You are on page 1of 21

ANG PAGGAWA BILANG PAGLILINGKOD

AT PAGTAGUYOD NG DIGNIDAD NG TAO


Suriin ang mga larawan at sagutan ang sumusunod na
katanungan.
1. Ano ang ginagawa ng mga nasa larawan? Bakit
kaya nila ito ginagawa?
2. Ano ang kanilang layunin sa kanilang paggawa?
3. Bakit magkakaiba ang kanilang layunin?
4. Sino sa kanila ang may pinakamalalim na dahilan
kung bakit sila gumagawa? Pangatuwiranan.
5. Bakit makabuluhan ang paggawa? Ipaliwanag.
1. Tungkol saan ang graph?

2. Alin ang may pinakamaraming


populasyon? Alin ang may pinakamaliit?

3. Ano ang kongklusyon na maaari mong


sabihin batay sa grap?
1. Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa paggawa
maliban sa:
a. Anumang gawaing makatao, nararapat sa tao bilang
anak ng Diyos
b. Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang
may pakikipagtulungan sa kanyang kapwa
c. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon
sa pangangailangan ng kapwa
d. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng
orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain
2. Ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng tunay na gumagawa maliban sa isa.
A. Si Mang Joel ay matagal ng karpintero, nakilala na siya sa kanilang komunidad
dahil sa kanyang pulidong trabaho. Hindi lamang siya umaasa sa disenyo ng arkitekto
o inhinyero kundi nagbibigay din siya ng mungkahi sa mga ito kung paano mas
mapatitibay at mapagaganda ang pagkakagawa ng isang bahay.
B Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kanyang panahon ay kanyang inilalaan sa
loob ng isang silid para sa buong maghapong pagtatapos ng isang obra.
C. Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang kumolekta ng mga
basura. Umaasa lamang siya sa kaunting barya na ibibigay ng kanyang mga
kapitbahay upang may maipambaon sa paaralan dahil gusto niyang makatapos.
D. Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang tumira sa isang malaking pabrika bilang
trabahador. Iniwan na siya ng kanyang mga magulang sa lugar na ito dahil mayroong
siyang naiwang utang at hindi nabayaran. Bilang kapalit, si Anthony ay magtatrabaho
rito ng ilang taon.
3. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kanyang
kailangan upang matugunan ang kanyang pangunahing
pangangailangan. Alin sa pangungusap ang tama?
a. Likas sa tao na unahing tugunan ang kanyang
pangunahing pangangailangan.
b. Hindi mabibili ng tao ang kanyang pangangailangan kung
wala siyang pera.
c. Hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.
d. Mas mahalagang isipin na matugunan ang
pangangailangan ng kapwa bago ang sarili
4. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao
paggawa ng pag-unlad ng agham at teknolohiya?

a. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit


ang kanyang pagkalamikhain.
b. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil
hindi ito nahawakan ng tao.
c. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha
ng maraming produkto.
d. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.
5. Sino sa sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas
kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang paggawa?

a. Si Antonino na gumagawa ng mga furniture na yari sa rattan at buli


at nilalapatan ng modernong disenyo
b. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa materyal na
tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit ng mga
banyaga
c. Si Romeo na nag-e-export ng mga produktong gawa sa bansa sa
mga kalapit na bansa
d. Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung
panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo
6. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa
kanyang pamilya, sa lipunan na kanyang kinabibilangan at sa
bansa. Ito ay nangangahulugang:

a. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kanyang sarili sa kanyang


paggawa.
b. Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang
makatulong sa kanyang kapwa.
c. Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin
ay makatulong at magsilbi sa kapwa.
d. Lahat ng nabanggit
7. Ano ang obheto ng paggawa?

a. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at


teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga
produkto
b. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
c. Tunay na layunin ng tao sa kanyang paglikha ng mga
produkto
d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng
isang produkto
8. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?

a. sa prosesong pinagdaanan bago malikha ang isang


produkto
b. sa kalidad ng produktong nilikha ng tao
c. sa haba ng panahon na ginugol upang malikha
ang isang produkto
d. sa katotohanang ang gumawa o lumikha ng
produkto ay tao
9. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay
nangangahulugang:
A. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa
bagkus kailangan niya ang paggawa upang makamit niya ang kanyang
kaganapan.
B. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa
bagkus ang tao ang kailangan upang mapagyaman ang mga kasangkapang
kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa.
C. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa at hindi
nararapat na iasa lamang ng tao ang kanyang pag-iral sa mga produktong nilikha
para sa kanya ng kanyang kapwa.
D. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya
ibinubuhos ng tao ang lahat ng kanyang pagod at pagkamalikhain upang
makagawa ng isang makabuluhang produkto.
10.Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng
panlipunang dimensyon ng paggawa?

a. Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama ang


kapwa.
b. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
c. Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan,
ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa.
d. Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha
ng kapwa.
1. B 2. D 3. A 4. C 5. C

6. B 7. A 8. D 9. A 10.D
1. Magkatulad ba ang patakaran sa ibang bansa at
ang sa atin? May bahagi bang magkaiba?

2. Kung ang kanilang patakaran ay gagayahin natin


sa ating paaralan, magiging makabuluhan kaya ito?
Ipaliwanag.
1. Tungkol saan ang graph?

2. Alin ang may pinakamaraming


populasyon? Alin ang may pinakamaliit?

3. Ano ang kongklusyon na maaari mong


sabihin batay sa grap?
Usapan 1:
Anak 1: Kailangan ni nanay ng tulong sa paglalaba.
Anak 2: Ayoko. Hindi ko tayo ang ganoong gawain.
Usapan 2:
Mag-aaral 1: Hindi na yata talaga ako matututo nito.
Mag-aaral 2: Kailangan ko lang ng konting tiyaga, matututuhan ko rin
ito.
Usapan 3:
Bata 1: Magandang tingnan kung ang lupa ay may tanim.
Bata 2: Ayaw ko ang pagtatanim. Masisira ang aking kuko at
magkakarumi pa.
Gabay na tanong:
1. Ano ang iyong naging reksiyon sa bawat
usapan? Bakit?
2. Sa tunay na buhay, anong uri ng trabaho
o paggawa ang nais mong gawin?
Ipaliwanag.
3. Mahalaga bang gusto mo ang iyong
gagawin? Bakit?

You might also like