You are on page 1of 7

FILIPINO 6

Ikalawang Markahang Pagsusulit


SY: 2019 – 2020

Pangalan: _______________________________________________________Eskor:________________
Paaralan: _______________________________________________________ Petsa: _______________
Guro: _____________________________________________________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may wastong gamit ng kayarian ng


pang-uri?
A. Ang bulaklak ay bango.
B. Mababait ang aking kuya Ronnie.
C. Siya ay naliligo sa isang malalawak na ilog.
D. Humingi ng tulong sa kanyang kaibigan ang babaeng litung-lito.

2. Ang sumusunod na mga pangungusap ay wasto ang paggamit ng kayarian ng pang-


uri MALIBAN SA ISA.
A. Ang bata ay payat na payat.
B. Kumain si Maria ng masarap na cake.
C. Si Clarissa ay tinaguriang balat –sibuyas.
D. Matangkad ang lapis na ginamit ni Nena.

3. Mas mahaba ang tungkod ni Lola Mila kaysa tungkod ni Nanay Chita. Alin sa mga
sumusunod ang pang-uri?
A. kaysa
B. Lola Mila
C. mas mahaba
D. tungkod

4. Suriin ang wastong paggamit ng salitang magsimbigat sa pangungusap.


A. Ang sakong karga ni Heart ay magsimbigat.
B. Tatlo sa kanila ay magsimbigat ang kargang sako.
C. Pinakamagsimbigat ang kargang sako ni Geo sa lahat.
D. Magsimbigat ang mga sakong karga ng dalawang magsasaka.

5. Kung pabubuuin ka ng pangungusap gamit ang salitang pinakamaiksi, alin sa mga


sumusunod ang wasto para sa iyo?
A. Ang buhok ni Kim ay pinakamaiksi.
B. Pinakamaiksi ang buhok ni Claire sa kanilang tatlo.
C. Pinakamaiksi ang buhok ni Sarah kaysa kay Mitch.
D. Si Terry ang may pinakamaiksi ang buhok sa kanilang dalawa.

6. Isang matandang kapitbahay ang naawa sa bata at kinumbinse siyang doon na lamang
tumira. Ang matandang kapitbahay ay isang _______ na tao.
A. maawain
B. magalang
C. masipag
D. maunawain

7. Makikita sa aklat na ito ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng isang salita.


A. almanac
B. atlas
C. diksyunaryo
D. ensayklopidya
8. Ang Enero at Abril ay hiram na salita na ang ibig sabihin ay _______________.
A. ginagamit sa ID
B. pangalan ng tao
C. buwan ng isang taon
D. mga kulay sa buhay

9. May iba’t ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay kapayapaan at ang pula ay
katapangan. Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosas at panibugho naman ang dilaw.
Kasaganaan naman ang berde at kalungkutan ang itim. Marami pang kulay ang may
kahulugan. Kung sakaling bibigyan mo ng paksa ang iyong binasang talata, ano ito?
A. Ang Magagandang Kulay
B. Kahalagahan ng Bawat Kulay
C. Kulay Asul, Pula, Berde at Dilaw
D. Iba’t ibang Kahulugan ng Bawat Kulay.

10. Nakita mo ang iyong guro sa mall. Ano ang sasabihin mo?
A. Teacher kamusta?
B. Halaka si Teacher.
C. Aalis na ako teacher.
D. Magandang umaga po teacher.

11. Ang problema sa solid waste ay dahil sa hindi wastong pagsasaayos at pagtapon ng mga
basura. Hindi nahihiwahiwalay ang mga kagamitang pwede pang gamitin at ang mga
basura ay nakahalo sa isa’t isa. Maaaring magdulot ito ng sakit at pagkabaha. Bilang
mag-aaral, paano mo ito mabibigyan ng solusyon?
A. Magtatapon pa rin ng mga basura kahit saan.
B. Disiplinahin ang sarili bago gumawa ng desisyon.
C. Magbibigay ng libreng gamot sa mga taong may sakit.
D. Paghihiwahiwalayin ang basurang nalalata, di-nalalata at mga kagamitang pwede
pang gamitin.

12. Si Faith ay tinuring ng kanyang mga magulang na tila isang prinsesa kaya’t siya ay
lumaking alipugha. Ibigay ang kasalungat ng salitang may salungguhit.
A. magalang na anak
B. malambing na bata
C. mapagmahal na bata
D. responsable na anak

*Basahin ang talaarawan na nasa kahon.

Sabado, Desyembre 20, 2018


Ang pagdalaw ko sa pinsan kong si James ay isang kasiya-siyang
karanasan. Tuwang-tuwa si James at ang mga magulang niyang sina Tita Lyca at Tito Sam
nang ako ay bumisita sa kanila. Buong maghapon kaming nagkwentuhan at nagtawanan.
Pinaghanda nila ako ng masasarap na pagkain at talagang ako’y nasarapan at busog na
busog.

13. Anong karanasan ang inilalahad ng may akda sa talaarawang ito?


A. Sobrang busog dahil sa nasarapan sa pagkain.
B. Buong maghapon na nagkwentuhan at nagtawanan.
C. Ang kasiya-siyang pagdalaw niya sa kanyang kaibigan.
D. Taos pusong pagtanggap ng kanyang Tita Lyca at Tito Sam.

Linggo, Desyembre 21, 2018


Tahimik at mapayapa ang bayan ng pinsan kong si James. Bihirang-
bihira ang nakawan at bihira rin ang mga lumabag sa batas sa bayan nila. Kampante kaming
lahat na maglakad kahit gabi dahil lagi ring pumapatrolya ang mga kapulisan. Walang taong
suwail o pasaway. Lahat ay may disiplina kaya maayos, maganda at maunlad ang kanilang
bayan.

14. Batay sa talaarawang ito, nagiging maayos at maunlad ang kanilang bayan, MALIBAN SA
A. Bihirang-bihira ang nakawan
B. Walang taong suwail o pasaway.
C. Tahimik at mapayapa ang bayan.
D. Maraming lumabag sa batas sa bayan nila.

15. Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong upang mapanatiling mapayapa at maunlad


ang inyong bayan?
A. Tumigil sa pag-aaral at magprotesta.
B. Makikipag-away sa kapitbahay anumang oras.
C. Sumunod sa batas at tumulong sa mga gawain.
D. Magnakaw minsan para may pambili ng pagkain.

16. Basahin ang mga pangungusap na nasa loob ng kahon at ibigay ang wastong
pagkakasunod-sunod nito ayon sa pangyayari.

1. Isang araw ay lumabas siya sa kanyang lungga upang maghanap ng makakain.


2. Kumaripas ng takbo papalayo ang daga.
3. Sa gubat ay may nakatirang isang munting daga.
4. Bigla, nakita niya ang isang munting daga.
5. Nagmamakaawa ang daga at nangako na magagantihan niya ang kabutihan ng
leon baling araw.

A. 1-3-4-5-2
B. 4-1-3-2-5
C. 3-1-4-5-2
D. 2-1-5-4-3

*Basahin ang isang anekdota.

17. Sino ang dinala sa ospital?


A. Pangulong Aquino
B. Pangulong Duterte
C. Pangulong Quezon
D. Pangulong Ramos

18. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Pangulong Quezon, huli na nang nalaman mo na ang
iyong panauhan pala ay ang kaibigan mong pari, ano ang gagawin mo?
A. Itikom ang bibig at magtutulog-tulugan na lamang.
B. Papagalitan ang nars dahil mali ang pagkakasabi nito.
C. Hihingi ng pasensya sa kaibigang pari sa nabitiwang salita.
D. Papasukin ang kaibigang pari at pag-usapan ang kanyang sakit.

19. Bakit napahiya si Pangulong Quezon sa kanyang bisita?


A. Mali ang pagkakasabi ng nars o mali ang narinig niya.
B. Inakala niya na ang kanyang panauhan ay isang mamahayag.
C. Sinigawan niya ang mamamahayag na pumunta sa impyerno.
D. Nakapasok at narinig ng nagpumilit na pari ang kanyang sinabi.

20. Gusto kong lampasan lahat ang basang sisiw sa aming pamumuhay kaya ako ay
nagsisikap. Ano ang ibig sabihin ng matalinghagang salita na ginamit sa pangungusap?
A. kasayahan
B. maginhawa
C. mahirap
D. sisiw na basa

21 Saang bahagi ng pahayagan mababasa ang pinakamalaki at pinakamahalagang balita sa


araw?
A. pahinang editorial
B. pangunahing balita
C. pahinang panlibangan
D. anunsyong klasipikado

*Basahin ang talata na nasa kahon


Kawalan ng Disiplina ng mga Mag-aaral
Maraming dahilan kung bakit patuloy na dumarami ang mga mag-aaral na
kulang sa disiplina. Ang kakulangan ng gabay o suporta ng mga magulang, kawalan ng
aspetong ispiritwal, problema sa pamilya, at masamang impluwensya ng barkada ay iilan lang
sa mga naging sanhi nito. Nakakaapekto ito sa mga mag-aaral lalo na’t hindi ito naaagapan
agad. Ang tanging solusyon nito ay ipakita natin na importante sila, na may nagmamahal sa
kanila at palagi natin silang gabayan nang sa gayo’y problema sa kawalan ng disiplina ay
maiwasan.

22. Paano nakakaapekto sa iyo ang problema o isyung ito?


A. Aasenso ang iyong pamumuhay.
B. Mamahalin ka ng lahat dahil sa kawalan mo ng disiplina.
C. Mawawalan ng interes sa pag-aaral at maliligaw ng landas.
D. Mas ganado kang mag-aral dahil walang nagdidisiplina sa iyo.

23. Bilang mag-aaral, gaano kahalaga ang disiplina? (Piliin ang dalawang pinakawastong
sagot)
A. Yayaman ka.
B. Marami kang kaibigan.
C. Nagbibigay ng direksyon sa buhay.
D. Maging malakas ka sa anumang laban.

24. Batay sa isyung ito, ang mga sumusunod ay nagiging dahilan ng kawalan ng disiplina sa
pag-aaral MALIBAN SA ISA
A. problema sa pamilya
B. kawalan ng aspetong ispiritwal
C. kakulangan ng gabay sa magulang
D. pagbibigay ng inspirasyon sa mga mag-aaral

25. Bakit kailangan ang disiplina lalong-lalo na sa mga kabataan ngayon?


A. Bilang pagtupad sa mga batas ng paaralan.
B. Para mabawasan ang mga suwail na kabataan.
C. Mabigyan ng pagkakataon na huminto sa pag-aaral.
D. Nagsisilbing gabay tungo sa magandang kinabukasan.

Para sa item 26-29. Piliin ang wastong pandiwa upang mabuo ang pangungusap.
26. Masarap __________ ng adobong manok. Aling pandiwa ang wastong gamitin.
A. kakain
B. kakainin
C. kumain
D. kumakain

27. Kahapon ______ si Leo at Angel.


A. ikakasal
B. kasalan
C. kinakasal
D. kinasal

28. Araw-araw ay ______ ako sa bukid at nagbubungkal ng lupa.


A. pumunta
B. pumupunta
C. pupunta
D. pupuntahan

29. Plano kong manirahan sa Amerika kung _______ lamang ng pagkakataon.


A. bigyan
B. mabibigyan
C. nabibigyan
D. nabigyan

30. Alin sa mga pangungusap ang wasto ang paggamit ng pandiwa?


A. Lumilipad ang ibon kahapon.
B. Bumili ng lansones si Mario ngayon.
C. Nagmamadaling umalis si Nanay sa bahay.
D. Tumatanghal si Ben sa entablado kahapon.

Para sa item 31-34. Ibigay ang wastong kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa
pamamagitan ng sitwasyong pinanggamitan ng salita.

31. Kanina noong bumili kami sa palengke napaka barat niya talaga. Ibigay ang kahulugan ng
salitang barat?
A. taong maarte
B. taong mahilig sa maalat
C. taong nakikisawsaw sa usapan ng iba
D. taong palatawad upang makabili ng mura

32. Madalas akong bumibili ng regalo para sa aking katipa. Ibigay ang kahulugan ng salitang
may salungguhit.
A. kaibigan
B. kapatid
C. kasintahan
D. pinsan

33. Hangos na hangos siya ng dumating dahil muntik na siyang mahuli sa kanyang klase.
Ano sa pagkakaintindi mo ng salitang hangos na hangos?
A. muntik ng mamatay
B. nagmamadali
C. nahihirapan sa paghinga
D. pagod na pagod

34. Sumakay si Adrian sa salipawpaw patungong Amerika. Ibigay ang kahulugan ng salitang
salipawpaw?
A. barko
B. eroplano
C. kotse
D. tren

Para sa item 35-36. Ibigay ang wastong kahulugan ng tambalang salita.

35. Madaling mainis si Elsa kaya’t siya ay naturingang balat-sibuyas. Ang kahulugan ng
tambalang salitang may salungguhit ay _____________.
A. iyakin
B. madaling magalit
C. mahilig manumbat
D. maputing balat

36. Akala ko ay masipag ang batang iyon, ngunit ningas kugon pala. Ibigay ang kahulugan
ng salitang ningas kugon.
A. taong nagbibingi-bingihan
B. madaling makakuha ng pansin o atensyon
C. pagsulyap sa isang tao na hindi niya nalalaman
D. sinisimulan ang isang gawain ngunit hindi tinatapos

37. Gusto ni Cheska na malaman ang kahulugan ng salitang Pang-uri. Aling bahagi ng aklat
ito makikita?
A. pabalat
B. paunang salita
C. talaan ng nilalaman
D. talahulugan

38. Ang paksang “ Noli Me Tangere” ay madaling matunton gamit ang ___________.
A. katawan ng aklat
B. pabalat
C. paunang salita
D. talaan ng nilalaman

39. “ Dapat nag-aral ako ng maaga para hindi ako nagmamadali ngayong gabi.” Wika ni
Nollan. Ibigay ang damdamin ng tauhan batay sa kanyang pahayag o kilos.
A. pag-aalala
B. pagkatakot
C. pagtatampo
D. panghihinayang

40. Hindi mapakali si Nanay.” Ang lakas ng ulan at wala pa ang mga bata. Sana hindi sila
bahain.” Ibigay ang damdamin ng tauhan batay sa kanyang pahayag.
A. pag-aalala
B. pagkatakot
C. pagtatampo
D. panghihinayang

You might also like