You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF CITY SCHOOLS
City of Santa Rosa, Laguna

DIAGNOSTIC TEST
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

PANGALAN: __________________________________________ PETSA: _______________


SUBJECT TEACHER: ________________________________ SEKSIYON: ____________

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pahayag at katanungan. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.

1. Laging sinasabi mo na si nanay ang may kasalanan tuwing mapapagalitan kang


iyong tatay. Anong aspeto ng pagbabago ipinahihiwatig ng pahayag?
A. Pangkaisipan C. Pandamdamin
B. Panlipunan D. Moral.

2. Parang mas madali ka nang makapagmemorya ng mga awitin at tula. Anong


aspeto ng pagbabago ipinahihiwatig ng pahayag?
A. Pangkaisipan C. Pandamdamin
B. Panlipunan D. Moral.

3. Mas malimit kang kasama ng mga kaibigan o barkada kesa sa iyong mga kapatid.
Anong aspeto ng pagbabago ipinahihiwatig ng pahayag?
A. Pangkaisipan C. Pandamdamin
B. Panlipunan D. Moral.

4. Marunong ka nang gumawa ng sariling pasya kapag mayroong muntingsuliranin.


Anong aspeto ng pagbabago ipinahihiwatig ng pahayag?
C. Pangkaisipan C. Pandamdamin
D. Panlipunan D. Moral.

5. Nagiging maramdamin ka na ngayon. Anong aspeto ng pagbabago ipinahihiwatig


ng pahayag?
A. Pangkaisipan C. Pandamdamin
B. Panlipunan D. Moral.

6. Ito ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain at gumaganyak sa iyo na


kumilos at gumawa.
A. Talento B. Kakayahan C. Hilig D. Pangarap

7. Ito ay preperensya o ang mas binibigyan mo ng pansin na uri ng pakikisangkot sa


isang gawain. Halimbawa sa basketball ang preperensiya mo ay ang paggamit ng
bola at ring.
A. Tuon ng atensyon B. Kakayahan C. Hilig D. Pangarap

8. Ang hilig sa pag-akyat sa mga bundok ay nabibilang sa ____________________.


A. Outdoor B. Mechanical C. Computational D. Scientific
9. Ang pagkukumpuni ng sirang electric fan at mga gamit sa bahay ay nabibilang sa
____________________.
A. Outdoor B. Mechanical C. Computational D. Scientific

10. Ito ay pagkagusto o pagiging masaya sa ating ginagawa.


A. tiyaga B. mithiin C. Hilig D. tiwala

11. Alin sa sumusunod ang KABILANG sa pangkat? 


A. tubig, araw, lupa, talent   B. maganda, kakayahan, talento, hangin 
C. bulaklak, dagat, bahay, aso   D. kakayahan, talento, hilig,
pagpapahalaga

12. Kung ang hilig ng isang tao ay pagluluto, alin sa mga sumusunod ang kurso o
trabaho na nababagay sa kanya?
A. Architect, Engineering C. IT, Computer Programming
B. Teacher, Biologist D. Culinary Arts, Chef, Bread and Pastry
Production

13. Sa edad mo ngayon, ano ang dapat na mas pinapahalagahan mo?


A. Paglalaro C. Pakikipagkaibigan
B. Pag-aaral D. Pagkakaroon ng kasintahan

14. Napulot ni Ysabel ang pitaka ni Karla, Ano kaya ang kanyang gagawin?
a. Hindi niya ibabalik ang pitaka dahil napulot naman niya ito.
b. Ibabalik niya ang pitaka kay Karla, dahil sa kanya naman talaga ito.
c. Gagastusin niya ang mga perang napulot.
d. Hahayaang nakakalat ang pitaka sa lansangan.

15. Mahirap lamang sina Nicole ngunit may pangarap siya sa buhay. Ano ang dapat
niyang gawin?
a. Pagbubutihin niya ang kanyang pag-aaral para makapagtapos siya.
b. Papasok lang siya kung kailan niya gusto.
c. Gawing dahilan ang kahirapan para hindi na makapagpatuloy sa pag -aaral.
d. Magmumukmok nalang ako siya bahay.

16. Ang magulang ni Francine ay parehong abala sa trabaho. Siya ang


kaakibat sa pamilya. Ano ang dapat gawin ni Francine?
a. Hindi niya pakikinggan ang kanyang magulang.
b. Susunod siya sa payo o bilin ng kanyang magulang para makamit ang
pangarap.
c. Maglalaro na lamang siya kaysa tumulong sa magulang.
d. Masyado pa siyang bata para isipin ang mga ba bagay na ganyan.

17. May pangarap sa buhay si Dwight ngunit kapos sila sa yaman. Ano dapat niyang
gawin?
a. “Bahala na” iyan ang palagi niyang sinasambit.
b. Gusto niyang tumulong sa kanyang magulang ngunit tinatamad siya.
c. Magpupursige siyang tutulong sa kanyang magulang para makamit ang
pangarap niya.
d. Huminto sa pag-aaral, dahil mahirap ang buhay.

18. Paano maipakikita ni Marie ang kanyang kabutihan at katotohanan gamit


ang isip at kilos-loob?
a. Gagawin niya ang alam niyang tama at nakabubuti lamang sa kanya.
b. Hindi siya gagawa ng ikabubuti niya dahil wala siyang pakialam dito.
c. Susundin niya ang sinasabing kaniyang isipan at damdamin.
d. Panonoorin na lamang niya ang mga gumagawang kabutihan.
19. Paano mo lilinangin ang iyong isip at kilos-loob?
a. Sa pamamagitan ng paggawa ng wasto na naaayon sa iyong kalooban.
b. Sa pamamagitan ng pagsunod sa gusto lamang.
c. Sa pamamagitan ng hindi pagtupad sa iyong kalooban.
d. Sa pamamagitan ng paggawa ng di kanais-nais.

20. Alin dito ang nagsasabing tama sa kakayahan ng tao?


a. Tanging ang tao lamang ang namamahala sa kaniyang damdamin at
emosyon.
b. Ang tao ang mamamahala sa kaniyang sarili at walang iba pang
magdidikta sa kanya.
c. Kayang pantayan ng hayop ang kakayahan ng tao.
d. Ang tao ay naghihintay lamang ng kapwa niya tao para makabuo ng pasya

21. Alin dito sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pagpapasiya?


a. Si daryll ay mahilig sa maalat at mamantikang pagkain subalit nang
magkaroon siyang sakit na uti naging maingat na siya sa pagpili ng
kanyang kakainin.
B. Si alexa ay mahilig kumain ng kung ano-ano kaya siya ay nagkakaroon ng
masamang karamdaman.
C. Si dennis ay palaging kumakain ng paborito niyang pagkain tulad ng french
fries kahit alam niyang bawal sa kanya ito.
D. Si jenny ay mahilig uminom ng softdrinks kahit alam niyang may tama na
ang kidney niya.

22. Paano maisasagawa ni Analyn ang tamang pagpapasiya para sa


kanyang sarili?
a. Hahayaan na lamang niya ang lahat ng suliranin na dumating sa kanya.
B. Gagawa siya ng paraan upang makapagpasiya siya nang naaayon sa
kanyang gusto at alam naman niyang tama ito.
C. Isaalang-alang lamang niya ang kanyang nararamdaman.
D. Kung ano ang sinasabi ng kanyang kaisipan iyon lamang ang kanyang
gagawin.

23. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo. Ang mensaheng ito ay
tinatawag na?
a. gintong aral o golden rule b. tula c. bugtungan

24. Bakit kaya nilikha tayo ng Panginoon na may pagkakaiba?


a. Dahil hinihikayat sa tao na isabuhay ang pagiging mapagbigay at mabuti.
B. Ipinapahiwatig nito na kailangan natin ang ating kapwa
C. Nais ng diyos na yakapin ng tao ang pagbabahagi ng mga biyaya at regalo na
natatanggap ng bawat tao mula sa kanya.
D. Lahat ng nabanggit

25. Magkasabay sa pag-uwi sina Marlon at Jerry pagkatapos ng kanilang klase.


Niyaya silang maglaro bago umuwi ngunit naalala nila ang magulang na nagpapaaral
sa kanila. Ang sitwasyong ito ay nagpapakita ng_____
a. palatandaan ng kawalan ng kalayaan
b. Nakikilala ang pagkakaroon ng kalayaan
c. Lahat ng nabanggit
26. May nakita si Joan na pitaka ng maraming pera. Kailangang-kailangan niya ito.
Naramdaman niyang labag sa kalooban niya. Ibinigay niya ito sa kanyang guro.
a. palatandaan ng kawalan ng kalayaan
b. Nakikilala ang pagkakaroon ng kalayaan
c. Lahat ng nabanggit

27. Si Nena ay masipag sa magkakapatid. Ganun pa man, nais niyang masunod


lahat ng kanyang mga kagustuhan sa kabila ng kanilang kahirapan sa buhay.
a. palatandaan ng kawalan ng kalayaan
b. Nakikilala ang pagkakaroon ng kalayaan
c. Nakikita sa mga gawi ng kabataan ang kalayaan
d. Di-nakikita sa mga gawi ng kabataan ang kalayaan

28. Si Peter ay panganay na anak kaya nais niyang siya ang nakakahigit sa kanilang
magkakapatid sa lahat ng bagay.
a. palatandaan ng kawalan ng kalayaan
b. Nakikilala ang pagkakaroon ng kalayaan
c. Nakikita sa mga gawi ng kabataan ang kalayaan
d. Di-nakikita sa mga gawi ng kabataan ang kalayaan

29. Ang kalayaan ay may kalakip na disiplina at responsibilidad.


a. tama b. mali

30. Ang kabataan ay dapat pagbutihin ang pag-aaral upang maging produktibo ito
na mamamayan.
a. tama b. mali

31. Sapat na sabihin lamang nating tayo ay nagmamahal ng bayan.


a. tama b. mali

32. Ang pangangalaga sa kalikasan ay pagmamahal sa ating kalayaan.


a. tama b. mali

33. Likas sa tao ang inklinasyon na gumawa nang mabuti.


a. tama b. mali

34. Mahina sa klase si Abegail. Paano mo siya pakikitunguhan?


A. Hindi ko siya isasali sa group activity.
B. Pagtatawanan ko ang kanyang ginagawa sa klase na mali.
C. Bulihin ko siya araw-araw sa paaralan.
D. Igagalang ko ang kanyang kakayahan. Tutulungan ko siyang matuto.

35. Isinilang na may kapansanan si Lucy sa kanilang magkakapatid. Ano ang dapat
niyang maramdaman?
A. Magpasalamat sa pagmamahal ng mababait niyang kapatid at magulang.
B. Manliit sa sarili dahil naiiba ang kalagayan niya sa mga kapatid.
C. Gawing dahilan ang kanyang kapansanan upang lagi siya ang papansinin.
D.hindi iimik, panoorin lang ang mga kapatid at magulang.

36. Sa paanong paraan nagkakaroon ng kaugnayan ang halaga at birtud?


a. May kaugnayan ang halaga at birtud dahil pareho lamang itong naghahangad
ng kabutihan para sa tao.
b. Kung nakikita ng tao na ang isang birtud ay may malaking tulong sa
kanyang pagkatao pagyayamanin niya ito at pahahalagahan.
c. Kung nakikita ng tao na ang isang bagay ay mahalaga tutukuyin niya ang
angkop na birtud na mas makapagpapayaman dito.
d. Matatawag lamang na mahalaga ang isang bagay kung ito ay ginagabayan ng
lahat ng mga birtud
37. Ang pangunahing kailangan ng kabataan upang hindi sila maging mahina sa
paglaban sa masamang impluwensyan ng kaibigan ay ______________
a.tiwala sa sarili b. determinasyon c . disiplina d.
katatagan

38. Bahagi ng pagiging tao ay magkaroon ng matatag na kalooban at pagiging


malakas. Paano makakamtam ng tao ang pagkakaroon ng matatag na kalooban
at pagiging malakas?
a. Pagiging sikat o popularidad
b. Pagkakaroon ng mataas na pinag-aralan
c. Pagkakaroon ng salapi o pera
d. Pagsasabuhay ng mga birtud

39. Upang mahubog ang panloob na salik na pagsasabuhay ng mga birtud maaring
gawin ng magulang na;
a. Tulungan ang isang batang ipagpaliban ang kanyang pag-aaral.
b. Hikayatin ang isang bata na tumanggap o umako ng pananagutan.
c. Huwag hayaan na makaranas ang bata ng paghihirap at
magsakripisyo.
d. Sanayin ang kanyang kakayahang gamitin ang kayaan upang magawa
ang lahat ng nais.

40. Ang isa sa maituturing na dahilan kung bakit nahaharap ang isang kabataan sa
malaking posibilidad na maimpluwensyahan ng kanyang kapwa kabataan ay
dahil:
a. kulang pa ang kanyang kakayahan sa paghihiwalay ng tama at mali
b. nais nilang maramdaman na sila ay tinatanggap at kinikilalang
kabahagi
c. hindi naging matibay ang mga itinurong halaga ng mga magulang at
guro
d. hindi pa sapat ang kakayahan sa paglaban sa mga negatibong
impluwensya ng kapwa

41. Ang pinakanatural at pinakamahalagang tagapagganap ng pagpapahalaga ay


makakamit lamang sa tulong ay gabay ng isang _________
a. kultura b. kaibigan c. relihiyon d. pamilya

42. Ang isang taong malinaw sa kanyang sarili na siya ay nagkakamali,


makasalanan, at marupok ngunit handa pa rin siyang magbago ayon sa kanyang
kakayahan. Ang taong ito ay matatawag na isang ___________
a.banal b. materyalistik c. mahina c. malakas

43. Mahilig si Roman na bumili ng mga alahas at gamit na hindi naman mahalaga
sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Nangangahulugan na si Roman ay may
pagpapahalaga sa ______
a. ispiritwal b. pandamdam c. materyal d. banal

44. Ang pakikilahok ay makakamit lamang ng tao kung kinikilala niya ang
kanyang _______ .
a. pananagutan b. kakampi c. sarili d. kaibigan
45. Ang pangunahing kailangan ng isang kabataan upang hindi sila maging mahina
sa paglaban sa masamang impluwensyang dulot ng iba pang mga kabataan ay:
a. mataas na antas ng tiwala at pagkilala sa sarili
b. mataas na antas ng pakikihalubilo at pakikisangkot
c. sapat na kaalaman sa pagkilala ng masamang impluwensya
d. sapat na kahandaan upang humarap sa iba’t ibang uri ng tao

46. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng padamdam na pagpapahalaga?


a. katiwasayan ng damdamin at isipan
b. pagkilos tungo sa kabanalan
c. pagpapahalaga sa katarungan
d. pagtugon sa pangunahing pangangailangan

47. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI TOTOO tungkol sa halaga
(values)?
a. nagmula sa salitang latin na valore
b. obheto ng ating intensyonal na damdamin.
c. nababago depende sa tao, sa lugar at sa panahon.
d. pagiging matatag o malakas at pagiging makabuluhan.

48. Bahagi ng pagiging tao ay magkaroon ng matatag na kalooban at pagiging


malakas. Paano makakamtam ng tao ang pagkakaroon ng matatag na kalooban
at pagiging malakas?
a. pagiging sikat o popularidad
b. pagkakaroon ng mataas na pinag-aralan
c. pagkakaroon ng salapi o pera
d. pagsasabuhay ng mga birtud

49. Alin ang pinakanatural at pinakamahalagang tagapagpaganap ng


pagpapahalaga?
a. guro at tagapagturo ng relihiyon
b. mga kapwa kabataan
c. pamana ng kultura

50. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng padamdam na pagpapahalaga?


a. katiwasayan ng damdamin at isipan
b. pagkilos tungo sa kabanalan
c. pagpapahalaga sa katarungan
d. pagtugon sa pangunahing pangangailangan

Inihanda nina:

AGNES M. BERDIN
Guro sa EsP

DARREN JOY A. LALOON


Guro sa EsP

You might also like