You are on page 1of 15

5

Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 1:
Marunong Ka Bang Magmasid?

AIRs - LM
LU_Q2_Filipino5_Module1
FILIPINO 5
Ikalawang Markahan - Modyul 1: Marunong Ka Bang Magmasid?
Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi
ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Babelyn Quiban-Orpia, PhD


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Mga Tagasuri: Gemma M. Bassig at Angela Espenilla
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Maeludi M. Manongdo

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph
5
Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 1:
Marunong Ka Bang Magmasid?
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi
kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro.
Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama
o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Sapulin

Sa pamamagitan ng modyul na ito, matututuhan mong masagot ang mga


tanong sa binasa/napakinggang talaarawan, journal at anekdota.

Mapalalalim ang iyong pag-iisip sa pagsagot sa mga katanungang aking


ibibigay sa pamamagitan ng mga babasahin. Naghanda ako ng mga gawaing
susubok sa iyong kakayahang sumagot sa mga tanong ayon sa iyong
binasa/napakinggang talaarawan, journal at anekdota.

Pagkatapos ng iyong masusing pagsagot, inaasahan na:

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)


Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan o naobserbahan
(F5PS-Id-3.1)

Mga Tiyak na Layunin:

1. Naisusulat sa pangungusap ang tamang sagot sa tanong batay sa binasa


nang may wastong mekaniks sa pagsulat;

2. Napahahalagahan ang kasanayan sa pagbabasa at pakikinig nang may


wastong pang-unawa sa pagsagot sa mga tanong;

3. Naisusulat ang mga naobserbahan/nasaksihan ayon sa tamang


pagkakasunod-sunod; at

4. Napahahalagahan ang wastong kasanayan sa pagbabahagi ng mga


pangyayaring nasaksihan / naobserbahan.

Nakahanda ka na ba? Kung oo, halika na’t magpatuloy na tayo sa pag-aaral.

1
LU_Q2_Filipino5_Module1
Aralin Pagbabahagi ng Isang Pangyayaring
1 Nasaksihan o Naobserbahan

Simulan

Kaibigan, naranasan mo na rin bang masaksihan ang isang pangyayaring


naganap sa inyong lugar? Naibahagi mo ba ang iyong nasaksihan nang walang
pagmamalabis o pagkukulang? Halika at magsanay tayo sa pagbabahagi ng
mga pangyayaring nasaksihan o naobserbahan. Handa ka na ba?

Ano ang kadalasang nakikita natin tuwing Kapaskuhan? Anong mga pangyayari
ang masasaksihan natin?

Gawain 1: Pasko Na, Sinta Ko!


Panuto: Sumulat ng limang pangungusap sa bawat pangyayaring nasasaksihan
tuwing Pasko. Maging gabay ang rubrik para sa pagsusulat ng
pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong papel.

Pangangaroling Salusalo Palitan ng Regalo

1. 1. 1.
2. 2. 2.

3. 3. 3.

4. 4. 4.
5. 5. 5.

Rubrik sa Pagsulat ng mga Pangungusap hinggil sa mga Pangyayaring


Nasasaksihan o Naoobserbahan tuwing Pasko

5 4 3 2 1
Maliwanag, maayos at magkakaugnay ang mga
pangungusap na inilahad

Makatotohanan at batay sa nasaksihan at naobserbahan


Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap

2
LU_Q2_Filipino5_Module1
5- Pinakamahusay
4- Mahusay
3- Katanggap-tanggap
2- Mapaghuhusay pa
1- Nangangailangan pa ng pantulong na pagsasanay

Magaling kaibigan. Sa ngayon, isa pang mahalagang


pangyayari ang iyong pag-aralan at masusing maibahagi
ito ayon sa iyong obserbasyon. Paghusayan mo kaibigan.

Gawain 2: Covid-19 Update!


Panuto: Maaari mo bang isalaysay o ibahagi ang iyong nasaksihan at naobserbahan
sa lipunan kung saan ka nabibilang? Gagabayan ka ng rubrik sa iyong
pagsusulat. Isulat ang sagot sa iyong papel.

1.
2.

3.
4.

5.

Rubrik sa Pagsulat ng mga Pangyayaring Nasaksihan o


Naobserbahan hinggil sa COVID-19

5 4 3 2 1
Maliwanag, maayos at magkakaugnay ang mga
impormasyong inilahad sa pagsasalaysay
Makatotohanan at batay sa nasaksihan at naobserbahan
Maganda ang kabuuan at kawili-wili sa sinomang babasa

5- Pinakamahusay
4- Mahusay
3- Katanggap-tanggap
2- Mapaghuhusay pa
1- Nangangailangan pa ng pantulong na pagsasanay

3
LU_Q2_Filipino5_Module1
Lakbayin

Ang isang pangyayari ay isang kaganapang maaaring nasaksihan o


naobserbahan o naranasan. Maaari itong isalaysay nang pasalita o pasulat. Sa
pagsasalaysay ng karanasan, gumagamit ng mga salitang naglalarawan upang
maging kawili-wiling pakinggan ang kuwento at maisaayos ang mga pangyayari sa
wastong pagkakasunod-sunod. Gamitin ang malaking titik at mga bantas na
kailangan.
Marami tayong natututuhan tuwing naibabahagi natin ang ating mga
karanasan. Ngunit sa ating pagbabahagi, tiyakin nating maibigay natin nang
malinaw ang mga detalye ng isang pangyayari.

Galugarin

Upang mas lalong mapaibayo ang iyong kasanayan sa pagbabahagi


ng pangyayaring nasaksihan o naobserbahan, subukan mong muli ang
mga gawain sa ibaba.

Gawain 1: Ako ang Tagapagbantay!


Panuto: Inatasan ka ng iyong nanay na bantayan ang iyong mga nakababatang
kapatid habang kayo ay nasa loob ng inyong tahanan. Kinausap ka niya na
isulat mo ang lahat ng obserbasyon mo sa kanila habang siya ay nasa
palengke. Ano ang maaari mong isulat ayon sa iyong obserbasyon na siyang
gagabayan ng rubrik? Isulat ang sagot sa iyong papel.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4
LU_Q2_Filipino5_Module1
Gawain 2: Ang Aking Karanasan!
Panuto: May karanasan ka rin ba bilang mag-aaral na hindi mo makakalimutan,
nakakalungkot o nakakatuwa? Ibahagi mo ito sa pamamagitan ng
pagsusulat na ginagabayan ng rubrik. Isulat ang sagot sa iyong papel.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagsulat ng mga Pangyayaring Nasaksihan o Naobserbahan

5 4 3 2 1
Maliwanag, maayos at magkakaugnay ang mga
impormasyong inilahad sa pagsasalaysay
Makatotohanan at batay sa nasaksihan at naobserbahan
Maganda ang kabuoan at kawili-wili sa sinomang babasa

5- Pinakamahusay
4- Mahusay
3- Katanggap-tanggap
2- Mapaghuhusay pa
1- Nangangailangan pa ng pantulong na pagsasanay

5
LU_Q2_Filipino5_Module1
Palalimin

Gawain 1: Ipagdiwang ang ating Kaarawan!


Panuto: Taon-taon ay iyong ipinagdiriwang ang iyong kaarawan. Maaari mo bang
maibahagi ito sa pamamagitan ng pagpuno sa mga patlang sa talata sa
ibaba. Isulat ang sagot sa iyong papel.

Ang Aking Ika-10 Kaarawan

Ika-6 pa lang ng umaga ay gising na ako. Ito ang ika-_(1)__ ng ___(2)__, 2020
ang aking kaarawan. Nanalangin ako ng ______(3)_______ pagkagising ko at
nagpasalamat sa Diyos sa _____(4)_____ umaga na kanyang ipinagkaloob.

Hindi ko sukat akalain na nag-uusap pala sina papa, mama, kuya, ate at ng
bunso naming kapatid tungkol sa _______(5)_______ handaan na kanilang isasagawa
para sa akin. Si tatay pala ang magluluto ng ________(6)________ na pansit
samantalang si nanay pala ang maghahanda ng mga sangkap sa paborito kong
spaghetti. Si kuya naman ang bibili ng __(7)__ case na softdrinks at si ate ang bahala
sa pagpiprito ng _____(8)______ ng manok. Samantalang ang aming bunsong kapatid
daw ang bahala sa pag-aayos ng iba’t ibang ___(9)___na mga lobo na ilalagay sa sala.

______(10)_______ kong naging bisita sa araw na iyan. Lubos akong


______(11)_______ hindi lang dahil sa _________(12)_________ kong handa at regalong
natanggap, kundi nadama ko kung gaano ako kamahal ng aking pamilya.
____(13)_____ ring nagsiuwian ang aking mga bisita dahil ang bawat isa sa kanila ay
mayroon ding _____(14)_______ na pagkain para sa kanilang mga pamilya.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang aking kaarawan. Isa itong


____(15)_______ mula sa ating Maykapal.

6
LU_Q2_Filipino5_Module1
Sukatin

Gawain 1: Teksto, Basahin at Sagutan Mo!


Panuto: Basahin ang sumusunod na teksto at sagutin ang tanong sa ibaba nito.
Isulat ang mga sagot sa iyong papel.

Mongheng Mohametano sa Kaniyang Pag-iisa

Isang araw, ang mongheng Mohametano ay nag-iisa at namamanata sa disyerto.


Ang Sultan naman na namamaybay sa kaniyang ruta, sa kaniyang nasasakupan ay
matamang nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang ulo
ang Mongheng Mohametano habang dumadaan siya.

Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam,


tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang-loob”.

Kung kaya’y ang vizier o ministro ay nagwika “Mongheng Mohametano! Ang


Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ng
kaukulang paggalang?”

Sumagot ang Mongheng Mohametano, “hayaan mong ang Sultan ang magbigay
ng paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang gawa.
Sabihin mo sa kanya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang
nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan”.

Halaw sa: https://www.tagaloglang.com

1. Sino ang namamanata sa disyerto?


2. Sino ang namamaybay sa kaniyang ruta?
3. Ano ang napansin ng Sultan sa monghe na kaniyang ikinagalit?
4. Bakit ganoon ang naging tugon ng monghe sa ipinararating ng Sultan sa
kanya?
5. Paano kaya haharapin ng hari ang hamon sa kanya ng monghe?

7
LU_Q2_Filipino5_Module1
Gawain 2: Covid-19!
Panuto: Magpatulong sa iyong mga magulang. Punan ng nararapat na sagot ang
bawat patlang batay sa napapanood na balita hinggil sa COVID-19. Piliin
sa kahon ang angkop na sagot. Isulat ang sagot sa iyong papel.

Covid-19 vaccine Luzon magpabakuna magpapabakuna malabanan


nakababatid nangangamba pangkalusugan Pulse Asia survey

84% Pinoy takot maturukan ng COVID vaccine

Lumabas sa resulta ng ___________ na 95 porsyento ng mga Pilipinong nasa


wastong edad ang ayaw _______________ kontra COVID-19 dahil sa isyu hinggil sa
kaligtasan o pagdududa na mas makakasama pa ito sa kanilang _______________.

Lumilitaw na bagama’t 95% ng mga Pinoy ang aware o ______________ na may


bakunang dini-develop laban sa virus, 84% dito ang nagsabing hindi sila
_________________.

Habang nasa 7% naman ang nagsabi na _______________ silang hindi libre ang
bakuna, 5% ang naniniwalang hindi naman kailangan ang bakuna para
_______________ ang sakit at 4% ang nag-aalalang baka mahal ang bakuna.

Sa mga nagsabing hindi sila magpapabakuna, 45% ang mula sa _____________,


55% naman sa Visayas, at 48% mula sa Mindanao.

Sa Metro Manila, 41% ng mga na-survey na residente ang nagsabing ayaw nilang
magpabakuna.

Ginawa ng _______________ ang survey mula Nobyembre 23 hanggang Disyembre


2, base sa sample ng 2,400 adult. Kasunod ito ng inaasahang muling pagdating ng
________________ sa bansa.

Halaw sa: https://tonite.abante.com.ph

8
LU_Q2_Filipino5_Module1
LU_Q2_Filipino5_Module1
9
ARALIN 2:
Simulan Palalimin
Gawain 1 1. Ang mga sagot ay magkakaiba
Pangangaroling 2. Mga sagot ay magkakaiba
1-5 Ang mga sagot ay magkakaiba 3. taimtim
4. bagong
Salusalo 5. sorpresang
1-5 Ang mga sagot ay magkakaiba 6. masarap
7. Ang mga sagot ay magkakaiba
Palitan ng Regalo 8. hita
1-5 Ang mga sagot ay magkakaiba 9. kulay
10. Napakarami
Gawain 2 11. natutuwa
1. Ang mga sagot ay magkakaiba 12. napakarami
2. Ang mga sagot ay magkakaiba 13. Napakasaya
3. Ang mga sagot ay magkakaiba 14. pasalubong
4. Ang mga sagot ay magkakaiba 15. Biyaya
5. Ang mga sagot ay magkakaiba
Sukatin
1. monghe
2. sultan
3. hindi niya itinaas ang kaniyang ulo
4. magkakaiba ang paliwanag
5. magkakaiba ang kasagutan
Galugarin 1. survey
Gawain 1 2.magpabakuna
Ang mga sagot ay magkakaiba 3. pangkalusugan
Gawain 2 4.nakababatid
Ang mga sagot ay magkakaiba 5.magpapabakuna
6. nangangamba
7. malabanan
8. Luzon
9. Pulse Asia
10. covid-19 vaccine
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

A. Mga Aklat

Patricia Jo C. Agarrado et.al, Alab Filipino 5 (Quezon City: Vibal Group


Inc.,2016) pah. 90-91,96

Elements of Literature, Holt et.al 2008, Texas, USA

B. Iba pang Sanggunian

http://iranian.com/main/blog/m-saadat-noury-frist-iranian-mullah-who-was-
master-anecdotes.html
https://philnews.ph/2020/01/30/anekdota-mga-halimbawa-ng anekdota
https://www.tagaloglang.com/halimbawa -ng-anekdota
https://brainly.ph
https://www. Google.com
http://www.youtube.com
https://tonite.abante.com.ph/84-pinoy-takot-maturukan-ng-covid-vaccine/

10
LU_Q2_Filipino5_Module1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

11
LU_Q2_Filipino5_Module1

You might also like