You are on page 1of 6

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
PANUTO: Basahing at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng pinakaangkop
na sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

1. Anong katangian ang nagtutulak sa isang tao upang gumawa ng kabutihan sa kapuwa?
A. Kabutihang-loob C. Katotohang moral
B. Pananampalataya D. pagtitiwala
2. Kanino dapat ipakita ang kabutihan sa loob ng
tahanan?
A. Guro B. pangulo C. pari D. magulang
3. Anong birtud ang hindi dapat mawala o masira sapagkat mahirap na muling maibalik pa sa kapwa?
A. Kabutihan B. Tiwala C. Pananampalataya D. kasipagan
4. Anong uri ng pandaraya ang pagkuha at paggamit ng ideya ng iba na walang pahintulot sa nagmamay-ari?
A. Plagyarismo B. Panlilinlang C. Pandaraya D. Panloloko
5. Anong katangian ang nangangahulugang pagiging totoo at tapat sa lahat ng oras at sa lahat ng bagay
maging sa iyong sarili at sa ibang tao, pangyayari o sitwasyon?
A. Karunungan B. Kasikatan C. Kapusukan D. Katapatan
6. Anong angkop na kilos ang dapat isinasabuhay ng isang mag-aaral?
A. linlangin ang kapuwa C. may kodigo sa pagsusulit
B. isauli ang sobrang sukli D. magsinungaling sa magulang
7. Ano ang tawag sa pagkakakilanlan ng isang indibidwal sa kaniyang sarili na nakapokus sa kaniyang
bayolohikal na pagkilala, pagsasakilos ng mga nais gawin, pagkakaroon ng kagustuhan o pagnanasa sa
kapuwa at pagkilala sa gampanin ng isang tao sa lipunan?
A. Sekswalidad B. Pagmamahalan C. Pagtanggap D. Pagkamatapat
8. Anong isyung pansekswalidad ang tumutukoy sa pagkitil sa buhay ng sanggol sa sinapupunan dahil sa
labis na kahihiyan at takot sa nakaatang na responsibilidad.?
A. Abortion C. gender identity
B. body-shaming D. teenage pregnancy
9. Anong elemento ng pagmamahal ang pagiging tapat ng mag-asawa sa isa’t isa sa kabila ng pagiging
malayo nila sa isa’t isa?
A. emosyon C. kilos-loob
B. kalinisang puri D. sekswal na pagnanasa
10. Ano ang inaasahang kilos mula sa iyo bilang nagdadalaga at nagbibinata?
A. Pagtanggi sa pakikipag-ugnayan. C. Pagsuway sa mga utos ng magulang.
B. Pagiging responsable sa pag-aaral. D. Pagiging makasarili.
11. Anong karahasan ang umiiral sa paaralan ang naglalayong saktan ang emosyonal at pisikal na aspeto ng
tao?
A. Pambubulas B. Bandalismo C. Pagnanakaw D. Sexual harassment
12. Ano ang isa sa pinakamabisang sandata sa pag-iwas ng karahasan?
A. pagmamahal sa Diyos C. pagmamahal sa sarili
B. pagmamahal sa magulang D. pagmamahal sa kabiyak
13. Anong aspekto ng pagmamahal ang patunay ng pagsasabuhay sa biyayang natanggap mula sa Panginoon?
A. pagmamahal sa Diyos C. pagmamahal sa sarili
B. pagmamahal sa magulang D. pagmamahal sa kabiyak
14. Ano ang hindi gampanin sa pag-iwas ng karahasan?
A. paggalang sa kapuwa C. pagturing sa kapwa bilang katunggali
B. pagtanggap sa buong pagkatao ng kapuwa D. pakikitungo sa kapuwa na may katarungan
15. Anong angkop na kilos ang nagpapakita ng pag-iwas sa karahasan sa loob ng paaralan?
A. pananakit ng kapwa C. paggamit ng ipinagbabawal na gamot
B. maayos na pakikitungo sa kapuwa D. pagbibitaw ng masasakit na salita sa iba
16. Bakit maituturing na likas sa tao ang pagiging mabuti o may kagandahang loob?
A. dahil tao siya kaya dapat magpakabuti
B. dahil namana niya ito sa mga magulang
C. dagil kusa siyang tumutulong sa kanyang kapwa
D. dahil matalino siyang gumawa ng kung ano sa kapwa
17. Bakit mahalagang maging matapat sa salita at sa gawa ang isang tao?
A. upang maging sikat.
B. upang makatanggap ng pabuya.
C. upang makatanggap ng papuri mula sa iba.
D. upang magkaroon ng kapayapaan ang kalooban.
18. Nahirapan si Jim sa kaniyang performance task kaya binayaran na lamang niya ng smartload si Jina
kapalit ng pagsagot sa kanyang gawain. Anong paglabag sa katapatan ang ipinakita ni Jim?
A. pandarambong B. pandaraya C. panlilinlang D. panunuhol
19. Ano ang maaaring makamit ng tao kung isasabuhay niya ang katapatan sa salita at sa gawa?
A. kapahamakan sa sarili C. respeto at tiwala ng kapwa
B. rebelasyon ng masasakit na salita D. may kaaway sa loob at labas ng bahay
20. Anong angkop na kilos ng katapatan sa salita ang pagbibigay impormasyon sa isang tao nagtatanong na
dayuhan?
A. Mataas na paggalang sa nakatatanda
B. Pagsasabi ng totoo para makatulong sa ibang tao
C. Pagsasabi ng totoo para maiwasan ang pagkalito
D. Pagsasabi ng totoo sa kapwa para sa sariling kapakanan
21. Niyaya ka ng iyong mga kaibigang manood ng sine na may malaswang tema. Kailangan daw ito para
hindi ka maging mangmang sa ganitong uri ng gawain. Anong isyung panseksuwalidad ang ipinakita sa
sitwasyon?
A. Pornography B. Gender Identity C. Sexual Orientation D. Teenage Pregnancy
22. Nagtratrabaho habang nag-aaral si Lando. Sa kabila ng mga tungkulin sa trabaho at pag-aaral ay
madiskarte at determinado siyang maisakatuparan ang kanyang pangarap. Anong tamang kilos ang
kaniyang ipinakita bilang nagbibinata?
A. pagiging responsablae sa pag-aaral
B. mga pamantayan sa asal ng pakikipagkapwa
C. kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasya
D. papel sa lipunan ng mga nagdadalaga at nagbibinata
23. Bakit mahalagang maiwasan ang anumang karahasan sa paaralan?
A. upang maging sikat sa paaralan
B. upang magkaroon ng matiwasay na buhay
C. sapagkat ito ay magdudulot ng gulo sa iyong buhay
D. sapagkat ito ay magiging daan sa paggaan ng buhay
24. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagmamahal sa kapuwa na magiging daan upang makaiwas o
masupil ang karahasan sa paaralan?
A. bigyan ng pagkain ang kaklase
B. aawayin ang mambubulas sa kaklase
C. pagbibitaw ng masasakit na salita sa kaklase
D. hindi sila pakialaman upang walang gulong mangyari
25. Nakita mong nilagyan ng bato ang bag ng isa mong kaklase. Ano ang pinakaangkop na gawin sa ganitong
sitwasyon upang matigil ang karahasan sa iyong kaklase?
A. hayaan ang salarin sa kaniyang ginawa
B. tutulong sa paglagay ng bato sa bag nito
C. ipagbigay-alam sa guro ang tunay na nangyari
D. tatahimik na lang at magpanggap na walang nakita
26. Bilang kabataan, paano maipakikita ang kabutihan sa kapuwa kabataan?
A. Pakikipagkaibigan sa mga kabataan
B. Nakikisalamuha sa kapwa kabataan kung may pagtitipon
C. Pamunuan ang mga kabataan dahil mayaman siya sa kanilang lugar
D. Nakikiisa sa mga gawain at proyekto ng kabataan sa kanyang barangay
27. Nakita mo na kinuha ni Joel ang lapis ng isa ninyong kaklase nang walang paalam, ano ang nararapat
mong gawin?
A. Manahimik na lamang.
B. Kunin ang lapis at ibalik sa may-ari.
C. Awayin ang kumuha ng lapis ng kaklase.
D. Ipaalam sa guro upang malatapatan ng kaukulang aksiyon.
28. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng hindi agarang paglantad ng katotohanan?
A. Sinira ni Dina ang damit ng kaniyang katunggali bago ang patimpalak upang hindi ito makasali.
B. Nagsumbong si Nad kay Flyn tungkol sa narinig niya sa kaniya na pakitang-tao lamang daw ito.
C. Pumasok si Jim sa klase ng kakambal na si Jin upang kumuha ng pagsusulit para sa kanyang kapatid.
D. Makalipas ang sampung taon ay hindi na nakayanan ng konsensya ni Andrew na itago sa kapatid ang
katotohanang magkaiba sila ng ama.
29. Paano mo hihikayatin ang mga mag-aaral sa pagpapakita ng katapatan sa kanilang kapwa mag-aaral kung
ikaw ang Pangulo ng SSG sa inyong paaralan?
A. Magiging mabuting ehemplo ako sa kanila upang sila’y mahikayat.
B. Pasasalamatan isa-isa ang mga mag-aaral nang matapat.
C. Uutusan ko silang magwalis sa paligid upang makagawa ng kabutihan.
D. Bibigyan ko ng pangaral ang kapwa mag-aaral na magsasauli ng nawawalang gamit.
30. Alin sa sumusunod ang naglalahad ng katapatan sa paggawa?
A. Maagang pumapasok si Julio sa kanyang trabaho bilang guro sa sekondarya.
B. Ipinaalam ni Ben sa isang police station ang naiwang bag ng kaniyang pasahero.
C. Laging nagsasabi nang totoo si Minda sa kaniyang magulang kung siya pupunta.
D. Pinaghirapan at pinagbutihan ni Nea ang kaniyang takdang-aralin upang makakuha ng mataas na marka.
31. Paano mas maiiwasan ang pagkasangkot sa pansekswal na isyung pre-marital sex?
A. isaalang-alang ang kahahantungan ng kilos
B. pagsama sa kasintahan o katapat na kasarian
C. maging aktibo sa isports upang maging malusog
D. mag-aral ng mabuti at magsumikap na makapagtapos
32. Paano mo mapaghahandaan bilang nagbibinata at nagdadalaga ang bokasyon na magmahal?
A. sa pamamagitan ng pagsisilbi sa pamilya at pakikipagkaibigan sa kapuwa
B. sa pamamagitan ng pagtupad ng kanilang mga tungkulin na magmahal ng kapuwa
C. sa pamamagitan ng pagkilos nang tama at pagsunod sa mabuting itinuro ng magulang o nakatatanda
D. sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malayang kaisipan at pananaw na may kaugnayan sa
pagmamahal at pakikipagrelasyon
33. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pambubulas sa paaralan?
A. Masakit ang ngipin ni Alyn kaya umuwi siya ng bahay.
B. Ipinahayag ni Richard ang kaniyang tunay na nararamdaman kay Cha.
C. Nagpalakpakan ang buong klase pagkatapos ng pagtatanghal.
D. Nagtitinda ng daing si Mary sa kanilang lugar kapag walang pasok, kaya lagi siyang tinutukso ng
kaniyang mga kaklase na amoy daing ito.
34. Nakita ni Ana ang kaklaseng si Liza na akmang susulatan ang pader ng paaralan gamit ang pentelpen.
Ano ang nararapat gawin ni Ana?
A. sawayin ang kaklase C. hayaan nalang ang kaklase
B. susulatan din ang pader D. manood kung ano ang isusulat ng kaklase
35. Nakita mong kinukutya ng iyong kaibigan ang isa ninyong kamag-aral dahil siya ay napakapayat, ano ang
nararapat mong gawin?
A. manahimik at huwag nang makialam
B. suntukin ang nangungutya sa mag-aaral
C. susuportahan ang kaibigan sa ginawa
D. pagsabihan ang kaibigan na mali ang kaniyang ginawa
36. Paano mapatutunayan ang likas na pagiging matulungin ng mga Pilipino?
A. Pagbibigay ng regalo sa mga kilalang tao turing kapaskuhan.
B. Pagbibigay ng tulong sa mga taong nasalanta o biktima ng iba’t ibang sakuna.
C. Pagsunod sa mga alintuntuning batas trapiko.
D. Pagpapakopya sa kamag-aral na madalas lumiban sa klase.
37. Naabutan ni Dindy ang kanyang kaklase na kinukuha ang baong pera ni Janice. Isinumbong ni Dindy sa
kaniyang guro ang ginawang pagnanakaw ng kaklase. Masasalamin ba sa ikinilos ni Dindy ang birtud ng
katapatan?
A. Hindi, dahil ang pagnanakaw ay kawalan ng katapatan.
B. Oo, dahil labag sa katapatan na pagtakpan ang katotohanan.
C. Oo, dahil mali ang kanyang ginawang pagkuha ng perang di sa kanya.
D. Hindi, dahil hindi siya dapat makialam sa problema ng kanyang mga kaklase.
38. Alin sa sumusunod na pagpapakahulugan ang tumutukoy sa pahayag na ang seksuwalidad ay hindi
lamang tumutukoy sa bayolohikal na aspekto ng indibidwal?
A. Mahuhubog ng wasto ang kanyang pagkatao.
B. Makikilala ang seksuwalidad ng isang tao ayon sa pisikal na aspekto nito.
C. Ang seksuwalidad ay makikilala sa pamamagitan ng kasarian at bahagi ng tao.
D. Mayroong kalayaan at karapatang pumili ang isang indibidwal kung ano ang ninanais niyang maging.
39. Bakit mahalagang matutuhan ang tamang pananaw sa seksuwalidad?
A. Nagpapatibay ito ng relasyon ng magkapareha.
B. Ito ang pumipili sa ating makakasama habang buhay.
C. Nagpapamulat ito ng atraksiyon natin sa kasalungat na kasarian.
D. Ito ang magiging gabay natin upang maging karapat-dapat sa ating nakatakdang kapareha.
40. Bakit kailangang masupil ang karahasan sa loob ng paaralan?
A. upang wala ng problema ang mga guro sa paaralan
B. upang maging mahusay sa klase ang mga mag-aaral
C. upang maging ligtas sa kapahamakan ang bawat mag-aaral
D. upang wala ng problema ang guidance counselor ng paaralan
41. “Tumulong nang walang kapalit, sinomang nangangailangan ay bigyan nang may malasakit” Sa
paanong paraan ito naisasagawa?
A. Gumagastos nang malaki sa ginagawang handaan.
B. Pagbibigay ng limos sa batang kalye pag may nanonood.
C. Handang tumulong para sa kapakanan ng iba nang walang pasubali.
D. Pagpapaaral ng mahihirap na estudyante upang matulungan ka rin sa hinaharap.
42. Laging binibigyan ni Karen ang matalik niyang kaibigan ng sagot kung may pagsusulit samantalang si
Liza naman ay hinikayat ang mga kaklase na mag-aral ng pangkatan bilang paghahanda sa kanilang
pagsusulit. Sino kina Karen at Liza ang nagpapakita ng kabutihang loob sa kapwa?
A. Si Karen na nagbibigay ng sagot sa kanyang kaibigan
B. Pagtutulungan nina Karen at kaibigan sa pagsagot sa pasulit
C. Paghikayat ni Liza sa mga kaklase para kanya-kanyang mag-aral
D. Pangunguna ni Liza sa kanyang mga kaklase sa pangkatang pag-aaral
43. Napagbintangan ni Chessa ang kaklaseng si Loren na naglagay ng pinagbalatan ng saging sa kaniyang
bago dahil nakita niyang binuksan ni Loren ang kaniyang bag. Sa kaniyang galit ay nasigawan niya si
Loren. Tama ba ang ginawa ni Chessa?
A. hindi, dahil kaibigan niya ito
B. oo, dahil tama lang ang ginawa niya
C. hindi, dahil masama ang mambintang
D. oo, dahil nakita niyang binuksan ang kaniyang bag
44. Bakit nararapat na magkaroon ang isang kabataan ng mataas na kamalayan sa mga bagay na may
kaugnayan sa katapatan?
A. upang lagi kang pupurihin
B. upang magkaroon ka ng maraming kaibigan
C. upang may tutulong sa panahon ng kagipitan
D. upang hindi mapahamak bagkus ay mahubog ang sarili sa kabutihan
45. Bakit kailangang maiwasan, maagapan, at masolusyonan ang patuloy na paglaganap ng karahasan sa loob
ng paaralan?
A. Malaki ang magiging epekto nito sa pagkatuto at pakikipag-ugnayan ng mag-aaral.
B. Magkakaroon ng ibayong tapang ang mga biktima ng karahasan.
C. Makukulong ang anumang gumagawa ng karahasan sa paaralan.
D. Mabibigyan ng gantimpala ang mga gumagawa ng karahasan.
46. Buuin ang mga pahayag upang makabuo ng isang saknong na nagpapahayag ng diwa ng katapatan.
I. Gawaing sa kaniya’y itinakda III. Ay tunay na kahanga-hanga
II. Ang matapat sa salita at gawa IV. Buong tiwala ang kaniyang mapapala
A. I, II, III, IV B. IV, III, II, I C. II, III, I, IV D. III, IV, I, II

47. Malapit na ang nakatakdang araw ng pagpasa ng proyektong ibinigay ng guro bagama’t wala pang maisip
na ideya si Alden kung paano ito gagawin. Upang makapasa ito sa itinakdang oras ay ginaya niya ang
ginawang proyekto ng kaniyang kaklase nang hindi nagpaalam. Kung isasaalang-alang ang birtud ng
katapatan tama ba ang ginawa ni Alden?
A. Hindi, dahil ito ay paglabag sa katapatan
B. Oo, dahil nakapagpasa siya sa tamang oras
C. Hindi, dahil magagalit ang kanyang kaklase
D. Oo, dahil sa kuya rin naman niya ang ideyang iyon
48. Isaayos ang mga pahayag upang mailahad ang angkop na pananaw sa sekswalidad.
I. Mahalagang palawakin ang saklaw ng ating isipan
II. Lahat ay may karapatang mabuhay na masaya sa lipunang ginagalawan
III. Lalaki, babae, o LGBTQIA man ang iyong kinabibilangan
IV. Upang ang lahat ay maging patas at pantay sa kasarian
A. I, II, III, IV B. IV, III, II, I C. IV, II, I, III D. I, IV, III, II
49. Ang mga magulang ang pangunahing guro ng bawat kabataan. Ang bahay ang pangunahing paaralan. Dito
binibigyan ng kaukulang pansin ang pagtuturo ng kagandahang asal, mga gawaing bahay at iba pang
kaalaman sa buhay. Bakit itinuturing ang paaralan na pangalawang tahanan ng bawat mag-aaral?
A. Dito mas hinuhubog ang kagandahang asal at pinapalawak ang kaalaman at kakayahan ng bawat
kabataan.
B. Buong araw na nasa paaralan ang mga bata kaya parang tumitira na sila dito.
C. Mas magiging ligtas ang mga kabataan sa paaralan dahil may mga guro na nagmamahal sa kanila.
D. May mga kagamitan sa paaralan na katulad sa kagamitan sa tahanan kaya puwede nang maging
tirahan ang paaralan.
50. Bilang Student Leader na tagapagsulong ng Anti-Bullying Act, ano ang pinakaangkop gawin para sa mag-
aaral na nangungutya sa batang may kapansanan?
A. pagbayarin ng multa sa pangungutyang ginawa
B. turuan ng leksiyon ang kinukutya at ang nangungutya
C. ipagbigay-alam sa Guidance Counselor upang mapangaralan
D. sabihan siyang huwag na lang pumasok para hindi niya ma-bully ang mag-aaral na may kapansanan.

Prepared by:

RHEEZA Y. AOALIN

EVA V. DULDULAO
Subject Teachers

You might also like