataasan ng marka
o ng natapos na kurso. Kailangan mo ring panindigan na talagang may pinag-
aralan ka. Kailangan mong matutunan kung paano rumespeto ng ibang tao at
kung paano irespeto ang sarili mo. Edukasyon ang masasabi kong pinaka-
matibay na pundasyon. Para sa akin napakahalaga nito, dahil ito lang ang daan
upang makamit natin ang ating mga mithiin. Edukasyon ang magsisilbing tulay
natin sa pag-abot ng ating mga pangarap. Kaya nitong baguhin ang buhay ng
isang tao. Kapag may pinag-aralan ka, madali na lang para sa iyo na abutin at
kamtin ang hinahangad na tagumpay.
Ang edukasyon ang pinakamahalagang pamana ng ating mga magulang.
Lahat ng bagay sa mundo ay lumilipas ngunit ang karunungan kailan man ay
hindi kumukupas. Edukasyon lamang ang natatanging bagay na hindi
makukuha ninuman. Hindi sapat na nakapagtapos ka lamang dahil kailangan
babaon mo pa rin ang karunungan natutuhan mo sa loob ng paaaralan.

Tanong:
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
2. Bakit biglang nawalan ng pag-asa mag-aral si Lara?
3. Ano ang kahalagahan ng edukasyon?
4. Bilang isang mag-aaral, paano mo papahalagahan ang iyong edukasyon?
5. Anong uri ng talata ang ginamit sa kwento?

Ang balangkas ay isang nakasulat na plano ng mahahalagang bahagi ng


isang sulatin na nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Mahalagang
bahagi lamang ang nakapaloob dito upang magsilbing patnubay na gagamitin ukol
sa magiging nilalaman ng isang sulatin.
Mahalaga ang paggawa ng balangkas sa paghahanda ng ulat o anumang sulatin
katulad ng pag-uulat, pananaliksik at pagsasaayos ng mga impormasyon. Matapos
makuha ang mga impormasyong kailangan sa iyong ulat ang susunod mong iisipin
ay kung alin sa maraming impormasyon mong nakuha ang iyong isasama sa ulat.
Sa bahaging ito, mahalaga ang paghahanda ng isang balangkas.
Para sa mga bata mas makatutulong kung gagamit ng mga nakalarawang
balangkas.
Ang pagsulat ng kuwento ay masining na anyo ng panitikan na
naglalaman ng isang pagsasalaysay tungkol sa mahalagang pangyayari na
kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng
mga mambabasa.

31 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN3
Ang pagsulat ng kuwento ay maaaring hango sa tunay na buhay ng isang
tao o kathang-isip lamang. Ito ay isang talento ngunit kahit hindi ka mahusay
sumulat maaari ka pa ring makalikha nito.
Paano magsulat ng kuwento? Kailangan malaman ang mga elemento sa
paglikha nito.

Elemento ng Kuwento
1. Panimula- rito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Rito rin
kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento
2. Kasiglahan- naglalahad ng pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin
3. Suliranin- ito ang problemang haharapin o kinakaharap ng tauhan o mga
tauhan sa kuwento
4. Tunggalian- ay may apat na uri:
*tao laban sa tao * tao laban sa lipunan
* tao laban sa sarili * tao laban sa kapaligiran o kalikasan
5. Kasukdulan -dito ay nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban
6. Kakalasan- ito ang tulay sa wakas ng kuwento
7. Wakas - ito ang solusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
8. Tagpuan- dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga
insidente, kasama rin dito ang panahon kung kailan naganap ang kuwento
9. Paksang Diwa - ito ang pinaka-kaluluwa ng kuwento
10. Kaisipan- ito naman ang mensahe ng kuwento
11. Banghay - ito ang mga pangyayari sa kuwento

Mga Bahagi ng Kuwento


1. Simula - Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan at suliranin. Sa mga
tauhan nalalaman kung sino-sino ang nagsisiganap sa kuwento at kung ano ang
papel na gagampanan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang
tauhan.
2. Gitna - Ito ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan. Ang
saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ay bahaging kababasahan ng
pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga
suliraning kahaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan
makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
3. Wakas – Ito ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ay bahaging
nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maiigting na
pangyayari sa kasukdulan at ang katapusan ay ang bahaging kababasahan ng
magiging resolusyon ng kuwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o
pagkapanalo. Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa
pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan,
hinahayaan ng may akda na mabitin ang wakas ng kuwento para hayaan ang
mambabasa na humatol o magpasya kung ano sa palagay nito ang maaaring
kahinatnan ng kuwento.

32 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN3
Pagyamanin
A. Panuto: Sa tulong ng mga larawan, pagsunod-sunorin ang mga pangyayari sa
“Ang Kuwento Nina Pepe at Susan”. Isulat sa loob ng kahon ang bilang
isa hanggang lima (1-5).

B. Panuto: Gumawa ng talata na nakaapekto sa buhay ng Pilipino noong panahon


ng COVID-19. Isaalang-alang ang balangkas sa pagsulat ng talata.

Isaisip
Panuto: Kumpletuhin ang pahayag batay sa iyong natutuhan sa aralin. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Ang pagsulat ng kuwento ay _______________________________________________.


Ito ay may iba’t ibang elemento tulad ng _________________, ______________________,
______________, ______________________, __________________, ________________________
At binubuo ng tatlong bahagi. Ito ay ang _______________________,
__________________________ at ___________________________.

33 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN3
Isagawa
A. Panuto: Basahin at unawain ang kuwentong “Ibong Adarna”. Ilagay sa gulong
ang letrang A-J ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Mapayapa ang lahat hanggang isang gabi nanaginip ang hari tungkol kay Don
Juan na pinatay raw siya ng dalawang traydor. Nagkasakit ang hari dahil dito at
walang makagamot sa kanya. May dumating na manggagamot at sinabing ang kanta
lang ng Ibong Adarna ang makagagamot sa kanya. Mahahanap daw ito sa bundok
Tabor sa puno ng Piedras Platas. Hatinggabi raw ito kung dumating. Kaya inutusan
ng hari si Don Pedro na kunin ang Ibong Adarna.
Naglakbay si Don Pedro nang tatlong buwan kasama ang kabayo niya para
hanapin ang Adarna. Namatay ang kabayong ito pagdating sa tuktok ng bundok
kaya naglakad na lamang siya. Nakakita siya ng mahiwagang puno at nagpahinga
muna roon. Hinintay niya ang Adarna hanggang sa siya ay makatulog. Dumating
ang Adarna at nagsimula nang kumanta. Nang magpalit ito ng balahibo, siya ay
dumumi at napatakan si Don Pedro. Ang prinsipe ay naging bato.
Nang hindi nagbalik si Don Pedro, inutusan niya ang ikalawang anak na si
Don Diego, na hanapin ang kapatid at ang Ibong Adarna. Naglakbay siya ng limang
buwan at tulad ni Don Pedro, napagod at namatay ang kabayo niya. Pinagpatuloy
niya ang paglalakad hanggang sa marating niya ang Bundok ng Tabor. Nakita niya
ang punong Piedras Platas at sa ilalim nito ay may nakita siyang bato. Nagpahinga
siya roon at naghintay sa Adarna. Nang dumapo na ang gabi, dumating na ang
pinakahihintay niya. Naisip niya na pwede na niya itong hulihin pero nang
magsimula na itong kumanta, biglang inantok si Don Diego. Nang matapos ang
kanta, napatakan din siya ng dumi at naging bato.
Tatlong taon na ang nakararaan ngunit hindi nakabalik ang dalawang
prinsipe kaya naisipan ni Don Juan na magpaalam sa kanyang ama para siya naman
ang maghahanap. Ayaw pumayag ng hari na paalisin siya dahil nag-aalala ito sa
kaligtasan ng anak. Sinabi ni Don Juan na mahalaga sa kanya ang kanyang ama at
mga kapatid kaya kailangan niyang hanapin ang mga ito at maging ang Adarna.
Kung hindi siya papayagan ay mapipilitan siyang umalis nang palihim kaya
pumayag na lang ang hari at binigyan siya ng bendisyon. Umalis si Don Juan at
hundi gumamit ng kabayo. Nagbaon lang siya ng limang tinapay na kakainin niya
bawat buwan. Nang ikaapat na buwan ay may nakita siyang matandang leproso at
binigay niya ang huli niyang tinapay. Lubos na nalugod ang matanda kaya sinabi
niya kung paano niya mahahanap ang Piedras Platas at ang ermitanyong
makatutulong sa kanya upang mahuli ang Ibong Adarna.
Si Don Juan ay mabilis na umalis patungong Piedras Platas. Pinuntahan niya
ang ermitanyong sinasabi ng matandang leproso. Sinabi ni Don Juan na kailangan
niya ng tulong ng ermitanyo sa paghuli ng Adarna at mahanap ang kanyang mga
kapatid. Tinulungan naman ng ermitanyo si Don Juan. Sinabi ng ermitanyo ang mga
ginagawa ng Ibong Adarna. Kakanta ito ng pitong beses at magpapalit ang kulay ng
balahibo ng pitong beses din. Sinabi rin niya na ang mga kanta ay nakakaantok kaya
kailangan niyang hiwain ang kanyang kamay gamit ang labaha at patakan ng dayap
upang hindi antokin.
Si Don Juan ay pumunta na sa Piedras Platas upang abangan ang Ibong
Adarna. Noong nakita na niya ang ibon, siya’y nagandahan at nang magsimula nang
kumanta ito, siya’y inantok. Ginawa na niya ang bilin ng ermitanyo sa kanya,
tinusok niya ang kanyang kamay gamit ang labahang dala at nilagyan niya ito ng
dayap para hindi siya makatulog sa sobrang hapdi.

34 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN3
Pagkatapos ng mga kanta iniwasan naman ni Don Juan ang pagdudumi nito.
Noong nakatulog na ang Ibong Adarna, iginapos niya ang mga paa nito gamit ang
gintong lubid na dala. Inilagay niya ito sa hawla at dinala sa ermitanyo. Ipinakuha
naman ng ermitanyo ang isang baldeng tubig para ibuhos sa mga bato upang maging
tao ulit ang kanyang mga kapatid na sina Don Pedro at Don Diego. Lahat sila’y
nagkasiyahan at bumalik sa ermitanyo upang kunin ang Ibong Adarna. Sila’y
masayang kumain at maligayang naglakad pabalik sa Kaharian ng Berbanya.

Habang pauwi ang magkakapatid, inisip ni Don Pedro na kung babalik silang
tatlo sa kaharian, si Don Juan ang makakukuha ng malaking pasasalamat at
malaking selebrasyon. Nagpahuli siya upang makausap si Don Diego habang nauna
si Don Juan. Sinabi ni Don Pedro ang kanyang plano na bugbugin at iwanan si Don
Juan upang silang dalawa ni Don Diego ang makatatanggap ng malaking
pasasalamat. Sa una, nasindak si Don Diego ngunit ginawa pa rin nila ang
suhestiyon ng kapatid. Binugbog nila si Don Juan na hindi man lang lumalaban, at
iniwan siya ng makitang halos hindi na siya humihinga. Tumakas ang dalawa
kasama ang Ibong Adarna.

Pagdating sa Berbanya, natuwa ang hari sa kanilang pagbabalik at agad ding


nalungkot nang makitang hindi nila kasama si Don Juan. Tinanong ng hari kung
nasaan si Don Juan pero ang sinagot nila ay hindi nila alam. Umaasa na lang ang
hari na babalik pa si Don Juan. Ang Adarna rin ay pumangit at ayaw kumanta.
Nagduda ang hari kung iyon ba ang totoong Adarna.
Si Don Juan ay lubhang nasaktan kaya akala niya ay mamamatay na siya.
Nagdasal na lamang siya sa Diyos na gumaling ang kanyang ama at huwag
parusahan sina Don Pedro at Don Diego.

Narinig ang dasal ni Don Juan at isang matanda ang lumapit sa kanya.
Ginamot ng matanda ang mga sugat ni Don Juan at nang magising siya,
nagpasalamat na siya sa matanda at bumalik na sa paglalakbay pauwi ng Berbanya.
Masaya ang mga tao sa pagbabalik niya ngunit hindi naging masaya ang
kanyang mga kapatid. Nasopresa sila sa pagsulpot ni Don Juan at akala nila ay
napatay na nila ito. Pagkakita ng Ibong Adarna kay Don Juan, bumalik sa dating
rikit ang kanyang mga balahibo at kumanta ito habang isinasalaysay ang pagtataksil
ni Don Pedro at Don Diego kay Don Juan.

Nagalit ang hari nang matapos ang kanta ng Adarna at hahatulan sana ng
parusa ang dalawang taksil na magkapatid pero si Don Juan ay tumutol. Hayaan na
lang daw sila at napatawad na niya ito. Pinagbigyan ng hari ang dalawa ngunit
nagbigay ito ng babala na kapag inulit nila ito, kamatayan ang kanilang parusa.

35 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN3
B. Panuto: Sumulat ng kuwento tungkol sa iyong sarili. Gawing gabay ang mga
tanong na nasa ibaba upang ikaw ay makabuo ng isang magandang
kuwento.

1. Kailan ka pinanganak?
2. Sino ang mga magulang mo?
3. Sino-sino ang kapatid mo?
4. Nasa anong baitang ka na ngayon?
5. Sino-sino ang guro mo?
6. Ano-ano ang paborito mong pagkain?
7. Ano ang nais mo sa iyong paglaki? Bakit?

Tayahin

A. Panuto: Isulat sa flow chart ang tamang impormasyon ayon sa tamang


pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa “Ang Kuwento Nina Pepe at
Susan”.

36 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN3
B. Panuto: Piliin sa kahon ang tamang salita upang mabuo ang diwa ng isang talata.

bumabagay contact tracing katawan mahahadlangan


Omicron pagkain pagkakasakit
pagpapabakuna proteksyon umapekto

Ang COVID-19 ay nagbago sa paglipas ng panahon habang ___________ ito sa


mga tao. Humantong ito sa pagkakaroon ng mga bagong variant ng virus, kabilang
ang Delta at ___________. Ang iba't ibang variant ng COVID-19 ay maaaring
___________ sa bilis ng pagkalat ng virus o kung gaano kalubha ang ___________ ng
mga tao mula sa virus.

Ang lubos na ___________ ay nagbibigay ng mataas na antas ng ___________


laban sa mga ito at mas mataas pang antas ng proteksyon laban sa malubhang mga
karamdaman, pagpapaospital at pagkamatay.

Ang maagang pagtuklas ng mga kaso o sa pamamagitan ng ___________ ay


mahalaga sa pagpigil sa pagkalat ng lahat ng mga variant ng COVID-19. ___________
natin ang anumang mga paglaganap sa komunidad nang mabilis hangga't maaari
sa pamamagitan ng pagsuot ng face mask, pagpapanatili ng dalawang metrong
pisikal na distansya, paghuhugas ng kamay at pagpapalakas ng ___________ tulad
ng pagkain ng masusustansyang ___________.

37 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN3
Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng isang panalangin na patalata na binubuo ng limang


pangungusap hinggil sa kinahaharap nating pandemya na COVID-19.

38 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN3
DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN3 39
Subukin
Sino: Mga mag-aaral sa Apolonia F. Rafael Elem. School, punongguro,
PTA Officers
Kailan: Enero 6, 2021
Ano: Pamamahagi ng tablet sa mga mag-aaral
Bakit: Upang magkaroon ng gamit sa kanilang online class
Paano: Ibinahagi ang mga tablet sa pangunguna ng punongguro at PTA
Officers
(Maaring maiba ang sagot)
Balikan
1. sitsirya
2. ehersisyo
3. bitamina
4. panaginip
5. kompyuter
Isaisip
1.Ang pagsulat ng kuwento ay masining na anyo ng panitikan na
naglalaman ng isang pagsasalaysay tungkol sa mahalagang pangyayari
na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. (Maaaring maiba ang sagot)
2.Ito ay may iba’t ibang elemento tulad ng panimula, kasiglahan,
suliranin, tunggalian, kasukdulan, kakalasan, wakas, tagpuan,
paksang diwa, kaisipan, banghay
3.At binubuo ng tatlong bahagi. Ito ay ang simula, gitna at wakas.
Isagawa
1. umapekto
2. Omicron
3. bumabagay
4. pagkakasakit
5. pagpapabakuna
6. proteksyon
7. contact tracing
8. mahahadlangan
9. katawan
10. pagkain
Tayahin
1. B 2.D 3.C 4.D 5.C
Susi sa Pagwawasto
https://youtu.be/EoQdyyTfcQE
Curriculum Guide 6

40 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN3
6
Filipino
Unang Markahan
Modyul 1
Aralin 4:
Pagbibigay Hinuha
Pagsagot sa Tanong na
Bakit at Paano

41 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN4
Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa kuwento sa
tulong ng nakalarawang balangkas at pamatnubay na tanong F6PN-Id-e-12,
F6PB-IIIf-24
• Nasasagot ang tanong na bakit at paano F6PB-If-3.2.1

Subukin

A. Panuto: Basahin at ibigay ang iyong hinuha sa sumusunod na


sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Naglaba ang iyong nanay nang biglang dumilim ang kalangitan.


2. Katatapos lamang ninyong kumain ng tanghalian, narinig ninyo ang
anunsiyo ng inyong barangay tungkol sa biglaang pagkawala ng suplay ng
tubig sa inyong lugar.
3. Araw ng Lunes naramdaman mo na mainit ang iyong pakiramdam at
ikaw ay nahihilo.
4. Magluluto ang iyong nanay ng adobo nang makita niyang wala na kayong
toyo at suka.
5. Nakaalis ka na ng inyong bahay nang maalalang naiwan mo ang iyong
baon.

B. Panuto: Basahing mabuti ang mga talata at sagutin ang mga tanong
sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.Maraming nagtitiwalang magpaayos ng kanilang mga sirang sasakyan kay Ben.


Hindi niya alintana kung marumihan man siya at malagyan ng langis at grasa ang
katawan.
Bakit maraming nagtitiwala sa gawa ni Ben?
Paano siya gumawa ng sasakyan?

2. Malaki ang naitutulong ng paglalaro sa tao. Lumalakas ang katawan, sumisigla


ang isip, nahuhubog ang tinatawag na sportsmanship, natututong magtiwala sa
sarili, naiintindihan ang pagtutulungan at nalalaman ang lakas ng tinatawag na
teamwork.
Bakit mahalaga na nakapaglalaro ang isang tao?
Paano nito natutulungan ang isang tao?

3. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa
ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang
patron. Isa pang kilalang tradisyon natin ay Bayanihan. Ito ay ang pagtutulungan
ng mga tao para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod
sa ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan.

42 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN4
Bakit ipinagdiriwang ang mga kapistahan sa Pilipinas?
Paano ito ipinagdiriwang sa bawat lugar?

4. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng mga


suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang
lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa. Anomang problema ang dumating,
kailangang mapanatiling buo at matatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos
ang ating pamilya kaya’t patuloy nating ingatan.
Bakit mahalaga sa Pamilyang Pilipino ang pagkakabuklod-buklod?
Paano natin mailalarawan ang pamilyang Pilipino?

5. Ang pagiging malinis sa katawan sa lahat ng oras ay isang mabuting gawi. Ang
araw araw na paliligo at pagpapalit ng malinis na damit ay nakatutulong nang
malaki, wala nang gaganda pa sa ngiting nagpapakita ng mapuputing ngiping dulot
ng pagsisipilyo nang tatlong beses sa isang araw. Malinis tignan ang batang maikli
ang mga kuko sa kamay at paa. Ang pagkakaroon ng malinis na katawan ay
nagdudulot ng malusog na pangangatawan.
Bakit mahalaga na maging malinis sa katawan?
Paano natin makakamit ang malusog na pangangatawan?

Aralin ⚫ Pagbibigay Hinuha

4 ⚫ Pagsagot sa Tanong na Bakit at


Paano

Balikan

Panuto: Basahin at unawain ang talata.

Sagana sa likas na yaman ang ating bansa. Mabibilang mo rito ang iba’t ibang
yamang kagubatan na matatagpuan ang iba’t ibang punong-kahoy, ibon at hayop.
Subalit ang mga ipinagmamalaki nating mga likas na yaman ay unti-unti nang
naglalaho. Sa kasalukuyan patuloy pa ring pinuputol ang mga puno sa ating mga
kabundukan. Bunga ng pagkawala ng mga puno, nawawala na rin ang mga ibon at
mga hayop na naninirahan dito. Wala na rin ang mga ugat ng punong-kahoy na
sumisipsip sa tubig kaya’t madalas ang pagbaha rito.

Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.


1. Bilang isang responsableng mamamayan, paano mo matutulungan ang
ating likas na yaman laban sa mga mapagsamantala?
2. Bakit umabot sa puntong wala na ang mga ibon at hayop sa kagubatan?
3. Paano mo maililigtas ang mga ibon at hayop sa kapahamakan na
naghihintay sa kanila?
4. Bakit naging pabaya ang mga Pilipino sa ating likas na yaman?

43 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN4
5. Bilang kabataang Pilipino, paano mo maililigtas ang kalikasan laban sa mga
kababayang mapang-abuso?

Tuklasin
A. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang hinuha sa sumusunod na sitwasyon.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

A. walang kuryente
B. nasira ang bubong
C. napanis ang pagkain
D. may paparating na bagyo
E. lumaki ang bayarin sa tubig

1. nagbagsakang mga poste ng kuryente


2. naiwang bukas magdamag ang gripo sa lababo
3. malakas ang hangin at makulimlim ang kalangitan
4. nakalimutang ilagay sa refrigerator ang tirang pagkain
5. pinamahayan ng anay ang mga kahoy na pinamamakuan ng yero
B. Panuto: Basahin ang talata at isulat sa sagutang papel ang sagot sa
sumusunod na tanong.
I. Si Melchora Aquino ay ipinanganak noong Ika-6 ng Enero, 1821. Ang kanyang
mga magulang ay sina Juan Aquino at Valentina Aquino. Noong kabataan niya ay
madalas siyang maimbitahan sa kanilang parokya upang umawit lalong-lalo na
sa mga araw ng pabasa. Hinirang din siyang Reyna Elena ng Santakrusan. Kahit
na walumpu’t tatlong taon-gulang na si Tandang Sora, ito ay hindi naging hadlang
sa kaniya ang paglilingkod sa bayan. Lihim niyang tinulungan ang mga
katipunerong maysakit at nagugutom.
Paano natulungan ni Melchora Aquino ang mga Katipunero?
Bakit kaya siya hinirang na Reyna Elena ng Santakrusan?

II. Ipinagmamalaki naman sa bahagi ng Rehiyon IV ang Puerto Galera na


matatagpuan sa Oriental Mindoro. May 130 kilometro ang layo nito mula sa
bahaging Timog ng Maynila. Dinarayo ng mga turista ang mapuputing buhangin
sa mga beaches nito. Gayundin, napakaganda ng mga corals at iba pang lamang
dagat na makikita sa kailaliman ng mga katubigan.
Bakit dinarayo ng mga turista maging ng kapwa Pilipino ang Puerto
Galera?
Paano natin mapapanatili ang kagandahan ng mga likas na yaman kagaya
ng Puerto Galera?

44 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN4
Suriin

Ang pagbibigay hinuha (Inferring) ay paghula sa kung ano ang magaganap o


kahihinatnan ng isang pangyayari. Kalimitan, ibinabatay ang paghihinuha sa mga
naunang pangyayari.
Halimbawa:
Nagulantang ang buong mundo sa pagkalat ng Corona Virus sa sangkatauhan. Libo-
libong tao mula sa iba’t ibang bansa ang nadapuan habang ang karamihan ay
binawian ng buhay. Walang pinipiling tao, mahirap mayaman, bata o matanda ay
maaring maapektuhan .
Hinuha: Ang lahat ay mag-iingat kontra COVID-19.
Ang pagsagot sa mga tanong na Bakit at Paano ay isang mabisang paraan
upang matukoy kung ang mambabasa ay may pag-unawa sa binasang teksto. Ito rin
ay humahasa sa mag-aaral na magpaliwanag ng pamamaraan tungkol sa isang
bagay.

Pagyamanin
A. Panuto: Ibigay at isulat sa sagutang papel ang iyong hinuha sa sumusunod na
sitwasyon.
1. Sinusuportahan ka ng iyong magulang, kaibigan, guro at prinsipal sa iyong
kakayahan bilang mag-aaral.
2. Pinili kang pinakamahusay sa klase dahil sa iyong kakayahan sa lahat ng
larangan.
3. May tindahan ng mga gawang-Pinoy ang kamag-anak mo. Alam mong tataas
ang ekonomiya ng bansa at makatutulong ka sa kapwa Pilipino kapag binibili
mo ang mga iyon.
4. Napili ang pamilya mo na mabigyan ng ayuda o tulong pinansyal ng gobyerno.
Binigyan kayo ng walong libong piso ng DSWD, subalit alam mong
nagtatrabaho sa gobyerno ang iyong tatay.
5. May kakapusan sa badyet ang inyong pamilya dahil dalawang buwang hindi
nakapasok sa trabaho ang iyong tatay. Nakapag-ipon ka mula sa iyong mga
baon noong nakaraang taon upang ipambili mo ng bagong cell phone. Alam
mong kapos sa pambili ng ulam ang iyong nanay.

B. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang iyong hinuha sa mga pangyayari. Sa iyong
paglalahad ng kasagutan, isaalang-alang ang sagot sa tanong na bakit
at paano.
1. Palaging sumasakit ang sikmura ni Cynthia pagkatapos kumain. May
nagsasabi sa kanya na patingnan niya ito sa albularyo at mura pa ang bayad.
Marami naman ang nagpapayo na sa doktor siya magpatingin at sigurado pa
siya. Sa palagay mo kanino siya dapat magpatingin?
2. Hindi lahat ng Overseas Filipino Worker (OFW) ay nagtatagumpay.
Nakapagtatrabaho man sila ngunit iilan lamang ang sinusuwerte. Ano kaya
ang dahilan?
3. May nagsabi sa kababata mong si Princess na sinisiraan siya ng kanyang
kaibigan, sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkita sila sa isang kasiyahan.
Ano kaya ang mangyayari sa kanila?

45 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN4
4. Alaga ni Joseph ang asong si Speaky nang pakakainin na sana niya ito,
natuklasan niyang wala na ito sa kulungan. Ano sa palagay mo ang gagawin
ni Joseph?
5. Magkaibigan sina Guia at Marla. Biglang hindi kinausap ni Marla si Guia na
hindi naman niya alam ang dahilan. Ano kaya ang gagawin ng bawat isa?

Isaisip

Panuto: Kumpletuhin ang kaisipan batay sa natutuhan sa aralin.Isulat ang


sagot sa sagutang papel.
Ang ____________________ (Inferring) ay ____________ sa kung ano ang
magaganap o kahihinatnan ng isang pangyayari. Kalimitan, ibinabatay ang
paghihinuha sa mga ________________ pangyayari.
Ang mabisang paraan ng pagtukoy kung naunawaan ang binasa ay
ang pagsagot sa tanong na _______________ at ______________.

Isagawa
Panuto: Basahin ang mga talata at sagutin sa sagutang papel ang mga
tanong na bakit at paano.
1. Dumarating sa buhay ng tao ang mga sandali ng kalungkutan. Ang
pagkawala ng mahal sa buhay o pagdanas ng napakabigat na suliranin na
nakapagpapalungkot sa isang tao. Sa sandaling ganito, nakapagpapagaan sa
dalamhating nararamdaman ang pagdamay ng kapwa.
Bakit nakadarama ng kalungkutan ang isang tao?
Paano tayo makatutulong sa mga taong nakararamdam ng matinding
kalungkutan?

2. Tuwing darating ang eleksiyon, gamitin at huwag balewalain ang isang


mahalagang pamana sa atin ng demokrasya – ang pagboto. Piliin natin ang
mga kandidatong maglilingkod sa atin. Nasa matalino nating pagpapasiya
nakasalalay ang kinabukasan ng ating bayan.
Bakit maituturing na mahalagang pamana ng demokrasya sa ating lahat ang
pagboto?
Paano natin pipiliin ang taong mamumuno sa ating bayan?

3. Ang pamilya ay naglalarawan sa grupo ng mga tao na mayroong iisang


biyolohikal na pinanggalingan. Ayon sa ekonomiks at sa kasaysayan, ang
pamilya ay tumutukoy sa pinakamaliit at pangunahing yunit na bumubuo sa
isang komunidad o lipunan. Ito ay binubuo ng magulang, anak, kung minsan
ay pati ng mga apo at iba pang kamag-anak. Dahil ang pamilya ang
nagsisilbing pundasyon sa pagkakabuo ng isang lipunan, mahalaga na
mapanatiling maayos ang isang pamilya. Sila ang nagpapatuloy at
nagtataguyod sa kabutihan ng bawat miyembro.
Bakit mahalaga ang pamilya?
Paano natutugunan ang pangangailangan ng pamilya?

46 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN4
4. Karunungan at kaibigan, sa paaralan ito matatagpuan. Guro ang
pangalawang magulang na siyang nagtuturo at humuhubog sa nasimulan
ng mga magulang mula sa tahanan. Ang paaralan ang itinuturing na
pangalawang tahanan. Ang bawat mag-aaral ay nagsisikap mag-aral para sa
kanilang mga pangarap. Ang mga kakayahan ng mag-aaral ay sa paaralan
nililinang at dinidiskubre. Ang pagsibol ng isang bata na siyang
magpapaunlad ng ekonomiya ay rito nagmumula. Ang paaralan ay daan
para sa magandang kinabukasan.
Bakit kailangan mong mag-aral?
Paano nagtutulungan ang pamilya at paaralan upang linangin ang iyong
kakayahan?

5. Ang ating ina ay tinaguriang ilaw ng tahanan. Siya ang nag-aaruga at nag-
aalaga sa atin mula sa pagsilang hanggang sa ating paglaki. Malaki ang
naging kaugnayan niya sa atin. Siya ang humuhubog sa ating pagkatao
upang lumaking isang mabuting bata. Sinisikap ibigay ang lahat ng ating
pangangailangan. Pinag-aral niya tayo upang maging maganda ang ating
kinabukasan. Bilang ganti naman dapat nating suklian ng kabutihan at
pagmamahal, pagsunod sa kanyang utos, maging mabuting anak sa ating
paglaki para siya ay maging masaya. Sa kanyang pagtanda tayo naman sana
ay maging gabay na kakalinga sa kanya.
Bakit mahalaga ang ina sa ating pamilya?
Paano natin maipadarama sa kanya ang pasasalamat at pagtanaw ng utang
na loob sa lahat ng ginawa niya para sa atin?

Tayahin

A. Panuto: Basahin ang sumusunod na talata at sagutin ang sumusunod na


tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ngipin mo, Ingatan Mo


Ang ating ngipin ay isa sa nagpapaganda ng ating pagngiti. Umaaliwalas ang
ating pakiramdam kung my nasasalubong tayong mga taong nakangiti at kitang-kita
mo ang kanyang mapuputing ngipin.Mapapangalagaan mo ang magandang ngipin
na taglay mo kung palagi kang magsesepilyo. Upang mapangalagaan ang mga ngipin
ay kailangan mong pumasyal sa iyong dentista dalawang beses sa isang taon.
Kailangan mo rin kumain ng masustansiyang pagkain na mayaman sa Vit. C. gaya
ng bayabas, dalandan, lemon, papaya, mangga, pinya, kiwi at marami pang ibang
prutas na magpapatibay sa ating mga ngipin. Iwasan din ang pagkain ng matatamis
na pagkain gaya candy, cake, soda, ice cream, tsokolate. Gumamit ng toothpaste na
may flouride para mas matibay ang mga ngipin.
Bakit kailangang pangalagaan ang iyong mga ngipin?
Paano mo pangangalagaan ang iyong mga ngipin?

47 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN4
Buhay na handog, Pahalagahan!
Noon ang mga tao ay nabubuhay ng mahabang panahon sapagkat maganda
pa ang simoy ng hangin, sariwa ang mga pagkain at malinis ang kapaligiran. Ngayon
ang mga tao ay inaabuso na ang kapaligiran kaya marami ang nagkakasakit at hindi
agad nalulunasan. Hindi agad natutuklasan ang sakit sapagkat kulang sa pera na
pampagamot.Kung maaga itong natutuklasan ay maaari pang isalba ang buhay kaya
dapat tayo ay palaging mag-ehersisyo, kumain ng masustansiyang pagkain, iwasan
ang maaalat na pagkain, mga junk foods, processed foods, ang tamang pahinga ay
kailangan rin. Ang labis na pagpupuyat ay nakasasama din sa ating kalusugan.
Bakit nagkakasakit ang mga tao?
Paano natin mapapanatili ang maayos na kalusugan?

Ang Aming Bantay


Masaya ang pakiramdam kung may alaga kang aso, pusa sa loob ng bahay.
Isa sila sa mga nilikha ng Diyos na kasama natin dito sa daigdig na kailangan rin
ng tagapangalaga. May mga aso at pusa na natuturuan ng mga tricks gaya ng pag
upo, pagtalon, paglakad sa isang kumpas mo lamang ay alam na nila ang kanilang
gagawin. Kinakikitaan sila ng espesyal na talino. May mga aso at pusa naman na
maaaring maging bantay ng inyong bahay laban sa masasamang elemento gaya ng
magnanakaw. Ang aso ay kakahol sa mga tao na hindi nila kilala kaya matatakot
ang mga magnanakaw sa kanila. Ang pusa naman ay nanghuhuli ng mga daga at
iba pang hayop gaya ng ahas.Nabibigyan ng proteksyon ang mga tao na sa kanila
ay nag-aalaga.
1.Paano nakatutulong ang alagang aso at pusa sa ating pamumuhay?
2.Bakit sila nakakatuwang alagaan?

Masipag na Ama ng Tahanan


Maraming tatay ang nais na maibigay ang lahat kailangan ng pamilya. May
mga tatay na nagtitiis malayo sa pamilya upang may maibigay sa kabiyak para sa
pagpapaaral sa mga anak, makabili ng sapat na pagkain at mabigyan ng masayang
pamumuhay. May mga tatay na sadyang pinalad na magkaroon na magaan na
hanapbuhay na nasa opisina sapagkat sila ay nakapag-aral. Ang iba naman ay
nananatili sa bansa upang makapiling ang pamilya kahit na maliit lamang ang
kinikita. Ang pagmamahal sa mga anak ang nag-uudyok sa kanila na tiisin ang lahat
ng hirap. Ang mga tatay na kulang sa tinapos na pag-aaral ay mabigat na trabaho
ang kinasasadlakan. Ang mabilad ang katawan sa tindi ng init ng araw sapagkat sila
ay construction worker, ang tiisin ang baho ng mga basura ng mga basurero
sapagkat ito lamang ang kanilang pinagkakakitaan. Ang magbungkal ng mga kanal
upang linisin, magwalis sa kalsada ang mga Metro aide ay isang trabaho na
marangal na kahit maliit ang kita ay susuungin para lamang sa pamilya.May mga
drayber na walang tigil sa pamamasada na kahit araw at gabi ay walang mga pahinga
dahil para sa kanila ito ay isang trabahong marangal na ipinagmamalaki nila na
bumubuhay sa kanilang mahal sa buhay. Anuman ang hanapbuhay ng ating mga
ama.Matuto tayong magpasalamat at magbigay pugay sa kanila dahil sa kanila tayo
ay naitaguyod nila at napag-aral.
Paano ipinakikita ng tatay ang kanyang pagmamahal sa pamilya?
Bakit kailangan niyang magsumikap para sa pamilya?

48 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN4
Ang Apoy ay Kaibigan o Kaaway?
Ang apoy isang mahalagang enerhiya na kailangan ng mga tao. Kailangan mo
ng apoy upang gamiting panggatong sa pagluluto. Ang apoy ay nagbibigay ng init sa
lamig na panahon lalo na kung ikaw ay nasa malamig na lugar gaya ng Baguio.Apoy
din ang ginagamit ng mga gumagawa ng alahas upang mahinang nang wasto ang
kanilang ginagawang kuwintas, singsing, at hikaw. Ang apoy ay mapanganib din sa
ating mga tao kung hindi mo ito magagamit ng wasto. Maaaring masunog ang inyong
kabuhayan kung pababayaan mo itong nagliliyab. Upang maiwasan mo ito
siguraduhing sarado ang tangke ng inyong gas matapos mo ito gamitin. Huwag
iiwanan ang kandilang nakasindi lalo na kung brown out. Huwag magsisiga ng mga
basura sa bakuran upang hindi hanginin ang mga baga nito. Iwasan din ang
magtapon ng upos ng sigarilyo sa kung saan-saan. Itabi ang posporo o kaya ay
lighter na pansindi sa mataas na lugar upang hindi mapaglaruan ng mga bata.
Iwasan din na maiwanan na nakabukas ang mga kagamitang ginagamitan ng
kuryente upang hindi ito mag-init at sumabog na maaaring magsilbing paraan para
magkaroon ng sunog.
Paano nakatutulong ang apoy sa ating pang-araw-araw na pamumuhay?
Bakit kailangan tayong mag-ingat sa apoy?

B. Panuto: Piliin ang letra ng iyong sagot sa kalalabasan ng pangyayari o


sitwasyon sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Nasiyahan ang mga balikbayan sa kanilang bakasyon dahil sa mga


pagkaing Pilipinong inihanda para sa kanila.
A. Hindi na muna sila kakain ng mga pagkaing Pilipino pagbalik nila sa
Amerika dahil nagsawa na sila sa mga iyon.
B. Tiyak na hihilingin nilang muli na magluto ng mga lutuing Pilipinong
nagustuhan nila.

2. Nakapag-ipon sina Shelly at Vincent bago ikinasal. Kapwa masigasig sa


pagpapatakbo ng kanilang negosyo at matipid sa paggasta ang mag-
asawa.
A. Mabilis na tatanda at hindi magiging masaya ang mag-asawa.
B. Mabilis na lalago ang kanilang negosyo at uunlad ang buhay nila.
3. Maliit pa’y napansin na ang husay ni Andrea sa pagsasayaw. Palagi
siyang kasali sa programa sa pinapasukang paaralan. Miyembro siya ng
tanyag na dance troupe ng kanilang paaralan. Sa kasalukuyan…
A. Kikita siya sa pagiging mananayaw.

B. Susubukan naman niyang linangin ang kanyang husay sa pag-awit.


4.Ayaw ni Gng. Tuason na maranasan ng kanyang tatlong anak na pawang
babae ang katakut-takot na hirap na kanyang pinagdaanan mula sa
pagkabata. Sa ganito, lumaki sa layaw at hindi naturuan sa negosyo na
kanilang pinagkukunan ng ikinabubuhay ang mga ito. Sa kasawiang-
palad, biglang namatay si Gng. Tuason. Sa tatlong anak naiwan ang
pamamahala sa kaunting kabuhayang naiwan ng ina.
A. Mahihirapan sila sa simula pero unti-unti nilang matutuhan ang
pangangasiwa sa kanilang kabuhayan.
B. Mahihirapan sila kaya kukuha sila ng mga taong mangangasiwa sa
kanilang hanapbuhay at hindi makikialam sa pagpapatakbo nito.

49 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN4
5. Isang tanyag na aktres at mang-aawit si Danica Ver. Isang banyagang
producer ang nakapanood sa kanya at labis na humanga sa husay niya.
Pagkatapos ng konsyerto, kinausap siya at…
A. Aalokin siya ng kontratang paggawa ng pelikula at pagdaraos ng mga
konsyerto sa ibang bansa.
B. Papayuhang maghanap ng bagong manager na makapagbibigay sa
kanya ng mas malaking break sa pag-awit at pag-arte.

Karagdagang Gawain

Panuto: Ibigay ang inyong hinuha sa editorial cartoon. Sa paglalahad ng


iyong hinuha sagutin ang tanong na bakit at paano?

50 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN4
DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN4 51
Subukin:
A. (maaring ikonsidera ang iba pang sagot ng mag-aaral)
1.Uulan
Isisilong agad ni nanay ang sinampay
2. Hindi na muna huhugasan ang pinagkainan
Gagamitin ang naipong tubig
Mag-iipon pa ng tubig
3.Susuriin ang temperature kung may lagnat
Iinom ng gamot
4. Uutusan kang bumili ng toyo at suka sa tindahan
5. Babalik ng bahay
Magtext/pm sa magulang at makikisusap na dalin ito
B.
1.Bakit Mahusay siyang gumawa
Paano Pinagbubuti niya ang kanyang trabaho
2.Bakit Ito ay nagpapalakas ng katawan
Paano Nagpapasigla ng isipan ng isang tao
Natututuhang magtiwala sa sarili
Nabubuhay ang sportsmanship ng isang tao
3.Bakit Upang magpasalamat sa patron
Paano Masayang ipinagdiriwang ang kapistahan
Pagpuprusisyon ng mga patron/may handa ang bawat tahanan
4. Bakit Upang mapanatiling buo at matatag ang pamilya
Ito ay biyaya ng Panginoon
Paano Matatag ang pamilyang Pilipino
5.Bakit Upang mapanatiling malusog ang ating katawan
Paano Paliligo araw araw/ Pagsesepilyo ng ngipin tatlong beses sa isang
araw/ Pagiging malinis sa ating katawan
Balikan
( maaring ikonsidera ang iba pang sagot ng bata )
1.Pagtatanim ng mga puno
Pag aalaga sa likas na yaman
2.Sapagkat nawala na ang mga punong kanilang tirahan at
pinagkukunan ng pagkain
3.Pagtatanim ng puno/ Pag aalaga sa likas na yaman
4.Sa labis na paggamit sa likas na yaman
5.Tumulong sa mga programang nauukol sa muling pagtatanim ng puno
A. Tuklasin
1A 2.E 3.D 4.C 5.B
B. 1.Bakit Pagbibigay ng pagkain at panggagamot sa mga katipunero
Paano Si Melchora Aquino ay magandang dalaga
2.Bakit Dahil sa mapuputing baybayin ng kanilang beaches
Magagandang corals at lamang dagat
Paano Panatilihing malinis sa pamamagitan ng hindi pagkakalat
Susi sa Pagwawasto
DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN4 52
Pagyamanin
A ( maaring ikonsidera ang iba pang sagot ng mag-aaral)
1. Magiging matagumpay ka sa iyong pag-aaral
2. Ikaw ay pararangalan
3. Bibili/ tatangkilikin mo ang mga produktong mayroon dito
4. Ibabalik ng pamilya ang ayudang natanggap
5. Ibibigay sa magulang ang naipon upang makatulong sa gastusin ng pamilya
B
1. Magpatingin sa doctor upang malaman ang tunay na dahilan ng pagsakit
ng tiyan
2. May ilang minamaltrato ng amo
May ilang OFW na hindi kinakaya ang lungkot na mawalay sa pamilya kaya
napipilitang umuwe ng walang ipon
May OFW/pamilya ng OFW na naging waldas sa paggastos
3. Itatanong ni Princess sa mga kaibigan ang dahilan ng paninira nito sa
kanya/ maguusap sila
4. Hahanapin agad ang asong si Speaky
5. Tatanungin ni Guia si Marla kung ano ang dahilan at bigla nalang siya
nitong hindi kinausap.
Isaisip
1. Pagbibigay hinuha
2. Nakaraang pangyayari
3. Bakit
4. Paano
Isagawa
1. Bakit Ang pagkawala ng mahal sa buhay o mga pangyayari hindi maganda
Paano Kausapin sila/ Simpleng pagdalaw at pangangamusta
2. Bakit Nabibigyan tayo ng kalayaang pumili ng kandidatong nais nating iboto
Paano Isipin/pag aralang Mabuti kung sino ang karapatdapat na iboto
3. Bakit Sapagkat ang pamilya ang nagtataguyod sa kabutihan ng bawat miyembro
nito
Ito ang pundasyon sa pagbuo ng isang lipunan
Paano Sa paghahanapbuhay ng ama o ina
Sa tulong ng mga programa ng pamahalaan
4. Bakit Upang matutunan ang ibat-ibang kaalaman
Hubugin/ Linangin ang mga natatagong kakayahan
Paano Sa pagkakaroon ng komunikasyon kung paano magtutulungan para
Sa kabutihan ng bata
Sa pamamagitan ng pagsuporta/ pakikiisa ng magulang sa gawaing pampaaralan
5. Bakit Ang ina ang nag aalaga at nag aaruga sa mga miyembro ng pamilya
Humuhubog sa ating pag-uugali
Paano Sa pagsunod sa kanyang utos
Sa kanilang pagtanda tayo naman ang gagabay at mag aalaga sa kanilka
DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN4 53
Tayahin
1. Bakit Upang mapanatiling matibay at buo ang ating ngipin
Paano Pagsesepilyo tatlong beses kada araw
Paggamit ng toothpaste na may fluoride
2. Bakit Maduming kapaligiran
Labis na pagkain ng maalat, matatamis at mga junk foods
Kakulangan sa pahinga at pagtulog
Kakulangan sa ehersisyo
Paano Pagkain ng masusustansyang pagkain
Pagtulog ng 8-10 oras kada araw
Pagehersisyo
Pagkakaroon ng sapat na pahinga
3. Bakit Sila ay nag sisilbi nating kaibigan
Maari nating bantay sa ating bahay laban sa magnanakaw
Nakapagdudulot ng kasiyahan ang pag aalaga sa kanila
Paano Maari natin silang turuan ng mga tricks
Maari natin silang ituring na kaibigan
4. Paano Sa pagtataguyod sa mga pangangailangan ng mag anak
Sa pagtatrabaho upang may maitustos sa pambayad ng mga bayarin
sa bahay
Bakit Upang maging maginhawa ang pamumuhay ng mag anak
Upang matugunan ang mga pangangailangan ng lahat
Upang mapag aral ang mga anak
5.Paano Ginagamit na panggatong sa pagluluto
Nagbibigay init sa malalamig na panahon
Bakit Sapagkat maaari itong pagmulan ng apoy na makasusunog sa lahat
ng gamit sa ating tahanan
B.
1. A 2.B 3.B 4.A 5.A
Pluma 6
Curriculum Guide 6

54 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN4
6
Filipino
Unang Markahan
Modyul 1
Aralin 5:
Paggamit ng
Magagalang na
Pananalita
Pagbibigay ng Opinyon
at Reaksyon

1 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN4
Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t ibang sitwasyon:
- Sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin
- Pagbabahagi ng obserbasyon sa paligid
- Pagpapahayag ng ideya
- Pagsali sa isang usapan F6PS-ld-12.22, F6PS-llc-12.13, F6PS-lllf-
12.19, F6PS-IVg-12.25, F6PS-IVh-12.19
• Naipahahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang
balita, isyu o usapan. F6PS-lj-1

Subukin

A. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang iyong sasabihin sakaling malagay sa


sumusunod na sitwasyon.
1. Nakasalubong ka ng iyong kaibigan at binati ka ng “Magandang
umaga”.
2. Tinulungan ka ng iyong kaklase na sagutin ang inyong takdang aralin sa
Matematika.
3. Daraan ka sa pagitan ng dalawang nag-uusap.
4. Biglaan kayong nagkita ng iyong kaklase na ilang taon mo ng hindi
nakakasama, tinanong ka niya kung “Kumusta ka na?”
5. Humingi sa iyo ng paumanhin ang kaibigang hindi nakadalo sa iyong
kaarawan.
6. Tinanong ka ng iyong guro dahil hindi ka nakapasok sa klase kahapon.
7. Hindi sinasadyang natapakan mo ang paa ng iyong katabi sa upuan.
8. Inabutan ka ng malakas na ulan ngunit hindi ka pa rin nakararating sa
bahay ng iyong lola.
9. Naliligo ka sa banyo ngunit may nakalimutan ka. Pinakiusapan mo ang ate
mo na abutin ang iyong tuwalya.
10. Malamig ang panahon at malakas ang ulan. Nagmamadali ka sa pagpasok
sa paaralan, hindi mo pinansin ang tawag ng iyong nanay. Pagdating sa
paaralan walang katao-tao.

B. Panuto: Isulat sasagutang papel ang sariling reaksyon o palagay sa


sumusunod na paksa.
1. Pagtaas ng bilang ng may COVID-19 sa bansa.
2. Pagkakaroon ng Community Pantry sa mga piling lugar sa panahon ng
pandemya.
3. Pagbibigay ng mga libreng gadgets katulad ng tablet sa mga pampublikong
paaralan sa Valenzuela City.
4. Pagpayag ng mga magulang sa paggamit ng cell phone at tablet sa mga
batang may edad na tatlong taong gulang.
5. Naglaan ng libreng bakuna ang Lokal na Pamahalaan ng Valenzuela sa mga
mamamayan.

56 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN5
Aralin ⚫ Paggamit ng Magagalang na
Pananalita
5 ⚫ Pagbibigay ng Opinyon at
Reaksyon

Balikan

A. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang iyong hinuha sa sumusunod na sitwasyon.


1. Marami ng mamamayan sa Valenzuela ang nabakunahan na laban sa
COVID-19.
2. Punuan na ang mga kama sa iba’t ibang ospital maging pampubliko o
pribado man.
3. Marami ng mga doktor ang nagbuwis ng buhay laban sa COVID-19.
4. Pagdalo sa mga okasyon gaya ng binyag, kasal at kaarawan kahit na may
babala ang pamahalaan sa panahon ng pandemya.
5. Paglabas ng bahay na walang face mask at face shield.

Tuklasin

A. Panuto: Basahin ang tula “Paggalang ay Mahalaga” at isulat ang sagot sa


sagutang papel.

Pagkamagalang
Dangal ng magulang
Ang batang magalang
Saang dako man ng bayan
Ika’y kalulugdan.

Ang “po” at “opo”


ay musika sa pandinig
Lalo’t kabataan
ang siyang sumasambit

Patuloy nating isalin


Huwag nating putulin
Paggalang ating panatilihin
Ilang henerasyon man ang dumating

Tanong:
1. Ayon sa tula sino ang ikinararangal ng magulang? Bakit niya ito
ikinararangal?
2. Bakit ito ang nagsisilbing musika sa kanyang pandinig?
3. Paano naging malamusikang tunog ang taong nagsambit nito?
4. Ano ang dapat gawin sa ugaling nabanggit? Pangatwiranan.

57 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN5
5. Bilang isang kabataan sa makabagong panahon, paano mo pananatilihin
ang pagiging magalang?

B. Panuto: Basahin ang tekstong “Pagbabagong Hatid ng Pandemya”. Sagutin ang


sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pagbabagong Hatid ng Pandemya

Sa kasalukuyan, ang ating mundo ay humaharap sa isang matinding


pandemya, ito ang COVID-19. Isa ang Pilipinas sa may pinakamaraming naging
biktima nito sa kontinente ng Asya. Ang lahat ay apektado, sapagkat ang sakit na
ito ay maaaring makahawa at maging sanhi ng kamatayan. Ang sakit na ito ay
nagdulot ng takot at pangamba dahil s amabilis na paglaganap nito.
Biglang nagbago ang nakasanayan nating paraan ng pamumuhay. Natigil ang
transportasyon at trabaho kung saan maraming nawalan ng pagkakakitaan at
pangtustos sa pangangailangan ng pamilya. Nilimitahan ang mga maaaring
makalabas ng tahanan. Lahat ng negosyo, pasyalan at malls ay sarado. Maraming
pabrika at establisyimento ang nalugi at tuluyang nagsara.
Nagkaroon ng mga bagong panukalang batas upang maingatan ang kalusugan
at maibsan ang mabilis na pagdami ng dinadapuan ng sakit na ito. Ang mga
nanunungkulan sa pamahalaan ay naglunsad ng mga tulong upang matugunan ang
mga pangunahing pangangailangan habang sumasailalim sa lockdown ang bansa.
Dahil din sa pandemyang ating dinaranas, nabago ang paraan ng sistema ng
ating edukasyon. Kinailangang isarado ang mga paaralan upang masigurado ang
kaligtasan ng mga mag-aaral at mga kawani nito. Kumaharap ang Kagawaran ng
Edukasyon sa suliraning kailangan masolusyonan, ang maipagpatuloy ang
pagkatuto ng mga mag-aaral sa kabila nang pagharap ng ating bansa sa
pandemya. Ilan sa mga nailunsad na programa ang paggamit ng distance learning
kung saan ang mga mag-aaral ay sasailalim sa paraang gagamit ng module at
online learning. Naniniwala ang Kagawaran ng Edukasyon sa kasabihang “Anoman
ang Sitwasyon, Tuloy ang Edukasyon”.

Tanong:
1. Bakit nagkaroon ng pandemya sa ating bansa?
2. Paano nakaapekto ang pandemya sa ating bansa?
3. Bakit hindi maaaring lumabas ang mga bata at matatanda?
4. Sa iyong palagay, natugunan ba ng pamahalaan ang pangangailangan ng
mga mamamayan? Bakit?
5. Sang-ayon ka ba sa ginawang hakbang ng DepEd? Bakit?

Suriin
Ang paggamit ng magagalang na pananalita ay isang patunay na tayong mga
Pilipino ay may angking kagandahang asal. Ito’y nagmula pa sa ating mga ninuno at
patuloy na naisasalin sa kasalukuyan. Nakalulungkot lamang isipin na ang ilan sa
mga bagong sibol na kabataan ay lubhang nakalilimot na sa ganitong kaugalian.
Upang muli kayong paalalahanan narito ang ilang magagalang na
pananalitang madalas nating gamitin:
po, opo (pangsagot sa tanong o tawag)
Makikiraan po (pakikiraan)
Salamat po (pagpapasalamat)
Maaari po ba? (paghingi ng pahintulot)

58 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN5
Walang anoman. (pagsagot sa pasasalamat)
Magandang umaga/hapon/gabi/araw po (pagbati)
Pasensiya na po (paghingi ng paumanhin)
Paki… (paghingi ng pabor o tulong)
Ang paggamit ng mga sumusunod: aling, mang, kuya, ate, manang,
manong, lola, lolo sa mga taong nakatatanda kahit na hindi kamag-anak ay tanda
ng paggalang.
Ang pagbibigay-reaksyon ay isang mabuting kasanayan dahil naipapahayag
natin ang sariling saloobin, opinyon o pananaw hinggil sa mga kaisipang
inilalahad.
Ang pagbibigay ng reaksyon ay maaaring sa pamamagitan ng pagsang-ayon
o pagsalungat sa kaisipan ng nagsasalita o kausap. Sikapin lamang na maging
magalang upang maiwasan ang makasakit ng damdamin ng kapwa.
Mahalagang bahagi ng ating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa ang pabibigay
ng reaksyon o palagay sa mga bagay o paksang pinag-uusapan. Maaaring ang
pagbibigay ng reaksyon ay pagpapahayag ng pagsang-ayon o pagtutol sa narinig o
sinabi.
Narito ang mga pahayag na karaniwang ginagamit sa pagbibigay ng reaksyon:
Sumasang-ayon ako… Tutol ako sa sinabi…
Nais ko lamang magbigay ng puna… Magaling ang iyong ideya o
naiisip…
Payag ako, pero sa palagay ko ay dapat…

A. Panuto: Hanapin at bilugan ang sampung magagalang na pananalita sa loob ng


hanap-salita. Makikita ito sa inyong group chat.

B. Panuto: Kumpletuhin ang mga karaniwang salitang ginagamit sa pagbibigay ng


reaksyon at isulat sa patlang ang sagot.
1. Tutol ako sa sinabi ______________________________________________________
2. Sumasang-ayon ako _____________________________________________________
3. Magaling ang iyong ideya o naiisip ________________________________________
4. Nais ko lamang magbigay ng puna ________________________________________
5. Payag ako, pero sa palagay ko ay dapat ___________________________________

Pagyamanin
A. Panuto: Pag-isipan kung ano ang sasabihin mo sa sumusunod na sitwasyon.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Isang umaga nakasalubong mo sa iyong pagpasok sa paaralan ang iyong
guro.
2. Nakita mong nahulog ang dala-dalang gamit ng iyong kaklase.
3. Nais mong lumabas ng bahay pero nasa may pintuan ang iyong kuya at
ang kanyang kaibigan.
4. Hindi mo sinasadyang natabig ang inumin na dala ng iyong ate.
5. Gusto mong kunin ang kanin subalit malayo ito sa iyo.

B. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang iyong reaksyon o opinyon mula sa


sumusunod na kaisipan.
1. Edukasyon ang susi sa kaunlaran
2. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan
3. Ang tao ay kawangis ng Diyos
4. Ang karapatan ay may kaakibat na responsibilidad
5. Ang paggawa nang mabuti ay may karampatang gantimpala

59 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN5
Isaisip
A. Panuto: Isaayos ang mga letra sa loob ng panaklong at isulat ito sa sagutang
papel.

( L A N G A A G G A M ) _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ na pananalita ay gamitin, para sa ( N A


T D T A A A M ) _ _ _ _ _ _ _ _ _ o bata. Panatilihin ang ( A P G A A G L N G ) _ _ _ _ _
_ _ _ _ kaninoman, ito’y patunay ng ( R S E T O P E ) _ _ _ _ _ _ _ at kagandahang
( A L A S ) _ _ _ _.

B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga salitang kukumpleto sa kaisipan.

isaalang-alang kinakaharap magalang


makasakit opinyon pagsalungat
pagsang-ayon pananaw reaksyon
saloobin

Ang pagpapahayag ng (1) _________ _ ay pagbibigay ng sariling (2) ___________,


(3) _____________ o (4) ____________ hinggil sa mga usapin o isyung (5) ____________.
Maaaring sa pamamagitan ng (6) ___________ o (7) _____________ sa nagsasalita o
kausap ang pagbibigay ng reaksyon.
Dapat (8) _______________ ang pagiging (9) ______________ sa pagbibigay ng
reaksyon upang maiwasan ang (10) _______________ ng damdamin ng iba.

Isagawa

A. Panuto: Dugtungan ang mga magagalang na pananalita sa bawat sitwasyon at


isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. May dumating na bisita sa bahay ninyo. “Magandang araw,
______________________________________________________________________”
2. Madalas na paggamit ng cell phone ng iyong kaibigan sa paglalaro. “Maaari
bang ________________________________________________________”
3. Pagsunod sa ordinansa tungkol sa pagsusuot ng face mask at face shield.
“Sumasang-ayon ako __________________________________________”
4. Kailangan ang ibayong pag-iingat upang mapangalagaan ang ating
kalusugan. “Magaling ang iyong ideya _________________________________”
5. Pag-imbita ng iyong kaklase sa kanyang kaarawan sa kanilang bahay sa
panahon ng pandemya. “Salamat sa iyong paanyaya subalit ________”

B. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang iyong reaksyon o opinyon sa sumusunod


na isyu.
1. Pagkakaroon ng curfew hours sa mga kabataang nasa edad 17 pababa.
2. Sama-samang paglilinis ng magkakapit-bahay sa buong barangay.
3. Pagkamit ng Pilipinas ng unang ginto sa Olympic 2021.
4. Pagpapatuloy ng Online Learning sa larangan ng edukasyon.
5. Paglulunsad ng libreng Microchipping at bakuna sa mga alagang hayop sa
Lungsod ng Valenzuela.

60 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN5
Tayahin

A. Panuto: Bilugan ang letra ng angkop na magalang na salita na dapat gamitin


sa bawat sitwasyon.
1. Dadaan si Gerry sa gitna ng dalawang nag-uusap.
A. “Padaan nga!” C. “Makikiraan po sa inyo.”
B. “Makadaan nga.” D. “Umusod nga kayo at dadaan ako.”
2. Pumunta ka sa bahay ng iyong kaibigang si Paolo at ang kuya niya ang
nagbukas ng pinto.
A. “Nandiyan si Jerry?”
B. “Magandang umaga, si Jerry ba nandiyan?”
C. “Pakitawag mo nga si Jerry may sasabihin ako.”
D. “Magandang umaga po, nandiyan po ba si Jerry?”
3. Magpapaalam ka sa iyong magulang na papasok ka na sa paaralan.
A. “Aalis na ako.” C. “Diyan na kayo, aalis na ako.”
B. “Papasok na ako.” D. “Inay, Itay, papasok na po ako.”
4. Isang hapon, binisita mo si Dr. Samson sa kanyang klinika.
A. “Kumusta ka na?”
B. “Dr. Samson, magpapagamot sana ako.”
C. “Pumunta ako rito para magpakonsulta.”
D. “Magandang hapon po, Dr. Samson magpapakonsulta po sana ako.”
5. Tumawag sa telepono ang kaibigan ng kuya mo at ikaw ang nakasagot.
A. “Ay, baka tulog!” C. “Maghintay ka, tatawagin ko.”
B. “Sandali, tatawagin ko.” D. “Sandali lang po at tatawagin ko.”

B. Panuto: Piliin ang angkop na reaksyon sa sumusunod na sitwasyon. Isulat ang


letra ng inyong sagot sa sagutang papel.
1. Sa mga malalayo at liblib na lugar higit na kailangan ang mga
manggagamot.
A. Malaking pera ang makukuhang sahod dito
B. Napakarami at sobra na ang doktor sa siyudad
C. Lumapit sa pamahalaan at humiling ng doktor na maitatalaga roon
D. Hayaan na lamang ang mga tao na magtiis kung walang manggagamot
2. Ang mga magsasaka ay maghapon kung magtrabaho kahit maliit lamang
ang kinikita.
A. Paalisin sila sa pagtatanim at bigyan ng ibang trabaho
B. Ang manggagawa ay hindi masipag sa gawain sa bukid
C. Wala silang pakialam, basta nagtatrabaho sila araw-araw
D. Suportahan ang mga magsasaka at tangkilikin ang produkto nila
3. Ginagawa ng magulang ang lahat upang maibigay ang pangangailangan ng
mga anak.
A. Balewalain ang mga bagay na ibinigay ng magulang
B. Huwag humingi sa magulang kahit ito ay kailangan
C. Mahalin ang magulang tanda ng pasasalamat sa kanila
D. Huwag nang pansinin ang magulang sa kanilang ginagawa
4. Nilustay ng bunsong anak ang pamana sa kanya ng magulang.
A. Matulungin siya sa kapwa
B. Mapagmahal siya sa kanyang magulang
C. Mapag-impok siya ng yamang ibinigay sa kanya
D. Hindi niya iningatan ang bagay na ibinigay sa kanya

61 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN5
5. Mula sa parabulang “Ang Alibughang Anak” na hango sa bibliya sinabi ng
ama na ang kapatid ay namatay at muling nabuhay.
A. Namatay ang kapatid niya at pagkalipas ng ilang araw ay nabuhay muli
B. Nagkasala ang kapatid at nagsisi sa kanyang mga ginawang mali sa
buhay
C. Nagkasakit ang kapatid niya at gumaling sa kanyang malubhang
karamdaman
D. Nilustay niya lahat ng perang minana niya, inubos at tuluyan nang
naging mahirap ang buhay

Karagdagang Gawain
Panuto: Gumuhit ng isang poster na magpapahayag ng inyong reaksyon tungkol
sa balitang pangkalusugan na nangyayari sa kasalukuyan sa ating bansa.

62 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN5
DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN5 63
Subukin:
1.Magandang umaga din sa iyo.
2.Maraming salamat.
3.Makikiraan po.
4.Mabuti naman.
5.Huwag kang mag-alala,okey lang.
6.Ipagpaumanhin po ninyo ang aking pagliban.
7.Pasensya na,hindi ko po sinasadya.
8.Lola pasensya na po inabutan po ako ng ulan.
9.Ate,maaari po bang pakiabot ng aking tuwalya?
10.Nanay,pasensya na po at hundi ko kayo napansin dahil ako po’y
nagmamadali sa pagpasok sa paaralan.
B.Tanggapin ang mga sagot ng mga bata.
A. Balikan
1.Maaaring bumaba ang kaso ng Covid-19 sa Valenzuela.
2.Baka dumami ang mga pasyenteng sa bahay na lang magpagaling.
3.Mababawasan ang mga doktor na tutulong sa panahon ng pandemiya.
4.Mas lalaki ang kaso ng hawaan.
5.Magiging mas madaling mahawaan ang mga tao.
*Tanggapin ang iba pang sagot.
Tuklasin
1.Ang batang magalang ay ikinararangal ng magulang dahil sila’y dangal
ng magulang.
2.Dahil ang kabataan ang sumasambit.
3.Sa panahon kasi ngayon marami sa mga kabataan ang di na gumagamit
ng po at opo .
4.Patuloy natin itong isalin upang manatili sa mga susunod na panahon.
5.Tanggapin ang sagot na ibibigay ng mga bata.
1.Nagkaroon ng pandemiya dahil sa lumaganap na sakit na COVID -19.
2.Biglang nabago ang nakasanayang nating paraan ng pamumuhay.
3.Dahil sila ang masa madaling mahawaan ng sakit.
4.Oo natugunan sapagkat nalampasan natin ang panahon ng matinding
hamon.
5.Opo,sapagkat ang kanilang hakbang ay nakatugon sa pagpapatuloy ng
edukasyon kasabay ng kaligtasan ng mga mag-aaral .
*Tanggapin ang iba pang sagot ng mga mag-aaral. .
Susi sa Pagwawasto
DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN5 64
Pagyamanin
A.1.Magandang umaga po.
2.Tutulungan na kita.
3.Makikiraan po.
4.Paumanhin po.
5.Maaari po bang pakiabot ng kanin?
B.1.Ang edukasyon ang makakatulong upang tayo ay umunlad.
2.Nakasalalay sa kabataan ang pag-unlad ng bayan dahil sila ang
susunod na henerasyong mamamahala sa bansa.
3.Ang tao ay nilikha ng Diyos ayon sa kanyang katangian.
4.Sa bawat karapatan ay mayroon tayong dapat gawin at sundin.
5. May magandang naidudulot o resulta ang bawat maganda nating
ginagawa.
Isaisip
1.magagalang
2.matatanda
3.paggalang
4.respeto
1. asal
B.1.opinyon
2-4 reaksyon,saloobin,pananaw
5.kinakaharap
6-7 pagsang-ayon ,pagsalungat
8.isaalang-alang
9.magalang
10.makasakit
Isagawa
1. tuloy po kayo.
2. pakibawasan ang paggamit ng cell phone
3. sa pagsusuot ng face mask at face shield.
4. sang-ayon ako sa iyo.
5. ipagpaumanhin mo na hindi ako makakadalo
A. 1.Mainam at mas mapangangalagaan ang kaligtasan ng mga kabataan.
2.Mas mapabibilis ang paglilinis ng barangaay.
3.Isang malaking karangalan ang hatid nito sa ating bansa.
4.Magpapatuloy ang pagkakatuto ng mga mag-aaral kasabay ng maiingatan
ang kanilang kalusugan.
5.Patuloy na maiingatan ang kaligtasan ng mga hayop at mamamayan.
A. Tayahin
1. C 2. D 3.D 4.D 5. D
B.1.C 2.D 3.C 4.D 5.B
Curriculum Guide 6

65 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN5
6
Filipino
Unang Markahan
Modyul 1
Aralin 6:
Pagbibigay Kahulugan
sa Sawikain
Pagbibigay ng Angkop
na Pamagat

66 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN6
Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Nabibigyang kahulugan ang sawikain F6PN-lj-28
• Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang/napakinggang talata
F6PB-lg-8

Subukin
A. Panuto: Piliin ang sawikaing ginamit sa pangungusap at isulat sa sagutang
papel ang kahulugan nito.
1. Ang mga taong may pusong mamon ay pinagpapala.
2. Makati ang paa ng aking kapatid sapagkat lagi siyang wala sa bahay.
3. Namuti ang mata ko dahil sa tagal ng paghihintay sa aking kausap.
4. Wala siyang bukambibig kundi ang katawa-tawang nangyari sa
kanyang kaibigan.
5. Hindi makahanap ng trabaho si Juan dahil matigas ang katawan
niya.

B. Panuto: Basahin ang sumusunod na talata at isulat sa sagutang papel ang


angkop na pamagat.
1. Ang yamang tao ang pinakamahalagang yaman ng bansa. Nasa kamay ng mga
mamamayan ang wastong paggamit ng mga likas na yaman na mahalaga sa
pagsusulong ng kaunlaran ng bansa. May katangian ang bawat mamamayan na
maaaring talino ng isipan, lakas ng katawan at likas na kakayahan sa paggawa,
pag-awit, pagtugtog, pagguhit o pagsulat na magagamit para makatulong sa
pambansang pag-unlad.
2. Kabilang ang usa sa may pinakamagandang kilos sa mga hayop na may mga
kuko. Kilala sa kabilisang tumakbo at kakayahan sa pagtalon ang mga ito. Barako
ang tawag sa mga lalaking usa at may sanga-sanga at matitigas na sungay ang
mga ito. Kadalasan, naghuhunos ng kanilang sungay ang mga ito taon-taon.
Ginagamit ng mga usa ang kanilang sungay at mga paa kapag sumasalakay bilang
pananggalang laban sa kanilang kaaway. Ngunit madalas na tumatakbo silang
paalis kaysa makipaglaban.

3. May dalawang uri ng papaya. Hawaiian at Mexican. Ang mga papayang


Hawaiian ay karaniwang natatagpuan sa mga supermarket. Ang mga ito ay hugis
peras at tumitimbang humigit-kumulang sa isang libra. Mas madaling anihin ang
mga ito dahil ang puno ay bihirang tumaas nang higit pa sa walong talampakan.
Ang papayang Mexican ay mas malalaki kaysa sa Hawaiian. Maaaring tumimbang
ito hanggang sampung libra at humahaba nang labinlimang pulgada ang uri nito.
Hindi ito gaanong matamis na gaya ng Hawaiian pero masarap pa rin.

4. Isang napakasayang pagdiriwang ang Sinulog. Ito’y isinasagawa sa


pamamagitan ng sayaw na sinasaliwan ng sunod-sunod na pagpalo sa tambol.
Hindi lamang ang mga mananayaw ang nakapagbibigay-sigla sa tradisyong ito.
Pati ang manonood ay napasasayaw rin sa sigla at ingay na kanilang naririnig. Sa
kasalukuyan, isinasagawa ang Sinulog bilang pagsalubong ng mga taga-Cebu sa
mga panauhin man o dayuhan. Marami ring nagsasabi na ito ay bilang

67 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN6
pasasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob ng Panginoon sa buong lalawigan ng
Cebu.

5.Ang diabetes ay isang karamdaman kung saan ang asukal sa dugo ay mas
mataas kaysa sa normal. Ito ay maaaring maging sanhi ng mga maselang
komplikasyon sa kalusugan na kasama ang sakit sa puso, pagkabulag, sakit sa
bato at pagputol sa paa. Ang diabetes ang pang-anim sa mga nangungunang
dahilan ng kamatayan sa Estados Unidos.

Aralin
⚫ Pagbibigay Kahulugan sa Sawikain

6 ⚫ Pagbibigay ng Angkop na Pamagat

Balikan

A. Panuto: Sumulat ng pangungusap gamit ang magagalang na pananalita sa


bawat sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. (pagsagot sa tanong o tawag)
2. (pakikiraan)
3. (pagpapasalamat)
4. (paghingi ng pahintulot)
5. (pagsagot sa pasasalamat)

B. Panuto: Sumulat ng reaksyon sa sumusunod na paksa. Isulat ang sagot sa


sagutang papel.
1. Sumasang-ayon ako sa paggamit ng ValTrace sa lahat ng establisyimento
dahil _______________________________________________
2. Tutol ako sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin
sapagkat ____________________________________________________
3. Payag ako na ibalik na ang face to face learning pero sa palagay ko ay dapat
_______________________________________________________________
4. Magaling ang iyong ideya o naiisip tungkol sa pagbabakuna sa mga bata
dahil __________________________________________________________
5. Nais ko lamang magbigay ng puna sa panibagong virus na kumakalat sa
ating bansa sapagkat ____________________________________________

Tuklasin

A. Panuto: Basahin at unawain ang maikling usapan at sagutin ang mga tanong.

Matagal na hindi nagkita ang magkaibigang Bea at Lucy dahil sa deklarasyon


ng lockdown dulot ng COVID-19. Pakinggan natin ang kanilang usapan.
Bea: “Kumusta ka na Lucy? Bukambibig ng aking nanay ang nangyari sa iyong ama.
Pasensya ka na kung hindi kita nadamayan sapagkat bawal maging makati ang paa
natin sa panahon ngayon.”

68 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN6
Lucy: “Nakalulungkot ang mga pangyayari na ang aking ama ay isa sa nawalan ng
trabaho. Kinailangan naming maghigpit ng sinturon dahil halos maubos na ang
ipon nila nanay at tatay.”
Bea: “Ganoon ba, isipin mo na lang din na hindi matigas ang katawan ng iyong
ama kaya tiyak na makahahanap siya kaagad ng trabaho kapag naging maayos na
ang sitwasyon.”
Lucy: “Balita ko nga ay ‘di mahulugang karayom ang sitwasyon sa mga ospital
dahil sa mga apektadong tinamaan ng COVID-19. Kaya’t ipinagpapasalamat na rin
namin na kami ay ligtas at magkakasama ng aking pamilya.”
Lucy: “Tama ka maging ang mga anak-dalita ay animo basang sisiw sa kanilang
tahanan sapagkat halos wala na silang makain subalit mas pinili nilang maging
ligtas at sumunod sa ipinatutupad na batas.”
Bea: “Mabuti nga at may mga taong may ginintuang puso na nandiyan upang
magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.”
Lucy: “Lahat tayo ay naapektuhan ng pandemyang ito. Umasa nalang tayo na sa
gitna ng pagsubok na ito ay gagabayan pa rin tayo ng Dakilang Lumikha, pero
huwag nating kalimutan ang kasabihang “Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa”.
Bea: “Tama ka Lucy, kasabay ng ating pagdarasal ay kinakailangan din nating
gumawa ng paraan upang masolusyonan ang kinakaharap na problema.”
Sagutin ang mga tanong:
1. Tungkol saan ang pinag-uusapan ng magkaibigan?
2. Ano ang naging solusyon ng pamilya ni Lucy nang mawalan ng trabaho ang
kanyang ama?
3. Paano inilarawan ang mga anak-dalita?
4. Saan inihalintulad ang mga taong nagbigay ng tulong sa panahon ng
pangangailangan?
5. Ano ang iyong napansin sa mga salitang nakasulat ng madiin?

B. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang paksang diwa at angkop na pamagat sa


sumusunod na talata.
1. Ang mga guro ang nagtuturo sa mga mag-aaral ng mga kaalaman na dapat
nilang matutuhan sa paaralan. Sila ang naghuhubog sa mga natatanging
kakayahan at talento ng isang kabataan. Hindi lang pang-akademiko ang
kanilang itinuturo gayundin nagbibigay rin sila ng kagandahan at kabutihang
asal na dapat taglayin bilang isang tao. Kaya’t napakalaki ng responsibilidad
at obligasyon ng isang guro. Ano ang angkop na pamagat?

2. Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang mabuti


nating pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang isang pamilya ay may
inaasahang panauhin, bawat isa ay abala sa paghahanda. Sila’y naglilinis at
nag-aayos ng kabahayan. Nagluluto ang pamilya ng masarap na pagkain at
naghahanda ng maraming prutas at inumin. Pinagkakaabalahan din nila
kung ano ang maipauuwing pasalubong para sa panauhin. Ano ang angkop
na pamagat?

3. Isang ordinansa ang ipinaiiral ngayon ng pamahalaang Lungsod ng


Valenzuela. Ito ay ang pagpapatupad ng curfew sa nasasakupan ng lungsod.
Malinaw na ipinapatupad ang curfew sa lahat maliban lamang sa mga
empleyadong papunta o pauwi mula sa trabaho, mga halal at awtorisadong
opisyal ng Punong Barangay at frontliners. Magsisimula ito ng ika-8 ng gabi
hanggang ika-5 ng umaga. Aarestuhin at paparusahan ang mga lalabag sa
curfew. Ano ang angkop na pamagat?

69 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN6
4. Tuwing ika-12 ng Mayo ay ipinagdiriwang ang Kapistahan ni San Roque
sa Lungsod ng Valenzuela. Ang patrong si San Roque ay kilala bilang patron
ng mga may sakit at walang asawa. Ang dumarayo rito ay nagsasayaw sa
prusiyon upang humiling ng kanilang tunay na pag-ibig. Isa ito sa mga
natatanging pista sa lungsod. Ano ang angkop na pamagat?
5. Isa sa mga kilalang lungsod ang Valenzuela. Nakilala ito sa pambihirang
mga pook-pasyalan. Isa na rito ang Valenzuela People’s Park. Maituturing
ito na isa sa mga sikat na pasyalan ng mga Valenzuelano. Hindi lang mga
Valenzuelano ang pumupunta rito kundi mga taga ibang karatig na bayan.
Maaari ritong magpiknik kasama ang buong pamilya, maglaro sa malaking
palaruan at magkuhaan ng litrato kasama ang mga kaibigan. Isa ito sa
yaman ng lungsod ng Valenzuela. Ano ang angkop na pamagat?

Suriin

Ang sawikain o idyoma ay isang uri ng pagpapahayag na kusang nalinang


at nabuo sa ating wika. Ito ay may kahulugan na hindi maaaring makuha o
maunawaan sa literal na kahulugan nito. May naiiba itong kahulugan sa literal o
tahasang pahayag. Ang mga sawikain ay mga salitang may malalim na pakahulugan.
Kadalasan ay taglay nito ang maraming pangkulturang bagay; malarawan,
mapagbiro, at mapagpatawa. Ang sawikain o idyoma ay ginagamit din upang maging
kaakit-akit ang paraan ng pakikipag-usap at makapagpahayag ng saloobin o
kaisipan ng hindi nakasasakit ng damdamin.
halimbawa:

di - makabasag pinggan - mahinhin at masyadong tahimik

halik ni Hudas - pagtatraydor o pagtataksil

ibinilanggo sa mga bisig - ang taong ito ay niyapos o niyakap nang mahigpit

luha ng buwaya - tumutukoy sa pagpapakitang tao o hindi tunay na


pagdadalamhati.

karayom sa gitna ng dayami - pagbubuhos ng pagod sa kabila ng walang


katiyakang bunga nito.

ningas kugon - panandalian o pansamantalang kasipagan at pagkahilig sa mga


kapaki pakinabang na gawain.

utak biya - hindi makaunawa o hirap na maintindihan ang mga bagay bagay.

tengang kawali - pagbibingi-bingihan.

saling pusa - pansamantalang pakikilahok o hindi totoong pakikibahagi sa gawain.


Sa pagbibigay ng pamagat ng talata, alamin muna ang paksang-diwa o
paksang pangungusap. Ang mga ito ay nagbibigay ng ideya sa pagpili ng pamagat.
Ang pangunahing diwa ang pinakabuod ng mga pangyayari sa talata o kuwento. Ang
paksang pangungusap ang pinagtutuunan ng mga detalye upang mabuo ang
pangunahing diwa ng talata o kuwento.

70 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN6
Halimbawa:

Basahin ang talata:

Hindi na mabilang ang mga kababayan nating nanguna sa larangan ng pag-


awit, pagpinta at pag-ukit. Hinahangaan ng mga dayuhan ang mga produkto nating
gawang kamay na tulad ng binurdahan at nililok. Tunay na ang mga Pilipino ay
malikhain sa iba’t ibang larangan.
Ano ang paksang diwa sa talata? Ang mga Pilipino ay malikhain sa iba’t ibang
larangan.
Ano ang maaaring ibigay na pamagat sa talata? “Ang Pilipino: Likas na Malikhain”
Ang mga mahahalagang salita sa pamagat ay Ang Pilipino: Likas na Malikhain ay
ginagamitan ng mga malalaking letra sa simula.
Tandaan sa pagtukoy ng angkop na pamagat sa talata ay:
(1) Pagtuunan ng pansin ang mga sinasabi ng bawat pangungusap,
(2) Itanong sa sarili kung tungkol saan ang paksa ng buong talata,
(3) Isiping mabuti kung ano talaga ang binibigyang diin ng paksa, at
(4) Ibigay ang tamang angkop na pamagat ng talata.

Pagyamanin

A. Panuto: Bilugan sa loob ng panaklong ang angkop na sawikain na tumutukoy


sa sumusunod na kahulugan.
1. (Bukas na aklat, Malaking isda) ang sawikaing angkop sa mga taong
mayaman o may mataas na puwesto sa pamahalaan.
2. (Nabuwalan ng gatang, Nagsaulian ng kandila) ang idyomang angkop
sa nagkagalit na magkumpare o magkumare.
3. (Naglubid ng buhangin, Bukas na dibdib) ang ginagamit na idyoma
kapag nagkukuwento ka ng mga kasinungalingan.
4. (Matigas ang katawan, Naumid ang dila) ang tawag sa sawikaing angkop sa
taong tamad.
5. (Bulang gugo, Naglalaro ng apoy) ang idyomang maaaring gamitin para
sa taong maluwag sa pera o galante.

B. Panuto: Ayusin ang mga salita na nakapaloob sa kahon upang matukoy ang
angkop na pamagat. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Si Dr. Pio Valenzuela ay ipinanganak noong Ika-11 ng Hulyo, 1869. Ang


kanyang mga magulang ay sina Francisco Valenzuela at Lorenza Alejandrino.
Sumapi siya sa Katipunan noong nag-aaral pa lamang siya sa Unibersidad ng
Santo Tomas. Naging isang pinuno siya sa hukbong ito. Isa rin siya sa naging
kaibigan ni Dr. Jose Rizal. Siya rin ang kauna-
unahang naging alkalde ng munisipalidad ng Polo na kilala na ngayon sa
tawag na Lungsod ng Valenzuela.

Valenzuela Buhay Dr. Ang ni Pio

71 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN6
2. Likas na magalang ang mga Pilipino. Ang paghalik sa kamay o pagmano sa
mga matatanda ay nagpapakita ng pagiging magalang. Hindi lang sa tao
magalang ang mga Pilipino, nagbibigay rin sila ng paggalang sa mga bagay.
Katulad na lamang sa paggalang sa mga bagay na may sagisag ng bansa.
Mahalaga ang mga kaugaliang ito sa mga Pilipino dahil ito ay nagbibigay ng
pagkakilanlan sa pagiging isang mabuting Pilipino.

Pilipino Ang Mga Magalang

3. Ang Pilipinas ay tinatawag na Perlas ng Silangan dahil sa angking


kagandahan na taglay nito. Ang ganda ng Pilipinas ay inihambing sa
kagandahan ng isang perlas na matatagpuan sa gitna ng karagatan. Ang
kintab at ang kinang nito ay ang dahilan ng pagkahumaling ng mga dayuhan
sa kagandahan ng ating inang bayan.

Ng Silangan Pilipinas: Perlas

4. Gaano ba kahalaga ang edukasyon? Edukasyon ang tanging pamana ng


ating mga magulang. Malaki ang naitutulong ng edukasyon sa buhay ng tao.
Ang layunin ng edukasyon ay magkaroon ng kaalaman sa bagay-bagay at
impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Kaya
huwag sayangin bagkus pagyamanin natin ito upang magkaroon tayo ng
magandang kinabukasan.

Edukasyon Kahalagahan ng

5. Sa kasalukuyan, marami ang dumaranas ng depresyon bata man o


matanda ay nararanasan ito. Ang depresyon, ayon sa larangan ng sikolohiya,
ay isang sakit sa pag-iisip na kumbinasyon ng panlulumo at lubhang
pagkalungkot, mababang pagtingin sa sarili at kawalang interes sa mga
nakasisiyang gawain, Dahil sa sitwasyon natin ngayon mas lalo pang tumaas
ang bilang ng nakararanasan nito. Maraming sanhi ang dulot ng depresyon
katulad na lamang ng pagkakaroon ng problema sa pamilya, pag-aaral, buhay
pag-ibig at maaaring hindi alam kung paano harapin ang sunod-sunod na
suliranin sa buhay, Kaya ang ipinapayo ng mga eksperto ay magkaroon ng
pananalig sa Diyos, humingi ng payo sa mga kaibigan at pagtulong sa iyong
sarili.

Pandemya ng Depresyon Dulot

72 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN6
Isaisip

A. Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang kaisipan. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
Ang (awisaink) ________________ o (amoyid)________________ ay
matatalinghagang (lisaat) ________________ na karaniwang ginagamit sa pang-araw-
araw na (ubhay)__________. Ito ay salita o (likapunna)________________ ng mga salita
na hindi (rangwitu)___________________ inihahayag ang (huakulnag)
__________________. Ito ay maaari ring (pagapapahgya)_______________ ng (midamdan)
_______________ o (looibnas)_____________________.

B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel ang nawawalang


salita upang mabuo ang konseptong nais ipahayag.
Sa pagbibigay ng (1) __________ ng isang talata, alamin mo muna ang paksang
diwa o paksang (2) ________________. Ang mga ito ay nagbibigay ng (3) ________ sa
pagpili ng pamagat. Ang pangunahing diwa ang pinakabuod ng mga pangyayari sa
talata o kuwento.
Ginagamit ang malaking (4) ___________ sa mahahalagang salita sa pamagat
ng talata o kuwento. Ang unang (5) ___________ sa pamagat ay sinimulan din sa
malaking letra.
ideya letra pamagat
paksa pangungusap salita

Isagawa

A. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang kahulugan ng mga sumusunod na


sawikain at gamitin ito sa pangungusap.
1. alog na ang baba
2. basang-sisiw
3. butas ang bulsa
4. ikrus sa noo
5. nagsusunog ng kilay

B. Panuto: Basahin ang talata at bigyang angkop na pamagat. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ang tao ay natatanging nilalang ng Diyos. Kung ihahambing nga naman
sa iba pang nilikha sa daigdig walang pag-aalinlangang masasabi na ang
tao ang nakahihigit sa lahat. Ang paniniwalang ito ay maibabatay sa mataas
na pag-iisip ng tao. Bunga nito at ng iba pang tanging kakanyahang
ibinibigay ng Diyos sa tao may mga tungkuling iniatang ang Diyos sa balikat
ng bawat tao.

2. Ang pananampalataya sa Diyos ang pangunahing tungkulin ng tao.


Dapat niyang kilalanin na kung hindi dahil sa Diyos ay wala siya sa daigdig
na ito. Kung gayon, dapat niyang ipagpasalamat sa Diyos ang lahat ng
biyayang kanyang natatanggap. Ang pananampalataya sa Diyos ay dapat
ding makita sa kabutihan sa kanyang kapwa sapagkat Diyos ang nagsabi
kung ano ang ginagawa mo sa iyong kapwa ay siya mo ring ginagawa sa
akin.

73 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN6
3. Isang napakasayang pagdiriwang ang Sinulog. Ito’y isinasagawa sa
pamamagitan ng sayaw na sinasaliwan ng sunod-sunod na pagpalo sa
tambol. Hindi lamang ang mga mananayaw ang nakapagbibigay-sigla sa
tradisyong ito. Pati ang manonood ay napasasayaw rin sa sigla at ingay na
kanilang naririnig. Sa kasalukuyan, isinasagawa ang Sinulog bilang
pagsalubong ng mga taga-Cebu sa mga panauhin man o dayuhan. Marami
ring nagsasabi na ito ay bilang pasasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob
ng Panginoon sa buong lalawigan ng Cebu.

4. Ang mga kaibigan ay may malakas na impluwensya sa ating pagkilos,


lalo na sa ating kabataan. Malaki ang magiging impluwensya nila sa ating
pag-iisip at pagkilos, at maging sa kahihinatnan ng ating pagkatao. At
kapag mabubuting kaibigan ang pinili natin, malaking kalakasan at
pagpapala sila sa atin. Tutulungan nila tayong maging mas mabuting tao.

5. Ang buhay kolehiyo ay sadyang napakahirap. Bilang isang estudyante


sa kolehiyo, kailangan mong matutong magsikap mag-isa dahil walang
tutulong sayo kundi ang sarili mo lang. Kailangan mo rin talagang
magsunog ng kilay para makakuha nang mataas na marka. At ugaliing
magbasa ng aralin na napag-aralan at mapag-aaralan palang.

Tayahin

A. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang kahulugan ng sawikain batay sa


pagkakagamit nito sa pangungusap.
1. Ikrus sa noo ang mga tamang pag-uugali at magandang asal.
2. Para kay Ryl, suntok sa buwan ang pag-abot sa kanyang pangarap dahil sa
kanyang kahirapan.
3. Usad-pagong ang mga sasakyan sa kahabaan ng EDSA dahil sa matinding
trapik.
4. Nagdilang anghel ang aking kapatid na makasasama siya sa mga papasa sa
pagsusulit.
5. Bukas gaganapin ang pag-iisang dibdib ng aming guro.

B. Panuto: Piliin ang naaangkop na pamagat sa talata. Isulat lamang ang letra ng
iyong sagot sa patlang.
1. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng
maraming suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at
pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa. Ano
mang problema ang dumating, kailangan mapanatiling buo at matatag ang
pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya’t patuloy mong
ingatan.
A. Ang Pamilya
B. Ang Pamilyang Pilipino
C. Ang Problema sa Pamilya
D. Biyaya ng Diyos ang Pamilya

74 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN6
2. Noong ika-7 ng Nobyembre,1975 ang bayan ng Valenzuela ay napahiwalay
sa bayan ng Bulacan. Mahalaga rin ang araw na ito sa nasabing lungsod dahil
isinunod ito sa pangalan ni Dr. Pio Valenzuela, na isa sa mga bayani ng ating
bansa. Tinawag muna ito na bayan ng Polo sa loob ng 377 na taon bago ito
tawaging Lungsod ng Valenzuela.
A. Sa Bayan ng Valenzuela
B. Pagdiriwang sa Valenzuela
C. Pagbukod ng Valenzuela sa Bayan ng Bulacan
D. Ang Lunsod ng Valenzuela: Lungsod Nating Mahal
3. Tuwing ikatlong linggo ng Enero, may isang masayang pagdiriwang na
ginaganap sa Iloilo, Antique at Aklan; ang Ati-atihan. Sa masiglang tunog ng
tambol, gong at iba pang instrumentong pantugtog, ang mga taong kalahok sa
kapistahan ay nagsasayaw sa kalye. Nagpipinta sila ng itim sa mukha at
katawan at buong siglang nagsisiindak sa lansangan.
A. Tuwing Enero
B. Ang Pista sa Iloilo
C. Masayang Pagdiriwang ng Ati-atihan
D. Ang Kapistahan na Ipinagdiriwang Tuwing Enero
4. Tuwing sasapit ang Araw ng Pista ng San Diego de Alcala hindi mawawala
sa handaan ang kanilang sikat na kakanin. Tinatawag itong Putong Polo. Ito ay
isang maliit na kakanin na orihinal na nilikha sa bayan ng Polo, Valenzuela. Ito
ay gawa sa purong giniling na bigas at ginawang puto. Ito ay may pambihirang
lasa na talaga namang maipagmamalaki ng bayan.
A. Sa Bayan ng Polo
B. Kumain ng Putong Polo
C. Masarap ang kakaning Putong Polo
D. Putong Polo: Karangalan ng Valenzuela
5. Ang kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria ay ginaganap
tuwing ika-8 ng Setyembre. Ang araw na ito ay napakahalaga para sa mga
katoliko, sapagkat ipinagdiriwang ang araw ng pagsilang ng Mahal na Birheng
Maria sa mundo. Lubha siyang iginagalang ng simbahang katoliko bilang
minamahal na Ina at huwaran sa pananampalataya, pag-asa, at
pagkakawanggawa. Itinuro rin sa marami na si Maria ang tagapamagitan ng mga
tao sa Diyos.
A. Ang Kapistahan ng Birhen
B. Ang Pagdiriwang ng mga Katoliko
C. Ang Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birhen Maria
D. Ang Pagdiriwang ng Kapistahan sa Buwan ng Setyembre

Karagdagang Gawain
Panuto: Magtala ng sampung sawikain o idyoma na hindi naibigay na halimbawa
sa aralin. Tukuyin ang kahulugan nito at gamitin sa pangungusap.

75 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN6
DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN6 76
Subukin
A.
1. pusong mamon- maawain
2.makati ang paa-mahilig umalis
3.namuti ang mata- nainip/hindi dumating
4.walang bukambibig-palaging sinasabi
5.matigas ang katawan-tamad
A.
1.Yamang Tao – Pinakamahalagang Yaman ng Bansa
2.Ang Usa
3.Ang Dalawang uri ng papaya
4.Ang Sinulog – Napakasayang pagdiriwang
5.Ang Sanhi ng Diabetes
Balikan
(Maaaring maiba ang sagot batay sa sagot ng bata)
Tuklasin
B.
1. Paksa: Kaya’t napakalaking ng responsibilidad at obligasyon ng
isang guro
Pamagat: Responsibilidad at Obligasyon ng Guro
2. Paksa: Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga
Pilipino ay ang mabuting nating pagtanggap sa mga panauhin
Pamagat: Katangiang maipagmamalaki ng mga Pilipino
3. Paksa: Ang pagpapatupad ng Curfew na kinasasakupan ng
lungsod.
Pamagat: Curfew
4. Paksa: Pagsayaw sa prusisyon upang humiling ng kanilang tunay
na pag-ibig
Pamagat: Ang Kapistahan ni San Roque
5. Paksa: Pambihirang mga pook-pasyalan
Pamagat: Ang Valenzuela People’s Park
Susi sa Pagwawasto
DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN6 77
Pagyamanin
A.
1. malaking isda
2. nagsaulian ng kandila
3. naglubid ng buhangin
4. matigas ang katawan
5. bulang gugo
B.
1. Ang Buhay ni Dr. Pio Valenzuela
2. Magalang ang mga Pilipino
3. Pilipinas: Perlas ng Silanganan
4. Kahalagahan ng Edukasyon
5. Depresyon dulot ng Pandemya
Isaisip
1. Pamagat
2. pangungusap
3. ideya
4. detalye
5. letra
Isagawa
1. Ang Natatanging Nilalang ng Diyos
2. Ang Pananampalataya sa Diyos
3. Ang Sinulog – Napakasayang Pagdiriwang
4. Ang Impluwensya ng Kaibigan
5. Buhay Kolehiyo
Tayahin
A. B.
1. Tandaan 1. B
2. imposible 2. D
3. mabagal 3. C
4. nagkatotoo 4. D
5. kasal 4. C
Curriculum Guide 6

78 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN6
6

Filipino
Unang Markahan
Modyul 1
Aralin 7:
Pagbibigay ng
Solusyon sa Suliranin

79 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN7
Alamin

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• Nakapagbibigay ng sarili at maaaring solusyon sa isang suliraning
naobserbahan sa paligid F6PN-lj-28
• Nasusuri ang mga kaisipan/tema/layunin/tagpuan at pagpapahalagang
nakapaloob sa napanood na maikling pelikula F6PD-lf-10, F6VC-lle-13,
F6PD-lllh-1-6

Subukin

A. Panuto: Bilugan ang letra ng pinakamalapit na solusyon para sa mga


sumusunod na suliranin.
1. Nawalan ng trabaho si Mang Pedring dahil sa pagsasara ng pabrika na
kanyang pinapasukan bunga ng COVID-19, bunga nito may araw na
isang beses na lamang kumakain ang kanyang pamilya, kung ikaw ay
isa sa mga anak ni Mang Pedring, anong tulong ang maaari mong gawin?
A. Makikain sa kapitbahay.
B. Sisihin ang ama dahil sa gutom na nararanasan.
C. Pilitin ang ama na maghanap ng bagong hanapbuhay.
D. Magsimulang magtanim ng mga gulay na madaling alagaan.
2. Malimit na liban sa klase ang iyong kaibigan dahil siya ay may
problemang pangkalusugan, bilang kaibigan, ano ang maipapayo mo
sa kanya?
A. Maghintay na lamang ng panahon kung kailan siya gagaling.
B. Huwag na lamang pumasok dahil makasasama ito sa kanyang
sitwasyon.
C. Sabihin sa kanya na okey lang na lumiban sa klase dahil
mayroon naman siyang dahilan.
D.Kung kaya ng pamilya, magpatala sa home school upang hindi
na niya kailangang umalis ng bahay para hindi masayang ang
panahon.
3. Nagkasakit ng COVID-19 ang iyong kapitbahay, bilang isang
responsableng mamamayan, paano ka makatutulong?
A. Iwasan ang mga kamag-anak na nagkasakit.
B. Sisihin ang kapitbahay, dahil hindi siya nag-ingat.
C. Ipamalita sa mga kapitbahay ang kanyang sitwasyon.
D. Gawin ang kaukulang pag-iingat para sa sarili na hindi ka makasasakit
ng damdamin ng iyong kapwa.
4. Nakatira ka sa isang lugar na maingay. Halos araw-araw ay may nag-aaway sa
paligid. Hindi naman kayo makalipat sa ibang lugar dahil hindi kaya ng inyong
pamilya na magbayad ng renta. Ano ang pinakamabuti mong gawin?
A. Sanayin na lamang ang sarili sa magulong paligid.
B. Pakiusapan ang magulang na gumawa ng paraan na makaalis sa lugar
na iyon.
C. Tanggapin ang katotohanan na hindi kayo puwedeng lumipat sa
maayos na kapaligiran dahil sa kakulangan sa pera.
D. Magsikap sa pag-aaral upang kung makatapos sa pag-aaral ay
makahanap ng trabaho at magkaroon ng pagkakataon na makalipat sa
maayos na tirahan.

80 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN7
5. Malimit na nag-aaway ang iyong magulang, dahil maliit lamang ang perang
naibibigay ng iyong ama. Naapektuhan na rin ang iyong pag-aaral sa malimit
nilang pag-aaway. Bilang anak, ano ang maaari mong gawin?
A. Pagalitan ang iyong magulang
B. Umalis sa inyong bahay at makitira sa inyong kamag-anak
C. Takpan ang tainga at huwag na lamang pansinin ang away ng
iyong magulang
D. Kausapin ang iyong magulang na iwasan ang pag-aaway
dahil labis itong nakaaapekto sa iyong pag-aaral.
6. Tuwing sasapit ang tag-ulan, labis na nangangamba ang inyong
pamilya, dahil mabilis tumaas ang baha sa inyong lugar. Ano ang pwede
ninyong gawin upang maiwasan ang iba pang di-kanais-nais na
pangyayari?
A. Dapat lahat ay gising kapag umuulan.
B. Laging maging alerto sa mga kaganapan sa paligid.
C. Huwag labis na mag-alala may mga “rescue” namang dumarating.
D. Itali ang bahay sa katabing puno, para kahit umulan ay hindi
malulunod ng baha.
7. Nahihirapan ka sa mga aralin at gawaing pampaaralan. Ano ang
gagawin mo?
A. Bigyan ng regalo ang matalino mong kaklase para hindi siya
magsawa ng pagtulong sa iyo.
B. Humingi ng tulong sa iyong kaklase at maging sa iyong pamilya.
Sikaping tulungan ang sarili.
C. Pabayaan na lang na hindi naunawaan ang aralin, dahil hindi mo
talaga paborito ang asignaturang iyon.
D. Tumabi sa mga kaklase mong mapagtatanungan mo ng sagot sa
araw ng pagsusulit upang ikaw ay makapasa.
8. Malayo ang paaralan sa inyong tahanan, kailangan mo pang tumawid
ng ilog para makarating sa paaralan. Nais mong makapagtapos ng pag-
aaral. Ano ang gagawin mo?
A. Magreklamo sa gobyerno upang magpatayo ng paaralan sa inyong
lugar.
B. Magtiis sa hirap na dinaranas sa pagpasok sa paaralan at
sisikaping makatapos ng pag-aaral.
C. Kausapin ang mga kapitbahay upang magsagawa ng
demonstrasyon laban sa gobyerno at hilingin ang mabilisang
pagpapatayo ng paaralan.
D. Huminto na muna sa pag-aaral. Ipagpatuloy na lamang ang pag-
aaral kung makapagpapagawa na ng paaralan ang gobyerno
malapit sa inyong lugar.
9. Nakaaway mo ang matalik mong kaibigan dahil lamang sa isang hindi
pagkakaunawaan.
A. Kausapin siya nang masinsinan, upang malutas ang alitan
B. Siraan siya sa iba pa niyang kaibigan upang siya ay layua
C. Patuloy na huwag siyang pansinin, marami ka pa namang
kaibigan
D. Magkalat ng balitang walang katotohanan laban sa iyong dating
matalik na kaibigan

81 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN7
DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN_7
10. Nawalan ng trabaho ang iyong ama dahil sa pandemya dulot ng
COVID-19, may konting naipon ang iyong ina noong may trabaho pa
ang iyong ama.
A. Ibenta ang mga ibang ari-arian.
B. Huminto muna sa pag-aaral ang mga anak.
C. Magmukmok sa isang sulok, at sisihin ang pinagmulan ng sakit
na COVID-19.
D. Gamitin kahit sa maliit na negosyo ang naipong pera upang may
mapagkakitaan.

Aralin

7 ⚫ Pagbibigay ng Solusyon sa Suliranin

Balikan

A. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang kahulugan ng sumusunod na


sawikain.
1. Balitang kutsero
2. Basang sisiw
3. Bulang gugo
4. Naghalo ang balat sa tinalupan
5. Parang natuka ng ahas

B. Panuto: Basahin ang talata at sagutin sa sagutang papel ang


sumusunod na tanong.
Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang pagdaraos ng kapistahan.
Ang bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang
pasasalamat sa kanilang patron.
1. Ano ang paksang diwa?
2. Ano ang angkop na pamagat ng talata?

Tuklasin

A. Panuto: Basahin ang kuwentong “Kaibigan Ko ang Aking Pinsan”. Sagutin ang
sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.

“Kaibigan Ko ang Aking Pinsan”


ni: Agnes L. Bico

Sina Mary at Liana ay magpinsan. Bukod sa pagiging magpinsan, matalik din


silang magkaibigan. Si Mary ay nakatira sa Valenzuela samantalang si Liana ay
nakatira sa probinsya.
Tuwing bakasyon, kapag umuuwi ang mag-anak ni Mary sa probinsya, sila
palagi ang magkasama. Nagkukwentuhan, nagtatawanan sa maraming bagay.

82 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN7
Dumating ang panahon na halos sabay rin silang nagtapos sa kolehiyo, nauna
lamang ng ilang buwan si Mary. Nakapagtrabaho siya sa isang hotel sa Maynila,
samantalang si Liana ay pumasok sa isang maliit at pribadong paaralan. Maliit
lamang ang naging sahod ni Liana sa kanyang pinasukan, kaya’t nagpasya siya na
maghanap ng ibang mapagtatrabahuhan.
Tinulungan ni Mary na makahanap ng ibang trabaho si Liana sa Valenzuela
at pinalad na matanggap naman sa isang paaralan.
Sa bahay nina Mary tumira si Liana. Tumutulong siya sa mga gawaing bahay.
Pagkalipas ng tatlong buwan, natanggap ni Liana ang kanyang sahod. Sa
unang pagkakataon, nakatanggap siya ng malaki-laking halaga dahil naipon ang
sahod niya ng tatlong buwan dahil sa “lockdown” bunga ng Covid-19.
“Wow! Ganito pala ang pakiramdam kapag nakahawak ng ganitong halaga”, ang
sabi ni Liana.
Tuwang-tuwa siya ng mga sandaling iyon. Nagbigay rin siya ng panggastos sa
bahay.
Mula noon, nabibili na niya ang bawat magustuhan. Nang sumunod na mga
linggo, panay ang dating ng kanyang mga order.
Isang araw, napansin ng kapatid ni Mary na ginamit ni Liana nang walang
paalam ang maliit niyang drower na pinaglalagyan niya ng ilan niyang mga gamit.
Tinanggal nito ang laman at inilagay ang kanyang mga binili. Hindi nagsalita si Eva,
ang kapatid ni Mary, dahil baka magalit ito sa kanya.
Subalit hindi nakatiis si Eva, isinumbong niya ang pangyayari sa
nakatatandang kapatid ni Liana na nasa probinsya. Tinawagan si Liana ng kanyang
kapatid at pinagsabihan.
Mula noon ay naging tahimik na si Liana, hindi na siya masyadong
nagsasalita gaya ng dati.
Pati si Mary ay hindi na rin niya masyadong kinakausap, dahil pinagsabihan
din siya nito na kung may gustong gamitin sa kanilang bahay ay magpaalam muna
siya bilang respeto sa may-ari.
Kinabukasan, namumugto ang mga mata ni Liana, dala ng pag-iyak nang
gabing iyon. Ang dating malalakas na tawanan at pagbibiruan ay hindi na
naririnig. Madalang na ring mag-usap sina Mary at Liana, maliban na lamang
kung may mahalagang sasabihin ang bawat isa.
Kaya’t nagpasya ang ina ni Mary na kausapin ang lahat upang pag-usapan ang
problema.
Pagkatapos ng usapan, nagkaroon sila ng kasunduan na dapat magsasabi
kung anoman ang saloobin ng bawat isa at magpapaalam sa may-ari kung may
gustong gamitin bilang respeto.
Mula noon naging maayos na muli ang kanilang samahan at bumalik na ang
mga tawanan sa kanilang tahanan.

Sagutin:
1. Ano sa palagay ninyo ang suliranin sa kwento?
2. Ano ang naging ugat ng suliranin?
3. Tama ba na gumamit tayo ng bagay na hindi nagpapaalam sa may-ari?
Bakit?
4. Tama bang solusyon ang hindi pagkausap sa taong iyong kinaiinisan upang
maiwasan ang pag-aaway? Bakit?
5. Paano nila nalutas ang problema?
6. Ano ang pakiramdam kapag may iniiwasan kang tao na ayaw mong
kausapin?
7. Ano ang masamang maidudulot ng pagkikimkim ng sama ng loob sa iyong
kalusugan?

83 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN7
8. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Eva, isusumbong mo rin ba si Liana sa
kanyang nakatatandang kapatid? Bakit?
9. Anong aral ang nais iparating nito sa atin?
10. Sa sitwasyong inyong binasa, ano ang tamang paraan ng paglutas ng
ganitong suliranin?

Suriin
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang mga pahayag na nagpapakita ng tamang
paglutas ng isang suliranin at ekis (X) kung hindi. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

_____ 1. Dapat ay bukas ang isipan ng isang tao, kung nais niyang malutas
ang kanyang suliranin.
_____ 2. Ang pagtanggap sa sariling pagkakamali ay makatutulong sa
paglutas ng problema.
_____ 3. Hindi na kailangang pakinggan ang opinyon ng iba sa paglutas ng
iyong problema sapagkat ikaw ang nakaaalam kung bakit dumating
ang problemang iyon sa iyo.
_____ 4. Makatutulong ang pakikinig sa suhestiyon ng ibang tao upang
malutas ang problema.
_____ 5. Dapat ang suliranin ay sinasarili na lamang upang hindi na
malaman ng ibang tao dahil kaaawaan ka lang nila.
_____ 6. Makatutulong sa paglutas ng suliranin ang pagkakaroon ng
positibong pananaw.
_____ 7. Minsan, may mga problema na talagang walang solusyon, kaya
dapat lang na pabayaan na ito.
_____ 8. Hindi na kailangan ang maayos na pagpaplano upang lutasin ang
isang suliranin.
_____ 9. Ang mga suliranin ay nakatutulong din upang mapaunlad ang ating
sarili.
_____ 10. Hindi dapat matakot sumubok ng iba’t ibang pamamaraan upang
malutas ang mga suliraning kinakaharap.

Pagyamanin

Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na solusyon sa sumusunod na sitwasyon.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

84 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN7
Mga Solusyon:
A. Ipaliwanag mo sa iyong kaklase ang leksyon at sabihin sa kanya na siya ang
dapat magsagot ng kanyang takdang aralin upang siya ay matuto at hindi laging
aasa sa iyo ng sagot.
B. Kung hindi mo talaga maunawaan, magtanong ka sa kaklase mo na magaling
sa Matematika, at kung hindi mo pa rin maunawaan, huwag mahiyang
magtanong sa guro.
C. Itanong sa guro ang dahilan kung bakit binigyan ka niya ng bagsak na grado
sa asignaturang iyon.
D. Sabihin sa guro kung sino talaga ang may kasalanan, dahil kung hindi mo
sasabihin maaaring mas marami pa ang madadamay. Ang tunay na kaibigan ay
hindi nagtatakip sa kasalanan bagkus, dapat itama niya ang kanyang
pagkakamali.
E. Laging unahin ang kalusugan at kaligtasan ng katawan, kung talagang
masama ang pakiramdam, huwag pilitin ang sarili. Ipaalam lamang sa guro ang
iyong kondisyon at makiusap.
F. Sikaping makapagluto ng pagkain na kaya mong lutuin nang mabilis.
G. Makiusap sa guro kung maaaring gumawa ng ibang proyekto na kapalit na
kanyang ipinagagawa sa klase.
H. Sabihin sa magulang ang tunay na nangyari sa pagkawala nito, at ipaliwanag
sa magulang na hindi mo sinasadya na ito ay mawala.
I. Tanggapin ang kalalabasan nang hindi paggawa ng takdang aralin at sa
susunod ay unahin muna ang paggawa ng mahahalagang bagay katulad ng
paggawa ng takdang aralin o mga proyekto.
J. Isipin ang kaligtasan, kung magiging mapanganib ang gagawing pagpasok sa
paaralan dahil sa baha, mauunawaan ito ng iyong guro at makiusap na lang na
gagawin ang mga bagay o aralin na hindi niya napakinggan sa araw na pwede
nang pumasok.

1. Nahihirapan ka sa mga aralin sa Matematika.


2. Hindi ka nakagawa ng proyekto sa TLE dahil walang pambili ng mga materyales
na gagamitin.
3. Hindi mo nagawa ang iyong takdang aralin dahil may pinuntahan kang
pagtitipon.
4. Naiwala mo ang kuwintas na ibinigay sa iyo ng iyong ina na minana pa
niya sa iyong lola.
5. Malakas ang ulan, bumaha sa inyong lugar, subalit walang idineklarang
suspensyon ang alkalde dahil wala namang bagyo.
6. Masama ang iyong pakiramdam, ayaw mong lumiban dahil may mahabang
pagsusulit sa araw na iyon.
7. Nagalit sa iyo ang iyong kaklase, dahil hindi mo siya tinuruan ng sagot sa
inyong takdang aralin.
8. Nagugutom ka na nang ikaw ay dumating sa bahay, subalit hindi pa
nakapagluto ang iyong ina dahil marami siyang ginagawa.

85 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN7
9. Binigyan ka ng bagsak na grado ng iyong guro sa Agham, subalit alam mo
sa sarili mo na hindi ka dapat ibinagsak sa asignaturang iyon.
10. Nadamay ka sa galit ng guro ninyo na hindi naman ikaw ang
maykasalanan kundi ang matalik mong kaibigan. Ayaw mo siyang
isumbong dahil siguradong magagalit siya sa iyo.

Isaisip
Panuto: Isulat ang mga nawawalang letra upang mabuo ang konsepto.

Kakambal na ng mga tao ang (1.) su _ _ r _ n _n na malimit din nating tawaging


problema. Subalit sabi nga hindi tayo dapat mangamba sapagkat lagi itong may
katapat na (2.) s _ l _ s y _ n.
Ang mga suliranin ay hindi tinatakbuhan, ito ay dapat (3.) _a _ a _ in nang
may katatagan. Kung hindi natin ito kayang mag-isa, puwede tayong humingi ng (4.)
t _ l _ ng sa ating mga (5.) kap_m_ l _ _. Subalit higit sa lahat huwag nating kalimutan
ang dakilang (6.) Pa _ g i _ _on na kailanman ay hindi tayo iniiwan.
Ang ating mga suliranin ay maaaring nasa loob ng ating (7.) ta_ _ n a _, sa
ating (8.) k_ m _ n _ d_d, (9.) ban _ _ at sa buong (10.) m_n _ o.

Isagawa
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang solusyon sa sumusunod na suliranin.

1. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng matinding karamdaman ang


iyong ina. Napansin mo na lagi siyang malungkot at nag-iisip. Bilang anak, ano
ang maaari mong gawin?
2. Hindi ka nakakapagpasa ng mga takdang-aralin at iba pang gawain sa
paaralan gamit ang google classroom, sapagkat wala talagang kakayahan ang
inyong pamilya na ibili ka ng gadget. Paano mo ipagpapatuloy ang iyong pag-
aaral?
3. Unang araw ng pasukan, iniayos kayo ng inyong guro ayon sa inyong apelyido.
Santos ang iyong apelyido kaya’t nalagay ka sa bandang huli ng silid-aralan.
Habang nagkaklase, hindi mo mabasa ang isinusulat ng iyong guro sa pisara
dahil malabo ang iyong mata. Ano ang iyong gagawin?
4. Patuloy na tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at kinakapos na
ang pamilya mo na matugunan ang pangangailangan ng iyong pamilya. May
bakanteng lupa sa tabi ng inyong bahay. Ano ang iyong gagawin?
5. Narinig ka ng iyong guro na maganda ang iyong boses at may kakayahan kang
kumanta.Nagkaroon ng paligsahan sa pag-awit sa inyong paaralan. Isinasali ka
ng iyong guro, subalit likas sa iyo ang pagiging mahiyain, hindi ka sanay
humarap sa mga tao. Walang iba sa kaklase mo ang marunong kumanta. Ano
ang iyong gagawin?

86 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN7
Tayahin

A. Panuto: Isulat sa patlang ang angkop na solusyon sa sumusunod na sitwasyon.


1. Kasali ka sa isang koponan ng basketbol, ginawa mo ang lahat para makapag-
ambag ng puntos at nais mo ring maging “Most Valuable Player”. Subalit ang
kaibigan mo ang napili. Napikon ka at napahiya dahil alam ng kaibigan mo
ang iyong ambisyon. Hindi ka nakapagpigil at siya’y iyong nasuntok. Mula
noon naputol ang inyong pagkakaibigan. Paano mo ibabalik ang inyong
pagkakaibigan?
A. Humanap ng ibang kaibigan
B. Siraan ang iyong kaibigan
C. Lumipat ng ibang koponan
D. Makipag-usap sa iyong kaibigan kapag maayos na ang sitwasyon at
humingi ng pasensya.
2. Iniwan kayo ng inyong ama, dahil nagkaroon siya ng ibang pamilya. Ikaw ang
panganay na anak. Ano ang iyong gagawin?
A. Magalit sa iyong ama dahil sa pag-iwan niya sa inyo.
B. Ipamukha sa ama na kaya ninyong mabuhay kahit wala siya.
C. Kumbinsihin ang ina na magsampa ng kaso upang bumalik ang ama.
D. Kausapin ang ina na maging matatag at ipangako na tutulungan mo siya
upang maitaguyod ang pamilya.
3. Kinopya mo sa kompyuter ang sagot sa iyong takdang aralin, nang malapit ka
nang matapos nawalan ng kuryente kasabay nitong nawala ang iyong
ginagawang takdang aralin dahil sa namatay ang iyong ginagamit na
kompyuter. Ano ang iyong gagawin?
A. Maghintay na dumating ang suplay ng kuryente.
B. Kopyahin sa papel ang sagot at ipaliwanag sa iyong guro ang nangyari.
C. Pabayaan na lang na walang takdang aralin at sabihin sa guro na nawalan
ng kuryente.
D. Tumawag sa Meralco at sabihing ibalik ang suplay ng kuryente dahil may
ginagawa kang takdang aralin sa kompyuter.
4. Malimit kang magkasakit dahil kulang sa resistensya ang iyong katawan.
Sinabihan ka ng doktor na kumain ka ng gulay. Subalit hindi mo talaga gusto
ang lasa ng mga ito. Ano ang iyong gagawin?
A. Magpabili na lamang sa ina ng mga bitamina.
B. Magpatingin sa doktor sa tuwing magkakasakit.
C. Sikaping kumain ng gulay upang tulungang lumakas ang resistensya.
D. Kumain na lamang ng prutas dahil mas masarap ito kapalit ng mga gulay.
5. Narinig mong nag-aaway ang iyong ama at ina. Malakas ang kanilang sigawan
at naririnig ito ng mga kapitbahay. Ano ang gagawin mo?
A. Magkulong sa kwarto upang hindi marinig ang kanilang pag-aaway.
B. Umalis ng bahay, at bumalik na lang kung tapos na ang kanilang pag-
aaway.
C. Pabayaan na lamang sapagkat matanda na sila at alam na nila ang kanilang
ginagawa.
D. Kausapin sila at sabihing hindi makatutulong ang pag-aaway bagkus ay
pag-usapan nang mahinahon ang kanilang hindi pagkakaintindihan.

87 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN7
6. Naiwan mo ang iyong kwaderno sa sala pagkatapos mong mag-aral, pinunit ito
ng nakababata mong kapatid. Nagkataong naroon ang sipi ng tula na
ipinakakabisa ng iyong guro. Ano ang iyong gagawin?
A. Paluin ang iyong kapatid.
B. Magpabili ng bagong kwaderno sa nanay.
C. Huwag ng magkabisa ng tula, sabihin na lang na pinunit ng iyong kapatid
ang iyong kwaderno.
D. Humiram ng kwaderno sa iyong kaklase at isulat na muli ang pahinang
napunit ng iyong kapatid.
7. Maraming nagkakasakit ng dengue sa inyong lugar. Alin sa mga sumusunod
ang hindi dapat gawin?
A. Gumamit ng kulambo kapag natutulog.
B. Iwasan ang pagsusuot ng mga damit na kulay itim.
C. Linisin ang kapaligiran na pinamumugaran ng lamok.
D. Pabayaang walang takip ang mga dram upang doon lang manirahan ang
mga lamok.

8. Isang frontliner ang iyong ina. Ginawa niya ang lahat ng pag-iingat upang hindi
siya mahawa sa sakit na dulot ng COVID 19. Subalit sa hindi inaasahang
pangyayari nagkaroon din siya ng sakit na ito. Hindi mo siya madalaw dahil
mahigpit itong ipinagbabawal upang maiwasang makahawa pa sa iba. Alin sa
mga sumusunod ang HINDI makatutulong sa mabilis niyang paggaling?
A. Iparamdam sa kanya ang iyong suporta at pagmamahal.
B. Sisihin ang ina kung bakit pa siya nagsilbi bilang frontliner.
C. Magdasal nang taimtim sa Diyos at hilingin ang mabilis na paggaling ng
iyong ina.
D. Tawagan siya araw-araw at palakasin ang kanyang loob. Tiyakin sa kanya
na nasa mabuti kayong kalagayan.
9. Napakalaking problema ang kinakaharap ngayon ng Pilipinas dahil sa sakit
dulot ng COVID 19. Ang mga sumusunod ay mga tulong na maaari nating
gawin maliban sa isa, alin ito?
A. Iwasan ang pagpunta sa matataong lugar.
B. Kumain sa mga restoran, kung tinatamad magluto sa bahay.
C.Iwasang lumabas ng bahay kung hindi naman talaga kinakailangan.
D. Palaging magsuot ng facemask at faceshield kung lalabas ng bahay.

10. Nakatira sa inyo ang inyong lolo at lola, dahil ang kapatid ng iyong ina ay nasa
ibang bansa. May katandaan na rin sila. Dahil dito naunang nawala ang iyong
lola. Naging malungkutin at laging nag-iisip ang iyong lolo. Nawalan na rin siya
ng gana sa pagkain. Bilang apo ano ang pwede mong gawin?
A. Kwentuhan ang iyong lolo upang malimutan niya ang pagkawala ng iyong
lola.
B. Huwag na lang pansinin si lolo, sapagkat ganon naman talaga kapag
tumatanda na.
C. Dalhin na lamang ang lolo sa “home for the aged” para marami siyang
kasamang matatanda roon.
D. Sabihin sa lolo na huwag nang masyadong isipin ang lola dahil baka siya
naman ang mamatay sa labis na pag-iisip.

88 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN7
Karagdagang Gawain

Panuto: Magsulat ng limang karaniwang suliranin sa tahanan at posibleng solusyon


para sa bawat isa.

89 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN7
DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN7 90
Subukin
1. D 6. B
2. D 7. B
3. D 8. B
4. D 9. A
5. D 10. D
A. Balikan:
1. balitang hindi totoo
2. mahirap na buhay o kaawa-awa
3. mapagbigay o kaya naman ay bulagsak sa pera
4. nagkagulo
5. Natulala o natigilan
B.
1. kapistahan bilang isang tradisyon
2. Pista
Tuklasin:
1. Paggamit ni Liana ng gamit ng mga pinsan na hindi nagpapaalam
2. Hindi pagpapaalam sa paggamit ng iba
3. Hindi, sapagkat pagpapakita yon ng kawalan ng respeto sa may-ari
4. Hindi, sapagkat hindi malulutas ang problema kung hindi pag-uusapan
5. Nalutas ang problema dahil nag-usap sila ukol rito at nagkaroon ng
kasunduan na magpapaalam sa may-ari bago gamitin ang gamit ng
iba.
6. Hindi mapalagay, walang kapayapaan ang isipan
7. Maaaring maging sanhi ito ng isang sakit
8. Hindi ko na siya isusumbong , sa halip ay kakausapin ko na lang siya
nang Masinsinan.
9. Magpaalam o humingi ng pahintulot sa may-ari bago gamitin ang isang bagay na
hindi sa iyo.
10.Sa ganitong sitwasyon, dapat pag-usapan kung may problema upang malutas ito
sa maayos na paraan.
Suriin:
1./ 2./ 3.X 4./ 5.X
6./ 7./ 8.X 9./ 10./
Pagyamanin:
1. B 2.G 3.I 4.H 5.J
6. E 7.A 8.F 9.C 10.D
Isaisip:
1. suliranin 2.solusyon 3.harapin 4.tulong 5.Kapamilya
6. Panginoon 7.tahanan 8.komunidad 9.bansa 10.mundo
Tayahin:
1. D. 2.D 3.B 4.C 5.D
6. D 7.D 8.B 9.B 10.A
Susi sa Pagwawasto
Alab ng Filipino 6
Curriculum Guide 6
https://philnews.ph/2020/02/20/paano-gumawa-ng-tula-paraan-ng-pagsul
bayaningfilipino.blogspot.com

91 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN7
6

Filipino
Unang Markahan
Modyul 1
Aralin 8:
Pagsusuri sa Pelikula

92 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN8
Alamin
• Nasusuri ang mga kaisipan/tema/layunin/tagpuan at pagpapahalagang
nakapaloob sa napanood na maikling pelikula
F6PD-lf-10, F6VC-lle-13, F6PD-lllh-1-6

Subukin
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Banghay Iskrip
Direksyon Musika
Disenyong Pamproduksyon Pamagat
Diyalogo Sinematograpiya
Editing Tema/Paksa

1. Tiyak na kaisipang nagbibigay kaisahan at layunin sa lahat ng nagaganap


sa pelikula.
2. Ito ang naglalarawan ng bawat tagpo sa detalyadong pamamaraan.
3. Tumutukoy sa paraan kung paano ipahahatid ng direktor ang
mensahe ng kuwento sa pamamagitan ng lengguwahe ng pelikula.
4. Ito ay nagpapatingkad sa isang pelikula gamit ang musika at tunog.
5. Ang pelikula ay may magandang kulay, liwanag at tunog sa bawat eksenang
inilalahad sa pelikula.
6. Ito ay mahusay na pagsasaayos ng mga eksenang kailangan o mahalaga sa
bawat tagpo nang hindi isinasakripisyo ang kabuluhang estetiko
7. Ito ang tumutukoy sa paraan kung paano ipahahatid ng direktor ang
mensahe ng kuwento sa pamamagitan ng lengguwahe ng pelikula.
Siya rin ang nagbibigay ng motibasyon o nanghihikayat sa karakter
kung paano isasagawa ang isang sitwasyon
8. Ito ang pagbibigay-buhay ng mga artista sa tauhang ginagampanan.
Binibigyang-lalim at bisa ng pagsasabuhay sa mga karakter ang mga
emosyon, diwa at saloobin nito.
9. Ito ang tinatawag na storyline o balangkas ng mga pangyayari. Ang
banghay ay maaaring masalimuot. Isinasaayos ng manunulat ang
pangyayari sa isang kakaibang ayos na maaaring magulo,
gayunpaman ay kawili-wili at mauunawaan.
10. Ito ang wastong pagbubuo at paghahanda ng kabuuang disenyo
kasama ang tagpuan, kasuotan at kulay.

93 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN8
Aralin

8 ⚫ Pagsusuri sa Pelikula

Balikan

Panuto: Piliin ang letra ng angkop na solusyon para sa sumusunod na suliranin.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Masakit ang ulo ng iyong ina dahil sa sobrang pagod sa maghapon niyang gawain
sa bahay. Malapit nang dumating ang iyong ama galing sa pabrikang kanyang
pinapasukan. Ikaw lang ang kasama ni nanay sa bahay. Wala pa kayong sinaing
ngunit mayroon naman na nailutong ulam si nanay. Paano ka makatutulong sa
iyong ina?
A. Hindi ako magsasaing dahil marami akong ginagawa.
B. Hihintayin kong dumating si tatay upang siya ang magsaing.
C. Pipilitin kong magsaing si nanay para may makain nang hapunan.
D. Magsasaing ako kahit hindi inuutusan ng nanay upang may nakahanda nang
sinaing pagdating ni tatay.

2. Araw-araw ay may dumarating na order mula sa online shopping sa bahay nila


Liza. Mahilig siyang mamili dahil natutuwa siya sa mga murang damit na ibinebenta
dito. Napansin niyang hindi na magkasya sa kanyang aparador ang mga damit.
Paano mo papayuhan si Liza na tumigil na sa pag-order sa online shopping?
A. Pupurihin ko siya sa dami ng kanyang mga damit na naipon.
B. Hindi ko siya pakikialaman sa kanyang mga planong pagbili ng mga damit dahil
pera naman niya iyon.
C. Papayuhan ko siya na ipamigay ang mga damit na hindi na niya kailangan kahit
ito ay mga bago pa.
D. Papayuhan ko na huwag masanay na mag-order sa online shopping dahil
marami na siyang damit bumili na lang siya ng mas higit niyang kailangan gaya
ng pagkain na masustansiya at hindi damit na naluluma at kinaliliitan lamang
pagdating ng panahon.

3. Tinanggal na ang lockdown sa Valenzuela. Ang mga bata ay pinayagan na


makapamasyal sa mga pampublikong pasyalan gaya ng Valenzuela People’s Park,
Family Park. Bukas na din ang mga pampublikong pampaaralan sa face to face
classes. Nais mo nang makapasok sa paaralan ngunit wala ka pang vaccine para sa
COVID-19. Paano mo makukumbinsi ang magulang na mapabilang ka sa mga
pumapasok na sa paaralan?
A. Magdadabog ako sa aking magulang para makapasok na sa paaralan.
B. Iiyak ako araw-araw upang payagan akong makapasok na sa paaralan.
C. Hindi na lang ako papasok sa paaralan dahil wala akong vaccine para sa
COVID-19.
D. Sasabihin ko kina nanay at tatay na ipavaccine na ako para COVID-19 upang
payagan na akong makadalo sa face to face classes.

94 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN8
4. Malapit na ang inyong Lagumang Pagsusulit.nagbigay na ng link ang iyong guro
para sa mga nag-aaral sa pamamagitan ng online classes. Nais mo na makapag-
online ka sa oras na itinakda, ngunit ang ginagamit mong cellphone ay ginagamit din
ng iyong nanay na nasa trabaho. Paano mo sasabihin sa iyong guro na hindi ka
makasusunod sa takdang oras na kanyang ibinigay?
A. Hindi ako mag-eexam dahil wala akong gadget.
B. Iiyak na lang ako dahil wala akong gagamitin cellphone sa oras na itinakda.
C. Imemensahe ko ang guro ko at sasabihin ko na kung maaaring mag-exam sa
oras na dumating ang nanay.
D. Babalewalain ko ang araw ng pagsusulit dahil wala akong internet connection at
wala akong cellphone.

5. Mayroon kayong bakanteng lote sa likod ng inyong bahay na ginawang tambakan


ng inyong mga lumang kagamitan. Napansin mo na mataba ang lupa dito. Ano ang
gagawin mo para mapakinabangan ito?
A. Maglalaro ako sa bakanteng lote ng taguan.
B. Pababayaan ko lang na masukal ang lugar na iyon.
C. Magtatambak ako ng iba pang gamit na hindi ko na kailangan.
D. Lilinisin ko ang bakanteng lote, itatapon ang mga bagay na wala nang silbi at
magtatanim ako ng mga halamang gulay upang may maani akong gulay.

6.Dalawang taon na ang nakalipas mula nang magdeklara ng lockdown sa buong


Pilipinas. Napansin mong tumataba ka na sa pagkakakulong sa loob ng bahay dahil
sa wala kang ginawa kundi kumain maya’t maya. Nagkaroon na ng pagluluwag sa
alert level sa bawat lugar sa ating bansa. Ano ang gagawin mo upang maibalik mo
ang dating maayos mong kalusugan?
A. Maglalaro ako sa labas hanggang gusto ko.
B. Lalabas ako upang makapaglakad at makapag-ehersisyo.
C. Hindi na ako lalabas baka mahawa pa ako ng mga sakit na kumakalat.
D. Mananatili na lang sa loob ng bahay dahil ito na ang aking nakasanayan.
7. Maaga kang aalis para pumasok sa paaralan dahil unang araw ng klase, Nais
mong maligo ngunit natuklasan mo na napakabagal ng daloy ng tubig mula sa
inyong gripo kaya nagpunas ka na lamang ng iyong katawan bago pumasok. Ano
ang dapat mong gawin upang makaligo ka agad sa susunod na araw.
A. Hahayaan ko na lamang na mahina ang tubig.
B. Hindi na lang ako maliligo dahil walang tubig.
C. Magagagalit ako sa aking nanay dahil hindi siya nag-ipon ng tubig.
D. Mag-iipon ako ng tubig sa drum bago matulog sa gabi upang siguradong may
gagamitin sa kinabukasan.

8. Pagkagising mo ay naramdaman mo ang bigat ng iyong katawan. Nahihilo ka


habang tumatayo sa iyong higaan. Nais mong pumasok ngunit masama ang iyong
pakiramdam. Nag-aalala ka na magalit ag iyong guro kung hindi ka makakapasok
ngayon. Ano ang gagawin mo?
A. Matutulog na lang at hindi na muna papasok sa paaralan.
B. Papasok ako sa paaralan kahit masama ang aking pakiramdam.
C. Hindi ako papasok sa paaralan dahil masama ang aking pakiramdam.
D. Magbibigay ako ng mensahe sa aking guro na hindi ako makakapasok dahil
masama ang aking pakiramdam.

95 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN8
9.Mayroon kang kaklase na pumapasok araw-araw ngunit tuwing recess napansin
mo na tubig lamang ang kanyang iniinom. Nalaman mo na siya pala ay anak ng
isang pulubi na nais makatapos sa pag-aaral. Sasabihin mo ba ito sa iyong guro?
A. Hindi ko na lang sasabihin sa guro.
B. Hahayaan ko na lang siya na magutom.
C. Sasabihin ko po sa guro upang siya ay kaawaan.
D. Sasabihin ko sa guro ko upang matulungan na maisama sa listahan ang kanyang
pangalan ng mga batang nasa feeding program.
10.Mayroon kayong takdang aralin ngunit hindi ka nakapasok nang ibigay ang
paksa ng inyong takdang aralin. Ano ang gagawin mo upang makasunod ka sa
inyong gawaing pampaaralan?
A. Tatawagan ko ang aking kaklase para makipaglaro.
B. Hahayaan ko na lang na wala akong takdang-aralin.
C. Hindi ako tatawag sa guro dahil nahihiya akong magtanong.
D. Tatawag ako sa guro ko o sa aking kaklase upang alamin ang detalye ng takdang-
aralin.

Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang usapan ng magkaibigang Mario at Marlon.


Nalalapit na ang bakasyon. Nag-uusap ang dalawang nag-uusap ang magkaibigan
na nais manood ng sine. Alamin natin ang kanilang napag-usapan tungkol iba’t-
ibang gabay at batayan sa panonood ng telebisyon at sine.
Marlon: Mario, ano kaya ang magandang gawin kapag wala na tayong
masyadong ginagawa sa paaralan?
Mario: Magmovie marathone tayo sa bahay ninyo Marlon, magdadala ako ng
pagkain habang tayo ay nanonood. Ayain natin sina Hector at Goryo.
Marlon: Aba magandang idea yan, maghahanda ako ng kutkutin gaya ng
kornik at mani.
Mario: Ano kaya ang magandang panoorin?
Marlon: Gusto ko sana ay nakakatakot…kaya mo bang manood ng horror
movie? Kapag nanonood kasi ako ay napapapikit ako kapag
natatakot na kaya Rated G na lang ang panoorin natin para hindi
tayo mapagalitan ng ating magulang.
Mario: Ano ba ang Rated G?
Marlon: Ang sabi ng nanay ko ang rated G ay mga pelikula na di na
kailangan ng Gabay ng mga Magulang. Ang mga halimbawa nito ay
mga pelikulang pambata. Ang tema ng istorya ay talagang pambata
at may aral sa buhay kaya mas magandang manood ng rated G.
Mario: Ano ba ang mga pelikula na rated PG?

96 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN8
Marlon: Ang pelikulang rated PG or parental Guidance ay mga pelikulang
nangangailangan ng Gabay ng mga Magulang. Ang mga halimbawa
nito ay mga pelikulang horror o nakakatakot, nakakainlove,
nakakakilig at nakakatawa o nakakaaliw.
Mario: Mayroon din bang pelikula na hindi pwede sa mga bata? Anong
gabay ang ibinibigay para sa mga pelikulang pang matanda?
Marlon: Ah, oo nga may mga pelikula na hindi natin pwedeng panoorin
dahil tayo ay menor de edad pa lamang. Ang tawag sa pelikulang
pang matanda ay rated R-13, R16, R18. Ang SPG naman ang
ginagamit kapag nanonood naman sa telebisyon.
Mario: Hindi pala tayo basta-basta manonood ng pelikula. Kailangan natin
suriin base sa ating edad.
Marlon: Oo Mario, marami na kasing pelikula na maaaring makasama sa
atin. Maaaring makaapekto sa ating pag-iisip kaya dapat pipiliin
lang natin ang panonoorin natin.
Mario: Ok sige gusto ko yun nakakatawang pelikula para masaya tayo sa
panonood.
Marlon: Tama ka kaibigan, tutuloy natin yan plano natin na yan kasama
sina hector at Goryo.

Tanong:
1. Ano ang pinag-uusapan nina Marlon at Mario?
2. Bakit naisip nilang manood ng movie?
3. Ano ang panoorin na maaari sa mga bata?
4. Anong gabay ang maaari sa mga panooring pangmatanda?
5. Makatutulong ba sa atin ang mga gabay sa panonood ng TV?
Sinehan? Bakit?
6. Ano-ano ang palikulang maaari sa mga bata?
7. Ano ang mga pelikula na para sa mga matatanda?
8. Paano mo malalaman na ang pelikula ay para sa mga bata?
9. Paano mo malalaman na ang piapanood mo ay para sa mga
matatanda?
10. Kung ikaw ang papipiliin ano ang nais mong panoorin? Bakit?

Suriin
Ang pelikula ay kilala rin bilang sine at pinilakang tabing, ito ay isang larangan
na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang
bahagi ng industriya ng libangan. Maaaring tawaging dulang pampelikula, motion
picture, theatrical film, o photoplay. Ang mga pelikula ay sining na may ilusyong
optikal para sa mga manonood.

Ang elemento ng pelikula ay ang sumusunod:


1. Paksa – Ang paksa ang tiyak na kaisipan na nagbibigay kaisahan at layunin
sa lahat ng nagaganap. Ang paksa ay hindi moral lesson. Maraming pelikula
na walang moral lesson, kundi ito’y isinulat at ipinalabas upang tumalakay
lamang ng isang bahagi ng buhay, tunggalian o pakikipagsapalaran o ipakita
kung paano humarap sa isang pagkakataon sa buhay ang isang nilalang.

97 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN8
2. Banghay – Ito ang tinatawag na storyline o balangkas ng mga pangyayari. Ang
banghay ay maaaring masalimuot. Isinasaayos ng manunulat ang pangyayari
sa isang kakaibang ayos na maaaring magulo, gayunpaman ay kawili-wili at
mauunawaan.
3. Iskrip – Inilalarawan nito ang bawat tagpo sa detalyadong paraan, taglay ang
pag-uusap ng mga tauhan, sa lohikal o makatuwirang ayos at sa isang
progresibong pagtaas ng kawilihan.
4. Pag-arte – Ito ang pagbibigay-buhay ng mga artista sa tauhang
ginagampanan. Binibigyang-lalim at bisa ng pagsasabuhay sa mga karakter
ang mga emosyon, diwa at saloobin nito.
5. Disenyong Pamproduksyon – Ito ang wastong pagbubuo at paghahanda ng
kabuuang disenyo kasama ang tagpuan, kasuotan at kulay.
6. Direksyon – Ito ang tumutukoy sa paraan kung paano ipahahatid ng direktor
ang mensahe ng kuwento sa pamamagitan ng lengguwahe ng pelikula. Siya
rin ang nagbibigay ng motibasyon o nanghihikayat sa karakter kung paano
isasagawa ang isang sitwasyon.
7. Sinematograpiya – Ang pokus ng elementong ito sa paggawa ng isang
pelikula ay tunay na nagbibigay-pakinabang sa karanasang hatid ng mga
mata. Kailangang maging tiyak at masining ang bawat anggulo ng kamera,
ang bawat mahalagang galaw ay dapat na magagawang ikuwadro, dapat na
maabot ang layo at lapit na nais marating at mabigyan ng dramatikong
liwanag at dilim sa pag-iilaw, maipinta ang mga hugis, anino at kulay.
8. Editing – Ito ay mahusay na pagsasaayos ng mga eksenang kailangan o
mahalaga sa bawat tagpo nang hindi isinasakripisyo ang kabuluhang
estetiko.
9. Musikal Iskoring – Ang mga tagpo ay pinatitingkad ng madyik ng musika at
tunog. May eksenang hindi kailangan ng diyalogo, kilos o tunog. May
bahaging ang katahimikan, musika at tunog lamang ang makapagbibigay ng
kahulugan.
10. Paglalapat ng Tunog – Malimit ang tunog ay idinaragdag pagkatapos
ng shooting.

Kaugnay sa pag-aaral ng pelikula, sinusuri natin ang sumusunod:


1. Kahalagahang Pangkawilihan (Entertainment Value) – kung nabihag dito ang
interes ng mga manonood.
2. Kahalagahang Pangkaalaman (Educational Value) – kung nagbibigay ng
bagong kaalaman o impormasyon.
3. Kahalagahang Pangsining (Artistic Value) – kung naisagawa at napaloob ang
lahat ng bahaging nararapat upang makatawag-pansin at makaantig ng
damdamin.

Pagyamanin

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot sa sumusunod na


tanong mula sa buod na pelikulang “Seven Sundays” sa direksyon ni Cathy
G. Molina.

98 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN8
Buod ng Pelikula:

Sa umpisa ng kwento na ipinapakita ang kalagayan ng pamumuhay ni Mr.


Manuel Bonifacio sa araw-araw, Mayroon siyang apat na mga anak.Sabik siyang
makasama muli ang kanyang apat na anak dahil yumao na ang kanyang asawa.
Nang tumawag ang kanyang doktor at sinabing siya ay may pitong linggo na
lamang upang manatiling buhay dito sa lupa dahil sa narinig niyang iyon ay agad
niyang tinawagan ang kanyang mga anak upang makasama ang mga ito kahit
tuwing Linggo lamang. Nag-usap ang magkakapatod na kahit na mayroon silang
mga iba’t-ibang personal na isyu, nagpasya silang gawin nilang dalawin tuwing
Linggo ang kanilang ama. Iba’t-ibang alaala ang kanilang mga natatandaan ukol sa
pagkabata nila tuwing silang lahat ay nagsasama. Masaya silang magkakasama at
nasisiyahaan naman makita ang ganitong sitwasyon ng kanilang ama. Isang araw,
tumawag muli ang doktor kay Mr. Manuel Bonifacio at sinabing mali ang naging
dayagnosis nito kaya’t mas mahaba pa ang magiging buhay niya. Hindi ito sinabi
ni Mr. Bonifacio sa kanyang mga anak dahil nais niyang makasama sila tuwing
Linggo ngunit nalaman din ito ng kanyang panganay na si Allan. Kinumbinsi ni
Allan ang kanyang tatay na sabihin ang katotohanan sa susunod nilang pagtitipon.
Sa sumunod na kanilang pagtitipon, unti-unting may nalaman silang sikreto at
problemang kinakaharap ng bawat magkakapatid. Si Cha ay nahihirapan dahil sa
asawa niyang nambababae, si Bryan ay may anak, si Dex naman ay may
kinakaharap na kaso laban sa kanya kaya sa sunod-sunod na pagsisiwalat,
naibunyag din ang totoong kalagayan ng kanilang tatay upang maging dahilan
upang sila ay magpalitan ng masasakit nasalita. Muling naungkat ang alitan at
inggit pagitan ng mga magkakapatid tungkol sa mga isyung dati pa nilang hindi
nalulutas. Pagkalipas ng ilang araw, humingi ng tawad si Allan kay Bryan.

Nakipag-ayos din silang dalawa kay Dex. Nagpunta silang tatlo sa bahay ni
Cha upang makita ang kanyang kalagayan. Ang apat na magkakapatid ay bumisita
rin sa puntod ng kanilang ina kung saan ay inabautan nila ang kanilang ama kaya
nakipag-ayos sila sa kanilang ama. Sa huli, naisagawa nilang lutasin ang mga
problema na kanilang kinaharap.

Tanong:
1. Ano ang paksa o tema na inilahad ng pelikulang “Seven Sundays”?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa pelikula?
3. Sino ang direktor ng pelikula?
4. Sino ang pinakabida sa pelikula?
5. Sino ang kontrabida sa pelikula?
6. Anong bahagi ng pelikula ang nagpaluha sa iyo?
7. Angkop ba sa iyong edad ang ganitong uri ng pelikula? Bakit?
8. Paano naapektuhan ang paniniwala mo sa buhay sa pelikulang iyong
napanood?
9. Naging angkop ba ang musika,tunog at mga tagpuan na ginamit sa pelikula?
Pangatwiranan ang iyong sagot.
10. Anong mensahe ang nais iparating ng pinanood mong pelikula?

99 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN8
Isaisip

Panuto: Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang.

edad gabay gadgets malikhain


marahas Movie and Television Review and Classification Board
Nalalaman pagsusuri pelikula telebisyon

Ang pagsusuri ng ___________ ay makabubuti upang makaiwas sa mararahas


na pelikula ang mga kabataan. ___________ nila ang mga kahulugan na ginagamit ng
MTRCB sa pagmamarka ng mga panoorin upang maging gabay sa panonood ng
pelikula kung ito ba ay angkop sa kanilang ___________. Ang pagsusuri ng pelikula
ay daan upang mas maging ___________ ang mga kabataan sa kanilang paggawa ng
pelikula maging ito ay video clips o patalastas lamang. Sa murang edad ay
namumulat na sila sa paggawa ng pelikula gamit ang mga ___________ kagaya ng cell
phone, laptop at kompyuter.

Ang mga tanda na ito ng MTRCB o _______________________________


(Filipino: Lupon sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine at Telebisyon; MTRCB) ay
ahensiya ng gobyerno na responsable sa pagmamarka sa ___________ at pelikula sa
Pilipinas
Ang _________ng pelikula at lahat ng napapanood sa telebisyon ay may mga
________ na sinusunod upang masala ang nilalaman nito nang sa gayon ay maging
ligtas ang mga manonood lalo na ang kabataan sa mga ____________ na panoorin.
Halina at ating alamin ang mga bagay sa pagsusuri ng pellikula.

Isagawa

Panuto: Panoorin at muling suriin ang pelikulang Seven Sunday. Gawing


gabay ang patnubay sa suring pelikula sa pagsasagawa ng pagsusuri.

I.Pamagat:
II.Direktor:
III.Mga Tauhan:
IV.Tagpuan:
V. Buod ng Pelikula
A.Simula:
B. Papataas na Pangyayari:
C.Kasukdulan:
D. Katapusan:
VI. Pagninilay sa Napaood na Pelikula:
Rated:
Aral na napulot sa pelikula:

100 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN8
Tayahin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Sa taong ito nakasalalay ang kabuuan ng pelikula. Siya ang nakaaalam kung
paano patatakbuhin ang istorya at pakikilusin ang mga artista. Siya ang
nagsasabi ng lights, camera, action.
A. artista C. manunulat
B. direktor D. prodyuser
2. Ito ang tawag sa mga kagamitan, kasuotan at background ng pelikula.
A. disenyong produksyon C. iskrip
B. editing D. tema
3. Ang bumubuhay sa mga eksenang malulungkot at masasaya. Ito ang dahilan
kung bakit naaapektuhan ang manonood ng pelikula.
A. arte C. diyalogo
B. background D. musika
4. Madalas naaapektuhan ng mga pandramang pelikula ang bisang
A. pandamdamin C. pangkaasalan
B. pangangatwiran D. pangkaisipan
5. Kailan maituturing na hindi mabisa ang isang pelikula?
A. kapag natuwa ang mga manonood
B. kapag maganda ang istorya ng pelikula
C. kapag malinaw na naipahatid ang mensahe
D. kapag hindi naantig ang damdamin ng mga manonood
6. Ito ang gumaganap sa pelikula ipinakikita ang karakterisasyon ng mga
gumaganap sa pelikula na nagpapakilig sa iyo o nang-iinis sa iyo kung inaapi
na ang bida.
A. artista C. manunulat
B. direktor D. prodyuser
7. Siya ang nagsasabi ng salitang cut! Kapag nais putulin ang eksena sa pelikula.
Siya din ang sinusunod ng mga artista at iba pang crew sa isang produksiyon.
A. artista C. manunulat
B. direktor D. prodyuser
8. Ito ay isang papel na naglalaman ng nang matino o bulgar na mga salitang
ginamit sa kabuuan ng pelikula. Dito malalaman kung angkop ba ang
lengguwahe sa takbo ng mga pangyayari.
A. disenyong produksyon C. iskrip
B. editing D. tema
9. Ito ay pangalan ng istorya na may panghatak o impact sa mga manonood.
A. disenyong produksyon C. pamagat
B. iskrip D. tema
10. Ito ay ginagawa sa mga pelikula upang isaayos ang mga maling eksena na
nakuhanan.
A. disenyong produksyon C. iskrip
B. editing D. tema

101 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN8
Karagdagang Gawain

Panuto: Maghanap ng pelikulang may rated G at suriin ang pelikulang napanood


gamit ang natutunang gabay sa pagsusuri ng pelikula.

102 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN8
DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN8 103
Tuklasin:
1.Ang nais nilang panoorin
2. dahil malapit na ang bakasyon
3. mga pelikulang pambata o rated G
4.PG
5.opo, upang malaman ang akmang edad ng manonood
6. Rated G
7. PG-18
8. may rated G ang pambata at pampamilyang palabas
9. rated PG, marahas na palabas
10.rated G dahil pampamilya at pambata
Isaisip: Subukin:
1.pelikula 1.Tema
2. Nalalaman 2. Iskrip
3. edad 3. Diyalogo
4.malikhain 4. Musika
5. gadgets 5. Sinematograpiya
6. Movie and Television Review 6. Editing
and Classification Board 7. Direksyon
7. pelikula 8. Pag-arte
8. pagsusuri 9. Banghay
9. gabay 10.Disenyong Pamproduksyon
10. marahas
Balikan:
Tayahin: 1.D
1.B 2. D
6.A 3. D
2. A 4. C
7. B 5. D
3. D 6. B
8. C 7. D
4.A 8. D
9. C 9. D
5. D 10. D
10. A
Susi sa Pagwawasto
DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN8 104
Pagyamanin:
1.Ang pagpapahalaga sa pamilya
2. Mr. Manuela Bonifacio, Allan, Bryan, Dexter Cha
3. Cathy G. Molina
4. Si Mr.Manuel Bonifacio at mga anak
5. Ang mga anak na pasaway
6. Ang pag-aaway ng magkakapatid dahil sa problema
7. Opo, dahil maraming aral ang mapupulot
8. naniniwala ako na dapat mahalin, alagaan ang mga magulang
habang buhay pa
9. Opo, akma ang mga musika sa baat eksena sa pelikula, maganda
ang liwanag at tamang pagharap ng artista sa palabas
10.Ang mensahe ng pelikula ay pahalagahan, mag-unawaan at
mahalin ang mga magulang.
Isagawa:
1.Seven Sunday
2. Cathy Molina
3. Mr. Maule Bonifacio-ama
Allan, Dexter, Bryan, Cha
4. Sa tahanan ng pamilyang Bonifacio
5. simula ng palabas ay tumawag ang doktor ni G. Bonifscio para
ipaalam ang kanyang sakit na kanser dahil diyan ay nais niyang
makasama ang kanyang mga anak sa huling sandali ng kanyang
buhay
6. Papapataas na Pangyayari- Nalaman ni Allan na may kaso si Dexter
dahil sa scam na palabas, nalaman din ang problema s asawa ni Cha
pati ang lihim ng kanilang ama na walang kanser.
7. Katapusan- Sa kabila ng mga suliranin ng bawat isa ay
naglaunawaan at nag[atawaran silang magkakpatid.
8. Pagninilay sa napanood na pelikula- Ang pagmamahal,
pagpapahalaga sa pamilya ang pinakaimportante sa lahat.
Rated G ang palabas na ito.
10. Aral na napulot-Pagmamahal at pagpapahalaga sa pamilya.
https://en.wikipedia.org/wiki/Lastikman
https://en.wikipedia.org/wiki/Hello,_Love,_Goodbye
https://en.wikipedia.org/wiki/Heneral_Luna
https://en.wikipedia.org/wiki/The_Healing_(film)
https://www.imdb.com/title/tt00246425/GMA 7

105 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN8
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – NCR, SDO Valenzuela City

Office Address: Pio, Valenzuela St., Marulas Valenzuela City

Telefax: 02-292-3247

Email Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

106 DO_Q1_FILIPINO_6_MODYUL1_ARALIN8

You might also like