You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE
BONUAN BUQUIG NATIONAL HIGH SCHOOL
DAGUPAN CITY

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8


August 8-9, 2019 | S.Y. 2019 - 2020

NAME: ____________________________________________
GRADE & SECTION:_________________________________ SCORE Parent’s Signature over Printed Name

PANUTO: BILUGAN ANG PINAKAWASTONG SAGOT SA BAWAT KATANUNGAN.

1. Ang mga ______ang unang guro ng mga anak sa pagpapaunlad ng mga pagpapahalaga.
A. magulang B. guro C. kaibigan D. kapatid

2. Isa sa mga pagpapahalagang dapat ituro ng pamilya o magulang sa kanilang mga anak ay ang ________
A. katanyagan B. katarungan C. karangyaan D. kayabangan.

3. Ano ang tawag sa pagmamahal sa pagitan ng mag-asawa?


A. agape love C. conjugal love
B. paternal love D. young love

4. Tuwing araw ng Linggo nagsisimba ang buong pamilya. Ano ang nais ipamulat ng iyong mga magulang?
A. pagiging malapit sa Diyos. C. pagiging malapit sa isa’t isa

B. pagiging masayahin D. pagiging palasimba

5. Ang pagkakapantay-pantay ng babae at lalaki ay may batayan at nag-uugat sa kanilang parehong tao na may
___
A. dignidad B. pangalan C. kasarian D. pamilya

6. Ang paggawa ng gawaing bahay ay isang gawain na masaya at _______


A. dapat ikahiya B. dapat ipagmalaki C. dapat ipagyabang D.dapat kalimutan

7. Bilang miyembro ng pamilya, may _______ na ginagampanan ang bawat isa.


A. gawain B. bayaran C. responsibilidad D. bahagi

8. Ano ang tawag sa pagmamahal ng mga magulang sa kanilang anak?


A. agape love C. conjugal love
B. paternal love D. young love

9. Bawat isa ay binigyan ng tungkulin sa tahanan ng iyong magulang. Paghuhugas ng pinggan ang iyong gawain,
pag-iigib ng tubig ang gawain ng iyong kuya. Isang araw hindi nakaigib ng tubig ang iyong kuya dahil siya ay
nagkasakit. Anong hakbang ang dapat mong gawin?
A. ipaubaya sa magulang ang gagawin C. ipasa ang tungkulin sa nakbabatang kapatid
B. mag-igib ng tubig na kayang buhatin D. hintaying gumaling ang kuya para mag-igib

10. Ang pamilya ang pinakamalapit nating ______________


A. kapwa B. kaibigan C. kapitbahay D. kaanak

11. Tinuturuan ng iyong nanay ang iyong nakababatang kapatid sa pagsususlat at pagbabasa, maging sa pagdarasal
at pagkakaroon ng kagandahang asal. Ano ang ipinapahiwatig nito?
A. masipag ang iyong mga magulang
B. tungkulin ng magulang na turuan ang anak
C. walang ginagawa ang iyong mga magulang
D. ang magulang ay nagsisilbing guro sa ating tahanan

12. Ang pagbabahagi ng mga _______ ay epektibong paraan upang mapangasiwaang mabuti ang tahanan.
A. gawain B. gastusin C. pagkain D. pagmamahal

13. Ano ang prinsipyong dapat tandaan sa paggawa ng mga gawaing bahay
A. ang nakatatandang kapatid ang gumagawa ng gawaing bahay
B. ipagpaliban ang gawaing bahay
C. gawin ang gawaing gusto lamang
D. ang paggawa ng mga gawaing bahay ay gawaing mahalaga

14. Inimbita ka ng iyong kaibigan na pumunta sa kanyang kaarawan subalit pinag-aalaga ka ng iyong nanay ng
bunso mong kapatid dahil marami siyang tahiin. Ano ang nararapat mong gawin?
BBNHS-004-SD-004
A. pupunta sa kaarawan ng kaibigan
B. humingi ng paumanhin sa kaibigan dahil hindi makakapunta
C. dadalhin ang kapatid sa party
D. pilitin ang nanay na payagan kang pumunta ng party

15. Ang ________ ay ugat ng katauhan ng isang tao sapagkat dito siya nagsimula ng kanyang buhay.
A. paaralan B. pamilya C. lipunan D. simbahan

16. Nakagawian ng iyong pamilya ang sbay-sabay na kumain sa hapagkainan. Ano ang pagpapahalaga na
ipinapakita ng iyong pamilya?
A. pagkakaisa B. pagkamasinop C. pagtitipid D. pagkamasayahin

17. Ang pagwawasto ng mga magulang sa mga pagkakamali ng anak ay tanda ng kanilang ______?
A. Pagiging istrikto sa mga anak C. pagdadamot sa anak
B. pagdidisiplina sa anak D. pagpapahiya sa anak

18. Ang iyong ina ay tindera sa palengke, maaga kung umalis ng bahay at gabi na rin kung umuwi dahil sinisikap
niyang mapunan ang iyong pangangailangan, hindi siya nagkukulang sa pangangaral at pagbibigay payo sa inyo
sa oras na kayo ay magkasama, kaya lang may mga oras na hindi mo siya makausap. Paano mo haharapin ang
sitwasyon?
A. Magtanin ng galit sa kapwa C. Magtampo sa ina
B. Unawain ang kakulangan ng ina D. Huwag na lang pansinin

19. Ang maayos na pamilya ay nagiging saligan ng mabuting _________.


A. pakikipagkapwa B. pakikisama C. pakikipagkaibigan D. kapitbahay

20. Ang paggawa ng gawaing bahay ay nagbibigay rin ng kaganapan at ________ sa buhay
A. kasiyahan B. kalungkutan C. kapaguran D. kaabalahan

21. Maaaring mapanatili ang pagbubuklod at mapayapang ugnayan ng pamilya sa pamamagitan ng ____ at
mabuting pag-uusap ng bawat miyembro nito.
A. malaya B. mahigpit C. matamlay D. matagal

22. Ito ay isang lugar na kung saan ay may pagmamahalan at respeto sa isa’t isa.
A. bahay B. paaralan C. simbahan D. tahanan

23. Napagtaasan ka ng boses ng nanay mo sa harap ng ibang tao. Ano ang gagawin mo?
A. pagpasensyahan ang iyong nanay C. magalit sa iyong nanay
B. magtampo sa iyong nanay D. huwag sundin ang utos ng nanay

24. _______ ng mga magulang na lumikha ng atmospera sa pamilya na may pagmamahalan at paggalang sa Diyos
at sa kanilang kapwa.
A. Pananagutan B. Gawain C. Karapatan D. Tungkulin

25. Sa ating lipunan ngayon na samu’t sari ang problema, kailangan ng mga anak ang matibay na pundasyong ____
upang huwag silang mailto at mapasama.
A. pagpapahalagang moral C. pagpapahalagang kaunlaran
B. pagpapahalaga sa bayan D. pagpapahalaga sa sarili

26. Ano ang pinakaunang tungkulin ng mga magulang sa paghubog ng katauhan ng mga anak?
A. pagtuturo ng mga batayang moral C. pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan
gaya ng pagkain
B. pagtuturo ng tamang pag-aalaga sa katawan D. pagpasok ng mga magulang sa anak sa paaralan

27. Ang pamilya Dela Cruz ay nagpakabit ng internet sa kanilang bahay. Paano ito gagamitin nang may tamang
layunin?
A. hayaan na ng mga magulang ang mga anak sa paggamit nito dahil sila ang mas may kaalaman sa paggamit
B. maaari itong ipagamit ng mga magulang kahit anong oras upang masulit ang ibinabayad kada buwan
C. pabuksan lamang ng mga magulang kung may takdang aralin o research ang mga anak.
D. pagpapatnubay ng mga magulang sa mga websites na bubuksan ng mga anak

28. Sila ang pinakauanag nagtuturo ng pananampalataya sa Diyos?


A. Pari B. guro C. magulang D. kaibigan

29. Ito ay ang makabuluhang panahon sapagkat dito natututuhan ang mga pamamaraan ng responsableng
pagmamagulang ng iyong sariling mga magulang.
A. pagdadalaga/pagbibinata C. pag tumanda na
B. pagkabata D. pag nagkaasawa na

30. Ito ay pagpapalitan ng mensahe tungo sa pagkaka-unawaan at pagkaka-intindihan.


A.komunikasyon B. pakikipagkapwa C. awayan D. pagkakaibigan

31. Ito ay isang natural na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya na nakatutulong sa


pagpapa-unlad ng sarili tungo sa pakikipagkapwa.
BBNHS-004-SD-004
A. Tahanan B. paaralan C. pamilya D. bahay

32. Ito ay pagbibigay ng walang inaasahang kapalit o bayad


A. unconditional love B. law of free giving C. conditional love D. law of free loving

33. Ito ay ang kusang pagbibigay ng pagmamahal, pag-unawa at pagtulong.


A. law of free loving B. conditional love C. law of free giving D. Unconditional love

34. Ano ang dahilan ng Diyos sa paglikha ng pamilya?


A. upang pagmulan ng pagmamahalan ng tao C. tagapangalaga ng pangangailangang material ng tao
B. makabahagi niya sa paglika ng tao D. upang mapuno ang daigdig na kanyang nilikha

35. Ang pamilyang binuklod ng iisang pananampalataya ay ______


A. buo at matatag C. palaging alam ang tama at mali
B. magkakapareho ang paraan ng pagsamba sa Diyos D. mga anak ay dapat na mahalin ang mga magulang

36. Alin sa mga sumusunod ang isang paraan upang makamit ang kapayapaan at katatagan ng lipunan?
A. mataas na uri ng pagpapamilya C. pagsuporta ng gobyerno sa mga proyektong
pangpamilya
B. pagsunod ng mga anak sa utos ng mga magulang D. pagsama sa mga gawaing pangkomunidad

37. Ang mga anak ay dapat na mabuo sa tunay na pagmamahalan ng mag-asawa. Ito ay nangangahulugang:
A. ang mga anak ay dapat na mahalin ng mga magulang
B. ang mga anak ay ay isinilang para mahalin ng mga magulang
C. ang mga anak ay bunga ng pag-iibigan ng mga magulang
D. ang mga anak ay dapat mahalin ang mga magulang

38. Ang karakter ng mga anak ay repleksyon ng pagkamapanagutan ng kanilang mga magulang. Ano ang
kahalagahan ng pahayag na ito?
A. malaki ang tungkulin at gampanin ng mga magulang
B. kung ano ang karakter ng mga anak ay ganoon din sa mga magulang
C. kailangang sundin ng mga anak ang magulang
D. pananagutan ng bawat magulang ang anak

39. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na: “Ang mga magulang ay didisiplinahin ang mga anak ayon sa hinihinhi ng
pangyayari”
A. itutuwid ng ng mga magulang ang mga maling gawa ng mga anak
B. paparusahan ang mga anak kung anuman ang nais nilang gawin
C. hahayaan ng mga anak kung anuman ang nais nilang gawin
D. ituro sa mga anak ang mga kagandahang asal

40. Ano ang kadalasang nangyayari kapag nagpakasal ang lalaki at babae na wala pa sa hustong gulang o edad?
A. madami ang nagiging mga anak
B. hindi nagkakaroon ng problema ang mag-asawa
C. maganda ang nagiging kinabukasan ng mga anak
D. madalas ang pag-aaway dahil kapwa hindi pa handa

41. Ang bawat miyembro ng pamilya ay may kani-kaniyang ginagampanang tungkulin upang matugunan ang mga
pangangailangan ng pamilya. Alin sa mga sumusunod ang sumasalungat sa pahayag na ito?
A. kailangang magtulungan sa gawaing bahay
B. dapat naipapakita ang responsableng pagmamagulang
C. pagsisilbihan ng mga magulang ang anak ng kanilang pangangailangan
D. paggawa ng mga tungkulin nang masaya at maayos

42. Ano ang hindi magandang epekto o dulot kapag magkaiba ang pananalig na panrelihiyon ng mag-asawa?
A. hindi alam kung saan magsisimba
B. hihirap ang buhay ng mag-asawa
C. hindi magiging legal o walang bisa ang kasal
D. hindi magkakasundo sa mga paniniwala at pananampalataya

43. Ang panganay na anak nina G. at Gng. Fernandez ay nasa kolehiyo na. Malaya itong nakakasama sa mga
kabarkada na may permisyo sa mga magulang.
A. Tama ito dahil hindi pwedeng ikulong lang sa bahay ang anak
B. Tama ito para matuto na sa buhay ang anak
C. Mali ito dahil kailangang subaybayan ang mga anak
D. Mali ito dahil baka mapasama ito sa kanilang pag-aaral

44. Ang kasal ng dalawang tao ay maaaring mapawalang bisa kung:


A. Naglihim sa isa’t isa ang dalawang ikinasal
B. Madalas ang pag-aaway ng mag-asawa
C. Walang trabaho ang isa’t isa
D. Hindi pareho ang relihiyon

BBNHS-004-SD-004
45. Papaano maipapakita ang kahalagahan ng pananampalataya sa iyong pamilya?
A. pagdarasal ng sabay-sabay kapag may sakit ang isang miyembro ng pamilya
B. pagsamba ng buong pamilya tuwing araw ng pagsamba
C. pagbabasa ng Bibliya o Koran
D. lahat ng nabanggit

46. Ito ay ang dapat ituro at misyon ng pamilya o magulang sa anak. Ito rin ang pinakaugat at pundasyon ng lahat ng
pananampalataya.
A. Katarungan
B. Ispiritwalidad
C. Dignidad
D. Pananampalataya

47. Ang bawat pamilya ay dapat magkaroon ng pamantayang _______ na dapat sundin ng bawat miyembro nito.
A. kultural B. moral C. gawain D.patakaran

48. Ano ang pinakaunang hakbang bago tahakin ng kabataan ang direksyong nais na tunguhin pagdating niya sa
sapat na gulang at sa pagpasok sa tunay na mundo ng pag-aasawa?
A. pag-aaral B. pagpaplano C. pag-aasawa D. pagpapamilya

49. Ito ang nagbibigay diwa sa ugnayan ng mga kasapi sa pamilya


A. pagmamahalan B. pagbibigayan C. komunikasyon D. dignidad

50. Lahat ng pamilya ay may kani-kanyang dinadalang suliranin. Ano ang kadalasang dahilan ng hidwaan o alitan sa
isang pamilya?
A. Kakulangan sa pera
B. Dumadami ang anak
C. Masikip na bahay
D. Pagkakaiba-iba ng personalidad

Prepared by: Checked by: Approved:

JAPHETH DELA CRUZ CHONA C. CLORES ALFRED B. GONZALES


ERIC S. LIMBOS HT- ESP Principal I
JOY S. LOPEZ
MA. CECILIA BIAY

BBNHS-004-SD-004

You might also like