You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

Ikaapat na Panahunang Pagsusulit sa Filipino 3


SY: 2022-2023

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang
sagot.

1. Bago ang suot na __________ ni Ana sa kayang kaarawan.Anong salitang


klaster ang angkop sa pangungusap?
A. sapatos B. hikaw C. singsing D. blusa

2. Alin sa mga sumusunod na salita ang salitang klaster?


A. kwintas B. lakas C. batas D. hiyas

3. Ang mga sumusunod na salita ay may diptonggo maliban sa isa. Ano ito?
A. Kalabaw B. Kahoy C. Kasuy D. Kangkong

4. Malamig ang simoy ng hangin tuwing Enero. Anong salita sa pangungusap


ang may diptonggo?
A. malamig B. hangin C. simoy D. Enero

5. Kailangang sipiin nang wasto at maayos ang talata upang ito ay


__________________.
A. maintindihan C. maging magand
B. hindi maunawan D. wala sa nabanggit

6. Si dr. jose rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas. Siya ay isang matapang
at matalinong bayani. Anong salita mula sa pangungusap ang hindi wasto ang
pagkakasulat.
A. Pilipinas B. dr. jose rizal C. bayani D. matapang

7. Inutusan ni Aling Beth ang kanyang apong si Mika upang bumili ng toyo sa
tindahan. Labis ang naisukli kay Mika at binalik niya ito sa tindera. Kung ikaw
si Mika, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?
A. Opo, dahil dapat lagi tayong matapat
B. Opo, pero hindi lahat ng labis ang ibabalik ko.
C. Maaaring hindi na po dahil labis naman.
D. Dahil hindi ko naman kasalan iyon.

8. Sina Carding ay bagong lipat sa elementarya. Tahimik lamang siya kaya’t


nilapitan siya ng kanyang mga kaklase para makipagkaibigan. Kung ikaw si
Carding ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko sila papansinin.
B. Kakausapin ko sila at makikipagkaibigan din.
C. Ngingiti lang ako at hindi magsasalita.
D. Titignan ko lang sila.
9. Ano-ano ang bumubuo sa isang talata?
A. salita C. mga salitang naglalarawan
B. mga salita at parirala D. mga pangungusap na magkakaugnay

10. Kung ikaw ay susulat ng isang talata, ano ang dapat laging nakapasok?
A. katawan B. huling salita C. gitnang salita D. unang salita

11. Anong bahagi ng talata ang may mas malaking palugit o margin?
A. ibaba B. kanan C. kaliwa D. gitna

12. Ang mga mag- aaral sa ikatlong baitang ay ______________ ng kanilang mga
babasahin tuwing umaga. Anong salitang kilos ang angkop na ilapat sa
pangungusap?
A. nagbabasa B. nagluluto C. nakikinig D. naglalaro

13. Laging __________________ ng tiktok ang magkakaibigan sa tuwing sila ay


magkakasama. Ano ang angkop na salitang kilos sa pangungusap?
A. naglalaro B. naglilinis C. nagsasayaw D. bumibili

14. Ang magkapatid ay nagsasampay ng kanilang damit sa likod ng bahay. Anong


salitang kilos ang ginamit sa pangungusap?
A. nagsasampay B. magkapatid C. damit D. bahay

15. May pasalubong ang ate ko na doughnut nang umuwi siya galing sa isang
Mall. Ano ang salitang hiram sa pangungusap?
A. doughnut B. umuwi C. pasalubong D. Ate

16. Si Charlie at kapit- tuko sa kanyang ina tuwing nasa mall. Ano ang tinutukoy
ng salitang “kapit-tuko”?
A. ayaw kumapit C.mahigpit ang pagkakakapit
B. gustong kumapit D. maluwag ang pagkakakapit

17. Si Sara ay balat-sibuyas kaya’t siya ay lagging umiiyak sa tuwing tinutukso ng


mga kaklase. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
A. Maramdamin C. Manipis ang balat
B. Maputi D. Mapula ang balat

18. Nakita ni Marylyn na maraming nakakalat na basura sa bakuran ng kanilang


paaralan. Ano ang gagawin niya upang luminis ito?
A. Ipalilinis sa kanilang dyanitor.
B. Titingnan at panoorin lamang.
C. Uutusan at ipalilinis niya sa kanyang kamag-aral
D. Pupulutin niya ito at ilalagay sa tamang lagayan

19. Habang naglalakad kayo ng kaibigan mo papuntang paaralan, napansin


ninyong may nag-aaway na mga bata sa kalye. Ano ang dapat ninyong
gawin?
A. tatawag ng tanod at ipapahuli
B. pababayaan lamang na magkasakitan
C. pagbabatiin at pagsasabihan na hindi tama ang kanilang ginagawa
D. panunuorin ang kanilang away

20. Sa mga nagdaang bagyo marami ang nasira ang bahay. Kung nababalita sa
radyo o telebisyon ngayong umaga na may paparating na bagyo, ano ng iyong
mabuting gawin?
A. Magdadasal upang hindi matuloy ang bagyo.
B. Ihanda ang amga dapat maihanda para sa parating na bagyo.
C. Hayaan ang mga magulang na sila ang maghanda.
D. Matutulog na lamang at hayaang lumipas ang bagyo

Panuto: Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

Kaarawan ni Carlo

Araw ng Sabado, Pebrero 15, ang ika-9 na kaarawan ni Carlo. Sabik na sabik si Carlo na
mag- alaskwatro ng hapon sapagkat ito ang simula ng kanyang munting salu-salo. Taon- taon ay
ipinagdirawang nila ito bilang pasasalamat sa Panginoon.
Maya- maya ay darating na ang kanyang mga bisita, ang kanyang mga kaibigan at malalapit
na kamag- anak. Kitang- kit ani Caro ang pagtutulungan ng kanyang pamilya sa pag- aasikaso
para sa kanyang party. Abalang- abala ang kanyang pamilya, ang kanyang ina ay sa pagluluto,
ang mga kapatid naman ay sap ag- aayos ng mga silya at mesa at ang kanyang ama ay abala
naman sap ag- aayos ng mga gagamitin sa palaro.
Dumating ang oras na pinakahihintay ni Carlo at isa-isa nang dumarating ang mga bisita.
Nagsimula na ang pagdiriwang at masayang- masaya ang lahat.

21. Sino ang may kaarawan?


A. Nanay B. Carlo C. Kuya D. Tatay

22. Kailan ang kaarawan ni Carlo?


A. Pebero 13 B. Pebrero 14 C. Pebrero 15 D. Pebrero 16

23. Sino- sino ang mga darating na bisita ni Carlo?


A. mga kaibigan lang
B. mga kamag- anak lang
C. mga kaibigan at malalapit na kamag- anak
D. Wala

24. Bakit ipinagdiriwang ni Carlo ang kaniyang kaarawan taon- taon?


A. Upang magpasalamat sa Panginoon
B. Dahil marami silang pera
C. Dahil gusto lang ng niya at ng kanyang pamilya
D. Para maraming matanggap na regalo taon- taon

25. Anong damdamin ang ipinakita sa talatang binasa?


A. Masaya B. Malungkot C. Galit D. Takot

26. Ano ang pangunahing kaisipan ng talata?


A. Ang munting Salu- salo ng pamilya
B. May mga darating na bisita
C. Abala ang buong pamilya
D. Ang masayang kaarawan ni Carlo

27. May iba’t-ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay kapayapaan at ang
pula ay katapangan. Pag-ibig naman ang ang kahulugan ng rosas at panibugho
naman ang dilaw. Kasaganaan naman ang berde at kalungkutan ang itim.
Marami pang kulay ang may kahulugan. Ano ang paksa ng talata?
A. Mga kulay ng Buhay
B. Rosas ang simbolo ng pag-ibig
C. Iba’t-ibang kahulugan ng kulay
D. Kulay ng kapayapaan

28. Si Marissa ay isang magaling na manunulat. Kinagigiliwan ng kanyang mga


guro ang kanyang mga sulatin. Kapag siya ay sumusulat parang dinadala ka
niya sa mas malawak na imahinasyon. Tunay na siya ay mahusay. Ano ang
paksa ng talata?
A. Si Marissa
B. Magaling na manunulat si Marissa
C. Sulat Ni Marissa
D. Imahinasyon ni Marissa

29. Umakyat ang elebeytor sa ika-anim na palapag. Iyon ang pinakahuling


palapag. Lulang- lula ako habang paakyat ang elebeytor. Parang mawawala
ang laman ng tiyan ko habang pababa ito. Ano ang pangunahing paksa ng
maikling sitwasyon?
A. Ang mataas na gusali
B. Ang pagsakay sa elebeytor
C. Ang mga taong sumasakay sa elebeytor
D. Ang pagtaas at pagbaba ng elebeytor

30. Ano ang dapat gawin upang matukoy ang paksa ng napakinggang talata o
kuwento?
A. Pakinggan lamang nang mabuti ang unang pangungusap nito.
B. Pakinggang mabuti ang buong talata o kuwento
C. Pakinggan lamang nang mabuti ang hulihang pangungusap nito.
D. Pakinggan ngunit di- maunawaan

You might also like