You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
DAVAO REGION

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Edukasyon Sa Pagpapakatao 9


Pangalan: ______________________________________________
Baitang at Pangkat: ____________________________________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakasaad sa bawat aytem. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.
1. Ang Katarungang Panlipunan ay nagiging pamantayan ng isang indibiduwal
kung nilalabag ba ng makapangyarihang tao, grupo o institusyon ang iyong
karapatan at dignidad. Saan ito nagsimula?
A. Sarili
B. Pamilya
C. Lipunan
D. Pamahalaan
2. Bakit mahalaga ang katarungang Panlipunan?
A. Sapagkat ito ay kasama sa mga patakarang ipinapatupad sa mga
demokrasyang bansa
B. Kasi ang Katarungang Panlipunan ay kakambal na sa tao noong
siya isilang.
C. Dahil pinoproteksyunan nito ang kanyang mamamayan sa anumang
tipo ng karahasan o panghahamak sa buhay at ari-arian ng isang tao.
D. Nalalaman ng tao na siya pala ay may karapatan sa lipunan.
3. Ang bawat bansa o grupo ay nagpapatupad ng mga batas. Ano ang kahalagahan
nito sa lipunan?
A. Matakot ang mga tao at magtino sila.
B. Magabayan ang mga tao sa tamang pagkilos.
C. Maisaayos ang anumang pagkakamali.
D. Mapanatili ang katiwasayan ng lipunan.
4. Ano ang nakapaloob sa Katarungang Panlipunan?
A. Batas, Kapwa, Sarili
B. Baril, Kapangyarihan, Rehas
C. Diyos, Pamahalaan, Komunidad
D. Batas, Konsensya, Parusa
5. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagpapatupad ng Katarungan?
A. Ikulong ang lumabag sa batas.
B. Hulihin ang may sala.
C. Bigyan ng nararapat na parusa.
D. Sampahan ng kaso ayon sa kanyang pagkakasala.
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION

6. Sa Katarungang Panlipunan, alin sa mga pangungusap ang hindi


makatarungang
gawin?
A. Ang pagbibigay ng bagsak na grado sa mga hindi nakatupad sa gawain.
B. Ang pagpatay sa mga nahuling pusher sa droga.
C. Ang pagbitay sa mga nahatulan ng kamatayan.
D. Ang pagkulong sa mga nahuling magnanakaw.
7. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng tao na maging epektibo at produktibo ang
paggamit ng oras sa anumang aspeto. Ano ito?
A. Tamang pamamahala ng oras.
B. Nagagawa ang lahat na gawaing bahay
C. Marami ang nasasalihan at natapos na gawain
D. Pamamahala sa patung-patong na gawain.
8. Ang paggawa ay mga pagkilos na naisasagawa ng isa para makatulong sa iba.
Tao lamang ang pinagkalooban ng Diyos sa paggawa at ang ito ay maaaring sa
paraan ng mabilisan o kaya mano-mano. Isang gawain na may pagkukusa na mula
sa puso ang pagkilos sa isang bagay. May kalakip na pagkamalikhain ito sa
larangan ng mga produkto. Ano ang mataas na antas na layunin ng paggawa?
A. Pagsisikapan ang mahihirap na gawain
B. Bibilisan ang paggawa upang matapos kaagad.
C. Paggawa ng may buong kahusayan.
D. Magpaturo sa kasamahang sanay gumawa sa gawain.
9. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagtitiyaga upang maabot ng tao
ang tunay na layunin o mithiin sa buhay?
A. Kasipagan
B. Pagmamahal
C. Katatagan
D. Pasasalamat
10. Si Lito ay mahirap lamang ngunit my pangarap sa buhay. Nagsisikap siya sa
kabila ng kahirapan. Nagtatrabaho siya sa araw at nag- aaral sa gabi. Dahil sa
kanyang papupunyagi, nakamit ni Lito ang kanyang minimithing tagumpay. Anong
katangian mayroon si Lito?
A. Determinasyon
B. Pagtitiis
C. Pagsisikap
D. Katamaran
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION

11. Hindi magiging matagumpay kung hindi mo taglayin ang maingat na pagplano,
at patuloy na pagtulak ng sarili upang makaahon sa nakasanayang pag-uugali at
ang paggawa ng gawain sa tamang oras. Alin dito ang tinutukoy ng pahayag?
A. Determinasyon
B. Pagpupunyagi
C. Kasipagan
D. Paglalaan ng oras
12. “Ang Pagtitipid ay Kakambal ng Pagbibigay”. Ano ang ibig ipahiwatig nito?
A. Magtipid upang guminhawa ang buhay.
B. Ito ay nagturo sa tao na hindi lamang mamuhay ng sagana
C. Kapag ang tao ay marunong magtipid, siya ay mapagbigay sa
nangangailangan.
D. Gamitin ang birtud na ito upang higit na makapagbigay sa iba.
13. Ang paggalang sa dignidad ng tao ang isinasaalang-alang sa Katarungang
Panlipunan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kadahilanan nito?
A. Binubuo ng tao ang lipunan, binubuo ng lipunan ang tao.
B. Magkakasama na umiiral sa lipunan ang tao.
C. Mahalaga ang pakikipagkapwa sa lipunang kinabibilangan.
D. May halaga ang tao ayon sa kanyang kalikasang taglay.
14. Makatarungan ang ugnayan ng isang tao kung ginagamit niya ang kanyang
lakas
ng paggalang sa batas at karapatan ng kapwa. Alin dito ang tumutukoy ng
makatarungang ugnayan ng tao sa kanyang kapwa?
A. Ang pagtulong sa kaibigan na nahulog.
B. Ang paggalang sa mga kasamahan sa trabaho
C. Ang maayos na pakikisama sa mga guro sa paaralan.
D. Ang pagsunod sa utos ng mga magulang.
15. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng isang makabuluhang paraan ng
pagsasabuhay ng Katarungang Panlipunan?
A. Sundin ang batas trapiko at ang mga alituntunin nito.
B. Maging mabuting mag-aaral at mamamayan ng bansa.
C. Alamin ang mga batas at igalang ang karapatan ng kapwa.
D. Pag-aralan at sundin ang mga alituntunin ng tahanan, paaralan at lipunan.
16. Ang pagnanakaw sa kaban ng bayan ng isang politiko ay sumasalamin ng
kawalan ng katarungan sa lipunan. Ang pangungusap na ito ay _________.
A. mali, dahil minsan talagang nagkakamali ang tao.
B. mali, Dahil natural lang na masilaw ang tao sa pera at ari-arian.
C. tama, dahil ito ay hindi nagdudulot ng kabutihan sa kapwa.
D. tama, dahil ito ay hindi pinapahintulutan sa batas ng tao.
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION

17. Ang mga sumusunod ay mga panukalang makatarungan maliban sa:


A. “Mata sa mata, ngipin sa ngipin.”
B. “Kunin mo lamang ang kailangan mo.”
C. “Walang sala hangga’t hindi napapatunayang nagkasala.”
D. “Tulungan ang lahat ng nanghihingi ng tulong.”
18. Sa Katarungang Panlipunan, alin sa mga pangungusap ang nagpapamalas
ng Katarungan?
A. Pagsumbong sa guro ng kaklaseng nangongopya.
B. Pagpapautang ng 5-6 o lampas sa kalahati ang interes
C. Pagturing sa mga fixer ng lisensya bilang kapwa na naghahanap-buhay.
D. Pagkulong sa mga nahuling magnanakaw.
19. Laging pagod si Elina sa trabaho bilang tagaluto at tagahugas ng pinggan
sa pinapasukang karinderya pero hindi ito nagrereklamo at nagpabaya sa
kanyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni Elina ang kagalingan niya sa
paggawa?
A. Ginagawa niya nang may kahusayan ang kanyang gawain.
B. May pagmamahal sa kanyang trabaho.
C. Ang pagiging mabuting manggagawa ay katuparan ng kanyang pangarap.
D. Nagsusumikap para sa karagdagang benepisyong matatanggap.
20. Malapit na ang Pasko, abala na ang lahat ng tao upang salubungin ito at
ipagdiwang. Alin sa mga pangungusap ang tumutukoy sa mga kadahilanan
nito?
A. Maraming regalo at biyaya ang matatanggap kapag darating ang pasko.
B. Personal na kaligayahan at pagtanggap ng bonus
C. Pagsilang ng ating Poong Maykapal na si Hesukristo.
D. Panahon ito ng pagmamahalan at pagbibigayan
21. Ayon kay Francisco Colayco, “Kailangan marunong mag-impok ang tao.” Ano
ang kahalagahan ng pag-iimpok?
A. Ito ang magdadala sa atin papuntang kalayaan sa pananalapi sa darating na
mga panahong hinaharap o sa pagtanda.
B. Isa itong daan upang makamit ang mga hangarin sa buhay.
C. Nakatutulong ito para mapaangat sa sarili at naipapakita sa iba na ikaw ay
matipid.
D. Ito ay mahalaga sapagkat maaari tayong magtayo ng anumang negosyong
nanaisin natin.
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION

22. Ang ugaling katamaran ay hindi dapat taglayin ng tao. Ano ang magiging
resulta kung ito ay tinataglay ng bawat isa?
A. Ito ay nagbibigay- kasiyahan ng lahat sapagkat wala itong alalahanin na
responsibilidad.
B. Nakatutulong ito sa pagkamit ng mga pangarap.
C. Maaari itong sumira sa kinabukasan ng tao.
D. Ito ay pumipigil sa tao upang magtagumpay at magkaroon ng
magandang buhay.
23. Ang pagpupunyagi o pakikipagpunyagi ay nangangahulugan ng
pakikipaglaban. Maaaring pakikipaglaban sa isang bagay, tao, pangyayari,
damdamin, at marami pang iba. Ano ang papel na ginagampanan nito sa pagkamit
ng mithiin sa buhay?
A. Ang pagpupunyagi ay madalas ginamit ng tao upang makuha ang pansariling
mithiin.
B. Ito ay nakakaapekto sa pagpupursige sa buhay dahil tinutulak nito ang iyong
isipan sa pagkamit ng gusto sa buhay sa walang kahirap-hirap na paraan.
C. Ang pagpupunyagi ay isang katangian na kailangan ng lahat.
D. Ito ang tumutulong sa isang tao upang kamtin ang kanyang ninanais sa
buhay
sa kabila ng kahirapan at balakid.
24. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mahalagang hakbang sa
pagtakda ng mithiin?
A. Isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim ng unan.
B. Sabihin ang itinakdang mithiin sa mga kaibigan.
C. Ipapasa-Diyos na lang ang mga itinakdang mithiin.
D. Isulat ang takdang panahon sa pagtupad ng mithiin.
25. Sinasabing nagsimula sa tahanan ang ating mga natutuhan mula pagkabata
hanggang tayo ay lumaki. Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya
ang
pagiging makatarungan?
A. Matutong tumayo sa sarili at hindi na umaasa ng tulong mula
sa pamilya.
B. Maging bukas ang loob na tumanggap sa pagkakamali at hindi
naninira ng iba
C. Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang
at mga kapatid.
D. Ginagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may
paggalang sa karapatan ng iba.
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION

26. Pinagtatawanan at pinagkatuwaan ng barkada ni Marvin ang isang lalaki na


may kakulangan sa pag-iisip na nasa lansangan. Ang gawaing ito
ay___________.
A. mali, sapagkat hindi nila iginalang ang karapatan nito bilang tao.
B. tama, sapagkat wala naman itong maayos na pag-iisip.
C. mali, dahil ipinagbabawal ito ng batas
D. tama, dahil wala naman pakialam ang pamahalaan sa mga may kakulangan
sa pag-iisip.
27. Bakit mahalaga sa katarungan na ibinatay sa moral na batas ang legal na
batas?
A. Ang moral na batas ay nakapaloob sa sampung Utos ng Diyos.
B. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan
sa buhay ng tao.
C. Ang pagpapakatao ay napapatingkad kung ang legal na batas ay
alinsunod sa moral na batas.
D. Ang batas moral ay isang gabay o patnubay upang maabot ng tao
ang tunay na tunguhin o hangarin.
28. Maganda ang pagkakagawa ng pamilya ni Doris sa mga bag na yari sa tetra
pack ng juice. Mabili ang mga ito lalo na iyong may iba’t-ibang kulay at
disenyo. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakita ng
kagalingan ng tao sa paggawa?
A. Naging malikhain ang tao sa paggamit ng kaniyang mga
kakayahan.
B. Nakagagawa ng paraan ang tao upang maiangat ang kaniyang pamumuhay.
C. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng
lipunan.
D. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mamuhay.
29. Si Mimi ay isang mag-aaral na nasa ika-9 na baitang. Kahit siya ay
binibigyan ng perang pambaon, gumigising pa rin siya ng maaga upang
magluto para sa kanyang babaunin. Ang pera ay itinabi niya para sa
mahahalagang bagay tulad ng pambili ng kagamitan sa proyekto niya sa
iba’t-ibang asignatura. Alin sa mga sumusunod ang katangian na taglay ni
Mimi?
A. Matipid
B. Matiyaga
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION

C. Masipag
D. Mapagmahal

30. Alin sa mga pangungusap ang nagpapahayag ng mahalagang dahilan kung


bakit kailangan ng tao ang kakailanganing mithiin o enabling goals?
A. Nakatutulong ang mga ito upang makamit ang itinakdang pangmatagalang
mithiin.
B. Makatutulong ito sa pagpapanatili ng tuon sa itinakdang mithiin.
C. Mapapabilis nitong makamit ang itinakdang mithiin.
D. Nakatutulong sa pagkamit ng mga gusto sa buhay.

31. Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya. Alin sa


sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?
A. Kumakain ng sabay-sabay ang mga miyembro ng pamilya.
B. Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kanyang gawaing
bahay.
C. Nagkakaroon ng “Feeding Program” ang paaralan para sa mga
mag-aaral na kulang ng timbang.
D. Bumibili ang lahat sa paninda ng tindera sa palengke upang
makauwi ito nang maaga.
32. Ang pang-unawa sa karapatan ng kapwa ay mahalaga upang maisasabuhay
ang respeto at pagpapahalaga sa karapatang pantao. Alin sa mga pahayag ang
nagpapakita nito?
A. Pag-unawa sa kamag-aral na laging natutulog sa klase.
B. Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki.
C. Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi.
D. Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa
kapwa.
33. Ngayong panahon ng pandemya, maraming naging biktima sa sakit dulot ng
COVID-19 dahil sa hindi pagsunod sa health protocols. Gayunpaman, naging
matatag ang samahan ng bawat isa sa pamilya at pamayanan. Naipadama
ang pagmamalasakit at paggalang sa bawat isa sa pamamagitan ng
pagtutulungan. Aling mga pagpapahalaga ang ipinamalas ng mga
mamamayan sa nasabing sitwasyon?
A. Pagkakaisa, Katotohanan at Pagmamahal
B. Pagmamahal, Sipag at Kapayapaan
C. Paggalang sa Dignidad, Tiyaga at Bukod-Tangi
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION

D. Pagkakaisa, Disiplina at Kapayapaan

34. Sa pagreretiro ni Ginoong Tomas bilang kawani ng gobyerno, nakatanggap


siya nang mga benepisyong hindi niya inaasahan mula dito na
pinanglingkuran niya ng mahigit 40 taon. Binibigyan din siya ng plake ng
pagkilala bilang isang natatanging manggagawa. Palatandaan ba ng
kagalingan sa paggawa ang pagtanggap ng benepisyo at pagkilala kay
Ginoong Tomas?
A. Oo, sapat na basehan ang 40 taon niya ng paglilingkod upang
makatanggap ng pagkilala.
B. Hindi, dahil binigyan talaga ng parangal at benepisyo ang mga
manggagawa na magreretiro.
C. Oo, sapagkat ibibigay lamang ang ang pagkilala at benepisyo sa
manggagawang nararapat bigyan o gawaran nito.
D. Hindi, ibinibigay lang ang parangal upang maging masaya si
Ginoong Tomas dahil sa edad na meron siya.
35. Si Ana ay nagsisikap na gawing “On Time” ang “Filipino Time” upang
magawa niya ang kanyang gawain ng may buong kagalingan. Alin sa
sumusunod ang nagpapakita nito?
A. Laging nagmamadaling tapusin ang gawain.
B. Maaga siyang gumigising dahil nasasanay na siya sa gawaing ito.
C. Hindi siya nahuhuli sa pagpapasa ng kanyang mga gawain na ginawa.
D. Ginagawa na niya ang mga gawain ng buong kahusayan bago
ang itinakdang panahon sa pagpasa.
36. Ang pagiging matipid ay nakatutulong upang magkaroon ng ipon na maaaring
magamit kung may pangagailangan sa mga susunod na araw. Alin sa mga
sumusunod ang naglalarawan sa pinakamahalagang paraan ng pagtitipid?
A. Maging mapagpakumbaba at matutong makuntento sa kung
anong mayroon.
B. Maging mapagbigay at matutong tumulong sa kapuwa.
C. Maging maingat sa paggastos at maging simple sa pamumuhay.
D. Maging masipag at matutong maging matiyaga sa mga gawain.
37. Bata ka pa lamang ay pinapangarap mo ng maging isang guro tulad ng iyong
mga magulang. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong isaalang-alang
upang maging madali sa iyong abutin ang iyong mga pangarap at sa huli’y
magkaroon ka ng kagalingan sa paggawa?
A. Maging masipag, mapunyagi at magkaroon ng disiplina sa sarili.
B. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at
paraan ng paggastos.
C. Maging matalino, marunong magdala ng damit at magaling
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION

makipag-usap.
D. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng
pagkakataon.
38. Pinalitan mo ang Pangulo sa Student Government sa inyong paaralan dahil
lumipat siya sa malayong lugar. Maraming nagsasabi na hindi mo kayang
higitan ang kabutihang nagawa at tagumpay na narating nya. Alin sa mga
sumusunod ang dapat mong linangin upang mapatunayan na ikaw ay
karapat-dapat sa posisyong binigay sa iyo?
A. Magpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan
ng dating pangulo ng Student Government.
B. Gamitin ang ganda, angking karisma, talino at kasipagan.
C. Maging masipag, masigasig at malikhain sa pagsasabuhay ng
iyong trabaho o responsibilidad.
D. Sundin ang payo ng mga nakatatandang kasamahan upang
maging maganda ang iyong relasyon sa mga ito.
39. Si Thomas Edison, isang Amerikanong imbentor, ang siyang nag imbento ng
electric light bulb. Bago niya ito natapos, dumaan siya sa maraming
pagsubok. Maraming beses siyang nagkamali ngunit hindi siya tumigil
bagkus nagpatuloy pa siya ng husto hanggang sa nakuha niya ng tama ang
kanyang imbensyon. Kung ikaw ay may katangian tulad ni Thomas Edison,
ano ang iyong gagawin upang magbunga ng tagumpay ang iyong kasipagan?
A. Ipapasa-Diyos na lamang ang mga pagsubok at balakid.
B. Magpatuloy sa anumang adhikain sa buhay sa kabila ng mga
balakid.
C. Panghinaan ng loob dahil sa pagsubok.
D. Sumuko sa hamon ng buhay sa pagkamit ng mithiin.
40. Sa pag-abot ng iyong mga mithiin, maraming mga pagsubok ang iyong
haharapin. Sa kabila ng mga hadlang na ito, paano mo magagawang abutin ang
iyong mga minimithi?
A. Maging buo ang loob at may pagkukusa.
B. Determinasyon at may pananalig sa Diyos
C. Magpapamalas ng kasipagan, determinasyon at buo ang loob.
D. Paggawa ng isang gawain ng may buong pagmamahal at pag-asa.

You might also like