You are on page 1of 2

Gardenersfield School Inc.

Purok Sta. Lucia, Pinagbarilan, Baliuag, Bulacan


Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa Ikatlong Markahan
Filipino 4

Pangalan: _______________________________________ Marka: ___________


Guro: Joycyrill S.J Villafuerte _____ Petsa: ___________
Lagda ng Magulang: _______________________________

I. Isulat sa patlang ang PA kung pang-abay at PU kung pang-uri.

________1. Magaling magsulat ng mga kuwentong pambata si Flor.


________2. Masigla ang mga tao tuwing piyesta.
________3. Idinaos nang maayos ang prusisyon ng mga deboto.
________4. Ang buhay ng mag-anak na Santos sa probinsiya ay maginhawa.
________5. Masiglang sumasayaw ang mga tao sa entablado.

II. Tukuyin ang damdamin ng tauhan batay sa kanyang pahayag o kilos. Piliin sa loob ng kahon ang
sagot.

pagkagalit pag-aalala
pagkatuwa pagmamalasakit
pagkahiya

____________6. Ayaw kumanta ni Alex sa harap kaya siya napayuko ng tawagin siya ng guro.
____________7. “Bakit mo sinulatan ang dingding? Ayan hindi na maalis yan kailangan
papinturahan!”
____________8. “Yehey! Nakuha ko na ang aso na matagal ko ng gusto!”
____________9. Hindi mapakali si Nanay, “Ang lakas ng ulan at wala pa ang mga bata. Sana hindi
sila bahain.”
____________10. Nagdala ng pagkain sila Aubrey para sa mga nasalanta ng bagyo.

III. Isulat sa patlang ang pang-abay na ginamit sa bawat pangungusap.

____________11. Si Leo ay mahusay magdrowing ng mga tao.


____________12. Pabulong magsalita ang bata dahil mahiyain siya.
____________13. Maagang dumarating ang sundo ni Sonny.
____________14. Ang paliwanag ni Ginang Alberto ay madaling intindihin.
____________15. Parati siyang nagte-text sa akin kaya naubos ang pera niya.

IV. Isulat sa patlang ang tamang pang-angkop (-ng, -g, na).

16. Nauuna ang pula ____ kotse sa karera.


17. May mga bahay ____ bato na nakatayo pa sa Vigan.
18. Si Tina ay may buhok ____ mahaba
19. Limandaan ____ piso ang sinukli sa kanya ng kahera.
20. Bumili tayo ng mga sariwa ____ gulay mamaya.

V. Ikahon ang pangatnig sa bawat pangungusap.

21. Mabigat ang trapiko kaya nahuli ako sa klase.


22. Naglilinis siya ng silid habang nakikinig siya sa radyo.
23. Magbabasa ako ng aklat o manonood ako ng telebisyon.
24. Hindi kumikibo si Mario kapag malapit si Anna sa kanya.
25. Huwag mo siyang tularan sapagkat masama ang ginagawa niya.
VI. Isulat sa patlang ang K nagsasaad ng katotohanan at O kung opinyon.

________26. Mas nakatatakot ang sumakay sa eroplano kaysa sa barko.


________27. Ang mga pusa at aso ay maaaring maging mga alagang hayop.
________28. Lahat ng imbensiyon ay nakabubuti sa buhay ng tao.
________29. Mas mabilis ang biyahe sa eroplano kaysa sa barko.
________30. Dapat sa pribadong paaralan mag-aral ang mga bata.

VII. Basahin at sagutan ang mga tanong sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang letra ng tamang
sagot.

Si Dilis at Si Pating

Sa dagat nakatira si Dilis. Kalaro niya ang mga maliliit na isda. Sila ay masaya. Nasa
dagat din si Pating. Malaki at mabangis ito. Takot si Dilis at ang mga kalaro niyang
isda kay Pating. Minsan, hindi kaagad nakita ni Dilis si Pating. Gutom na gutom na si
Pating. Mabilis si Dilis. Nagtago siya sa ilalim ng korales. Hindi siya nakain ni Pating.
Matalino talaga si Dilis. Dapat maging matalino para matulungan ang sarili.

________31. Saan nakatira si Dilis?


a. sa dagat b. sa lupa c. sa gubat d. sa ilog
________32. Ano ang sama-samang ginagawa nina Dilis at ang maliliit na isda?
a. namamasyal b. naglalaro c. nagtatago d. nagluluto
________33. Bakit takot si Dilis kay Pating?
a. Baka awayin siya ni Pating. c. Maaari siyang kainin ni Pating.
b. Baka agawan siya ni Pating ng pagkain. d. Maaari siyang gawin laruan ni Pating.
________34. Paano ipinakita ni Dilis ang pagiging matalino?
a. Mabilis siyang nakapagtago sa korales. c. Tinutulungan niya ang mga maliliit na isda.
b. Hindi siya nakikipaglaro kay Pating. d. Hindi siya naglaro maghapon.
________35. Alin sa mga sumusunod ang isa pang magandang pamagat ng kuwento?
a. Sa Ilalim ng dagat c. Ang mga isda sa dagat
b. Si Dilis, ang Mabangis na Isda d. Si Dilis, ang matalinong isda.

VIII. Isulat sa patlang ang S kung ito ay tumutukoy sa simuno at P kung tumutukoy sa panaguri.

________36. Ang babaeng nakadilaw na damit ay nagbebenta ng puto.


________37. Si Andrea ay nagsasaliksik tungkol sa buhay ni Jose Rizal.
________38. Ang buong klase ni Bb. Sarah ay magkakaroon ng lakbay-aral sa Mind Museum.
________39. Puno ng aral ang kuwento na isinalaysay ni Lolo Berting.
________40. Tahimik na nag-aaral sa kaniyang silid si James.

You might also like