You are on page 1of 2

DINGLE CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

Unang Lagumang Pagsususulit sa Filipino 4

Pangalan:______________________________________ Baitang/ Pangkat:_______________

I. PANUTO:Basahin at unawain ang bawat katanungan. Isulat ang letra ng napiling tamang sagot.

Isang aso ang nakapulot ng buto habang ito ay naglalakad. Madali niya itong kinagat at
itinakbo. Sa kanyang pag-uwi ay napadaan siya sa isang tulay at sa kanyang pagtawid sa tulay ay
nakita niya sa tubig ang anyo ng isang aso na may kagat-kagat na buto. Sa pag-aakala na ibang
aso ang nakita niya sa tubig ay tinahulan niya ito. Dahil dito nahulog ang buto na kagat-kagat
niya at huli na nang malaman niya na ang aso pala na nakita niya sa tubig ay walang iba kundi ang
sarili niya kaya dahil sa nangyari, lulugu-lugong umuwi ang aso.

______1.Ano ang napulot ng aso?


A. bata B. buto C. lata D. pusa
______2. Saan niya nakita ang asong may dalang buto?
A. bahay B. dagat C. puno D. tubig
______3. Bakit nahulog ang dalang buto sa tubig? Ang aso ay _____
A. nadapa B. nagalit C. nakipaglaro D. nakatulog
______4. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. Matamlay B. Masaya C. umiyak D. masigla
_______5. Anong aral ang napulot sa kuwento? Maging _________
A. Matalino B. Mabait C. Mapagbigay D. suwail

II. Kilalanin ang mga pangngalang may salungguhit.Uriin ito ayon sa kasarian nito: Panlalaki. Pambabae,
Di-tiyak at Walang Kasarian.
_________________________ 6. Maraming bata ang pumapasok kahit umuulan.
_________________________ 7. Binigyan ako ni Gng. Perez ng pagkain.
_________________________ 8. Ang mambabatas ng Probinsiya ng Iloilo ay bago halal.
_________________________ 9.Si Mang Lolong ay masipag na dyanitor.
__________________________10.Bago ang laruan ni Russel.
__________________________11. Si G. Salazar ay may bagong kotse
__________________________12. An gaming bagong guro sa Ika-apat na baitang ay maganda.
III. Piliin ang letra ng tamang kahulugan gamit ang pahiwatig na salita ng salitang may salungguhit
sa pangungusap.
____13. Musmos pa si Pamela nang iniwan siya ng kanyang mga magulang.
A. matanda B. maliit C. dalaga
____14. Kailangang kumain ng almusal upang hindi kumalam ang tiyan.
A. magutom B. mabusog C. matulog
____15. Bata pa lamang si Sarah ay natuto na siyang maghanap-buhay para makatulong sa
magulang.
A. maglaro B. mamasyal C. magtrabaho
____16. Pumanaw ang ina ni Karlo noong siya ay bata pa kaya ulila na siya sa ina.
A. umalis B. namatay C. nawala

____17. Huli na nang natuklasan ng mga tao na may malakas na bagyong paparating.
A. Nanood B. nakita C. Nalaman
____18. Hinagkan ni Aling Rosa ang kanyang alagang si Beboy ng ito’y kanyang nakita.
A. hinalikan B. nilapitan C. inakap
____19. Buong galak na tinanggap ni Wendy ang kanyang pagkapanalo sa patimpalak.
A. lungkot B. saya C. galit
____20. Mabilis lumakad si Dwayne kaya hindi ko mahabol.
A. mabagal B. matulin C. mataas

IV. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa patlang.


____21. Madalas na umaalis ng madaling araw si Mang Nilo para mangisda sa laot. Ang salitang
may salungguhit ay ngalan ng _______.
A. hayop B. tao C. bagay
____22. Nagtatrabaho sa talyer ang tatay ni Dante. Ang salitang talyer ay ngalan ng ______.
A. pangyayari B. pook C. bagay
____23. Taon-taon naming ipinagdiriwang ng aming mag-anak ang Bagong Taon. Alin sa sumusunod
ang salitang tumutukoy sa ngalan ng pangyayari?
A. mag-anak B. Bagong taon C. ipinagdiriwang
____24. Ang aking alagang kuneho ay malusog at mataba. Aling salita sa pangungusap ang
tumutukoy sa ngalan ng hayop?
A. kuneho B. mataba C. malusog
____25. Ang mga salitang papel, lapis, aklat at bag ay ngalan ng ________.
A. hayop B. bagay C. pook

V. Basahing mabuti ang mga pahayag. Bigyang-pansin ang mga pariralang may salungguhit kung ito
ay nagsasabing isahan, dalawahan o maramihan.

__________________26. Kinumpuni ni Mang Dindo ang kotse ni G. Fernandez.


__________________27. Sina Fely at Sandra ay namasyal sa dalampasigan.
__________________28. Nasugatan ang mga kamay ni Aling Loleng sa kakalaba ng mga damit.
__________________29. Ang anak ni Gng. Reyes ay nakapasa sa isang pagsusulit.
__________________30. Nadulas sa si Carmen dahil sa mga laruang nakakalat sa sahig.

You might also like