You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 4

IKAAPAT NA MARKAHAN

Aralin 7.2 Mga Iba’t ibang Gawain Upang Mapaunlad ang Isang
Lipunan. (Paglinang ng sariling katalinuhan at kakayahan, Pagiging
produktibo, Pagmamahal sa bansa at kapuwa Pilipino)

Bilang ng Araw: 1 Araw

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay inaasahang naipamamalas ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa kanyang mga karapatan at tungkulin bilang
mamamayang Pilipino.
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakikilahok sa mga gawaing pansibiko na nagpapakita ng
pagganap sa kanyang tungkulin bilang mamamayan ng bansa
at pagsasabuhay ng kanyang karapatan
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto
Naipapaliwanag kung paano itinataguyod ng mga mamamayan
ang kaunlaran ng bansa.
II. Paksang Aralin
Paksa: Mga Iba’t ibang Gawain Upang Mapaunlad Ang
Isang Lipunan
-Paglinang ng sariling katalinuhan at kakayahan,
-Pagiging produktibo
-Pagmamahal sa bansa at kapuwa Pilipino
Kagamitan: mga larawan, task card, rubrik

Sanggunian: Yunit 4 Aralin 7


Learner’s Material, pp. 374
K to 12 – AP4KPB-IVd-f-5
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan

103
● Pagbabalitaan tungkol sa mga kaganapan sa
paligid.
● Pagbibigay ng sariling kuro-kuro.
2. Pagbabalik-aral
● Pagbabalikaral tungkol sa Pagpapahalaga ng
mamamayan sa pagtaguyod ng pambansang
kaunlaran
3. Pagganyak
● Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan sa
ibaba.

104
● Tanungin sila kung anong ideya nila sa bawat
larawan. Tanggapin ang lahat ng sagot ng mga
mag-aaral.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
● Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng susing
tanong sa kabilang pahina.

Paano maitataguyod ng mga mamamayan ang kaunlaran ng bansa?

105
Gawain 1 Brainstorming

● Magkaroon ng brainstorming. Tanggapin ang lahat


ng sagot ng mga mag-aaral.

Gawain 2 Pagbasa sa LM

● Pagpapabasa ng mga iba’t ibang gawain upang


mapaunlad ang lipunan tulad ng Paglinang ng
sariling katalinuhan at kakanyahan, Pagiging
produktibo at Pagmamahal sa bansa at kapuwa
Pilipino sa LM pahina 374.

2. Pagsusuri
● Suriin ang mga nalaman ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng gawain sa ibaba.
Gawain 2

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat


ang iyong sagot sa iyong notbuk. Humanda sa
pagtalakay sa klase.

1. Paano maitataguyod ng mamamayan ang kaunlaran


ng bansa?
2. Masasabi mo bang ang isang batang katulad mo ay
makatutulong na rin sa pag-unlad ng lipunan?
Ipaliwanag.
3. Magbigay pa ng mga paraan na pagtataguyod sa
kaunlaran ng bansa.

3. Paghahalaw
● Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng
konseptong natutuhan.

*Paano maitataguyod ng mamamayan ang kaunlaran


ng bansa?

Sa pamamagitan ng mga gampanin nito bilang


mamamayan ng bansa . Kinakailangang
mapaunlad ng mamamayan ang kaniyang sarili
upang maging kapaki-pakinabang na bahagi ng
lipunan. Kailangang linangin ang sariling
katalinuhan at kakayahan at maging produktibo.
106
4. Aplikasyon
● Ang bawat pangkat ay tatanggap ng isang task
card.
Task Card

Pamantayan Pinakamahusay Mahusay-husay Mahusay

Hindi gaanong
Malinaw ang Kailangan pang
malinaw ang
Paglalahad pagbibigay ng linawan ang diwang
pagbibigay ng
mensahe nais ipahiwatig.
mensaha

Wasto ang diwang Kailangan pang


Hindi gaanong wasto
nais iparing tungkol wastuhin ang
Katumpakan ang diwang nais
sa ibinigay na diwang nais
iparating.
paksa ipahiwatig.

Hindi gaanong
Kumpleto, angkop
kumpleto, angkop, at
at tama ang Kailangan pa ng
tama ang
Paglalapat pagkakagamit ng ibayong paglalapat
pagkakalapat ng
salita at sa islogan at guhit.
salita sa
larawan/guhit.
larawan/guhit.

Masinop ang Hidi gaanong pulido Kailangan pang


Craft
pagkakagawa ang pagkakagawa pakinisin ang likha

Kailangan pang
Malinaw at Hindi gaanong
paunlarin ang
Hikayat nakakapanghikayat nakakahikayat ang
pahayag upang
ang pahayag pahayag.
makapanghikayat.

Panuto: Bumuo ng nga pangkat na may limang


kasapi. Ipatalakay kung paanong naitataguyod ng
mga mamamayan ang kaunlaran ng isang bayan.
Palikhain sila ng larawan hinggil dito at palagyan
ng islogan. Ilagay sa likod ang paliwanag ng
islogan ng parehong poster at islogan.

● Gamitin ang rubric sa pagwawasto ng gawain.

IV. Pagtataya
Panuto: Bilugan ang pangungusao na nagsasaaad ng pagiging
maunlad ng isang bansa. Isulat ang iyong sagot sa notbuk.

107
1. Laganap ang rebelyon at krimen sa mga lalawigan.
2. Maraming dayuhan ang dumadalaw at namumuhunan sa ating
bansa.
3. Naaabuso ang mga likas na yaman.
4. Hindi nakikinig sa Pangulo ng bansa at hindi sinusund ang mga
batas.
5. Walang krimen na naitala sa loob ng isang buwan.

V. Takdang-Aralin

Basahin ang iba pang gawain upang mapaunlad ang lipunan sa LM


p 374-375.

108

You might also like