You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI-Kanlurang Visayas
SANGAY NG CAPIZ
Banica, Roxas City

Panimulang Pagsusulit sa Filipino 3


Taong Panuruan: 2021-2022

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa


bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang
papel.

1. Pumunta kami sa _____ noong nakaraang Linggo para


manalangin.
A. bola B. plasa C. simbahan D. paru-paro

2. Sa anong bahagi ng aklat makikita ang pahina at paksa ng


aralin?
A. Glosari C. Talasalitaan
B. Pabalat D. Talaan ng Nilalaman

3. Gumuhit ng isang parihaba. Sa loob nito, gumuhit ng bilog at sa


loob ng bilog gumuhit ng isang bituin. Alin dito ang wastong
pagsunod sa panuto?

A. C.

B. D.

4. Bilugan ang titik ng salitang may tamang baybay sa ibaba.

A. Desyembre C. disyembre
B. Desyimbre D. Disyembre
5. Bakit ka matamlay? __________ ba ay may dinaramdam?
A. Ako B. Ikaw C. Siya D. Sila

6. Naiwan mo pala sa bahay ang krayola mo. Nakita mong may


krayola ang kamag-aral mong si Paul. Ano ang sasabihin mo
kay Paul kung manghihiram ka sa kanya ng krayola?
A. Akin na ang krayola mo.
B. Maaari ko bang hiramin ang krayola mo?
C. Pwede bang sa akin na lang ang krayola mo?
D. Maaari bang ibigay mo sa akin ang krayola mo?

7. Ito ay tumutukoy sa mga gumaganap sa kuwento.


A. Tagpuan C. Tauhan
B. Pamagat D. Katapusan

8. Basahin ang kuwento. Ayusin ang larawan batay sa tamang


pagkasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento. Isulat ang titik
ng tamang sagot.

Tuwing Linggo, nakaugalian na ng pamilyang Cruz ang


pagsisimba. Sama-sama silang pumupunta sa simbahan. Tahimik
silang nakikinig sa sermon ng pari. Pagkatapos ng misa, namasyal sila
sa parke. Nang makaramdam ng gutom, sila ay kumain sa labas.
Tuwang-tuwang umuwi ang mag-anak sa kanilang tahanan.

A. 2-3-1-4-5 C.4-3-2-5-1
B. 3-4-2-1-5 D. 1-2-3-4-5
9. Bumili ng isang boteng toyo si Agnes sa tindahan. Anim na piso
at singkwenta sentimos ang halaga nito. Inabot niya ang
sasampuin sa tindera. Binilang ni Agnes ang sukli ng tindera.
Anim na piso at singkwenta sentimos ang bilang niya.
Samaktuwid, sobra ng tatlong piso. Puwedeng-puwede na
siyang makabili sa halagang ito ng mga gamit para sa
proyekto niya sa Sining Pantahanan. Ano ang maaaring
angkop na wakas ng kuwento?

A. Hindi niya isasauli sa tindera ang sobrang sukli.


B. Isasauli niya ang sukli pero hindi lahat para may magamit
siya sa proyekto niya.
C. Isasauli niya nang buung-buo ang sobrang sukli dahil isa
siyang matapat na bata.
D. Babalik siya sa tindahan upang ibili ng kendi ang sobrang
sukli.

Panuto: Basahing mabuti ang kwento. Sagutin ang mga tanong sa


ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Mga Laro ng Lahi

Sa tuwing walang pasok ay nakahiligan na ni Roy ang


paglalaro ng mga online games sa computer shop.
Isang araw ay nagbakasyon silang mag-anak sa isang nayon
kung saan nakatira ang isa sa kanilang mga lolo at lola. Walang
kuryente sa lugar kaya pinagbabawal silang maglaro ng
cellphone.
Pagkatapos mananghalian ay nakarinig si Roy ng mga sigaw
at tuwa ng mga bata. Nang tingnan nya ito ay masayang
naghahabulan ang ang mga bata. Nagtataka siya dahil nakita
niya ang latang pinatutumba gamit ang tsinelas bago
magtakbuhan.
Lumapit si Roy sa mga bata at sumali na rin sa paglalaro. At
doon niya nalaman na Tumbang preso pala ang tawag sa larong
iyon.
Naglaro din sila ng Patintero, Tagu-taguan at Jack en Poy.
10. Anong halimbawa ng laro ng lahi ang natutunang laruin ni
Roy?

A. PSP C. Mobile Legends


B. Tumbang preso D. Patintero

11. Ang paligid na marumi ay maiwasan kung ugaliin nating


malinis ito. Alin ang magkasalungat na salita sa pangungusap?

A. marumi-malinis C. malinis-maiwasan
B. marumi-ugaliin D. malinis-paligid

Basahin ang pangungusap. Piliin ang angkop na magagandang


pananalita sa sumusunod na sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang
sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

12. Magandang araw po sa inyo. Pasensya at nahuli ang ating


pamimigay na donasyon. Sana ay naiintindihan ninyo.
Maraming salamat po.
A. Nahuli ang lahat
B. Pamimigay ng donasyon
C. Pasensya po at Maraming Salamat.
D. Naintindihan ninyo at magandang araw

13. Basahin ang tula. Alin sa mga sumusunod na pares ng salita


ang magkatugma?

Bahaghari
Iba’t ibang kulay, hugis at kulay.
Kurbang paibabaw parang suklay.
Makikita ka matapos umulan.
O bahaghari, nais kitang tingnan.

A. hugis -suklay C. umulan-tingnan


B. bahaghari- tingnan D. paibabaw – makikita
14. Suriin ang pangungusap sa ibaba upang matukoy ang
kahulugan ng salitang may salungguhit. Piliin ang titik ng tamang
sagot.

Si Isko ay mapag-impok sa pera. Hindi siya basta-basta bumibili


ng gamit na hindi kailangan.

A. matipid C. masinop
B. mapagmahal D. bulagsak

Basahin/ Pakinggan ang teksto sa kahon at sagutin ang tanong sa


ibaba pagkatapos.

Kaarawan ni Nora kahapon. May handaan sa bahay


nila. Nagluto ng pansit ang nanay. Bumili ng keyk ang tatay.
Dumating ang mga kaibigan ni Nora. May dala silang regalo.
Masayang-masaya si Nora.

15. Anong angkop na tanong ang maaari nating mabuo batay


sa nabasa/napakinggang teksto?

A. Sino ang may kaarawan?


B. Saan nanggaling ang mga kaibigan ni Nora?
C. Paano nagbihis si nora sa kanyag kaarawan?
D. Bakit mahalagang ipagdiriwang ang kaarawan ni Nora?

16. Ano ang tawag sa kagamitang panulat na


makikita sa larawan?
A. lapiz B. lapes C. lapiz D. lapis
17. “Malinamnam ang lutong tinola ni Alice.” Alin sa
pangungusap ang salitang naglalarawan?
A. Malinamnam B. Alice C. tinola D. manok

18. Ano ang paksa o tema ng sanaysay?

Edukasyon…susi sa tagumpay. Ito ang tanging yaman na


kahit kailan ay hindi mananakaw ng kahit sino man dito sa
mundo. Ito ay pinakamahalagang bagay para magtagumpay
tayo sa buhay. Ang pagkakaroon ng isang mataas na
edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang
lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang
ekonomiya. Makakamit ito sa pamamagitan ng pag-aaral
nang mabuti.

A. Epekto ng edukasyon
B. Layunin ng edukasyon
C. Kahalagahan ng edukasyon
D. Mananakaw ang edukasyon

19. Kilalanin ang salitang kilos sa pangungusap sa loob ng


kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot.

Sa Linggo ay pupunta kami sa Iloilo.

A. kami B. Iloilo C. Linggo D. pupunta

20. Anong bagong salita ang mabubuo kung papalitan ng /b/


ang unang tunog ng salita sa kahon at dadagdagan naman
ng /s / sa hulihan? lata

A. salas B. batas C. butas D. katas


Basahin ang talata sa ibaba.

Ang mag-anak ay may mga alagang hayop. Bawat isa


sa kanila ay may inalagaan. Kalabaw ang alaga ni Tatay.
Manok ang alaga ni Nanay. Si Lito ay may alagang aso. Si Ana
ay may alagang loro.

21. Alin sa mga sumusunod ang sumusuportang kaisipan sa


pangunahing kaisipan ng talata sa itaas?
A. Masaya ang pamilya.
B. Naninirahan sa bukid ang pamilya nila.
C. Masaya ang mga pamilya na may mga alaga.
D. Bawat miyembro ng pamilya ay may alagang hayop.

22. Marunong magtipid si Belita. Kinakain niya ang baong


pagkain. Iniipon niya ang baong pera. Makaraan ang isang
buwan...

A. Walang perang naipon si Belita.


B. May naipong pera si Belita.
C. Palaging busog si Belita.
D. Nagutom si Belita.

23. Ibigay ang angkop na pamagat ng teksto sa ibaba.

Nang ipatapon si Jose Rizal ng mga Espanyol sa Dapitan,


ipinangako niya sa gobernador-heneral na hindi siya tatakas.
Isang araw, hinikayat siya ni Pio Valenzuela na tumakas ngunit
tumanggi si Rizal at sinabing nakapagbibitiw na siya ng pangako
sa isang pinunong Espanyol na kailanma’y di siya tatakas.

A. Magiting si Rizal C. Ang mga Espanyol


B. Si Rizal sa Dapitan D. Gobernador-Heneral
24. Piliin ang wastong pang-abay na naglalarawan sa kilos o
galaw sa pangungusap sa loob ng kahon.

Kumakain nang ________________si Jam kaya siya


nabulunan.

A. tahimik B. mataas C. mabilis D. marahan

25. “Naging bantog na doktor si Dr. Jose Rizal dahil sa nag-aral


siya sa Alemanya.” Alin sa pangungusap ang sanhi ng
pangyayari?

A. naging bantog na doktor si Dr. Jose Rizal


B. magaling na doctor si Dr. Jose Rizal
C. nag-aral siya sa Alemanya
D. mabait si Dr. Jose Rizal

26. May balita ka ba _______________ parating na bagyo?

A. para sa C. tungkol sa
B. laban sa D. ukol sa

27. Ayusin ang mga ginulong na titik upang makabuo ng bagong


salita batay sa nakikitang larawan.

asubl

A. lubas B. basul C. blusa D. bulsa


28. Umalis ang mga magulang ni Kashmir upang magtrabaho at
naiwan silang magkakapatid sa bahay. May takdang aralin sa
Filipino ang kanyang kapatid na babae at nais niya itong
magpaturo sa kanya. Kung ikaw si Kashmir, ano ang gagawin mo?

A. Sabihin sa kapatid na bahala siya sa buhay niya.


B. Pabayaan ang kapatid at huwag pansinin ang sinasabi nito.
C. Tutulungan ang kapatid sa pagsagot sa takdang-aralin sa
abot ng makakaya.
D. Pagalitan ang kapatid at sabihing hintayin ang mga
magulang at doon magpaturo.

29. Ano ang ginagawa ni Dave tuwing umaga?


Si Dave ay __________.

A. naghihilamos C. nagsusuklay
B. nagsisipilyo D. nag-aalmusal

30. “Magluluto si nanay ng Spaghetti bukas dahil kaarawan ng


aking bunsong kapatid.” Alin sa pangungusap ang salitang
hiram?

A. bukas C. Spaghetti
B. kapatid D. kaarawan

You might also like