You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
Ikalawang Panahunang Pagsusulit sa
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
PANGALAN: _____________________________________________ ISKOR: _____________________
BAITANG AT PANGKAT: ___________________________________ PETSA: _____________________

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng tamang
sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
_____1. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng KARAPATAN na ipinagkakaloob sa
isang indibidwal?
a. Pumili ng sariling relihiyon c. Gawin ang trabaho ng may dedikasyon
b. Gawin ang kanyang takdang aralin d. Magbayad ng tamang pamasahe
_____2. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng TUNGKULIN mo bilang isang mag-aaral?
a. Bumuo ng pamilya kasama ang minamahal c. Magtrabaho sa ibang bansa
b. Gumawa ng mga takdang aralin d. Pumili ng relihiyon
_____3. Si aling Lora ay may-ari ng isang karinderia dahil nakahiligan na niya ang magluto.
Naisip niya na ang kanyang hilig ay ibahagi sa ibang tao kaya sumali siya sa isang
Feeding Program ng kanilang barangay, Anong karapatang pantao ang
naipapahayag sa sitwasyon?
a. Karapatang panlipunan c. Karapatang Politikal
b. Karapatang pangkabuhayan d. Karapatang sibil
_____4. Isa sa programa ng inyong bayan ay ang pagbibigay ng scholarship sa lahat ng
mga kabataang walang kakayahang mag-aral sa kolehiyo. Anong karapatang
pantao ang tinugunan ng inyong Punong Bayan?
a. Karapatan sa batas c. Karapatang magkaroon ng edukasyon
b. Karapatan sa buhay d. Karapatang panlipunan
_____5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang lumalabag sa karapatan sa buhay?
a. Abortion o pagpapalaglag ng batang nasa sinapupunan
b. Pag-aaral sa pampublikong paaralan
c. Pagdidisiplina ng magulang sa kanilang anak
d. Hindi pagpayag sa isang Transwoman na gumamit ng palikurang pambabae
_____6. Ito ay tinatamasa ng tao mula sa kanyang pagsilang hanggang sa siya ay
mamatay.
a. dignidad c. pagkatao
b. karapatang pantao d. karapatang pansarili
_____7. Ang pagrespeto sa karapatang pantao ay tungo sa ___________________.
a. kapayapaan ng lipunan c. kalinisan ng lipunan
b. kaayusan ng lipunan d. kaayusan ng kapaligiran
_____8. Alin mga sumusunod na Saligang Batas ang nagsusulong sa probisyon ng
karapatang pantao?
a. Bill of Rights c. pambansang patrimonya at ekonomiya
b. mga pambansang komisyon d. deklarasyon ng Prinsipyo at Patakaran ng
Estado
_____9. Ang karapatan sa kabuhayan ay isinusulong ng saligang batas na ________________.
a. Bill of Rights c. pambansang patrimonya at ekonomiya
b. mga pambansang komisyon d. deklarasyon ng Prinsipyo at Patakaran ng
Estado
____10. Si Aling Martha ay nanghihingi ng gamot sa Barangay Health Center na ibinibigay
lang ng libre. Ang ginawa ni aling Martha ay karapatan bilang isang mamamayan
sa kanilang barangay. Anong uri ng karapatan ito?
a. karapatang sibil c. karapatang pampamilya
b. karapatang pansarili d. karapatang pang-ekonomiya
____11. Ang Saligang Batas na nagsusulong ng karapatang pantao ay _______________.
a. Katarungang Panlipunan c. Saligang-Batas ng Pilipinas
b. Family Code of the Philippines d. A at B
_____12. Ang nagsusulong ng karapatan para sa mga mahihirap ay __________________.
a. Katarungang Panlipunan c. Saligang-Batas ng Pilipinas
b. Family Code of the Philippines d. A at B
_____13.Ano ang nalalabag ng dayuhang kumpanya na nagmimina sa likas na yaman ng
inyong lalawigan?
a. Karapatang Pangkabuhayan c. Karapatang Panlipunan
b. Karapatang Pangkultural d. Karapatang Sibil
_____14.May mga nagtayo ng palaisdaan sa lugar na pag-aari ng mga katutubo. Ang
mga nagtayo dito ay hindi kabilang sa kanilang pangkat. Ito ay paglabag sa:
a. Karapatang Pangkabuhayan c. Karapatang Panlipunan
b. Karapatang Pangkultural d. Karapatang Sibil
_____15.May nagsagupaang militar at rebelde sa inyong pamayanan. Ito ay paglabag sa:
a. Karapatang Pangkabuhayan c. Karapatang Panlipunan
b. Karapatang Pangkultural d. Karapatang Sibil
_____16.Si Arnold ay mag-aaral mula sa Baitang 8 – Pangkat Rizal. Siya ay dinala ng
kanilang guro sa Guidance Office dahil nambulas siya ng kanyang kaklase. Kaya
ang kanilang Guidance Designate ay naglabas ng papeles kung saan nakatala
ang mga alituntunin ng kanilang paaralan. Ano ang tawag sa kumpol ng
alituntunin na ito tungkol sa tamang asal na nag-uutos o nagbabawal sa mga tao?
a. Batas c. Papeles
b. Huwes d. Utos
_____17.Ito ang mga batas na ibinigay sa tao bilang tugon sa pakikibahagi niya sa
kabutihan at karunungan ng Diyos.
a. Batas sa Barangay c. Likas na batas moral
b. City Ordinance d. Presidential Proclamation
_____18.Ano ang naidudulot ng Likas na batas moral sa tao?
a. Sa pamamagitan ng likas na batas moral, nabibigyan ng sapat na panahong
mag-isip ang tao.
b. Sa pamamagitan ng likas na batas moral, nakikilala ang masama at mabuti.
c. Sa pamamagitan ng likas na batas moral, nagkakaroon ng kalayaan ang tao
na mag-isip hinggil sa pagpapasiya.
d. Sa pamamagitan ng likas na batas moral, kabutihan lamang ang nais nitong
ipabatid sa tao.
_____19. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng likas na batas moral?
a. Igalang mo ang iyong mga magulang
b. Bawal umihi dito
c. Huwag magtapon ng basura
d. Bawal lumabas ang walang Quarantine Pass
_____20. Bakit kailangan ng batas?
a. Upang magkaroon ng kaayusan
b. Upang mabawal ang mga masasamang gawa
c. Upang magawa ang mabuti at maiwasan ang masama
d. Lahat ng nabanggit
_____21.Ano ang tawag sa resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa
pangangailangan ng kapwa?
a. Paggawa c. Pagtaguyod
b. Pagkilos d. Pakikisama
_____22.Ang buhay na may patutunguhan ay may katuturan .Ano ang kahulugan nito?
a. Ang taong gumagawa upang makabahagi sa kapuwa ay may saysay.
b. Ang tao ay dapat na may pupuntahan upang magkaroon ng saysay ang
kanyang buhay.
c. Ang tao ay dapat malinaw ang patutunguhan sa buhay.
d. Ang tao ay dapat may plano sa buhay.
_____23. Lahat ng mag-aaral ay kailangan makilahok sa Brigada Eskwela ng paaralan.Ano
ang dapat mong gawin upang maipakita ang pagpapahalaga mo sa
paggawa?
a. Tumulong upang maipakita ang pakikiisa at pagiging aktibo sa paaralan.
b. Tumulong para magkaroon ng attendance araw-araw.
c. Tumulong sa mga kailangan kumpunihin.
d. Tumulong dahil masaya itong gawin.
_____24. Ang sumusunod ay layunin ng paggawa maliban sa isa:
a. Kumita ng salapi upang matugunan ang mga pangunahing
Pangangailangan ng pamilya.
b. Dumami ang ari-arian at iangat ang buhay kaysa iba.
c. Magkaroon ng kabuluhan ang pag-iral bilang tao.
d. Tumulong sa kapuwang nangangailangan
_____25. Bakit kailangang gawin ng isang mag-aaral ang kanyang takdang aralin?
a. Upang mas malinang niya ang kaniyang sariling kakayahan.
b. Upang magkaroon siya ng karagdagang puntos sa kanyang guro.
c. Dahil ginagawa ito ng kanyang mga kamag-aral.
d. Upang may mapagkaabalahan siya.
_____26. Sino sa mga mag-aaral sa Baitang 9 ang mas nagpapamalas ng pagpapahalaga
sa paggawa na makatutulong sa pagkamit ng kaniyang kaganapan?
a. Si Jun na ginagawa ang mga tungkulin bilang anak, mag-aaral, at kasapi ng
lipunan.
b. Si Jerson na nag-aaral nang mabuti upang magkaroon ng mataas na marka.
c. Si Kobby na lumiban sa klase upang tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.
d. Si Alice na nagtatanim ng mga halaman sa kanilang hardin.
_____27. Ano ang epekto ng pagiging produktibo sa paggawa sa agham at teknolohiya?
a. Nababago ang kahulugan ng tunay na paggawa sa buhay ng mga
maggagawa.
b. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming
produkto.
c. Nalilimitahan ang pagkakataon ng tao na magamit ang kaniyang
pagkamalikhain.
d. Nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng
tao.
_____28. Ano ang dapat gawin ng isang lider ng pangkat upang magtagumpay sa
proyekto nila?
a. Mag-isa niyang gawin ang proyekto upang walang sasalungat sa kanyang
ideya.
b. Makinig sa mga mungkahi ng mga miyembro bago nila simulan ang
proyekto.
c. Magpasiya kung ano ang nararapat gawin ng bawat miyembro.
d. Magpatulong sa mga miyembro na malapit lamang sa kanya.
_____29.Ang tao ay ginawa upang gumawa at kumita ng salapi para matugunan ang
kanyang pangunahing pangangailangan. Sang-ayon ka ba rito?
a. Oo, dahil likas sa tao na tugunan ang kanyang pangunahing
pangangailangan.
b. Oo, dahil pera ang makatugon sa kanyang pangangailangan.
c. Hindi, dahil dapat na tugunan muna niya ang pangangailangan ng
kanyang kapuwa.
d. Hindi, dahil hindi pera ang layunin sa paggawa.
_____30. Ano ang nararapat mong isaalang-alang sa kukunin mong kurso sa Senior High
School?
a. Ang in demand na trabaho na may mataas na kita.
b. Ang kursong gusto ng magulang upang hindi ito masaktan.
c. Ang kursong gusto ng mga kaibigan upang magkakasama pa rin kayo sa
kolehiyo.
d. Ang taglay mong kasanayan, talento, hilig, at pinansyal na katayuan ng
inyong pamilya.
_____31. Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang kahulugan ng pakikilahok?
a. Hindi malayang pagpili upang isagawa ito.
b. Ito ay pagtalikod sa tao upang maiwasan ito.
c. Ito ay hindi tinatawag na bayanihan o kawanggawa.
d. Ito ay ang tungkuling kailangang isakatuparan tungo sa kabutihang panlahat
_____32. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kamalayan at pananagutan sa
pakikilahok?
a. Magampanan ang mga gawain.
b. Matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
c. Maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan.
d. Maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa kapwa.
_____33. Makakamit lamang ang pakikilahok kapag kinilala ng tao ang kanyang _________.
a. dignidad b. tungkulin c. karapatan d. pananagutan
_____34. Alin sa sumusunod ang kahalagahan ng bolunterismo?
a. Nagkakaroon ng paligsahan sa isa’t isa.
b. Nagkakaroon ng inggit sa ibang tao.
c. Nagkakaroon ang tao ng personal na paglago.
d. Nagkakaroon siya ng pagkakataong magdamot.
_____35. Ano ang maaaring makita sa taong nagsasagawa ng pakikilahok at
bolunterismo?
a. Talento, oras, at yaman c. Talento, panahon, at pagkakaisa
b. Talento, yaman, at bayanihan d. Talento at yaman
II. Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pangungusap ay tama at MALI naman
kung hindi.
_______36. Ang pagkilala ng mga kahinaan at kalakasan ay simula ng paglinang ng iyong
pagkatao.
_______37. Mahalagang matuklasan ang kalakasan at paunlarin ito.
_______38. Ang kahinaan ng tao ay mananatiling kahinaan habambuhay kung wala siyang
gagawing aksiyon ukol dito.
_______39. Kailangang makinabang ang kapwa sa iyong mga kalakasan at kakayahan.
_______40. Magkakapareho ang mga kalakasan at kahinaan ng lahat ng kabataan.
_______41. Iilan lamang ang mga taong pinagkalooban ng mga talento.
_______42. Mapagkakakitaan ang paggamit ng mga talento at iba pang kakayahan.
_______43. Mahalagang gamitin ang kakayahan para sa pansariling kabutihan lamang.
_______44. Ang mga kakayahan o mga talento ay huwag gagamitin sa kasiraan ng kapwa.
_______45. Napauunlad ang sariling pagkatao sa pagpapayaman ng kakayahan.
III. Panuto: Tukuyin kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng tunay na layunin ng paggawa.
Isulat ang P kung nagpapakita ng layunin ng paggawa at HP naman kung hindi.
Isulat sa patlang ang iyong sagot.
____46. Si Mang Joel ay matagal ng karpintero. Nakilala na siya sa kanilang komunidad
dahil sa kanyang pulidong trabaho. Hindi lamang siya umaasa sa disenyo ng
arkitekto kundi nagbibigay din siya ng suhestiyon kung paano mas mapatitibay at
mapagaganda ang pagkakagawa ng isang bahay.
____47. Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kanyang panahon ay inilalaan niya sa loob
ng isang silid para sa buong maghapong pagtatapos ng isang obra.
____48. Si Renato ay nagpupunta sa bahay-bahay upang kumolekta ng mga basura.
Umaasa lamang siya sa kaunting barya na ibibigay ng kanyang mga kapitbahay
upang may pambaon sa paaralan dahil gusto niyang makatapos ng pag-aaral.
____49. Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang magtrabaho sa isang pabrika. Iniwan na
siya ng kanyang mga magulang sa lugar na ito dahil mayroon silang naiwang
utang na hindi nabayaran. Si Anthony ay magtatrabaho rito ng ilang taon para
mabayaran ang kanilang pagkakautang.
____50. Si Joshua ay gumagawa ng mga furnitures na yari sa rattan at buli na nilalapatan
niya ng modernong disenyo kaya nagustuhan ng kanyang mga suki. Kinuha niyang
mga trabahador ang kanyang mga kabarangay upang matulungan niya ang
mga ito na kumite ng pera.

Inihanda ni:

DULCE CORAZON O. BALOSBALOS


Master Teacher I

Sinuri ni: Binigyang pansin ni:

EVELYN P. SOLIS, EdD JAYNE M. GARCIA, EdD, CSEE


EPS – EsP/Guidance/SPED CID Chief

You might also like