You are on page 1of 30

4

Ikalawang Markahan-Modyul 4:
Linggo 3 - Wastong Pangangasiwa at
Pangangalaga ng Pinagkukunang-
Yaman ng Bansa

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong
paaralan. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa
larangan ng Edukasyon na mag-email ng kanilang puna,
komento at rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon sa
region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at


rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

2
Panimula

Ang Modyul na ito ay inihanda ng may- akda upang maging


kagamitan para sa mag-aaral na matuto sa asignaturang Araling
Panlipunan ng Ikaapat na Baitang. Ang nilalaman at aralin ay naaayon
sa pangangailangan na nakasaad ng pamantayan sa pagkatuto mula
sa unang markahan. Ano kaya ang iyong pananagutan para sa ating
mga pinagkukunang-yaman? Nais mo bang mabatid ang mga
pananagutan ng ating pamahalaan, paaralan, simbahan, pamilya, at
mamamayan sa pangangalaga ng mga likas nating yaman? Gusto niyo
bang matutuhan at malilinang sa araling ito na ang bawat mamamayan
ay may tungkulin at pananagutan na dapat gampanan upang
pangasiwaan at pangalagaan ang mga pinagkukunang-yamang ng
bansa? Ano kaya ang bahaging ginagampanan ng bawat kasapi sa
lipunan upang maiwasan ang tuluyang pagkawasak ng mga likas na
yaman? Ang isa pang aralin na dapat mong matutuhan dito ay ang
tungkol sa paggawa ng mga mungkahing paraan ng wastong
pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa. Dapat ba kayang
isabuhay ang mga tamang gawi upang mapangalagaan ang ating
kalikasan?

Inaasahang kagamitang na ito ay makatutulong sa pagiging


lalong matuto, at magsilbing kasanayan sa lubusang pagkatuto ng mga
mag-aaral.

Mga tala para sa Guro

Gabayan ang mga mag-aaral sa paggamit


ng modyul sa Araling Panlipunan ng Ikaapat na
Baitang.

i
3
Alamin

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, makakaya mo


nang gawin ang mga sumusunod:

Mga layunin sa pagkatuto:

1. Matutukoy ang kahulugan ng pananagutan


2. Matatalakay ang mga pananagutan ng bawat kasapi sa
pangangasiwa at pangangalaga ng pinagkukunang-
yaman ng bansa
3. Makapagbibigay ng mungkahing paraan ng wastong
pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa
4. Matutukoy ang posibleng bunga ng wasto at hindi
wastong pangangasiwa ng mga likas na yaman ng
bansa
5. Maipapakita ang pagmamalaki at pagpapahalaga sa
mga wastong paraan ng pangangasiwa ng mga likas
na yaman sa pamamagitan ng pagsulat ng pangako sa
sarili.

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


mga sumusunod na hakbang:

• Basahin at unawain naang mabuti ang aralin

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagsasanay


at pagtataya

• Sagutin ang lahat na pagsasanay at pagtataya

4ii
Icons sa Modyul na ito

Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng


layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan

Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa


pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin

Suriin Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan


ng gawain sa pagkatuto upang
malinang ang iyong natuklasan sa
pag-unawa sa konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang inyong natutunan
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatayang ito ay ginamit upang
masusi ang inyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin sa
pagkatuto
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

iii5
Subukin

Gawain A
Panuto: Gamit ang mga simbolo, tukuyin kung sino ang gaganap
sa sumusunod na pananagutan. Iguhit ito sa inyong activity
notebook.

- pamahalaan - pamilya

- paaralan - mamamayan

- simbahan - pribadong samahan

_1. Hinuhubog ang mga anak sa tamang pangangalaga ng


kalikasan.
2. Gumagawa ng mga batas at programa para sa kalikasan.
3. Magkaroon ng disiplina sa sarili.
4. Tinuturuan ang mga mag-aaral ng mga paraan sa wastong
pangangasiwa ng mga pinagkukunang-yaman.
5. Ipabatid sa mga tao ang tunay na kalagayan ng ating
kapaligiran.

B. Lagyan ng (√ ) ang bilang kung ang mungkahing paraan ng


pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa ay wasto, at ekis (x)
kung hindi.

1. Iiwasan ang pagtatapon ng basura sa yamang tubig.


2. Magtanim ng mga puno at halaman sa mga bakanteng lote.
3. Ipagwalang-bahala ang mga batas pangkalikasan.
4. Gawin ang programang 3Rs (reduce, reuse, recycle).
5. Hayaang nakabukas ang gripo kahit umaapaw na ang tubig sa
balde.

iv6
Aralin Pananagutan sa Pangangasiwa at
Pangangalaga ng Pinagkukunang-
6 Yaman ng Bansa

Nabatid mo ang kaibahan ng matalino at di matalinong mga


paraan ng pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa sa
nakaraang aralin at gayundin ang kaugnayan ng matalinong
pangangasiwa ng mga likas na yaman sa pag-unlad ng bansa. Bilang
matalinong mamamayan, ang bawat isa ay may mga pananagutan na
dapat gampanan upang pangasiwaan at pangalagaan ang mga
pinagkukunan-yamang ito. Nais mo bang mabatid ang mga
pananagutan ng ating pamahalaan, paaralan, simbahan, pamilya, at
mamamayan sa pangangalaga ng mga likas nating yaman?

Balikan

Pansinin ang mga miyembro o kasapi ng lipunan isulat sa patlang ang


mga pangalan ng mga larawan ng bawat miyembro na tumutulong sa
pangangalaga ng pinag-kukunang yaman ng bansa.

1. _____ 2. _

3. 4.
https://www.google.com/search?q=serbisyong+kalinsan+ng+mamamamyan+in+public+domain&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiCotqcqajqAhXGc3A
KHVwXAiQQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=Ne7MhmtSsAQjPM&imgdii=OOI5O8hXqhxik

8
Tuklasin

Panuto: Ayusin ang mga letra ng salitang inilalarawan. Isulat ang


sagot sa patlang

NHAAMISB PMAAHLAAAN

AARPANLA GUTANPANAN

RIABNGDOP SMAANAH

1. Natutong magbasa at sumulat ang mga mag-aaral sa


wastong pangangalaga sa likas na yaman.

2. Gumawa ng mga programa para sa ikabubuti at


proteksiyon ng mamamayan sa pagpanatili ng kalinisan.

3. Isang pook o gusali na nananampalataya ang isang tao.

4. Nagbibigay impormasyon sa mga pangyayari sa ating


bansa at tumulong sa paglikom ng pera para sa biktima
ng kalamidad.

5. Dapat gampanan ng mga kasapi ng lipunan.

19
Suriin

Nais mo bang mabatid ang mga pananagutan ng ating pamahalaan,


paaralan, simbahan, pamilya, at mamamayan sa pangangalaga ng
mga likas nating yaman? _

Gawain: Sa iyong activity notebook, bumuo ng pyramid sa loob ng


kahon gamit ang mga tatsulok sa ibaba at sagutin ang mga
tanong pagkatapos.

Pribadong Paaralan
Mamamayan
Samahan

Pamahalaan Pamilya
Simbahan

1. Ano ang mensaheng nais ipabatid sa atin ng gawain?


Sagot: _ _

2. Bakit mahalagang gampanan ng lahat ng kasapi ang kani-kanilang


pananagutan?
Sagot __________________________

Sisimulan na nating alamin ang kahulugan ng Pananagutan.


Pagkatapos isa-isahin ang mga pananagutan ng bawat kasapi sa
pangangasiwa at pangangalaga ng pinagkukunang-yaman ng bansa at
mahihinuha mo na ang bawat kasapi ay may mahalagang bahaging
ginagampanan para sa higit na ikauunlad ng bansa. Basahin ng mabuti at
uunawain ang mga ideya upang makasagot sa mga sumusunod na
gawain pagkatapos sa araling ito

Ang pananagutan ay itinuturing na kasingkahulugan ng mga


salitang tungkulin, obligasyon, at responsibilidad. Ang pananagutan ay
ang dapat gawin ng isang sektor o tao para sa kaniyang sarili at para
sa kaniyang bayan. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang kasapi
kabilang dito ang mga mamamayan, pamilya, samahang pribado,
simbahan, paaralan at pamahalaan.

10
2
Ang bawat kasapi ng lipunan ay may bahaging dapat gampanan at
mapananagutan upang maiwasan ang tuluyang pagkawasak ng mga
pinagkukunang-yaman ng bansa.

Mga pananagutan ng Pamahalaan

Ang pamahalaan bilang isa sa mga pangunahin at mahalagang


kasapi ng lipunan ay may pananagutan sa ating mga pinagkukunang-
yaman. Ang pamahalaan ay nagtatalaga ng ahensiya na siyang
nangunguna sa pangangasiwa ng ating
kalikasan at kapaligiran. Ito ay ang
Department of Environment and Natural
Resources (DENR) o Kagawaran ng
Kapaligiran at Likas na Yaman.
Gayundin, ang ating pamahalaan ay
bumalangkas ng isang malinaw na
batas upang maagapan ang ating mga
pinagkukunang-yaman mula sa
Department of Environment Artikulo II, Seksyon 16 ng Saligang
and Natural Resources Batas ng 1987 “ Dapat pangalagaan at
isulong ng Estado ang karapatan ng
sambayanan sa timbang at kanais-nais na ekonomiya na tugma sa
kalikasan. “Dahil sa nakasaad na batas sa ating Saligang Batas,
napakahalagang magkaroon ng maraming batas na naglalayong
panatilihin at proteksiyunan ang mga likas na yaman sa Pilipinas.Ilan
sa mga batas ang PD 1219, RA 428, at PD 705.
https://www.google.com/search?q=DENR+logo+in+public+domain&tm=isch&source=iu&ictx=1&fir=ZNK85s1WQJZU9
M%252C_DQNbO5QEXAPeM%252C_&vet=1&usg=AI4_kQs9FpPmbkM27g6v_ZjVyVn9Mh62Q&sa=X&ved=2ahUKE
wioh_iDpZ7qAhUOPXAKHaGBBewQ9QEwAHoECAoQBQ&biw=1366&bih=657#imgrc=ZNK85s1WQJZU9M

Coral Resources Development and Conservation Decree


(PD 1219/PD1698) Ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang
mga yamang koral sa katubigan ng Pilipinas.

Republic Act 428. Ito ay isang batas na nagbabawal sa pagbebenta o


pagbibili ng isda o ibang yamang-dagat na pinatay sa pamamagitan ng
dinamita o paglalason.

11 3
PD 705 o Selective Logging (PD 705). Isa sa mga batas sa ilalim ng
PD 705 ay ang batas ukol sa selective logging, o ang pagpili lamang sa
kung anong puno ang maaaring putulin at kung ano ang dapat iwanan.

Ang kampanya ng pamahalaan para sa pinagkukunang-yaman,


may mga proyektong ipinatutupad ang pamahalaan para sa kalikasan
gaya ng Oplan Sagip Gubat, Sloping Agricultural Land Technology
(SALT) at Clean and Green Project upang lalong mapaigting

Pananagutan ng Paaralan

Nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas (1987) Artikulo XIV-


Edukasyon, Siyensya at Teknolohiya, Sining, Kultura at Isports
(Sec.1)- “Pangalagaan at itataguyod ng estado ang karapatan ng lahat
ng mamamayan sa mataas na uri ng edukasyon sa lahat ng antas at
magsasagawa ng mga kaukulang hakbang upang ang nasabing
mataas na uri ng edukasyon ay maging bukas para sa lahat.”

Bilang sektor na may direktang ugnayan sa


mga mamamayan lalo’t higit sa mga kabataan,
pananagutan ng paaralan na bigyan ng mataas na
uri ng edukasyon at kaalaman ang mag-aaral sa
lahat ng antas ukol sa mga tamang paraan ng
pangangasiwa ng bansa at yaman nito. Tungkulin
ng bawat kawani ng sektor ng edukasyon lalo’t
higit ng mga guro na isama sa kanilang kurikulum
at pagtuturo ang pangangalaga sa mga yaman ng bansa.

Gayundin, ang mga paaralan ay dapat manguna sa pakikilahok


sa mga proyektong inilunsad ng pamahalaan tulad ng proyektong “Ilog
Ko, Irog Ko,” Eco Saver ng DepEd NCR, at
“ Kabataan Kontra Basura.’’
https://www.google.com/search?q=kagawaran+ng+edukasyon+in+public+domain&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=YLCIR
wJJiD5jgM%252CcWGMElXi1cF8UM%252C_&vet=1&usg=AI4kSF2FcQeeeus69_Mqyu3YL0XGlqA&sa=X&ved=2ahUKE
wjipe_ZtqjqAhVBZt4KHX6eDYIQ9QEwAHoECAoQBQ&biw=1366&bih=608#imgrc=6m1hBSCMalLAtM

412
Pananagutan ng Simbahan

Ang simbahan ay samahan


ng mga taong may iisang paniniwala.
Bilang isang kasapi sa lipunan, ang
simbahan ay may pananagutan na
manghimok sa kanilang mga kasapi
na magkaroon ng mataas
napagpapahalaga sa mga likas na yaman
na siya nating pinagkukunan ng yaman.
Gayundin, ipakita ang paniniwala sa pamamagitanng kilos, prinsipyo,
at mabuting gawa lalo na para sa lahat ng bagay na may buhay
gayundin ang pagtatama sa maling gawa ng mga kasapi.
https://www.google.com/search?q=serbisyong+kalinsan+ng+mamamamyan+in+public+domain&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=
2ahUKEwj5ttjojMLqAhWbL6YKHWdeBGsQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=odXvhkls_D76AM

Pananagutan ng Pribadong Samahan

Ang pangangalaga sa kapaligiran at likas na yaman ay higit na


pinalawak sa pamamagitan na pakikipagtulungan ng mga pribadong
samahan o ahensiya. Isang halimbawa nito ay ang media na may
pananagutan na maging istrumento sa paglalahad sa mga taong bayan
ng lahat ng kaganapan sa paligid at mga posibleng epekto nito sa
kabuhayan ng bansa. Pananagutan din nila na maglunsad ng mga
programang pantelebisyon o panradyo na maaaring magturo ng iba’t
ibang paraan ng pangangalaga sa ating mga pinagkukunang-yaman .
Maaari ding sa pamamagitan ng mga awitin at dula ay maipabatid sa
publiko ang mga mensaheng pangkapaligiran.

Pananagutan ng Pamilya

Ang pamilya o mag-anak ang tinaguriang


pinakamaliit na sangay ng lipunan,
subalit may malaking tungkulin para
sa bansa. Pananagutan ng bawat
pamilya na simulan sa kanilang
sariling tahanan ang mga wastong
paraan ngpangangalaga sa ating
mga yaman. Tungkulin ng mga
magulang nahubugin ang mga anak
nang may pagpapahalaga sa kalikasan.
https://www.google.com/search?q=pananagutan+ng+pamilya+in+public+domain&tbm=isch&ved=2ahUKEwil4aBmcLqAhWhxosBH
UnGAIMQ2cCegQIABAA&oq=pananagutan+ng+pamilya+in+public+domain&gs_lcp=CgNpbWcQA1DvwNYg7wEYLzBBGgBcAB4A
oABmQyIAYhAkgERMC4xLj

413
Pananagutan ng Mamamayan

Sa pangangalaga sa mga
pinagkukunang-yaman, nararapat na kaagapay
at katuwang ang mamamayan sa pagpapanatili
ng kapaki-pakinabang na likas na yaman ng
bansa. Ang pag-aabuso sa mga likas na yaman
ay dapat nang matigil upang mapanatili ang
timbang na ekolohiya ng bansa.

https://www.google.com/search?q=serbisyong+kalinsan+ng+mamamamyan+in+public+domain&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahU
KEwiCotqcqajqAhXGc3AKHVwXAiQQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=KuVJ8bb9_i4qxM

Bilang mamamayan ng bansa, pananagutan natin na:


 hikayatin ang bawat miyembro ng pamilya na makiisa sa
pagpapaunlad at pagliligtas ng kaliksan;
 isabuhay ang anumang natutuhan o nalalaman ukol sa
pangangasiwa ng kalikasan at mga pinagkukunang –yaman;
 tumulong upang mabawasan ang polusyon sa hangin, sa lupa, at
sa tubig;
 makibahagi sa mga proyekto ng pamayanan o kaya ay bumuo ng
samahan ng mga kabataan na tutulong upang mabawasan ang
mga suliranin sa kalikasan;
 kausapin ang mga kaibigan upang makiisa sa gawaing
pangkalikasan, at
 magkaroon ng sariling disiplina at gawin ang tama para sa
ikabubuti ng mundong ating ginagalawan.

Ang pagiging mapanagutan ay nagpapakita ng tunay na


pagpapakatao. Habang maaga, simulan natin ang pagtugon at
pagtupad sa ating mga pananagutan. Ang hamon ng kalikasan na siya
nating pinagkukunan ng yaman ay hindi madali, ngunit dapat tayong
kumilos upang tugunan ito bago pa mahuli ang lahat, kaya’t sa hamon
nitong aralin, tutugon ka ba?

Mula sa Batayang Aklat ngAraling Panlipunan 4-Kagamitan ng Mag-aaral pahina 145-152.

414
Pagyamanin

Panuto: Basahin ang bawat pahayag sa ibaba, kunin ang iyong


sagot sa loob ng kahon at isulat ang titik ng tamang sagot.

A. PD 705
B. Republic Act 428
C. PD 1219/PD 1698
D. Republic Act 1996
E. Artikulo II, Seksyon 16 ng Saligang Batas 1987
F. Department of Environment and Natural Resources (DENR)

1. Ahensiya ng pamahalaan na siyang nangunguna sa


pangangasiwa ng ating kalikasan at kapaligiran.

2. Ito ay isang batas na nagbabawal sa pagbebenta o pagbibili ng


isda o ibang yamang-dagat na pinatay sa pamamagitanng
dinamita o paglalason.

3. Ang batas ukol sa selective logging, o pagpili lamang sa kung


anong puno ang maaaring putulin at kung ano ang dapat
iwanan.

4. Ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang mga yamang


koral sa katubigan ng Pilipinas.

5. Dito dapat pangalagaan at isulong ng Estado ang karapatan ng


sambayanan sa timbang at kanais –nais na ekolohiya na tugma
sa kalikasan.

157
Isaisip

Gawain A
Panuto: Basahin at sagutin ang bawat tanong sa ibaba at kunin ang
tamang salita sa loob ng kahon.

Pamilya Paaralan Simbahan


tungkulin obligasyon responsibilidad
Mamamayan Pamahalaan Pribadong Samahan

Ibigay ang mg kasingkahulugan ng salitang pananagutan.

pananagutan

Gawain B: Ano-ano ang bumubuo o kasapi ng ating lipunan?


Isulat sa loob ng tatsulok ang bawat kasapi ng lipunan.

167
Isagawa

A. Panuto: Basahin ang talata. Piliin at lagyan ng tsek (/) sa ibaba ang
bangka o life boat na iyong sasakyan sa ganitong pagkakataon.

Tayo ang mga halimbawa ng mga pinagkukunan ng yaman


ng bansa. Ako si Kabundukan, ikaw si Dagat, at siya si Kapatagan.
Nakasakay tayo sa barkong naglalayag sa Dagat Kanlurang
Pilipinas. Kasama natin sina Pamahalaan, Paaralan, Simbahan,
Pribadong Samahan, Pamilya, at Mamamayan. Maya-maya,
biglang may malakas na putok tayong narinig. Unti –unting
lumubog ang ating barko. Sa ganitong pagkakataon, kaninong
life boat ka sasama?

pamahalaan paaralan simbahan

pamilya mamamayan pribadong


samahan

179
B. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa
patlang.

1. Bakit ang bangkang iyan ang iyong napiling samahan?

Sagot: _ _ ang bangkang napili kong samahan


sapagkat _
_ _.

2. Sa iyong palagay, anong kasapi ng lipunan ang may


pinakamalaking pananagutan sa pangangasiwa at pangangalaga
ng bansa? Bakit?

Sagot: Ang may pinakamalaking pananagutan sa pangangasiwa


at pangangalaga ng bansa ay .
Dahil __________________________________________ _.

3. Bilang mag-aaral sa ikaapat na baitang ano ang mabuti mong


gawin para mapangalagaan mo ang likas na yaman ng bansa?

Sagot: ________________________
____________________________________________

4. Ano ang tungkulin ng mga magulang sa pagpapanatili sa ating


pinagkukunang yaman?

Sagot: _ _
_________________________

5. Bakit mahalagang gampanan ng lahat ng kasapi ang kanilang


pananangutan?

Sagot: _ _
_ _

189
Tayahin

Gawain A
.
Panuto: Tukuyin kung sino ang gaganap sa sumusunod na
pananagutan at kunin ang iyong sagot sa loob ng kahon.

Paaralan Pamilya
Simbahan Mamamayan
Pribadong Samahan

1. Gumawa ng awit at palabas na pangkalikasan.

2. Kausapin ang mga kaibigan upang makiisa sa mga


gawaing pangkalikasan.

3. Disiplinahin ang mga anak.

4. Makibahagi sa mga proyekto ng pamayanan.

5. Gumagawa ng mga batas at programa para sa


kalikasan

Gawain B: Basahin ang bawat pangungusap at isulat sa patalng ang


letrang T kung wasto ang isinasaad at M naman kung hindi.

1. Ang pananagutan ay ang mga hindi dapat gawin ng isang


sektor o tao para sa kaniyang sarili at para sa kanyang
bayan.
2. May bahaging gampanan ang bawat kasapi ng lipunan
upang maiwasan ang tuluyang pagkawasak ng mga likas na
yaman ng bansa.
3. Ang pang-aabuso sa mga likas na yaman ay dapat ng matigil
upang mapanatili ang timbang na ekolohiya ng bansa.
_4. Ang ating pamahalaan ay bumalangkas ng isang malinaw
na batas upang maagapan an gating pinagkukunang-yaman
mula sa pagkawasak.
5. Ang media ay may pananagutan na maging instrumento sa
paglalahad sa mga taong bayan ng lahat ng kaganapan sa
paligid at mga posibleng epekto nito sa kabuhayan ng bansa.

19
11
Karagdagang Gawain

Sa iyong activity notebook, gumawa ng poster gamit ang temang:

“Ang Kalikasan ay ating kayamanan


Pangangalaga nito ay ating pananagutan”

20
11
Aralin Mga Mungkahing Paraan ng
Wastong Pangangasiwa ng Likas
7 na Yaman ng Bansa

Ang pananagutan ng bawat isa sa pangangasiwa at


pangangalaga ng pinagkukunang yaman ng bansa ay iyong natutuhan
ng aralin. Nalinang din ang iyong kakayahan na mabatid na ang bawat
mamamayang Pilipino ay may tungkulin at pananangutang
pangalagaan ang ating pinagkukunang yaman. Bilang isang mag-aaral
sa ikaapat na baiting, ano ang iyong pananagutan parasa ating mga
pinagkukunang-yaman?

Balikan

Pag- aralan ang bawat larawan. Ito ba ay isang wastong


pangangasiwa ng likas na yaman bansa? Isulat sa iyong activity
notebook ang ginagawa sa larawan? Piliin ang titik ng tamang sagot.

A. Naglilinis sila ng kapaligiran.


B. Nagtatanim sila ng gulay at ibat-bang halaman.
C. Masagana ang ani ng mga magsasaka.
D. Masaya sila sa marami ang naani nilang mais dahil sa
pampatabang nilagay.
E. Hiniwalay ang mga malata at di malatang mga bagay.

1. _ _4.

2. ____5.

3.
https://www.google.com/search?q=matalinong+pangangasiwa+in+public+domain&so
urce=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwja_Peno8LqAhVly4sBHe3sA_UQ_AUoA
XoECAwQAw&biw=1366&bih=608#imgrc=Ow6cM6ZS5bTl2M

21
13
Tuklasin

Panuto: Basahin o awitin natin ang awit na ito nang buong puso.

Masdan Mo Ang Kapaligiran


ni: Asin

Wala ka bang napapansin?


Sa iyong mga kapaligiran.
Kay dumi nang hangin,
Pati na ang mga ilog natin

REFRAIN 1

Hindi na masama ang pag-unlad,


At malayu-layo na rin ang ating marating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati’y kulay asul ngayo’y naging itim.

Ang mga duming ating ikinalat sa hangin


Sa langit ‘wag na nating paabutin
Upang kung tayo’y pumanaw man
Sariwang hangin, sa langit natin matitikman .

REFRAIN 2

Mayro’n lang akong hinihiling


Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan.

Ang mga batang nagyon lang isinilang


May hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan.

22
13
REFRAIN 3

Bakit di natin pag-isipan


Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi nga masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan

Darating ang panahon, mga ibong gala


Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayon’y namamatay dahil sa ating kalokohan.

REFRAIN 4

Lahat ng bagay na narito sa lupa


Biyayang galing sa Diyos kahit nu’ng ika’y wala pa
Ingatan natin at ‘wag nang sirain pa
‘Pagkat ‘pag Kanyang binawi, tayo’y mawawala na.

(Repeat Refrain 2)

https://www.google.com/search?ei=AUr1XuiCIY76wAOhg5bgDg&q=Masdan+mo+Ang++Kapiligiran++lyrics+in+public+do
main&oq=Masdan+mo+Ang++Kapiligiran++lyrics+in+public+domain&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQAzoECAAQDVCSCVitQJgv
7gCaANwAHgHgAHlHYgB7JQDkgETMC4xLjYuMS40LjMuNi42LjQuOZgBAKABAaABAqoBB2d3cy13aXo&sclient=psab&
ved=0ahUKEwioh_iDpZ7qAhUOPXAKHaGBBewQ4dUDCAw&uact=5

1. Ano ang mensahe ng awit na ito?

2. Sa palagay mo, tama ba ang pangangasiwa o pangangalaga sa


ating sariling kapaligiran o mga likas na yaman ng bansa ayon sa
awit? Bakit?
_ _

Mapag-aralan mo sa susunod na pahina kung ano-ano ang mga


mungkahing paraan ng wasto o matalinong pangangasiwa sa mga
likas na yaman ng ating bansa.

15
Suriin 23

Ano ang mga mungkahing paraan ng wastong pangangasiwa ng mga


likas na yaman ng bansa? _
Bakit kailangang isabuhay ang mga mungkahing paraan ng wastong
pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa?
_ _

Ang ating bansa ay masagana sa mga likas na yaman at ang


mga likas na yamang ito ay mahalaga sa tao dahil pinagkukunan ng
kabuhayan kaya nararapat na ang mga ito ay pangasiwaan at
pangalagaan upang hindi masira at maubos kaagad.

Pangangasiwa ng Yamang Lupa

Narito ang ilang paraan ng wastong pangangalaga sa yamang


lupa:
 Magtanim ng mga puno at halaman. Ang mga pinutol na puno ay
dapat palitan ng mga bagong punla o tanim.
 Iwasan ang pagkakaingin o pagsusunog ng mga puno sa
kagubatan at kabundukan.
 Iwasan ang paggamit ng mga nakasasamang kemikal sa
pananim
 Gumawa ng hukay sa lupa at dito itapon ang mga basurang
nabubulok. Ang natunaw na mga basurang ito ay maaari ding
gawing pataba sa lupa.
 Huwag saktan, hulihin, o patayin ang mga hayop sa kagubatan at
kabundukan lalo na ang mga endangered species o mga hayop
na malapit nang maubos.
 Huwag sirain ang mga halaman sa paligid.

Pangangasiwa ng Yamang Tubig

Ang tubig ay mahalaga sa tao kaya dapat magkaroon ng


maayos na pangasiwa nito. Kapag walang tubig, maraming buhay rin
sa mundo ang mawawala.

16
Ang mga sumusunod ay ang mungkahing paraan ng wastong
pangangasiwa sa yamang tubig:
 Huwag gumamit ng dinami ta 24
sa p angingisda.
 Iwasan ang pagtatapon ng basura sa mga katubigan.
 Magtayo ng water treatment plant upang linisin ang maruruming
tubig mula sa mga pagawaan, pook-alagaan ng mga hayop,
tahanan, at taniman.
 Ipagbawal ang pagtatayo ng tahanan malapit o sa tabi ng mga
ilog at estero.

https://www.google.com/search?q=serbisyong+kalinsan+ng+mamamamyan+in+public+domain&source=lnm
s&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiCotqcqajqAhXGc3AKHVwXAiQQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=6
57#imgrc=KuVJ8bb9_i4qxM

Nararapat din na makilahok sa mga proyekto o programa ng


pamahalaan para sa kapaligiran at kalikasan, tulad ng programang 3Rs
(reduce, reuse, at recycle). Sundin ang mga batas ukol sa
pangangalaga ng kalikasan tulad ng paghiwa-hiwalay ng mga basura.

Bilang mamamayang Pilipino at bilang ambag sa pangangasiwa sa


kalikasan at mga likas na yaman, higit na mainam na isaisip na ang
kapaligiran ay kaloob ng Maykapal para sa atin. Atin itong ipamana
nang nasa maayos na kalagayan. Ito ay isang paraan upang maipakita
nating mga Pilipino na hindi lamang ang pagmamahal sa bansa, kundi
pati ang pagmamalasakit sa daigdig na ating kinagalawan.

17
25
c
Pagyamanin

Panuto: Mula sa isang awit sa pahina 22-23 “Masdan mo ang


Kapaligiran”, ano ang mga bunga ng ginawa ng mga tao
sa ating likas na yaman o kapaligiran? Isulat sa
loob ng Fish Bone Map ang inyong sagot.

A. Maaring bunga ng wastong pangangasiwa ng likas na yaman ng


bansa

B. Maaring bunga ng hindi wastong pangangasiwa ng likas na


yaman ng bansa

https://www.google.com/search?q=matalinong+pangangasiwa+in+public+domain&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved
=2ahUKEwja_Peno8LqAhVly4sBHe3sA_UQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=608#imgrc=Ow6cM6ZS5bTl2M

18
26
Isaisip

Panuto: Punan ang pangungusap ng tamang salita at kunin ang


sagot sa loob ng kahon.

Reduce mga batas


Reuse likas na yaman
Recycle mungkahing paraan
Magtanim ng mga puno at halaman
Huwag sirain ang mga halaman sa paligid
Huwag gumamit ng dinamita sa pangingisda
Iwasan ang pagtatapon ng basura sa mga katubigan

1. Ano ang dapat gawin sa mga likas na yaman ng bansa?


Sagot: Gawin ang _ _ ng wastong
pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa.

2. Halimbawang paraan ng pangangasiwa sa mga yamang-lupa at


yamang tubig.
Sagot: Ang mga paraan ng wastong pangangasiwa ng
Yamang lupa: ,_
Yamang tubig: ________________, ________________

3. Paano pangangasiwaan ang likas na yaman ng bansa?


Sagot: Sundin ang ________________ ukol sa pangangalaga ng
kalikasan.

4. Isulat ang proyekto o programang 3R’s ng pamahalaan na dapat


mo ring makilahok para sa kapaligiran at kalikasan.
Sagot: Ang Programang 3R’s ay _ _, _ ,

5. Pinakamahalaga at pinagkukunan ng kabuhayan kaya nararapat


na pangasiwaaan ito at pangalgaan upang hindi masira at
maubos kaagad.

Sagot: Ang _ _ ay mahalaga sa tao dahil


ito ay pinagkukunan ng kabuhayan kaya isabuhay ang
mga tamang gawi upang mapangalagaan ang mga ito
na hindi masira at maubos kaagad.

18
27
Isagawa

Panuto: Basahin at sagutin sa iyong activity notebook kung ano


ang iyong gagawin sa sumusunod na sitwasyon sa ibaba.

1. Napansin mo na ang iyong kaklase na sa kaunting pagkakamali


sa pinasusulat ng guro ay agad niya nang tinatapon ang kanyang
papel. Ano ang sasabihin mo sa kanya? Paano mo ipapaliwanag
sa kaniya ang kahalagahan ng papel?

Sagot:__________ _ ___________________
_
_______________________

2. Habang ikaw ay nasa daan pauwi sa inyong tahanan, nakita mong


sinisira ng isang bata ang mga halaman ng inyong kapitbahay.
Ano ang sasabihin mo sa bata?

Sagot _________________________________________________
_
_______________________

3. Nalaman mo ang iyong ama ay gumagamit ng dinamita sa


kaniyang pangingisda. Natutunan mo sa paaralan na
pinagbabawal ito ng pamahalaan at maaari siyang makulong kung
siya ay mahuhuli. Paano mo ito sasabihin sa iyong ama?

Sagot:_ _
_________________________

20
28
Tayahin

Gawain A
Panuto: Basahin ang sitwasyon at piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat ang iyong sagot sa activity notebook.

1.Nalaman mo na ang tatay ng kaklase mong si Sophia ay mahilig


mag-alaga ng mga natatanging hayop. Minsan sa kaniyang
pangingisda ay nakahuli siya ng pawikan . Iniuwi niya ito at inilagay
sa isang palanggana.Tama ba ang kanyang ginawa?
Ano ang sasabihin mo kay Sophia?
A. Oo dahil iniuwi niya ito sa kanyang bahay at aalagaan.
B. Hindi dahil huwag hulihin ang mga hayop lalo na ang mga
endangered species o mga hayop na malapti nang maubos.
C. Oo dahil nahuli niya ito kay dapat lang na ito ay sa kanya na.
D. Oo dahil may ipagmamayabang na siyang alagang pawikan sa
kanyang bahay.

2. Ano ang sasabihin mo sa bata habang ikaw ay nasa daan pauwi


sa inyong tahanan, nakita mong sinisira ng isang bata ang mga
halaman ng iyong kapitbahay?
A. Bata, huwag sirain ang mga halaman sa paligid.
B. Segi ka lang sa pamimitas wala naman ang may-ari.
C. Segi, magpakasaya ka, pitasin mo ang maibigan mo!
D. Bata, maganda ang ipinakita mong ugali sa pamimitas.

3. Marami kang kaibigan na nakatira sa estero o malapit sa


katubigan. Doon nila itinapon ang kanilang mga basura kaya’t
madalas ang pagbaha rito. Ano ang sasabihin mo sa iyong mga
kaibigan?
A. Pagsabihan ko sila na ituloy nila ang pagtatapon dahil mabuti
ang kanilang ginawa.
B. Pagsabihan nang maayos na iwasan nila ang pagtatapon ng
mga basura sa estero o mga kanal dahil ito ay nakapagpipigil
sa tamang daloy sa tubig at nagdudulot din ng masamang
epekto sa ating paligid.
C. Hahayaan ko silang nagtatapon kasi problema na nila iyan
kung madalas ang pagbaha sa kanilang lugar.
D. Pagsabihan ang kaibigan na sasama ka rin sa kanilang
pagtatapon ng basura.

20
29
4. Napansin mo ang iyong kaklase na si Nilo na sa kaunting
pagkakamali sa pinasusulat ng guro ay agad niya nang itinatapon
ang kaniyang papel. Paano mo ipaliwanag sa kanya ang
kahalagahan ng papel?
A. Sisigawan siya sa harap ng mga kaklase.
B. Wala kang sasabihin sa kanya dahil pag-aari naman niya ang
papel na itinatapon.
C. Agad ko siyang aawayin at pagmayabangan dahil marami
seguro siyang pera kaya agad niyang itinatapon ang papel kahit
kunting pagkakamali lang ng pagsulat.
D. Sasawayin at ipapaliwanag ko sa kaniya na hindi tama ang
kanyan ginawa sa halip ay huwag agad itataponang papel
dahil puwede itong tiklupin nang maayos at ilagay sa tamang
lalagyan at mapapakinabangan pa sa ibang paraan.

5. Nalaman mo ang iyong ama ay gumamit ng dinamita sa kaniyang


pangingisda. Natutunan mo sa paaralan na ipinagbabawal ito
ng pamahalaan at maaari siyang makulong kung siya ay mahuli.
Paano mo ito sasabihin sa iyong ama?
A. Siigawan ang tatay dahil mas may pinag-aralan ka kaysa kanya.
B. Ipagpapatuloy mo tatay para marami ang hinuhuli mong mga
isda.
C. Hahayaan na lang kita tatay dahil may marami kang nahuhuling
isda pag-uwi sa bahay.
D. Ipapaliwanag ko sa Tatay hindi tama ang kanyang ginawa dahil
sa ipinagbabawal ang paggamit ng dinamita sa pangingisda
dahil pati maliliit na isda ang mahuhuli.
at nasisira rin ang ibang hayop na nasa dagat.

20
30
Gawain B: Isulat ang letrang W sa patlang kung ang mungkahing
paraan ng pangngasiwa ng likas na yama ng bansa, at HW
kung hindi wasto.

_ 1. Ang aking pinsan na si Marina ay iniiwasan niya ang


pagtatapon ng basura sa mga kanal, ilog, dagat at sa
bahagi ng yamang tubig.

_ 2. Sa aming barangay ay tumawag ang Kapitan ng isang


pulong na gawin ang mga programang 3R’s (reduce,
reuse, recycle) o paghi-hiwalayin ang mga iba’t- ibang basura
sa bawat tahanan.

_ 3. Si Kuya Boboy ay iniiwanan niyang nakabukas ang gripo


kahit umaapaw na ang tubig sa balde.

_ 4. Si Tatay ay nagbubungkal ng lupa upang pagtatamnan


ng mga puno, gulay at iba’t-ibang halaman sa mga
bakanteng lote naming.

5. Napansin ko na ang aking kapitbahay ay may nahuling


ibon na agila at ikinulong sa bahay sa halip na pakawalan ito.

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng pangako sa sarili sa pamamagitan ng


pagsulat sa patlang upang mabuo ang mga pananalita
sa ibaba.

Pangako Ko

Ako, si , ay matapat na
nangangako na aking ipinagmamalaki at pahahalagahan
ang mga wastong pangangasiwa ng mga likas na yaman
sa pamamamagitan ng _ _
_
_____________________________.

20
31

You might also like