You are on page 1of 4

Ikatlong Panahunang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong o pahayag. Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ayon kay Max Scheler (Dy M., 1994), ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin.
A. Birtud B. Kaalaman C. Karunungan D. Pagpapahalaga
2. Ito ay hindi taglay ng tao sa kaniyang kapanganakan.
A. Birtud B. Kaalaman C. Karunungan D. Pagpapahalaga
3. Ito ay pagpapasiyang kumilos at hindi bagay na nakakabit sa tao at awtomatikong lumalabas sa
kilos ng tao.
A. Birtud B. Kaalaman C. Karunungan D. Pagpapahalaga
4. Nakapulot si Ben ng pera sa loob ng kanilang silid aralan. Ibinigay niya ito sa kanyang guro at
sinabing ito ay kanyang napulot.
A. Birtud B. Kaalaman C. Karunungan D. Pagpapahalaga
5. Namamasada pa din ng jeep si Mang Karding kahit may pandemya para matugunan ang
pangangailangan ng kaniyang pamilya.
A. Birtud B. Kaalaman C. Karunungan D. Pagpapahalaga
6. Nagtatrabaho si Ana sa umaga at nag-aaral naman sa gabi, nais niyang makatapos ng pag-aaral
sa kabila ng kahirapan.
A. Birtud B. Kaalaman C. Karunungan D. Pagpapahalaga
7. Matiyagang nilalakad ni Lito ang isa at kalahating kilometrong lakarin papunta sa kanilang
paaralan dahil nais niyang makatapos ng pag-aaral.
A. Kaalaman B. Pagpapahalaga C. Birtud D.Wala sa nabanggit
8. Si Linda ay nabigyang parangal ng kanilang punong barangay dahil sa pagsasauli niya ng
napulot niyang bag na naglalaman ng malaking halaga.
A. Birtud B. Kaalaman C. Pagpapahalaga D.Wala sa nabanggit
9. Masayang sinalubong si Mang Andy ng kanyang mga anak. May dala siyang pansit na handa
para sa ika-labing walong kaarawan ng kanyang anak na si Jessa. Masayang masaya si Jessa at
nagpasalamat sa kaniyang ama, “Marami pong salamat Tatay, lubos po ang aking kasiyahan dahil
ipinaghanda ninyo po ako sa kabila ng ating kahirapan” ani Jessa.
A. Birtud B. Kaalaman C. Pagpapahalaga D.Wala sa nabanggit
10. Nagmamadali si John sa paglalakad papunta sa sakayan ng bus pauwi sa kanilang probinsya.
Hindi niya inaasahan ang haba ng pila na kaniyang naabutan. Nakita niya ang kaniyang kaibigan
na si Marco na nasa unahan na ng pila, tinawag siya nito at sinabing isisingit siya sa pila.
Tumanggi si John dahil ayaw niyang dayain ang mga taong pumila ng matagal.
A. Birtud B. Kaalaman C. Pagpapahalaga D.Wala sa nabanggit
11. Hindi nakapasok si Lea sa kanilang klase dahil siya ay nilagnat. Dinalaw siya ng kaniyang
kaibigan na si Lina dahil sa pag-aalala. Dinalan siya nito ng prutas at gamot.
A. Birtud B. Kaalaman C. Pagpapahalaga D.Wala sa nabanggit
12. Walang kuryente ang bahay nila Allan, kaya siya ay gumagawa ng kanyang takdang aralin sa
poste ng ilaw sa tapat ng kanilang bahay. Matiyaga siyang nag-aaral para makapagtapos ng pag-
aaral at matulungan ang kaniyang mga magulang at kapatid.
A. Birtud B. Kaalaman C. Pagpapahalaga D.Wala sa nabanggit
13. Sa buhay ng tao, naglalaan tayo ng mahabang panahon sa pagpapayaman ng ating isip. Kung
kaya, mahalagang malaman natin ang wastong pamamaraan sa pagsasagawa nito upang hindi tayo
magsayang ng pagod, salapi at panahon. Ano ang tawag sa birtud na ito?
A. Birtud B. Intelektuwal na birtud
C. Moral na birtud D. Wala sa nabanggit
14. Ito ay ang mga gawi na nagpapabuti sa tao. Ito rin ay ang mga gawi na nagtuturo sa atin na
iayon ang ating ugali sa tamang katuwiran.
A. Birtud B. Intelektuwal na birtud
C. Moral na birtud D. Wala sa nabanggit
15. Ito ay taglay ng tao mula sa kaniyang kapanganakan.
A. Birtud B. Intelektuwal na birtud
C. Moral na birtud D. Wala sa nabanggit
16. Ito ay ang pinakamababang antas ng pagpapahalaga, nagdudulot ng kasiyahan sa pandamdam
ng tao pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain, tubig, damit, tirahan , rangya o luho
ng isang tao: mahal na cellphone, alahas, sasakyan.
A. Banal na pagpapahalaga B. Ispirituwal na pagpapahalaga
C. Pambuhay na pagpapahalaga D. Pandamdam na pagpapahalaga
17. Ito ay tumutukoy sa pagpapahinga, pagkain ng masustansiyang pagkain at pagbibigay ng oras
sa pamilya at kaibigan.
A. Banal na pagpapahalaga B. Ispirituwal na pagpapahalaga
C. Pambuhay na pagpapahalaga D. Pandamdam na pagpapahalaga
18. Ito ang pinakamataas sa lahat ng pagpapahalaga, kabilang dito ang pagiging handa sa
pagharap sa Diyos at pagkilos tungo sa kabanalan.
A. Banal na pagpapahalaga B. Ispirituwal na pagpapahalaga
C. Pambuhay na pagpapahalaga D. Pandamdam na pagpapahalaga
19. Likas para sa isang tao ang naglalaan ng kaniyang panahon upang maangkin at maisabuhay
ang mga pagpapahalaga.

A. Tama, dahil karapatan mo ito bilang tao.


B. Mali, dahil hindi mo na dapat isipin pa ang pagpapahalaga
C. Tama, dahil nararapat lamang na maglaan ng panahon sa pagsasabuhay ng
pagpapahalaga.
D. Wala sa nabanggit
20. Ang pagpapahalagang kultural na panggawi ay pagpapahalagang nagmula sa loob ng tao.
A.Tama, dahil ito ay atin ng taglay B. Tama, dahil ito ay pagpapahalaga
C. Mali, dahil hindi ito sariling pananaw D. Wala sa nabanggit
21. Ang pagpapahalaga at birtud ay walang kaugnayan sa ating tunay na pagkatao.
A. Ito ay may kaugnayan sa ating tunay na pagkatao
B. Maaring ito ay may kaugnayan sa ating pagkatao
C. Mali, dahil wala itong kaugnayan sa ating pagkatao
D. Wala sa nabanggit
22. Ito ay tumatayong batayan, layunin at dahilan ng pangangailangang kumilos sa gitna ng mga
pagpipilian.
A. Birtud B. Obhetibo C. Pagpapahalaga D. Pangkalahatan
23. Ito ay maaaring magdaan sa unti – unting pagbabago upang makaayon sa panahon at mga
pangyayari.
A. Eternal B. Pangkalahatan C. Panlipunan D. Sitwasyunal
24. Ito ay ang pagpapahalaga na maaring ang kahinaan ay makikita lamang sa paglipas ng ilang
panahon o matapos makita ang resulta o bunga.
A. Eternal B. Obhetibo C. Panlipunan D. Subhetibo
25. Si Nato ay mas piniling huminto sa kanyang pag-aaral dahil sa kanyang pananaw ito ay hindi
na nya kailangan.
A. Tama, dahil ayos lang na tumigil sa pangangarap
B. Tama, dahil mas mabuting manatili na lamang sa bahay.
C. Mali, dahil mahalagang susi tungo sa maayos na kinabukasan kung ikaw ay
makakatapos ng pag-aaral.
D. Wala sa nabanggit
26. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa pag unlad sa buhay maliban sa?
A. Inilaan ni Anthony ang malaking bahagi ng kanyang buhay upang mapalawak ang
kanyang kaalaman at karunungan, alam niyang malaking bagay ang magagawa nito upang
maiahon niya ang kanyang pamilya sa kahirapan at upang maibahagi niya sa lahat ang
kanyang mga kakayahan.
B. Nasaktan ni Rebecca ang kanyang ina dahil sa kanyang pagsisinungaling dito. Inihanda
niya ang kanyang sarili sa magiging reaksyon ng kanyang mga kapatid sa kanyang ginawa.
Dahil dito siya na mismo ang gumawa ng paraan upang itama ang kanyang pagkakamali
kahit pa ito ay nangangahulugan na siya ay mapapahiya at masasaktan.
C. Nasaksihan ni Rupert ang ginawang panloloko ng kanyang kapatid sa kanyang mga
magulang. Ang alam ng mga ito, pumapasok siya araw-araw sa paaralan ngunit sa halip
nagpupunta ito sa computer shop kasama ang mga barkada. Dahil alam niyang labis na
mapagagalitan ang kanyang kapatid hindi niya ito sinasabi sa kanyang mga magulang dahil
ayaw niyang ito ay mapagalitan o masaktan.
D. Hindi lingid sa kaalaman ni Rachelle ang katiwalian na nagaganap sa loob ng kanilang
kompanya. Saksi siya sa pandaraya na ginagawa ng kanyang matalik na kaibigan sa report
ng kinita ng kompanya. Sa kabila nang pakiusap nito na manahimik na lamang siya ay
sinabi pa rin niya ito sa kanyang boss na naging dahilan ng pagkatanggal ng kanyang
kaibigan sa trabaho at pakakaroon ng kaso sa hukuman
27. Ang mga sumusunod ay nagpapakita na ang pangarap ang batayan ng mga pagpupunyagi
tungo sa makabuluhan at maligayang buhay maliban sa?
A. Sumasalungat ang kilos sa pagpapaunlad
B. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito.
C. Nakahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng pagsisikap
D. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat
28. Bakit mahalagang tugma ang mga pansariling salik sa mga pangangailangan (requirements) sa
napiling kursong Akademiko, Teknikal-Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay daan
upang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging produktibo at
pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa?
A. Dahil dito mo mapapaunlad ang iyong sarili.
B. Dahil ito ay may kinalaman sa magandang buhay para sa atin
C. Tayo’y nilikha upang makipag-kapwa at makibahagi sa buhay-sa-mundo.
D. Lahat ng nabanggit
29. Pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangang tuklasin dahil ito ang magsisilbing
batayan sa pagpili ng tamang kursong akademiko o teknikal-bokasyunal, negosyo o hanapbuhay.
A.Karunungan B. Talento C. Sipag D. Wala sa nabanggit
30. Mga bagay kung saan tayo mahusay/ magaling. Madalas itong nauugnay sa salitang abilidad,
kakayahan (competency) o kahusayan (proficiency).
A.Hilig B. Kasanayan C. Talento D. Wala sa nabanggit
31. Nasasalamin sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo ang iyong
puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi nakakaramdam ng pagod/ pagkabagot.
A.Hilig B. Kasanayan C. Talento D. Wala sa nabanggit
32. Bakit mahalagang alam mo ang iyong mga hilig sa pagpili ng iyong kurso sa kolehiyo?
A. Upang magamit mo ito sa iyong pagaaral
B. Upang ito’y iyong maging advantage sa iyong pagaaral
C. Upang mas mapaunlad mo pa ito habang ikaw ay nagaaral
D. Lahat ng nabanggit
33. Ano ang kaibahan ng pagpapantasya sa pangarap?
A. Ang pagpapantasya ay likha ng malikhaing isip
B. Ang pagpapantasya ay pananaginip ng gising
C. Ang pagpapantasya ay ginagawa ayon sa kagustuhan ng nagpapantasya
D. a at b
34. Ano ang kaibahan ng panaginip sa pangarap?
A. Ang panaginip ay natatapos din kung ikaw ay magising
B. Ang panaginip ay nangyayari lang sa isip habang natutulog
C. a at b
D. wala sa nabanggit
35. Ano ang kahulugan ng bokasyon?
A. Ang bokasyon ay higit sa trabaho o propesyon o negosyo
B. Ang bokasyon ay kalagayan o gawain na naayon sa plano ng Diyos sa atin
C. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing hindi nangangailangan ng kapalit na sweldo o pasahod
D. Lahat ng nabanggit
36. Anu-ano ang dalawang hangganan ng pagtatakda ng mithiin?
A. Pangmatagalan at panghabambuhay B. Pangmadalian at panghabambuhay
C. Pangmatagalan at pangmadalian D. Pangngayon at pangkinabukasan
37. Bakit mahalaga ang kakailanganing mithiin o enabling goals?
A. Napapabilis nitong makamit ang itinakdang mithiin
B. Nakatutulong ito sa pagpapanatili ng tuon sa itinakdang mithiin
C. Nakatutulong ang mga ito upang makamit ang itinakdang pangmatagalang mithiin
D. Wala sa mga nabanggit
38. Alin sa sumusunod ang hakbang sa pagtatakda ng mithiin?
A. Ipagpasa Diyos ang mga itinakdang mithiin
B. Sabihin ang itinakdang mithiin sa mga kaibigan
C. Isulat ang takdang-panahon sa pagtupad ng mithiin
D. Isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim ng unan
39. Ang mga sumusunod na pahayag ay benepisyo ng pagtatakda ng mathiin maliban sa;
A. Igalang ang sariling buhay at kapwa.
B. Kung sa tuwing umaga ay nababasa mo ang iyong plano, nagkakaroon ka ng tiwala sa
iyong sarili dahil alam mong mayroong direksyon ang iyong mga ginagawa sa araw-araw.
C. Kung matamo mo na ang iyong mithiin, tunay kang nagtagumpay. Magiging maligaya ka
at ang iyong mga mahal sa buhay. Madarama mong naging sulit lahat ng iyong
paghihirap.Maaari mo ring ilagay ang iyong sarili sa mga taong naging tagumpay kung
matamo mo ang iyong mithiin sa buhay. Maraming taong nasusulat sa iba’t ibang babasahin
at napanonood sa telebisyon ang nagtagumpay. Maaari mo ring isama ang iyong sarili sa
mga ito.
D. Sa panahon ng pagsubok sa pagtatamo ng iyong mithiin, magiging hamon ang mga
benepisyong ito para sa iyo. Higit kang magiging matatag na tao at maisasabuhay mo ang
mga moral na pagpapahalaga tulad ng katatagan (fortitude), pagtitimpi (temperance),
katarungan (justice) at maingat na paghusga (prudence). Nagiging matatag ka sa mga
suliraning susubok sa iyo sa pagkamit mo ng iyong mithiin. Isasabuhay mo ang pagtitimpi
upang hindi matukso sa mga bagay na hindi makatutulong sa pagkamit ng iyong mithiin.
40. Alin sa mga sumusunod ang nakatutulong sa pagkamit ng mithiin?
A. Isulat ang iyong itinakdang mithiin.
B. Tayain kung ito ay tumutugon sa pamantayan.
C. Suriin ang iyong itinakdang mithiin kung ito ay tiyak, nasusukat, naaabot,
mahalaga, nasasakop ng panahon at may angkop na kilos.
D. Wala sa nabanggit
41. Ito ay maaaring makamit sa loob ng isang araw, isang linggo, o ilang buwan lamang.
A. Pangmatagalang mithiin B. Panandaliang mithiin
C. A at B D. Wala sa nabanggit
42. Ito ay maaring makamit sa loob ng isang semestre, isang taon, limang taon o sampung taon.
A. Pangmatagalang mithiin B. Panandaliang mithiin
C. A at B D. Wala sa nabanggit
43. Kung nais mong maging isang doktor na may sariling klinika at ikaw ay nasa unang taon sa
Junior High School, kailangan mo pang maghintay ng labinlimang taon upang maging isang ganap
na doktor at maaring ilang taon pa para magkaroon ng sariling klinika. Ang halimbawang ito ay
tumutukoy sa ____.
A. Pangmatagalang mithiin B. Panandaliang mithiin
C. A at B D. Wala sa nabanggit
44. Sa pagtatakda ng ____at ____ na mithiin, kailangan mo ring suriing mabuti ang mga maaaring
mangyari sa bawat yugto patungo sa iyong mithiin.
A. Pangmatagalang, panandaliang B. Panghabambuhay, hangarin
C. A at B D. Wala sa nabanggit
45. Paano maisasakatuparan ng tao ang paglalapat ng pansariling plano sa pagtupad ng mga
minimithing kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay?
A. Maging mahusay sa pagpili ng plan
B. Magtalaga ng plano upang makamit ito
C. Iipin Mabuti kung kaya itong planuhin at isagawa
D. Lahat ng nabanggit
46. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Ibig sabihin nito na:
A. Ang lahat ng ating kilos ay nababatay sa ating isip at kilos-loob.
B. Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang proseso.
C. Kailangang pinag-iisipang mabuti ang lahat ng ating kilos o ginagawa.
D. Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting pagpapasiya.
47. Si Lara Faye ay isang medical sales representative sa isang malaking kumpanya ng gamot. Siya
ay nagtapos ng medisina sa isang kilalang pamantasan sa Maynila.
A. Job market B. Labor market information
C. Job mismatch D. Wala sa nabanggit
48. Matagal nang nagtratrabaho si Auring sa pagawaan ng payong. Sa katunayan siya ngayon ay
isa nang tagapangasiwa roon. Nagsimula siya bilang isang manggagawa sa assembly line bagama’t
siya noo’y isa nang lisensiyadong guro.
A. Job market B. Labor market information
C. Job mismatch D. Wala sa nabanggit
49. Nakatira si Mang Juan sa isang kariton sa kanto ng Aurora Boulevard at St. Michael Street.
Naisanla nito ang lupang sinasaka nang magkasakit ang asawa at kinailangang lumuwas ng
Maynila upang magtrabaho. Mag-iisang taon nang namumulot ng basura si Mang Juan para
kumita at makaipon upang muling makabalik ng probinsya.
A. Job market B. Labor market information
C. Job mismatch D. Wala sa nabanggit
50. Maraming mga trabahong nakalathala ngayon sa peryodiko ang wala pa sa listahan ng mga
trabaho noong dekada 90.
A. Job market B. Labor market information
C. Job mismatch D. Wala sa nabanggit

You might also like