You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 4

IKAAPAT NA MARKAHAN

Aralin 7.3 Mga Iba’t ibang Gawain Upang Mapaunlad ang Isang
Lipunan (Pagtulong sa pagtigil ng katiwalian at maling Gawain ng
pamahalaan, Pagsunod sa mga batas, Pangangalaga sa Kapaligiran,
at Pag-iingat sa mga pampublikong gamit at lugar)

Bilang ng Araw: 1 Araw

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay inaasahang naipamamalas ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa kanyang mga karapatan at tungkulin bilang
mamamayang Pilipino.
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakikilahok sa mga gawaing pansibiko na nagpapakita ng
pagganap sa kanyang tungkulin bilang mamamayan ng bansa
at pagsasabuhay ng kanyang karapatan
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto
Naipapaliwanag kung paano itinataguyod ng mga mamamayan
ang kaunlaran ng bansa.
II. Paksang Aralin
Paksa: Mga Iba’t ibang Gawain Upang Mapaunlad Ang
Isang Lipunan

-Pagtulong sa pagtigil ng katiwalian at maling


gawain sa pamahalaan

- Pagsunod sa mga batas


- Pangangalaga sa kapaligiran at pamanang lahi
- Pag-iingat sa mga pampublikong gamit at lugar
Kagamitan: mga larawan, task card, rubrik

Sanggunian: Yunit 4 Aralin 7


Learner’s Material, pp. 374
K to 12 – AP4KPB-IVd-f-5
109
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
● Pagbabalitaan tungkol sa mga kaganapan sa
paligid.
● Pagbibigay ng sariling kuro-kuro.
2. Pagbabalik-aral
● Pagbabalik-aral tungkol sa Mga Iba’t ibang Gawain
Upang Mapaunlad ang Isang Lipunan (Paglinang
ng sariling katalinuhan at kakayahan, Pagiging
produktibo, Pagmamahal sa bansa at kapuwa
Pilipino)
3. Pagganyak
● Ipakita ang mga larawan sa mga mag-aaral.

110
111
● Tanungin ang mga mag-aaral kung mayroon
silang ideya sa bawat larawan.
● Tanggapin ang lahat ng sagot ng mga mag-aaral.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Gawain 1 Pagbasa ng LM

● Ipabasa ang mga talata sa LM pahina 374-375


a. Pagtulong sa pagtigil ng katiwalian at maling
gawain sa pamahalaan
b. Pagsunod sa mga batas
c. Pangangalaga sa kapaligiran at pamanang lahi
d. Pag-iingat sa mga pampublikong gamit at lugar

2. Pagsusuri

Gawain 2 Buzz Session


Panuto: Basahing mabuti at sagutan ang bawat
katanungan sa bawat bilang. Isulat sa manila paper ang
sagot ng pangkat at humanda sa pag-uulat ng inyong
sagot.

1. Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong sa


pagtigil ng ng katiwalian at maling gawain sa
pamahalaan?
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
_________________________________

2. Bilang isang kabataan, paano mo maipapakita ang


pagsunod sa batas?
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
_________________________________

3. Bakit kinakailangang pangalagaan ang kalikasan?

112
Ipaliwanag.
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
_________________________________

4. Isa ka palang musmos o bata, ngunit paano mo


maipapakita ang pagmamalasakit mo sa kapaligiran?
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
_________________________________

3. Paghahalaw
● Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng
konseptong natutuhan.

Paano makatutulong ang mamamayan sa


pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa?

Kailangang mapaunlad ng
mamamayan ang kanyang sarili upang maging
kapaki-pakinabang na bahagi ng lipunan.
Kailangang linangin ang sariling katalinuhan
at kakayahan, maging produktibo, sumunod
sa batas, bantayan ang katiwalian sa
pamahalaan, pangalagaan ang kalikasan, at
ingatan ang mga pampublikong gamit at lugar.

4. Aplikasyon

Pangkatang Gawain – Fish Organizer

Panuto: Bumuo ng Fish Organizer kung saan nakasulat


sa iItaas na tinik kung paano naisasagawa ng
mamamayan ang pagtataguyod sa kaunlaran ng bansa.
Sa ilalim na tinik ay ipasulat kung ano ang mga dapat
iwasan upang hindi maging hadlang sa kaunlaran ng
bansa.

113
IV. Pagtataya
Ipagawa ang Natutuhan Ko sa LM, p.377
Gamitin ang rubric sa ibaba para sa gawain.

Gawain:
1.Bumuo ng limang pangkat. Gumawa ng isang poster slogan na
nagpapakita ng pagtataguyod ng mga mamamayan sa kaunlaran
ng bansa. Ilagay sa likod ng poster at islogan ang paliwanag ukol
sa nabuong gawain.

Pamantayan Pinakamahusay Mahusay-husay Mahusay

Hindi gaanong Kailangan pang


Malinaw ang
malinaw ang linawan ang
Paglalahad pagbibigay ng
pagbibigay ng diwang nais
mensahe
mensahe iparating

Wasto ang
diwang nais Hindi gaanong
Katumpakan iparating tungkol tingwasto ang Kailangan
sa ibinigay na diwang nais ipar
paksa

V. Takdang-Aralin

1. Basahin ang Pagpapaunlad sa Sarili, Pagpapaunlad sa Bayan


sa LM pahina 378
2. Magdala ng oslo paper, lapis, at mga pangkulay
114

You might also like