You are on page 1of 7

SANTIAGO ELEMENTARY SCHOOL

Solsona District

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT


SA FILIPINO 4

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.

1.Ang pagbabalangkas ay ______________________.


A. maayos na pagtatala,
B. paghahanay, o pagsasaayos ng mga pangunahing kaisipan, impormasyon, at
kaalaman
C. ginagamitan ito ng mga numero, titik, o dayagram.
D. lahat ng nabanggit

Basahin ang seleksyon sa baba para sa bilang 2 at 3.

Si Leslie ay masipag gumawa ng kanyang takdang-aralin. Tuwing hapon bago siya


maglaro ay gingawa muna niya ang kanyang takdang aralin. Tumutulong din siya sa
gawaing bahay kaya naman tuwang-tuwa ang kanyang magulang. Ipinagmamalaki siya
sapagkat siya ay mabait at masunuring anak. Si Leslie rin ay mapagmahal na anak.

2. Ano ang paksa ng seleksiyon?


A. Ang magagandang ugali ni Leslie.
B. Ang paglalaro ni Leslie.
C. Ang pag-aaral ni Leslie.
D. Ang takdang-aralin n I Leslie.

3. Alin dito ang pansuportang kaisipan mula sa binasa?


A. Nagluluto muna siya.
B. Ginagawa muna niya nag knyang takdang aralin.
C. Nag-iigib muna siya ng tubig.
D. Nagwawalis muna siya sa kanilang bakuran.

4. Ano ang tawag sa sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon hinggil


sa isang tiyak na paksa o suliranin?
A. Pagbabalita C. Pagtatanong
B. Pangangalap ng Impormasyon D. Pagsusulat

5. Naisip mong mayroon pang ibang anggulo o pananaw na dapat maipaliwanag sa


isyung tinatalakay. Alin dito ang maaari mong gamiting panimulang pahayag?
A. Iniisip kong….. C. Batay sa…..
B. Sa isang banda….. D. Sang ayon sa…..
6. Huwag mo nang ikubli kung anuman ang nagawa mong kasalanan dahil malalaman
ko din kung ano iyon.Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. ilagay B. isigaw C. itago D. ibaon
7. Alas dose ng tanghali habang naglalakad si Marcelo pauwi sa kanilang bahay ay
biglang umihip ang malakas at malamig na hangin. Maya-maya pa ay dumilim na ang
kalangitan. Mabilis na tumakbo si Marcelo pauwi ng bahay dahil
____________________________.
A. Ayaw niyang abutin ng gabi sa kalsada.
B. Malapit nang bumagsak ang ulan.
C. Natatakot siya sa dilim.
D. Giniginaw siya.

Para sa bilang 8-9. Basahing mabuti ang usapan nina Juan at Ted at sagutin ang mga
katanungan tungkol dito.
8. Base sa iyong binasa, alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasabi ng
katotohanan?
A. Parang may mali Juan.
B. Ted, palagay ko ay tama ka nga!
C. Hindi ba dapat ay “Pag-gunita sa Ika-121 Araw ni Rizal?”
D. Ang Ika-30 ng Disyembre ang araw ng kamatayan ni Rizal.

9. Ano ang maaring gawing pamagat ng usapan nina Juan at Ted?


A. Ang Pagdiriwang ng ika-121 Araw ni Rizal.
B. Ang Pinagkaiba ng “Pagdiriwang” at “Paggunita”
C. Ang Dalawang Magkaibigan.
D. Ang Aming Alay kay Rizal.

10. Anu- ano ang mga dapat nating isaalang -alang sa pagsusulat ng iskrip sa panradyo
o teleradyo?
A. Huwag banggitin ang station I.D.
B. Huwag maghandog ng infomercial.
C. Pagsabi ng oras ng pagsasahimpapawid o broadcast.
D. Hindi na kailangang ilahad ang detalye sa paunang balita.

11. Tumutukoy ito sa mga ulo o pangunahing balita.


A. Headline B. Anchor C. Plug out D. Plug in

12. Ang pagbubuod o paglalagom ay____________.


A. Ang pagsulat o pagsasalaysay muli sa isang akda.
B. Hindi nagtataglay ng pansariling opinyon.
C. Ito ay maikli ngunit malaman at nagpapahayag ng pinakadiwa nito.
D. Lahat ng nabanggit.

13. Gamit ang mga numerong katumbas ng bawat letra na nasa ibaba ay sagutin ang
katanungan.
A=1 B=2 C=3 D=4 E=5 F=6 G=7 H=8 I=9 J=10 K=11 L=12 M=13
N=14 O=15 P=16 Q=17 R=18 S=19 T=20 U=21 V=22 W=23 X=24 Y=25 Z=25
Anong salita ang mabubuo sa mga numerong ito?
11 - 1 - 18 - 1 - 16 - 1 - 20 - 1 - 14
A. karapatan C. kasayahan
B. kaibigan D. kabayanihan

14.Tumutukoy ito sa uri ng balangkas na binubuo ng salita o parirala lamang dahil


matipid ito sa pananalita o pahayag at madalas itong ginagamitan ng mga pangngalang-
diwa.
A. Balangkas na papaksa C. Balangkas na patalata
B. Balangkas na pangugusap D. Balangkas na parirala
15. Ito ay hakbang sa pangangalap ng impormasyon na may tuloy-tuloy ang pagsulat ng
kaisipan o ideyang dumadaloy sa kaisipan?
A. Balangkas C. pangangalap-tala
B. pagsusulat ng burador D. Pagwawasto at pagrerebisa

16. Nais mong ilahad sa iyong kausap ang pananaw ng isang eksperto tungkol sa isyung
inyong pinag-uusapan. Paano mo ito uumpisahan?
A. Ayon kay C. Sa kabilang dako
B. Sa aking palagay D. Alinsunod sa

17. Laganap ngayon ang fake news sa social media. Alin ang pinaka mainam na gawin
upang hindi mabiktima ng maling impormasyon?
A. Ipagsabi agad sa mga kapitbahay.
B. Ipasa agad sa iba ang natanggap na mensahe para hindi malasin.
C. Isipin na mali ang lahat ng impormasyong nagmumula sa social media.
D. Mag-research gamit ang internet o mga aklat upang malaman kung totoo
ang pahayag o hindi.

18. Ang pamilya ay isa sa pinakamahalagang antas sa ating Lipunan. Sa dami ng


pagsubok na dumarating dapat umiiral pa rin ang pagmamahal sa bawat isa. Pagkakaisa
at pagtutulungan ang kailangan upang tumibay ang samahan. Anumang pagsubok ang
kaharapin dapat maging matatag ang bawat isa. Sapagkat ang pamilya ay biyaya ng ating
Panginoon. Ano ang tinatalakay?
A. Pagmamahalan C. Ang Pamilya
B. Pagkakaisa D. Biyaya ng Panginoon

19. Labis na ang pagdarahop na nararanasan ng ating mga kababayan sa Bicol. Halos
wala na silang makain dahil natuyo na lahat ang kanilang mga pananim.Ano ang ibig
sabihin ng pagdarahop?
A. pagka-inis C. pagkatuwa
B. paghihirap D. pagsusumikap

20. Ito ay tumutukoy sa isang uri ng pagsulat na nangangailangan ng masusi at matalas


na kaalaman.
A. Malikhaing Pagsulat C. Pakikipagtalastasan
B. Pakikipag-usap D. Pakikipanayam

Tulungan si Maricar sa pagbibigay ng panuto gamit ang pangunahin at pangalawang


direksiyon sa tulong ng isang mapa sa ibaba.
21. Si Maricar ay bibili ng kape at bigas sa tindahan. Ibigay ang panuto.
A. Pumunta sa Timog Silangang direksyon upang bumili ng kape at bigas sa
tindahan.
B.Baybayin ang hilagang direksyon upang marating ang simbahan.
C.Pumunta sa Timog Kanlurang direksyon upang marating ang aklatan.
D. Pumunta sa Hilagang Silangan

22. Aling pangungusap ang angkop na gamitin kung may ipakukuha kang gamit sa
iyong kaklase?
A. Kuhanin mo nga iyong aklat ko sa mesa.
B. Hanapin mong madali ang aklat ko!
C. Asan na ang ipinakukuha kong aklat sa iyo?
D. Pakikuha mo nga ang aking aklat na nasa mesa.

23. Ano ang kahulugan ng produkto?Ang produkto ay ___________.


A. ang bagay na ibinebenta.
B. ang pagbebenta ng tindera.
C. pagpapakilala ng produkto.
D. tumutukoy sa serbisyo at bagay na ibinebenta o ibinibigay

24. Upang maging matagumpay ang pagsasalaysay ng sariling karanasan, mahalagang


gumamit ng mga ______.
A. Pangungusap na umiikot lamang sa napiling paksa.
B. Wasto at angkop ang pangungusap.
C. Ibat-ibang uri ng pangungusap.
D. Lahat ng nabanggit.

25. Nabangga mo ang isang kamag-aral at nahulog ang knyang mga gamit.
Ano ang sasabihin mo gamit ang magalang na pananalita?
A. Kumusta, kumain ka na ba nga agahan?
B. Paumanhin kaibigan, hindi ko sinasadya.
C. Pwede ko bang hiramin ito?
D. Magandang araw po.
26. Ano ang sasabihin mo kapag may dumating na panauhin sa inyong silid -aralan?
A. Sorry nasaktan ka ba?
B. Maaari po ba akong lumabas?
C. Maaari ko bang hiramin ang aklat mo?
D. Mabuhay! Maligayang pagdating po sa aming paaralan.
27. Tukuyin kung anong sanggunian ang tinutukoy. Dito nalalaman/nababasa ang mga
nangyayari sa loob at labas ng bansa araw-araw.
A. Encyclopedia C. Pahayagan
B. Atlas D. Almanac

28. Bakit mahalaga ang pagpapayaman sa kakayahan sa paglalagom?


A. Natututuhan ang pagtitimbangtimbang ng mgakaisipang nakapalob sa
binabasa.
B. Nahuhubog ang kakayahan ng magaaral na humabi ng pangungusap at
talata.
C. Natututunang masuri ang nilalaman ng tekstong nabasa.
D. Lahat ng nabanggit

29. Anong pangungusap ang iyong sasabihin sa isang bago mong kamag-aaral?
A. Hoy, sino ka? C. Ano ang iyong pangalan?
B. Saan ka galing? D. Bakit ka lumipat ng paaralan?
30. Ang lahat ng mga pahayag sa ibaba ay opinyon maliban sa isa. Alin sa mga pahayag
ang katotohanan?
A. Para sa akin, bayani ang mga doktor at nars.
B.Sa tingin ko, mahalaga na maipagpatuloy ang pag-aaral kahit na
mayroong pandemya.
C. Sa aking palagay, mahirap mag-aral kapag hindi kaharap ang guro at
mga kaklase.
D. Ayon sa World Health Organization, kailangang mabakunahan ang
70% ng populasyon upang maprotektahan ang mga mamamayan laban sa
COVID-19.

31. Maaga pa ay gising na ang lahat ng tao sa bahay nila Mang Edgar. Abalang-abala ang
lahat sa pag-aayos at paghahanda. Lahat ay masaya at nakabihis ng magagandang
damit. Naghahanda na sila papunta sa simbahan. Nakasuot ng magandang damit na
kulay puti si Maricar. Ito ang araw na pinakahihintay ni Maricar ang kanyang kasal.

Ano ang paksa?


A. Paggising ng Pamilya ni Mang Edgar
B. Araw na Pinakahihintay na Kasal.
C. Pag-aayos ng Pamilya ni Maricar.
D. Ang pamilya ni Mang Edgar.

32. Nakatutulong upang malaman ang kahulugan, baybay, bigkas at bahagi ng


pananalita ng isang salita ang _________.
A. encyclopedia C. atlas
B. almanac D. diksyunaryo

33. Alin ang pangungusap na gagamitin mo sa pagpapakilala ng produkto?


A. Naku! Hindi ko alam ang mga aralin na iyan.
B. Masarap ang aming produkto na mais con yelo.
C. Nahanap mo na ba ang sapatos?
D. Maayos ang tiklop ng banig.

34. Isang umaga, dumaan si Anna sa bahay ng pamilya Cruz upang ayain si Karen na
magsanay ng kanilang sayaw para sa pagtatanghal sa kanilang paaralan. Tumawag sya
sa labas ng gate at lumabas ang nanay ni Karen.

“Magandang umaga po Ginang Cruz. ______________ si Karen?”


A. Nandiyan ba C. Nakaalis na ba
B. Nandiyan po ba D. Isasama ko po

35. Sa pagsulat ng patalastas, ano ang maaari mong gamitin na pangungusap?


A. Pasalaysay
B. Patanong
C. Pakiusap
D. Lahat ng nabanggit

36. Anyo ng pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at


pagbibigay ng mga halimbawa.
A. Paglalahad C. Pagsasalaysay
B. Paglalarawan D. Pangangatwiran
37. Yehey! Malapit na ang bakasyon! Anong uri ng pangungusap ayon sa gamit ang
pahayag?
A. pautos C. pasalayasay
B. padamdam D. patanong
38. Tawag sa isang pagtatalo ng dalawang koponan o pangkat na magkakatwiran sa
isang proposisyong napagkasunduan nilang pagtalunan.
A. pkikipagdebate C. pakikipag-away
B. pakikipagkaibigan D. pakikipanayam
39. Araw ng pagsusulit sa paaralan ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nawalan
ng sulat ang ballpen ni Jermayne. Kailangang humiram siya ng ballpen sa kaklase
niyang si Jasper.
A. Jasper, pahiram naman ako ng ballpen. Hindi ba pag ikaw naman ang
walang ballpen ay pinapahiram din kita?
B. Jasper, maaari ba akong makahiram ng ballpen?
C. Hoy Jasper! Pahiramin mo naman ako ng ballpen.
D. Jasper, may extra ka pang ballpen? Pahiram naman ako.

Basahin at unawaing mabuti ang patalastas. Pagkatapos sagutin ang tanong.

Mare 1: Mare, ano yang gamit mong sabon sa paghugas ng inyong mga
kamay?
Mare 2: Ito mare, mura na! Mabango pa sa kamay!
Mare 1: Sigurado ka ba diyan na tanggal ang mga germs? Tandaan mo
mare, ang importante yung sabon na maaalis ang mga mikrobyo sa
ating kamay. Subukan mo ito!
Mare 2: Wow! Mare, Malunggay Soap?
Mare 1: Oo mare, subok na ito 100% nakatatangal ng germs sa ating mga
kamay. Kaya ito na ang gamitin ng iyong pamilya Malunggay
Soap, 100% germs protection

40. Ano ang paksa ng patalastas?


A. Sabon na panghugas sa kamay
B. Sabon na pampaputi
C. Sabon na panlaba
D. Sabon na pampaganda
ANSWER KEY
1. D
2. A
3. B
4. B
5. B
6. C
7. C
8. C
9. A
10.B
11.A
12.D
13.A
14.A
15.B
16.A
17.B
18.C
19.B
20.A
21.A
22.D
23.D
24.D
25.C
26.D
27.C
28.D
29.B
30.D
31.B
32.D
33.B
34.B
35.D
36.A
37.B
38.A
39.B
40.A

You might also like