You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
BULACNIN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
BULACNIN, LIPA CITY
Semi-Paynal sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Panuto: Piliin mo naman ako. Maramihang Pagpipilian: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem.
Gamitin ang sagutang papel (Answer Sheet) sa pagsasagot nito. Itiman o (i-shade) ang letra ng
pinakatamang sagot sa bawat bilang. Ballpen ang gagamitin sa pagsasagot at iwasan ang magbura sa
pagsusulit na ito. Kahit hindi ka pinili, dito kailangan at maging maingat sa pagpili.
1. Gumigising nang maaga si Ryan bago pumasok upang tulungan ang kanyang nanay na abala sa mga
gawaing bahay at sa kanilang tindahan. Paano ipinakita ni Ryan ang pagiging mabuting anak sa kanyang
nanay?
A. Maagang papasok si Ryan sa paaralan.
B. Gumising nang maaga si Ryan para magtrabaho.
C. Nagtitinda si Ryan at hindi na pumasok sa paaralan.
D. Tumulong sa kanyang nanay sa gawaing bahay at sa tindahan.
2. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng kagandahang loob?
A. Pagbibigay ng pagkain sa mga batang lansangan
B. Pagbibigay sa pangangailangan ng kanilang kasambahay
C. Tinitiyak na laging may pera para masuportahan ang pamilya
D. Gumasta ng malaki sa kanyang birthday para marami ang makakain
3. Bakit mahalaga ang paggawa ng kabutihan sa kapwa?
A. Nakapagpapasaya ka sa kapwa B. Nagpapakita ito ng pagmamahal sa kapwa
C. May gumawa rin nito sa kanya D. Tungkulin ng bawat tao na gumawa ng mabuti sa
kapwa
4. Alin sa mga sumusunod ang tamang pakikitungo ng mga mag-aaral sa mga guro, kamag-aaral o janitor
sa paaralan?
A. Kabutihan B. Pagpapakilala C. Pagpapasikat D. Pagtulong
5. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita nangg kabutihang loob sa kapwa sa loob
ng paaralan?
A. Pagpapahiram ng bolpen sa kaklase
B. Paglilinis sa silid-aralan kapag nariyan ang guro
C. Manahimik upang hindi makapag-ingay sa klase
D. Binibigyan ng meryenda ang kaklase na nagpapakopya ng sagot sa pasulit
6. Si Linda ay may nakitang wallet sa school canteen na naglalaman ng pera. Hindi niya ito isinauli sa may-
ari dahil katwiran niya, siya ang nakakita, kaya siya narin ang magmamay-ari nito. Anong paglabag sa
katapatan ang nagawa ni Linda?
A. Black lies B. White lies C. Selfish lying D. Prosocial lying
7. Nakalimutan ni Norma na magdala ng krayola na gagamitin sa kanilang Art Class. Dahil ayaw na niyang
umuwi, ay agad niyang kinuha ang krayola at isinulat niya sa sisidlan nito ang kanyang pangalan habang
hindi nakatingin si Tanya. Anong paglabag sa katapatan ang nagawa ni Norma?
A. Academic dishonesty B. Pagsisinungaling
C. Dishonest actions D. Tacit dishonesty
8. Alas syete ng gabi nang dumating si Angela sa kanilang bahay kaya galit na nagtanong ang kanyang nanay
kung saan siya galing at kung bakit ginabi ito. Dahil sa takot, ay nagdahilan itong galing sa silid-aklatan para
sa pangkatang gawaing ibinigay ng guro sa halip na sabihing dumalo sila sa birthday party ng kaklase.
Anong paglabag sa katapatan ang nagawa ni Angela?
A. Akademikong pandaraya B. Pagpapanggap
C. Hindi pagsasalita D. Pagsisinungaling
9. Pinapayagan lamang na gumala si Dalia ng kanyang ina kapag kasama ang kaibigang si Rose. Isang araw
nagpaalam si Dalia na aalis kasama si Rose ngunit ang hindi alam ng kanyang magulang ay nakipagkita lang
pala si Dalia sa kanyang nobyo. Anong paglabag sa katapatan ang nagawa ni Dalia?
A. Black lies B. Selfish lying
C. Prosocial lying D. White lies
10. Nahihirapan si Armail sa kanilang takdang-aralin kaya binayaran na lamang niya ng load si Jasmin
kapalit ang pagsagot sa kanyang gawain. Anong paglabag sa katapatan na ipinakita ni Armail?
A. Pandarambong B. Pandaraya C. Panlilinlang D. Panunuhol
11. Paano mo maipapakita ang katapatan sa iyong mga magulang?
A. pagtulong sa mga gawaing bahay. B. paghingi ng sobrang pera bago pumasok.
C. pagsasabi ng katotohanan sa magulang. D. pagpapakita ng mga marka sa bawat
markahan.
12. Nakita ni Teddy na nahulog ang cellphone ng isang babae na papuntang canteen kaya pinulot niya ito at
ibinigay sa may-ari. Bakit ito ginawa ni Teddy?
A. kilala niya ang babae. B. may crush siya sa babae.
C. isa siyang tapat na bata. D. gusto niya ng gantimpala.
13. Bakit mahalagang maging matapat sa salita at sa gawa ang isang tao?
A. maging sikat. B. makatanggap ng papuri mula sa iba.
BULACNIN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulacnin, Lipa City
Tel. No.: (043) 455-1465
E-mail Address: bulacninnationalhs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
BULACNIN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
BULACNIN, LIPA CITY
C. makatanggap ng pabuya. D. magkaroon ng kapayapaan ang kalooban.

14. Pumunta ang Nanay ni Jade sa paaralan upang ibigay ang naiwang baon nito at nasaksihan niyang
inaaway ng grupo ng kalalakihan ang kanyang anak. Ano kaya ang maaaring hakbang na gawin ng Nanay ni
Jade?
A. dalhin sa police station at ireklamo
B. makipag-ugnayan sa guidance counselor ng paaralan
C. pagsabihan ang grupo ng masasakit na salita para magtanda
D. paghahampasin ang mga estudyanteng nagpapaiyak sa kanyang Anak
15. Ano ang tawag sa paggawa ng mabuti o pagsasabi ng totoo sa lahat ng oras, bagay, pangyayari o
sitwasyon?
A. Kadakilaan B. Kasikatan
C. Karunungan D. Katapatan
16. Ano ang tawag at maituturing na labis na makapangyarihan ng tao?
A. Katapatan B. Pakikitungo C. Salita ng tao D. Pakikipagkaibigan
17. Isang araw namasada si Mang Ben, nang siya ay pauwi na ay may napansin siyang isang bag sa upunan
ng kanyang sasakyan. Ibinigay niya ito sa isang pulis na kanyang nadaanan. Anong katapatan ang ipinakita
ni Mang Ben?
A. Katapatan sa gawa B. Katapatan sa paggawa
C. Katapatan sa salita D. Katapatan sa pangangasiwa
18. Kung nais mo na maging mas matatag ang pagsasama mo ng iyong kaibigan, ano ang dapat mong ibigay
sa kanya kung siya ay nagkasala?
A. Aral na hindi niya makakalimutan
B. Marangyang piging at pagdidriwang
C. Taos at bukal sa pusong pagpapatawad
D. Paghahanap ng magiging bago niyang kaibigan
19. Anong angkop na kilos ng Katapatan sa gawa ang maagang pumasok sa paaralan o trabaho?
A. Paggawa ng tama para sa kapwa
B. Paggawa na may pagmamahal sa trabaho
C. Paggawa na naaayon sa oras at panahon
D. Pagsasabi ng totoo sa kapwa para sa sariling kapakanan
20. Nangako si Lenie na hindi ipagsasabi ang lihim ng kanyang kaibigan. Anong katapatan ang ipinakita ni
Lenie?
A. Katapatan sa gawa B. Katapatan sa paggawa
C. Katapatan sa salita D. Katapatan sa pangangasiwa
21. Simula nang ikaw ay isilang kaugnay na ng iyong pagkatao ang pagkamit sa kaganapan ng pagkikilala sa
iyong seksuwalidad. Ano ang tinutukoy sa pahayag?
A. Kabutihan B. Kaganapan C. Kakayahan D. Kasarian
22. Ano sa mga sumusunod ang may malaking bahagi sa ating pagpapakatao?
A. Pagkababae B. Pagkatao C. Pagkalalake D. Seksuwalidad
23. Si Tanya ay may gusto kay Ricky, dahil dito ay nagpapaganda siya araw-araw nang sa gayon ay mapansin
siya nito. Anong seksuwalidad mayroon si Tanya?
A. asexual B. babae C. lalake D. bisexual
24. Alin sa sumusunod ang isa sa mga palatandaan ng pagbibinata o pagdadalaga?
A. umiiyak kapag inaaway
B. mas pinipiling mapag-isa
C. nakakaligtaang magbihis nang maayos
D. pagpapakita ng atraksiyon o kagustuhang makipagrelasyon sa kapwa
25. Alin sa sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa seksuwalidad?
A. Ang seksuwalidad ay tungkol lamang sa bahagi ng katawan.
B. Ang seksuwalidad ay hindi makikita sa paraan ng pagsasalita, pagkilos at pananamit.
C. Ang seksuwalidad ay maaaring mahubog sa kung sino at ano ang nakikita at nakasasama.
D. Ang seksuwalidad ay higit pa sa mga bahagi ng katawan at kasarian.
26. Anong isyung pansekswalidad ang maaaring kahantungan ng isang batang ina na nakararanas ng labis
na kahihiyan at takot sa magiging responsibilidad sa ipinagbubuntis?
A. aborsyon B. body shaming
C. gender stereotyping D. role confusion
27. Si Aya ay may kakaibang pangangatawan kaya nilalait at pinagtatawanan ng mga kalalakihan sa
kanilang lugar. Anong uri ng isyung pansekswalidad ang inilalarawan sa sitwasyon?
A. Body Shaming B. Gender Stereotyping
C. Oryentasyong Seksuwal D. Teenage Pregnancy
28. Ano ang dahilan ng paglaganap at pagdami ng mga napapanahong isyu ng sekswalidad sa lipunan?
A. impluwensya ng medya, telebisyon at internet

BULACNIN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL


Bulacnin, Lipa City
Tel. No.: (043) 455-1465
E-mail Address: bulacninnationalhs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
BULACNIN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
BULACNIN, LIPA CITY
B. pagpili ng mga taong makipagsabayan sa uso
C. paglaganap ng mga babasahing naglalaman ng karahasan
D. nakakalimutan ng mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak

29. Niyaya ka ng iyong mga kaklaseng manood ng sine na may malalaswang tema. Kailangan daw ito para
hindi maging mangmang sa ganitong uri ng gawain. Anong isyung pansekswalidad ang malinaw na ipinakita
sa sitwasyon?
A. Gender Identity B. Pornography
C. Sexual Orientation D. Teenage Pregnancy
30. Lumaki si Albert na nalilito sa kanyang pagkatao. Iniisip nito na siya ay babae kahit ipinanganak siyang
lalaki. Anong ideya ang malinaw na ipinapakita sa sitwasyon?
A. Gender Confusion B. Gender Equality
C. Gender Identity D. Gender Role
31. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng emosyonal at sekolohikal na pagbabagong naranasan
ng mga nagbibinata at nagdadalaga?
A. pagkakaroon ng buwanang dalaw
B. pagkakaroon ng balahibo sa kili-kili
C. pagkakaroon ng adam’s apple sa leeg
D. pagkakaroon ng malisya kapag hinahawakan ng iba ang katawan.
32. Si Jason ay isang seaman, matagal na niyang hindi nakakasama ang kanyang asawa pero ni minsan
hindi siya naghanap ng iba habang malayo sa isa’t isa. Anong elemento ng pagmamahal ang pinaiiral sa
sitwasyon?
A. emosyon B. kalinisang puri C. kilos-loob D. sekswal na pagnanasa
33. Nagdadalaga na si Lina kaya dumaranas siya ng mga pagbabago sa katawan. Alin sa mga sumusunod
ang halimbawa ng pisikal at bayolohikal na pagbabago?
A. pagiging mahiyain sa mga lalaki B. pagkakaroon ng buwanang dalaw
C. pagkakaroon ng crush sa paaralan D. pagiging maselan sa kanyang katawan
34. Alin sa sumusunod ang dapat isaisip ng kabataan upang makaiwas sa early teenage pregnancy?
A. nasa proseso pa ng pagdadalaga at pagbibinata
B. hilaw pa ang kamalayan sa maging responsibilidad
C. nagdudulot ito ng sakit na sexually transmitted infections
D. hindi pa handa ang sarili sa pinansyal at emosyonal na aspeto
35. Paano maiiwasan ang maagang pagkakaroon ng pamilya?
A. isaalang-alang ang kahahantungan ng kilos
B. pagsama sa kasintahan o katapat na kasarian
C. maging aktibo sa isports upang maging malusog
D. mag-aral ng mabuti at magsumikap na makapagtapos
36. Matalino sa klase si Juan ngunit nasisiyahan siyang saktan ang aspetong pandamdamin at pangpisikal
ng kanyang mga kaklase. Anong uri ng umiiral na karahasan sa paaralan ang ginagawa ni Juan?
A. gang B. pagnanakaw C. pambubulas o bullying D. sexual harassment

37. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng uri ng pambubulas sa paaralan?


A. Lumiban sa klase B. Nangopya sa kaklase
C. nambubugbog ng kaklase D. nakipagkwentuhan sa klase
38. Anong uri ng karahasan ang pang-aapi o panlalait ng kapwa mag-aaral?
A. Paglahok sa fraternity B. pagpapabaya C. pambubugbog D. pambubulas
39. Nakatagpo ng bagong kakilala si Joan sa social media. Madalas niya itong kakwentuhan sa gabi. Isang
gabi, pinilit siya nitong magpadala ng mga malalaswang larawan. Anong uri ng karahasan ang naranasan ni
Joan?
A. gang B. Pagnanakaw C. Pambubulas D. sexual harassment
40. Araw-araw ay parating nag-aaway ang mga magulang ni CJ. Mapapansin na bumababa ang marka nito
sa klase na naging dahilan ng kanyang paghinto sa pag-aaral. Ano ang sanhi ng pagbaba ng marka at
paghinto nito sa pag-aaral?
A. fraternity B. marahas na medya
C. dysfunctional home D. seksuwal na oryentasyon ng tao

“Ang Oportunidad ay hindi basta nangyayari, Ikaw mismo ang gagawa nito”
-Anonymous
Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

JEROME VERGARA EDNA M. KATIGBAK


Guro I Punongguro II

BULACNIN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL


Bulacnin, Lipa City
Tel. No.: (043) 455-1465
E-mail Address: bulacninnationalhs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
BULACNIN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
BULACNIN, LIPA CITY
Iwinasto ni:

JOYNAROSE F. PERMENTILLA
Ulong-Guro II

KEY TO CORRECTION

Item Number A B C D
1. 1 2 0 3
2. 3 2 1 0
3. 1 2 1 3
4. 3 1 0 2
5. 2 1 3 0
6. 2 0 3 0
7. 1 0 3 1
8. 0 1 1 3
9. 2 1 3 1
10. 1 1 1 3
11. 0 0 2 3
12. 2 1 3 1
13. 0 2 0 3
14. 0 3 0 0
15. 1 0 1 3
16. 1 1 3 1
17. 3 2 0 0
18. 0 1 3 1
19. 1 2 3 0
20. 0 0 3 0
21. 1 2 1 3
22. 1 2 1 3
23. 0 3 0 0
24. 0 2 0 3
25. 1 1 1 3
26. 3 1 1 1
27. 3 2 2 1
28. 2 1 2 3
29. 1 3 1 1
30. 3 0 2 2
31. 1 1 1 3
32. 2 3 1 0
33. 1 3 1 2
34. 1 2 2 3
35. 2 0 1 3
36. 0 0 3 0
37. 2 1 3 0
38. 2 1 2 3
39. 0 0 0 3
40. 1 2 3 2

BULACNIN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL


Bulacnin, Lipa City
Tel. No.: (043) 455-1465
E-mail Address: bulacninnationalhs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
BULACNIN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
BULACNIN, LIPA CITY

BULACNIN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL


Bulacnin, Lipa City
Tel. No.: (043) 455-1465
E-mail Address: bulacninnationalhs@yahoo.com

You might also like