You are on page 1of 11

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng
pinakatamang sagot at isulat sa sagutang papel.

____1. Alin sa mga pahayag na nasa ibaba ang nagbibigay kahulugan sa


pamilya?
a. pinakamaliit ngunit pangunahing institusyon sa ating lipunan.
b. ang pamilya ay hindi lamang binubuo ng tatay, ng nanay at mga
kapatid.
c. ito ang isa sa pinakamahalagang regalo na ibinigay sa atin ng
Diyos.
d. lahat ng nabanggit
____2. Sa iyong palagay, sino sa mga sumusunod ang maituturing na
pamilya?
a. si aling Myrna, ang kapitbahay mo na laging nagpapautang sa
iyong nanay sa tuwing kayo ay nangangailangan.
b. si Pia, ang matalino mong kaibigan na nagtuturo sa iyo ng mga
mahirap na aralin sa paaralan.
c. si tatay at nanay na nagpalaki at nag-aruga sa iyo.
d. lahat ng nabanggit
____3. Pinakisuyuan ka ng iyong ina na alagaan ang iyong nakababatang
kapatid sapagkat may kailangan siyang puntahan upang kumita ng
pera pandagdag sa inyong mga gastusin sa bahay. Biglang dumating
ang iyong mga kaibigan upang isama ka sa kanilang paglilibot. Ano
ang gagawin mo?
a. magpapaalam ka sa iyong ina na ikaw ay sasama sa iyong mga
kaibigan at makiusap na sa ibang araw na lamang umalis.
b. Isasama mo ang iyong kapatid sa paglilibot pagkaalis ng iyong
ina.
c. sasabihin sa mga kaibigan na sa ibang pagkakataon na lamang
sasama dahil kailangan mo alagaan ang iyong kapatid.
d. Iiwan ang kapatid sa kapitbahay na tiyahin upang makasama at
uuwi na lamang ng maaga.
____4. Ang mga magulang ang pangunahing dumidisiplina sa mga anak
na dapat nilang tanggapin bilang respeto at upang magsikap sila na
hindi na muling maulit ang nagawang pagkakamali. Ito ay
nagpapakita ng pag-iral nang _________.
a. pagtutulungan c. pananampalataya
b. pagmamahalan d. paniniwala
____5. Paano maipapakita ang pananampalataya bilang isang pamilya?
a. pagtulong sa isat-isa upang matapos ang mga gawain
b. pagdarasal ng magkakasama
c. pakikinig sa mga salita ng Diyos tuwing araw ng pagsamba at
pagsasabuhay nito
d. pagbibigay ng respeto sa bawat isa
____6. Bakit mahalagang pairalin ang pagmamahalan, pagtutulungan, at
pananampalataya sa isang pamilya?
a. upang makamit ang inaasam na kaunlaran sa buhay.
b. upang magkaroon ng kapayapaan ng kalooban ng buong
pamilya.
c. dahil ito ang solusyon sa maraming problema at pagsubok.
d. upang may maipagmalaki ang pamilya.
____7. Ang mabigyan ka ng edukasyon, magabayan ka para sa tama at
mabuting pagpapasya, at mahubog din ang iyong pananampa-
lataya ay pangunahing responsibilidad ng______.
a. kamag-anak b. guro
c. magulang d. paaralan
____8. Ano ang katangiang dapat manahin ng anak upang mapaunlad
niya ang kanilang sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa?
a. pagiging matulungin at mapagmahal
b. pagiging masayahin at mapagmahal
c. pagiging matatag at mapagmahal
d. pagiging masigla at mapagmahal
____9. Saan nakasalalay ang katatagan ng isang lipunan sa pagharap sa
anumang krisis o pagsubok?
a. matatag na mga pinuno
b. matatag na mga tagasunod
c. matatag na mga kabataan
d. matatag na mga pamilya
___10.Araw ng Sabado. Walang pasok si Mary Divine at wala ring takdang
aralin na kailangang gawin. Naghahanda sa pag-alis ang kanyang
nanay upang pumunta sa inyong puwesto sa palengke. Kung ikaw si
Mary Divine, ano ang iyong maaaring gawin?
a. yayakapin ang nanay at sasabihin na mag-ingat ito.
b. susuriin ang mga iginagayak nito upang siguruhin na wala itong
maiiwanan.
c. sasamahan ang ina sa palengke upang tulungan sa pagtitinda.
d. matutulog upang makapagpahinga mula sa limang araw na
pag-aaral.

___11. Alin sa mga sumusunod na kilos ang hindi nagpapakita ng


pagmamahal sa pamilya?
a. pagkuwento sa sinumang makausap nang lahat ng kamalian ng
buong pamilya upang ilabas ang lungkot na dinaramdam.
b. pag-iyak dahil napagalitan ng mga magulang sa maling nagawa.
c. pinagalitan ang nakababatang kapatid dahil sa mali nitong
ginagawa.
d. wala sa mga nabanggit.
___12. Nagkasundo kayong magkakapatid na kapag nakapagtapos nang
pag-aaral ang isa ay pag-aaralin ang kapatid na nakababata
hanggang sa lahat ay makapagtapos. Ano ang katangiang taglay
ninyo?
a. pagmamalasakit sa isa’t-isa
b. pagtutulungan dahil sa pagmamahal
c. pagtanggap sa responsibilidad
d. marunong tumupad sa pangako
___13. Ito ang sandata ng isang pamilya sa patuloy na pakikibaka sa
buhay.
a. pananalangin sa gitna ng mga pagsubok
b. pagtitiyaga sa paghahanap-buhay
c. pagiging matiisin
d. matibay na pananampalataya
___14.Maaaring magabayan ng magulang ang kanyang mga anak sa
paggawa ng pagpapasya at sa paghubog ng kanilang
pananampalataya sa pamamagitan nang___.
a. magkakasama silang sumasamba
b. habang sila ay kumakain ng sabay-sabay sa hapag kainan.
c. pagdikta sa lahat ng gagawin ng kanilang mga anak
d. a at b
____15. Ano ang napakahalagang tungkulin o obligasyon ng mga
magulang sa kanilang anak?
a. alagaan at palakihin
b. bigyan ng magandang edukasyon ang kanilang mga anak
c. turuang magkaroon ng takot sa Diyos
d. lahat nang nasa itaas
____16. Ang pagtupad ng mga magulang sa kanilang tungkulin sa mga
anak ay hamong hindi madaling maisagawa dahil sa______.
a. kahirapan bunga ng kawalan ng permanenteng trabaho
b. talamak na paghihiwalayan ng mga mag-asawa
c. makabagong panahon
d. kamangmangan

____17. Sa kasalukuyan at makabagong panahon, saan nagkukulang nang


panahon sa paggabay ang mga magulang sa kanilang mga anak?
a. pagpasok sa paaralan b. araw-araw na pagkain
c. paggamit ng mga gadyet d. kalinisan sa katawan
____18. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasad ng mali?
a. Malaki ang impluwensyang dulot ng ipinakikitang ugali ng mga
magulang sa kanilang mga anak at ito ang nagsisilbing pundasyon
sa kanilang pagtanda
b. nahihirapan ang mga anak na ipahayag ang kanilang saloobin,
pangarap sa buhay at pagyamanin ang kanilang mga talento
dahil
walang panahon ang kanilang mga magulang dito
c. maaaring pagsabayin ang pag-aaral sa pakikipagrelasyon at
pakikipagbarkada
d. mahalagang magkaroon ng malinaw na direksiyon ang mga anak
upang mahubog silang mabuti ng kanilang mga magulang
19-21. Tukuyin kung ang mga pahayag sa ay nagpapakita ng gampanin ng
iyong ama, ina at kung ang pahayag ay nagpapakita ng gawaing
pareho nilang ginagampanan. Piliin ang titik ng iyong sagot sa ibaba.

a. gampanin ng ama b. gampanin ng ina c. pareho

____19. Pagbibigay ng pangaral kapag may nagagawang pagkakamali.


____20. Pagpapanatili ng kalinisan sa loob ng tahanan.
____21. Pagkukumpuni ng mga nasirang tubo ng tubig at pagaayos ng mga
nasirang kagamitan.
____22. Saan unang natututuhan nahuhubog ang kasanayan sa
komunikasyon o pakikipag-ugnayan.
a. pamilya b. simbahan
c. komunidad d. paaralan
____23. Madalas kayong magtalong magkapatid. Isang araw nagtalo
kayong muli dahil hindi siya nagpaalam na ginamit niya ang damit mo.
Hindi mo na kinausap ang kapatid mo tungkol dito dahil iniisip mong
walang patutunguhan kung diringgin mo pa ang paliwanag niya.
Tama ba o mali ang iyong pasya?
a. tama, dahil umiiwas ka na lamang sa away
b. tama, dahil nagyari na ang pagtatalo
c. mali, dahil dapat siyang turuan ng leksiyon at panagutin sa
kasalanan
d. mali, dahil dapat mong ipahayag ang iyong nararamdaman
____24. Masama ang loob ni Fatima sa kanyang ama at ina dahil
pinagalitan siya sa pag-uwi ng gabi mula sa pagsasanay ng sayaw
kasama ang kanyang mga kamag-aral. Ano ang dapat niyang gawin
upang mapanatag ang lahat?
a. manahimik nalang upang hindi makapagbitiw ng masakit na
salitang maaaring dibdibin ng kanyang mga magulang
b. tawagan ang guro upang ito ang magpaliwanag kung para saan
ang sayaw
c. papuntahin sa bahay ang kaklase upang sabihin kung bakit sila
ginabi
d. ipaliwanag sa magulang dahilan ng pag-uwi ng gabi at humngi ng
paumanhin
____25. Alin sa mga gawain sa ibaba ang nagpapakita ng komunikasyon na
pasalita?
a. humingi ng paumanhin sa nanay gamit ang cellphone
b. nagdikit ng papel sa refrigerator na may nakasulat na patawad po
c. gumawa ng liham para sa mga magulang
d. lahat nang nabanggit
____26. Ang di-pasalitang uri ng komunikasyon ay epektibo sapagkat _____.
a. hindi na kailangangan pang pag-isipan ang gagawin
b. mas madali itong maisagawa
c. maipapahayag ang saloobin o damdamin at iniiisip ng isang tao.
d. wala sa mga nabanggit ang nagsasaad ng angkop na kasagutan
____27. Napansin mong sobrang tahimik at palaging seryosong makipag-
usap sa iyo ang iyong ina. Kamakailan lamang ay nagkaroon kayo ng
hindi pagkakaunawaan kung saan ay sinagot sagot mo siya. Sa
paanong paraan ipinahayag ng iyong ina ang kanyang saloobin?
a. pasalita b. di-pasalita c. paawa d. papansin
____28. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapakita ng bukas na
komunikasyon?
a. Ang iyong kaklase ay mayroong boyfriend sa kabila ng bata pa
siya at ito ay inililihim niya sa kanyang mga magulang.
b. Nagtampo ang iyong kaibigan nang hindi mo siya nasipot sa
inyong tagpuan para gumawa ng project dahil nag-alaga ka ng
iyong kapatid samantalang may mahalaga namang pinuntahan
ang iyong ina. Kinausap mo pa rin siya at humingi ka ng tawad sa
kanya.
c. May tsismis kang nabalitaan tungkol sa iyong kaibigan at ito ay
hindi mo na binanggit sa kanya dahil alam mo namang hindi ito
totoo at kapag nalaman niya ay baka sumama lang ang kanyang
loob.
d. Ikaw ay naglalaro ng ML habang ang iyong kaibigan ay
nagkukuwento ng kanyang naging karanasan noong sila ay
dumalaw sa probinsiya ng kanyang lola.
_____29. Ang taong mayaman ay hindi kailangang humingi ng paumanhin
sa taong nagawan niya ng kasalanan. Ano ang masasabi mo rito?
a. tama, sapagkat ang mahihirap ay mapagkumbaba
b. tama, sapagkat paraan ito ng pag-iwas upang hindi makapanlait
ng kapwa
c. mali, sapagkat nararapat pairalin ang maayos na pakikipag-
ugnayan sa kapwa
d. mali, dahil maaari kang mahusgahan ng iba
____30. Nagpapaliwanag ang iyong tatay kung bakit ginabi siyang umuwi
galing sa trabaho ngunit hindi ito pinakinggan ng iyong ina. Ano ang
gagawin mo?
a. hahayaan mo na lamang sila
b. magpo-post sa facebook ng iyong saloobin sa nangyari
c. susubukang kausapin ang ina upang bigyan ng pagkakataon ang
iyong tatay na mapakinggan
d. pasimpleng paparinggan ang ina sa makitid nitong pag-iisip
____31. May mga masakit na katotohanan na kapag nasambit ng ating dila
gamit ang tama at magaang salita ay nagiging maluwag sa taong
tumatanggap. Ito ay tinatawag na
a. Pagiging mapanlikha o malikhain (creativity).
b. Pagiging hayag o bukas (cooperativeness/openness)
c. Atin-atin (personal)
d. Pag-aalala at malasakit (care and concern)
____32. Humingi ka ng paumanhin sa iyong kapatid na nagtatrabaho sa iyo
dahil sa masakit na salitang nasabi mo nang magkamali siya sa
ibinigay mong Gawain. Ito ay nagpapakita nang_____.
a. Pagiging mapanlikha o malikhain (creativity).
b. Pagiging hayag o bukas (cooperativeness/openness)
c. Atin-atin (personal)
d. Pag-aalala at malasakit (care and concern)
____33. Napakahalaga ng bukas na komunikasyon lalo na sa pamilya.
Anumang gusot oproblema ay madaling maayos kung ang bawat
miyembro ay magiging bukas sa paglilinaw at pagsasaayos ng mga
suliranin.
a. Pagiging mapanlikha o malikhain (creativity).
b. Pagiging hayag o bukas (cooperativeness/openness)
c. Atin-atin (personal)
d. Pag-aalala at malasakit (care and concern)
____34. May mabigat na problemang kinakaharap ang iyong pamilya na
maaaring ikasira ng inyong pangalan kung kaya’t minabuti mong hindi
ito ipaalam sa iba sapagkat naniniwala ka na ito ay mga bagay
na_____.
a. personal b. nakakahiya c. pampubliko d. lahat
____35. Ito ay mahalagang makita ng kausap habang nakikipagtalastasan
upang magkaroon ng kapayapaan sa pagbabahagi
a. lugod o ligaya b. katalinuhan
c. pinaniniwalaan d. prinsipyo

____36. Ang tunay na komunikasyon sa pagitan ng mga tao ayon kay Martin
Buber ay tinatawag na “diyalogo.” Alin sa mga pahayag ang taliwas
dito?
a. ito ay pagkakaroon ng bukas na puso upang ang nais sabihin ng
kapwa ay maunawaan.
b. Ito ay nagsisimula sa sining ng pakikinig
c. ito ay bukas o handang pandinig para sa iba
d. ito ay pagkumbinsi sa kapwa na sa dulo ng pag-uusap ay
naglalayong magkaroon ng parehong pananaw.
____37. Paano mo maipapakita sa iyong mga magulang ang pagiging
bukas sa kanilang mga pangaral?
a. nakatingin kung saan
b. nakatalikod at nakasimangot
c. tahimik at nakatingin sa nagsasalitang mga magulang
d. umiiyak
____38. Bakit mahalagang sumunod sa mga magulang, nakatatanda at sa
batas?
a. upang makaiwas sa problema
b. dahil dapat kilalanin at irespeto ang dignidad ng kapwa
c. upang makaiwas sa anumang kaparusahan
d. wala sa mga nabanggit
____39. Paano nalilinang sa pagkatao ng bawat indibidwal ang paggawa
ng kabutihan?
a. pagtulong sa kapitbahay sa oras ng pangangailangan
b. pagmamalasakit sa pamayanang kinabibilangan
c. pagsunod sa pinaiiral na mga batas
d. lahat ng nabanggit
____40. Bakit mahalagang gampanan ng pamilya ang mga gawain sa
lipunan at sa politikal na aspeto? Ito ay upang mapanatili ang
a. pagkakaisa b. pagtutulungan
c. kapayapaan, d. lahat nang nabanggit
____41. Anong papel ang ginagampanan ng pamilyang nagsusulong ng
bayanihan sa isang lugar?
a. pampolitikal b. pangkalusugan
c. panlipunan d. pansimbahan
____42. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng gampaning
panlipunan?
a. sinusunod ng pamilyang Valdez ang panukala ng gobyerno.
b. nagpahayag ng pansariling saloobin si Cecilia hinggil sa
problemang kinaharap.
c. ang bawat miyembro ng pamilya ay iginagalang ang karapatang
pantao ng bawat isa
d. pinalaganap ng pamilyang Dela Cruz ang pagbibigay ng tulong sa
mga kapus-palad.
____43. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng panlipunang papel ng
pamilya?
a. bininyagan ang sanggol
b. binigyan ng bata ang pulubi ng pagkain
c. pag-aalaga sa isang matanda sa bahay-kalinga
d. matiwasay na bumoto ang mga mag-aaral sa SSLG
____44. Tungkulin ng pamilya na sikaping maging pantay ang turing sa lahat
ng tao ano man, ang kalagayan sa buhay.
a. mali b. di-tiyak c. tama d. wala sa nabanggit
____45. Ang pagkakaroon ng matatag na ugnayan sa Panginoon ay
nakatutulong ng malaki sa pagganap ng papel ng pamilya sa lipunan
at sa papel na pampolitikal.
a. tama b. mali c. di-tiyak d. lahat ng nabanggit
____46. Sino sa mga sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng
kanilang tungkulin sa kanilang tahanan?
a. sina arman at luisa na nagpaplano upang matiyak ang
magandang buhay para sa kanilang mga anak.
b. sina manuel at minda na simpleng namumuhay kapiling at
katuwang ang mga anak sa mga gawain, ibinibigay ang
pangangailangan at paggabay sa kanila sa para ihanda sa
hinaharap
c. sina andoy at si betty na nasa ibang bansa upang matugunan ang
pangangailangan ng kanilang anak sa pilipinas
d. sina julio at riza na tinitiyak ang magandang buhay ng mga anak
sa hinaharap sa pamamagitan ng pagpapaaral mamahaling
unibersidad
____47. Kapag sumusunod sa batas ng tahanan ang bawat kasapi ng
pamilya, nabibigyan siya ng pagkakataon na maramdaman ang
kahalagahan ng pagsunod sa batas at paglabas sa pamayanan na
sinusunod ang batas na pina iiral.
a. di-tiyak b. tama c. mali d. wala sa nabanggit
____48. Ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa
mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatunay nito?
a. ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa
mga bata kapag wala ang magulang,
b. kung paano nakikitungo ang magulang sa kanyang anak gayundin
ang magiging pakikitungo nito sa iba.
c. ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa ay
unang natututunan sa pamilya
d. ang pamilya ang unang nagtuturo ng angkop na paraan ng
pakikisalamuha sa mga tao.
____49. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang
pagbibigay (law of free giving) Alin sa mga sumusunod na pahayag
ang naglalarawan sa nasabing batas?
a. tungkuling pag-aralin ng mga magulang ang kanilang anak upang
sa pagdating ng panahon sila naman ang maghahanapbuhay sa
pamilya.
b. tungkulin ng mga magulang na arugaing mabuti ang kanilang
mga anak kung nais nilang may mag-aaalaga rin sa kanilang
pagtanda
c. kailangan maging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay para
sa karagdagang baon sa pagpasok paaralan.
d. tungkulin ng ama na maghanapbuhay upang maibigay ang
pangangailangan ng kanyang pamilya.
____50. Alin sa mga sumusunod ang una at pinikapangunahing pamantayan
sa paghubog ng isang maayos na pamilya?
a. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan laban sa mga
mapang-api
b. mga patakarang ipatutupad sa pamilya
c. Pinagbuklod ng kasal ang magulang
d. pagkakaroon ng maraming mga anak

Inihanda ni:

YOLANDA DC. VALDEZ


Teacher II

Sinuri ni:

EVELYN P. SOLIS, EdD


EPS – EsP/Guidance/SPED
Pinansin ni:

JAYNE M. GARCIA, EdD


CID – Chief

You might also like