You are on page 1of 5

Filipino 4

Unang Markahang Pagsusulit


Pangalan:_________________________________________ Petsa: :_____________________
Baitang at Seksyon:_________________________________Iskor:_______________________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bahay, hayop, lugar at
pangyayari?

A. pang-abay B. panghalip C. pangngalan D. pang-uri

2. Masipag na mag-aaral si Gabriel. Lagi niyang ginagawa ang kanyang mga takdang-aralin. Ano
ang tawag salitang may salungguhit?

A. pang-abay B. panghalip C. pangngalan D. pang-uri

3. Bumagsak ang kabinet kaya ito nasira. Ano ang pangngalan na ginamit sa pangungusap?

A. bumagsak B. ito C. kabinet D. nasira

4. Ano ang tawag sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, at lugar at ito ay nagsisimula sa
malaking titik.

A. pambabae B. pambalana C. panlalaki D. Pantangi

5. Ano naman ang tawag sa karaniwan o pangkalahatang ngalan ng tao,bagay, hayop at lugar na
Nagsisimula sa maliit na letra?

A. pambabae B. pambalana C. panlalaki D. pantangi

6. Isang umaga ay naglakad-lakad si Princess sa parke kasama ang kanyang alagang matabang
aso. Sa may salungguhit na mga salita, alin ang pangngalang pantangi?

A. aso B. mataba C.parke D.Princess

7. Tuwing Hulyo ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Nutrisyon. Ang "Buwan ng Nutrisyon" ay
Anong pangngalan?

A. pahambing B. pang-okasyon C. pambalana D. pantangi

8. Si Dr. Jose Rizal ay tunay kong hinahangaan. Ang mga sumusunod ay mga pangngalang
pambalana para kay Dr. Jose Rizal MALIBAN sa isa. Alin ito?

A. bayani B. doktor C.manunulat D. pangulo

9. Magaling sa klase ang panganay kong anak.Ano ang kasarian ng salitang may salungguhit?

A. di-tiyak B. pambabae C. panlalaki D. walang kasarian

10. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng walang kasariang pangngalan?


A. aso B. doktor C.Maria D. niyog

11. Isang mananahi ang kaibigan ko.Ano ang kasarian ng salitang may salungguhit?

A. di-tiyak B. pambabae C. panlalaki D. walang kasarian

12. Suriin ang mga pangngalang nasa ibaba. Alin sa mga ito ang di-tiyak?

I- ate II- nars III- lolo IV- guro

A. I, II, at III B. II, III, at IV C. I, III, at IV D. II at IV

13. Yehey! Ako ay nakakuha ng kaiga-igayang marka sa pagsusulit. Ano ang kasingkahulugan ng
salitang may salungguhit?

A. pasang-awa C. mabibigyan ng pera


B. mataas na marka D. nakakaiyak na marka

14. Totoong maalinsangan kahit gabi na kaya kailangan kong maligo bago matulog. Alin sa
sumusunod ang kasalungat ng salitang may salungguhit?

A. mabanas B. makulimlim C.malamig D. matinding init sa katawan

15. Alin sa ibaba ang naglalarawan ng tagpuan sa kuwento?

A. ang tunggalian sa bakanteng lote


B. sina Felix, Jose at Gabby
C. sabado ng ika-labing isa ng Mayo sa may bakanteng lote
D. dumating ang ibang bata mula sa kalapit na barangay

Para sa aytem bilang 16-17, sumangguni sa maikling kwento sa ibaba.

“Iyak sa Halaman”
Si Ana ay mahilig sa mga hayop ngunit wala siyang alaga dahil wala siyang pambili.
Gusto niyang mag-alaga ng aso. Isang araw, habang pauwi mula sa paralan, may
narinig siyang mahinang iyak. Pumunta siya sa gilid ng daan at sumilip sa ilalim ng
halaman. May nakita siyang maliit na tuta na umiiyak at parang tinatawag ang
kaniyang nanay. Luminga-linga siya sa paligid at wala siyang nakitang aso o tao sa
paligid.

16. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?

A. Ana B. Ana at tuta C. gilid at halaman D. tuta at halaman

17. Alin sa sumusunod ang angkop na pangwakas ng kwento?

A. Tumawag si Ana ng tulong para sa tuta.


B. Hinanap ni Ana ang ina ng umiiyak na tuta.
C. Bibigyan ni Ana ng pagkain ang kawawang tuta.
D. Kinupkop ni Ana ang tuta dahil mahilig siya sa hayop.
18. Ano ang tawag sa nagsisilbing pinakabida sa kwento?

A. bida B. kontrabida C. pangunahing tauhan D. pangalawang tauhan

19. Ano ang tawag sa uri ng pagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan?

A. bibliyograpiya B. pabula C. maikling kwento D. tula

20. Ano ang tawag sa bahagi ng kuwento na kung saan matatagpuan ang maaksiyon na mga
pangyayari?

A. kasukdulan B. katapusan/wakas C. pamagat D. simula

Para sa aytem bilang 21-23, mangyaring sumangguni sa balitang nasa ibaba. Pagkatapos sagutin
ang mga katanungan.

Ambo, humina bilang low pressure area


ABS-CBN News | Mayo 17, 2020

Tuluyan nang humina ang bagyong Ambo at isa na lang ngayong low pressure area (LPA), sabi
ngayong Linggo ng state weather bureau na PAGASA.
Sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 125 kilometro
sa hilagang kanluran ng Basco, Batanes. Inalis na rin ang Signal No. 1 sa Batanes pero
inaasahan pa ring makararanas ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan doon.

Pinapayuhan pa rin ang maliliit na sasakyang pandagat lalo na sa Batanes at Babuyan Islands na
huwag munang pumalaot. Nasa 4 ang naiulat na namatay sa Eastern Samar sa kasagsagan ng
bagyo habang isa naman sa Quezon province, ayon sa mga lokal na awtoridad.

21. Tungkol saan ang nabasang isyu o balita?

A. bagyong Ambo B. bagyong Reming C. bagyong Sining D. bagyong Yolanda

22. Anong sangay ng pamahalaan ang nanguna sa pagbibigay ng impormasyon para payuhan
ang mga tao tungkol sa naturang bagyo?

A. DAR B. NASA C. PAGASA D. PHILVOCS

23. Sa tingin mo ba’y malaki ang naitulong ng nasabing sangay o ahensya sa mga tao?

A. Opo, dahil sila ang nagbibigay impormasyon tungkol sa panahon.


B. Hindi, dahil nagbibigay lamang sila ng kaba mamamayan ng ating bansa.
C. Marahil ay isa lamang ito sa mga ahensya ng gobyerno na walang silbi sa bayan.
D. Hindi ako sigurado dahil wala naman akong pakialam sa mga sangay o ahensya.

24. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng opinyon?

A. Mukhang nakakatakot naman yata


B. Para sa akin, mali ang kanyang naging desisyon.
C. Kung ako ang tatanungin, hindi iyon ang aking isasagot
D. Oo. At saka mayroon pa. Malalaman mong nahawaan ka na nito kung nakaranas ka ng
mga sintomas tulad na lamang ng mataas na lagnat, pag-ubo, at marami pang iba
25. Ibinalita sa radyo na bawal lumabas ng bahay dahil sa kumakalat na virus na nagdudulot ng
sakit. Ano ang gagawin mo?

A. Lalabas ng bahay at pupunta kahit saan.


B. Makikinig sa babala na hindi lalabas ng bahay.
C. Hindi susunod at isasawalang bahala lamang ito.
D. Lalabas ng bahay at makikipag-usap sa kapit-bahay

26. Si Jemerson at ako ay magbibigay ng donasyon sa mga apektado ng Bulkang Taal. _____ ay
bibili ng pagkain at magbibigay ng mga lumang damit.

A. Ikaw B. Kami C. Sila D. Tayo

27. Pupunta sina Kim, Kieth, Myla, at Roda sa Mall. _____ ay manonood ng sine.

A. Ako B. Ikaw C Kami D. Sila

28. “Maglakad na lang _____ pauwi,” sabi ni Renz sa kanyang mga kapatid.

A. ako B. ikaw C.kami D.tayo

29. _____ po ang lasa ng ampalaya?

A. Ano B. Ilan C. Magkano D. saan

30. _____ bang basket ang naiwan sa palengke?

A. Ano B. Kanino C. Sino D. Saan

31. _____ ang mga kasapi sa paligsahan sa pagkanta at pagsayaw?

A. Alin-alin B. AnU-ano C. Saan- saan D. Sino-sino

32. “Bilisan mo ang iyong paglalakad. Nakikita mo ba ang punong iyon? _____ ang aming
bahay.” ang sabi ni Marlo sa kaniyang kaibigan.

A. Dito B.Doon C. Ito D. Iyon

33 “Ano iyang hawak mo Jemerson?” sabi niya sa kaniyang kapatid. “_____ ay ang regalong
ibibigay kay Nanay sa kaniyang kaarawan”, tugon niya.

A. Doon B. Ito C. Iyan D. Iyon


34. _____ sa punong ito ako madalas magpalipas ng oras kasama ng aking alagang aso.

A. Ayon B. Dito C. Doon D. Diyan

35. Ang _____ ay pumalakpak matapos siyang umawit.

A. isa B. madla C. magkanoman D. sinuman

36. _____ ay maaaring lumahok sa patimpalak sa balagtasan.

A. Anuman B. Kailanman C. Saanman D.Sinuman

37. Suriing mabuti ang bawat pangungusap. Alin ang may tamang pagkagamit ng panghalip na
panaklaw?

A. Kukunin ko siya saanman ang mangyari.


B. Anuman ay hindi ako susuko sa aking pangarap.
C. Dapat buong lahat ay dumalo para maiwasan ang pagkakasakit.
D. Bawat-isa ay bumati sa kaniyang pagwawagi sa timpalak sa pag-awit.

Para sa aytem bilang 38-40 Panuto: Basahin at gawin ang panuto o hakbang sa ibaba.

 Una, gumuhit ng isang malaking bilog sa gitna ng kahon

 Mag–isip ng isang salita na maitatawag mo sa taong tumutulong at nagsisilbi sa bayan para


sa kaligtasan ng bawat mamamayang Pilipino ngayong nasa panahon ng krisis sa COVID 19.
at isulat nang malaki ang salitang naisip mo sa bahaging itaas ng kahon.

 Sa gitna ng bilog, isulat ang maikling mensahe para sa mga taong ito na nagsasakripisyo para
sa bayan.

You might also like