You are on page 1of 14

5

Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 6:
Pagbibigay ng Angkop
na Pamagat, Kaya Ko!

AIRs - LM
LU_Q2_Filipino5_Module6
FILIPINO 5
Ikalawang Markahan - Modyul 6: Pagbibigay ng Angkop na Pamagat, Kaya Ko!
Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi
ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Marilou R. Gonzales


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Mga Tagasuri: Babelyn Quiban-Orpia, PhD at Berfine Granpil
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Maeludi M. Manongdo

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph
5
Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 6:
Pagbibigay ng Angkop
na Pamagat, Kaya Ko!
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi
kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro.
Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama
o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Sapulin

Sa pamamagitan ng modyul na ito, inaasahang matututuhan ang sumusunod


na mga kasanayan:

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)


1. Pagbibigay ng angkop na pamagat sa isang talata at tekstong napakinggan;
at
2. Lilinangin ang kakayahan sa mapanuring pag-iisip sa pagbibigay ng angkop
na pamagat sa isang talata at tekstong napakinggan at ang pagpapahayag ng
sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan.
(F5PSla-j-i)

Mga Tiyak na Layunin:


1. Naibibigay ang paksa sa napakinggang usapan;
2. Naibibigay ang paksa sa napakinggang talata; at
3. Naibibigay ang paksa sa napakinggang pangungusap o parirala.

1
LU_Q2_Filipino5_Module6
Aralin Pagbibigay ng Paksa
sa Napakinggang Kuwento
6.1 o Usapan

Simulan

Panuto: Magsanay muna sa pagbibigay ng angkop na pamagat sa


sumusunod.

1. Lapu-lapu Sultan Kudarat Andres Bonifacio Heneral Miguel Malvar


Diego Silang Francisco Dagohoy Apolinario Mabini

A. Mga Tagapagtaguyod ng Wika


B. Mga Tagapagtanggol ng Kalayaan
C. Mga Pangulo ng Pilipinas
D. Natatanging Pilipino sa iba’t ibang larangan

2. Pagbabayad ng Buwis Pagsunod sa Batas Trapiko


Pangangalaga sa Kapaligiran Paggalang sa Karapatan ng iba

A. Mga Gawaing Pambayan


B. Mga Kautusan ng Bansa
C. Mga Tungkulin ng Isang Mamamayan
D. Mga Karapatan ng Isang Mamamayan

3. Ama ng Katipunan Ina ng Katipunan


Ama ng Wikang Pambansa Utak ng Katipunan
Dakilang Lumpo Idolo ng Karaniwang Tao

A. Mga Pamagat
B. Taguri sa mga bayani
C. Mga Bantog na Pilipino
D. Mga Sagisag sa Panulat

2
LU_Q2_Filipino5_Module6
Lakbayin

Ang teksto ay nagbibigay ng mga impormasyong nakapagpapalawak ng


kaalaman at nagbibigay liwanag sa mga paksang inilalahad upang mapawi ang lubos
na pag-aalinlangan.
Binubuo ito ng isang pangunguap o lipon ng mga pangungusap na naglalahad
ng isang bahagi ng buong pagkukuro-kuro, palagay, o paksang diwa.

Gawain
Panuto: Basahin ang dalawang talata. Isulat sa sagutang papel ang angkop na
pamagat ng bawat isa.

A. ___________________________________________
Napakasaya ng pistang bayan sa aming lalawigan. Tatlong araw bago pa man
dumating ang araw ng kapistahan ay pinaghahandaan na ang pagdiriwang na ito.
May parada pa na pinangungunahan ng banda. Kasama sa parada ang mga
magagandang dalaga na nakasakay sa karwahe.
Sa ikatlong araw ay may misang-bayan. Ang mga tao ay sabay-sabay na
nagdarasal sa aming Mahal na Patron. Ang bawat tahanan ay may mga handang
iba’t ibang kakanin. Bawat isa ay may mga ngiti sa labi sa araw na ito.

B. ___________________________________________
Naanyayahan kaming magpiknik sa isang resort sa Los Baños. Maghapon
kaming naligo sa maluwag na swimming pool. Hindi namin namalayan ang paglipas
ng oras. Maging ang pagkain ng tanghalian ay nakaligtaan. Lubos kaming nawili sa
paglangoy sa maligamgam na tubig ng pool. Halos lahat ay ayaw nang umahon.
Waring hindi na nila gustong lisanin ang pook na iyon. Nakawiwili talaga ang
paglangoy sa swimming pool.

Galugarin

Gawain
Panuto: Basahin ang sumusunod na talata at isulat sa papel ang angkop na
pamagat ng bawat isa.
A.
Nang ipatapon si Jose Rizal ng mga Espanyol sa Dapitan, ipinangako niya sa
Gobernador-Heneral na hindi siya tatakas. Isang araw, hinikayat siya ni Pio
Valenzuela na tumakas ngunit tumanggi si Rizal at sinabing nakapagbitiw na siya
ng pangako sa isang pinunong Espanyol na kailanma’y hindi siya tatakas.

3
LU_Q2_Filipino5_Module6
B.
Nang sumiklab ang himagsikan noong 1896, inalok ni Teresa Magbanua ang
kaniyang paglilingkod kay Heneral Perfekto Poblador. Tinanggihan siya ng Heneral
noong una pagkat ayon sa kaniya, ang pakikihamok sa digmaan ay para sa mga
lalaki lamang. “Ang babae naman ay maaring maging tagapagtanggol ng bayan,”
matatag na wika ni Teresa. Napahinuhod ang Heneral na ibilang siya sa hukbong
lumaban sa himagsikan.

C.
Nasa Hongkong noon ang mag-asawang Felipe Agoncillo at Marcela M.
Agoncillo nang dalawin sila sa kanilang tirahan sa Morison Hill. Pinakiusapan si
Marcela na gumawa ng bandilang Pilipino. Sa loob ng limang araw, katulong ang
anak na si Lorenza at Delfina Herbosa, pamangkin ni Dr. Jose Rizal, natapos nila
ang bandila. Ang bandilang ito ay unang iwinagayway sa balkonahe ng tahanan ni
Emilio Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898.

Palalimin

Ang Pilipino ay yaman ng bansa. Ang kanilang galing at talino ay hindi


matatawaran. Paano ba magagamit ang mga regalong ito upang makatulong sa
kapwa?

Gawain
Panuto: Ibigay ang angkop na pamagat sa talata. Isulat sa papel ang tamang
sagot.

Bawat Pilipino, mayaman man o hindi, ay biniyayaan ng natatanging


kakayahan. Ibinigay ito sa atin bilang regalo upang magamit sa pagtulong sa kapuwa
at sa pangangalaga ng kapaligiran. Dahil regalo ito sa atin, nararapat na ito ay
ibahagi rin nang libre sa ating kapwa lalo na sa mga nangangailangan.

Ang paggamit sa kabutihan ng ating kakayahan ay hindi lang magdadala ng


tiyak na tagumpay kundi kagalakan din sa ating kapuwa. Isang mabuting Pilipino
na dapat tularan si Efren Peñaflorida Jr. Nakilala si Efren sa kaniyang proyektong
Kariton Klasrum. Balewala kay Efren ang hirap ng pagtulak ng kariton na punong-
puno ng aklat, mapuntahan lang at maturuan ang mga batang hindi makapag-aral
dahil sa kahirapan. Hindi siya naging maramot sa kaalaman at katalinuhan na
iniregalo sa kaniya ng Maykapal.

Sana dumami ang mga Pilipinong tulad ni Efren Peñaflorida Jr. Isa siyang
bayaning tunay na maipagmalaki. Isang Pilipino siya na world class ang pangalan.

4
LU_Q2_Filipino5_Module6
Aralin Pagbibigay ng Sariling
Opinyon o Reaksyon
6.2

Simulan

Gawain
Panuto: Imarka ng tsek (✓) kung ang sumusunod na balita, isyu o usapan ay
napakinggan na at ekis (x) kung hindi pa. Ilagay ito sa sagutang papel.
1. Corona Virus Disease
2. Modular Distance Learning
3. Online Class
4. Bagyong Fabian
5. Election/Eleksyon 2022
6. Project School Milk
7. Paggamit ng Facemask at Faceshield
8. Paggamit ng Double Mask
9. Pagkalulong ng mga kabataan sa Mobile Legends
10. Mga Iba-ibang Bakuna

Lakbayin

Ang Opinyon ay isang paliwanag lamang batay sa makatotohanang pangyayari.


Ito ay saloobin at damdamin ng tao at ito rin ay hindi maaaring mapatunyan kung
tama o mali.

Ang Reaksiyon ay hinahatulan o pinagpasyahan ng kawastuhan, kahusayan at


pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.

5
LU_Q2_Filipino5_Module6
Panuto: Ibigay ang sariling opinyon o reaksiyon sa sumusunod na balita, isyu o
usapan. Piliin sa sumusunod na icon ( , , ) ang naayon sa
sumusunod na isyu.
1. Corona Virus Disease
2. Modular Distance Learning
3. Paggamit ng face mask

Galugarin

Gawain
Panuto: Basahin at unawain ang balita. Pagkatapos, ibigay ang iyong reaksiyon o
opinyon.

Project School Milk


Patuloy na ipatutupad ang Project School Milk sa mga mag-aaral sa Unang
Baitang ng Paaralang bayan. Ang proyekto ay pinangungunahan ni Senador
Franklin Drilon, Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), Violeta Calvo, Drilon
Foundation, Tetra Pak Philippines, Inc., William Gothong and Aboitiz Shipping Inc.,
at Alaska Milk Corporation.
Layunin ng proyekto ang pagbibigay tuwing oras ng rises ng libreng gatas sa
mga mag-aaral sa unang baitang ng paaralang publiko. Ayon sa mga pananaliksik
sa Pilipinas at sa ibang bansa, maraming bata ang pumapasok nang hindi pa nag-
aalmusal o bahagya nang nakakain sa umaga. Malaki ang epekto nito sa kanilang
pag-aaral. Isang lunas sa suliraning ito ay ang pagbibigay ng libreng gatas sa loob
ng 24 na linggo. Sinabi ni Senador Drilon na ang DepEd ay nakikipagtulungan sa
mga pribadong ahensiya na nabanggit sa itaas tungo sa ikatatagumpay ng
proyektong ito.
Halaw sa: Hiyas sa Pagbasa 5, pp. 5-6

Palalimin

Gawain
Panuto: Pumili sa mga isyung ito ang gusto mong mawala sa ating bansa.
Pagkatapos, ibigay ang iyong reaksiyon o opinyon.
1. Bakuna
2. Corona Virus Disease
3. Droga

6
LU_Q2_Filipino5_Module6
Sukatin

Gawain
Panuto: Sumulat ng napapanahong isyu, balita o usapan at ibigay ang iyong
opinyon o reaksiyon ukol dito. Maaaring ang isyung ito ay napanood sa
radyo, napanood sa telebisyon o nabasa sa pahayagan, social media sites
katulad ng Facebook o Twitter. Gawing gabay ang rubriks sa ibaba.

Rubrik

Nilalaman 5%
Organisasyon o Pagkakasunod-sunod ng mga Ideya 10 %
Kalinisan 5%

7
LU_Q2_Filipino5_Module6
LU_Q2_Filipino5_Module6
8
ARALIN 6.1
Simulan
1. B
2. C
3. B
Lakbayin
1. Pistang Bayan
2. Piknik sa isang resort
Galugarin
1. Pagtapon kay Jose Rizal sa Dapitan
2. Tagapagtanggol ng Bayan
3. Ang Unang Bandila
Palalimin
1. Natatanging Regalo
2. Nagtutulungan
Aralin 6.2
Simulan
1-10. Iba-iba ang kanilang kasagutan.
Lakbayin
1.
2.
3.
Galugarin
Iba-iba ang kanilang kasagutan.
Palalimin
Iba-iba ang kanilang kasagutan.
Palalimin
Iba-iba ang kanilang kasagutan.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

A. Mga Aklat
Francisca G. Ril et. al., Hiyas sa Pagbasa 4 Batayang Aklat (LG&M Corporation,
2010), pp 47,48.

Francisca G. Ril et. al., Hiyas sa Pagbasa 4 Batayang Aklat (SD Publications,
Inc., 20010), 5-9, 99-101.

Eleanor M. Gagarin et. al., Sanayang Aklat sa Filipino 5 Wika (Aklat Eskwela
Publishing, Inc., 2009), pp. 60.

B. Iba pang Sanggunian


https;//:www.google.com/search.kahulugan+ng+reaksiyon
https;//www.google.com/search=kahulugan+ng+talata at teksto

9
LU_Q2_Filipino5_Module6
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

10
LU_Q2_Filipino5_Module6

You might also like