You are on page 1of 3

DIAGNOSTIC TEST in

MOTHER TONGUE I
S.Y.2020-2021

Pangalan ___________________________________________________ Petsa ______________________________-

Panuto: Basahing mabuti ang kuwento at sagutan ang mga tanong sa ibaba.

Ang Nawawalang si Kuting


Isang araw,naisipang mamasyal ni kuting.Tuwang-tuwa siya sa mga bulaklak
na may iba’t ibang kulay. Hindi niya napansin na nakarating siya sa parang.
Maya-maya ay biglang pumatak ang ulan. Takot na takot si Kuting. Mabilis
siyang tumakbo hanggang sa nakarating siya sa libis na parang. Nakasalubong niya si Ibon.
“ Bakit takot na takot ka? “ ang tanong ni Ibon.
“ Hindi ko alam ang daan pauwi sa amin “ sagot ni Kuting. “ Saan ka ba nakatira? “ tanong
ni Ibon. Ngunit hindi sumagot si Kuting.
“ Diyan ka na ,” at umalis na si Ibon.
Nakasalubong din niya si Aso.” Saan ang tungo mo? “ tanong ni Aso.
“ Hindi ko alam ang daan patungo sa amin ,” sagot ni Kuting.
“ Saan ka ba nakatira? “ Ngunit hindi alam ni Kuting kung saan siya nakatira.
Nakita siya ng paru-paro , ngunit hindi talaga alam ni Kuting kung saan siya nakatira.

1. Sino ang mga tauhan sa Kuwentong “ Ang Nawawalang si Kuting “ ?


A. Kuting , Ibon ,Aso at Paruparo
B. Kuting , Ibon , Pusa at Kambing
C. Kuting, Ibon ,Pusa at Ahas
D. Ibon, pusa ,aso at Paruparo

2. Piliin sa mga sumusunod ang tamang pagkakasunod-sunod ng pangyayari mula sa


kuwentong “ Ang Nawawalang si Kuting ‘’.
A.Namasyal si Kuting at nakarating siya sa parang.Masayang nakauwe si Kuting sa
bahay nila sa tulong ng mga kaibigan niya.

B.Naisipang mamasyal ni Kuting at nakarating siya sa parang.Umulan ng malakas at


siya ay natakot.Nakasulong niya si Ibon, aso , at paruparo.Hindi siya natulungan ng
mga ito sa kadahilanan hindi niya alam kung saan siya nakatira.

C.Nakarating sa parang si Kuting habang siya ay namamasyal.Tuwang-tuwa siya sa


mga halaman at mga bulaklak na kaniyang nakikita.

3. Ano kaya ang nararamdaman ni Kuting ng nawawala siya at hindi niya nalalaman
kung saan siya nakatira?
A. Masaya B. malungkot C. takot D. gulat

4. Ano kaya ang mangyayari kay Kuting?Makakauwi kaya si Kuting sa bahay nila?
A. Oo,dahil tutulungan siya ng mga nakasalubong niya na sina Ibon,Paruparo at aso.
B. Hindi, dahil hindi niya alam kung saan siya nakatira.
C. Hindi ,dahil hindi niya alam ang kanyang pangalan.
D. Oo,dahil takot na takot si Kuting.

5. Kaarawan ni Lily .Binigyan siya ng kanyang mga magulang ng bagong laruan.Ano


kaya ang mararamdaman at masasabi ni Lily ?
A. Matutuwa at magpapasalamat siya sa mga magulang niya dahil may bago
siyang laruan.
B. Matutuwa siya sa laruan.
C. Malulungkot siya .
D. Magagalit si Lily.
6. Maaga kang pumasok sa paaralan.Nakita mo ang iyong guro na si Gng Santos na
papasok sa silid-aralan.Ano ang sasabihin mo sa iyong guro?
A. Magandang Tanghali po
B. Magandang Umaga po Gng.Santos.
C. Magandang Umaga
D. Magandang Umaga Gng Santos

7. Alin sa mga sumusunod na pares ng salita na Magkasingtunog?


A. Apat - lima
B. Aso – baso
C. Bata- matanda
D. Puso – bilog

8. Alin sa mga sumusunod na letra ang may tunog ng / mmm/ ?


A. Aa B. Hh C. Ll D. Mm

9. Alin sa mga larawan ang nagsisimula sa tunog ng / b / ?


A. B. C.

10. Alin sa mga sumusunod na maliit na letra ang tumutukoy sa maliit na letrang B____?
A. b B. C. o D. y

11. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa ngalan ng tao?


A.lapis B.paaralan C.Jose D.Ibon

12. Hanapin sa baba ang ngalan ng larawan. .Piliin ang tamang sagot na titik.
A. Saging B. Santol C. Mais D. Bayabas

13. Ano ang wastong pagpapantig ng salitang bilao ?


A. bi – lao B. b- i-lao C. bil-ao D. bi- la – o

14. Pagsunod sa panuto: Isulat ang iyong buong pangalan sa loob ng kahon at isulat
naman ang iyong edad sa loob ng hugis-puso:

15. Isulat ng maayos ang Malaki at maliit na letrang Aa.


___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

Inihanda ni :
ROSALIA S. HORCA
Guro I

You might also like