You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region 1
Schools Division of Ilocos Sur
SAN JUAN NATIONAL HIGH SCHOOL
School ID: 300035
San Juan

IKATLONG MAHABANG PAGSUSULIT


Edukasyon sa Pagpapakatao 9

Pangalan: ____________________________________Baitang at Seksyon: _______________


Panuto: Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. Ano ang dapat gawin ni Judith upang maipakita ang pagiging makatarungan?
A. Matutong tumayo sa sarili at hindi na umaasa ng tulong mula sa pamilya.
B. Magiging bukas ang loob na tanggapin ang pagkamali at hindi manisi ng iba.
C. Magkaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid.
D. Magabayan ang mga mahal sa buhay na igalang ang mga karapatan ng kapuwa.
2. Nakapagtapos ka ng pag-aaral at umasenso ang iyong buhay. Ano ang mainam mong gawin upang
maibigay mo sa iyong kapuwa ang nararapat ibigay sa kanila?
A. Ipunin ang lahat ng batang kalye at sabay-sabay pakainin araw-araw.
B. Sabihan ang lahat ng bata sa lansangan na magsumikap sa pag-aaral.
C. Bilhan ng laruan ang lahat ng batang makikita upang matutuwa ang mga ito
D.Bisitahin ang dating paaralan at magtanong kung ano ang maaaring maitulong
3. Alin sa sumusunod ang nagpapamalas ng katarungan?
A. Pagpapautang ng 5-6 sa mga mahihirap
B. Pagsumbong sa guro sa kaklaseng nangongopya
C. Pagturing ng pamemeki ng lisensiya bilang hanapbuhay
D. Pagtanggap ng bayad sa boto mula sa kandidatong pulitiko sa eleksiyon.

4. Paano unawain ang mga pagpapahalagang kaugnay sa katarungang panlipunan?


A. Malaman mo ang iyong papel sa katarungang panlipunan.
B. Makita mo alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang angkop sa iyo.
C. Masigurado mo na magtagumpay ka sa pagtugon sa hamon ng pagiging
makatarungan sa kapuwa.
D. Matulungan ka sa iyong pagsisikap na maging makatarungang tao at sa paggalang
mo sa dignidad ng kapuwa na likas sa pagiging tao ng tao.
5.Bakit kailangan sa katarungang panlipunan ang paggalang sa kapuwa?
A. Dahil binubuo ng tao ang lipunan
B. Dahil magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao
C. Dahil may halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay bilang tao
D. Dahil pangunahin sa pag-iral ng katarungang panlipunanang paggalang sa kapuwa
6. Sino ang nagsabi ng pahayag na, “ Ang bunga ng pagkakaisa ay kapayapaan “?
A. Dr. Manuel B. Dy Jr.
B. Andre Sponville
C. Santo Tomas de Aquino
D. Santo Papa Juan Pablo II

7. “ Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Ano ang ibig sabihin nito?
A. May mga batas na itinatakda na kailangang sundin ng tao habambuhay.
B. Ang lahat ng batas ay ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin ang mga ito.
C. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kaniyang buhay sa tulong ng mga batas.
D. Itinatakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi upang
diktahan nito ang kaniyang buhay.
8. Natutuhan mo sa asignaturang EsP na ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng
nararapat sa kaniya. Ano ang dapat na magpatotoo nito?
A. Kasabay ang lahat na miyembro ng pamilya tuwing kainan.
B. Payuhan ang mga kapatid na gawin ang kani-kanilang gawaing bahay.
C. May “Feeding Program” ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang.
D. Pagbili ng lahat ng paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito nang maaga.
9. Paano maipakikita ang kilos ng pagiging makatarungang tao?
A. Pag-usapan ng mga magkamag-aral ang nangyayari sa sistemang legal ng bansa.
B. Alamin ng mga kabataan ang kanilang mga tungkulin at mga karapatan sa lipunan.
C. Bisitahin ng guro ang mag-aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin na bumalik
ito sa pag-aaral.
D. Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng baranggay tuwing Sabado upang
maglaro ng basketball.
10. Alin ang nagpapatunay na ibinababatay sa moral na batas ang legal na batas?
A. Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos.
B. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao.
C. Ang pagpapakatao ay mapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral na batas.
D. Maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon katarungan sa lipunan

11. Ang sumusunod ay mga katangian na dapat taglayin ng isang tao upang maisabuhay ang
kagalingan sa paggawa maliban sa:
A. Pagpupuri at pagpapasalamat sa Diyos
B. Pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga
C. Pagtataglay ng positibong kakayahan
D. Pagkakaroon ng pambihirang lakas

12. Sino ang isang bulag ang matagumpay sa pagsasakatuparan ng kaniyang mithiin sa
buhay?
A. Roselle Ambubuyog B. Leonardo da Vinci C. Roselle Nava D. Aristotle

13. Pangarap mong umangat ang iyong estado sa buhay. Ano ang dapat mong gawin upang
maabot ito?
A. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
B. Magkaroon ng kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos
C. Maging matalino, marunong magdala ng damit, at magaling makipag-usap
D. Maging masipag, mapagpunyagi, at magkaroon ng disiplina sapagamit ng oras

14. Bakit mahalaga ang kalidad o kagalingan sa paggawa na may kasamang wastong
pamamahala sa paggamit ng oras?
A. Dahil sapagsasagawa maisasabuhay ang layunin ng tao
B. Dahil sapagsasagawa mapatunayan ang natatanging halaga ng tao
C. Dahil sapaglikha ng produkto nangangailangan ng maraming oras upang masanay at magkaroon
ng kahusayan
D. Dahil dito naisakatuparan ng tao ang kaniyang tungkulin sa sarili,kapuwa at sa Diyos gamit ang
oras na ipinagkatiwala sa kaniya

15. Maganda ang pagkagawa ng pamilya niSuzannesa mga bag na yari sa tetra pack ng
juice. Mabili ang mga ito lalo na ang may iba’tibang kulay at disenyo. Ano ang ipinakikita
ng sitwasiyong ito?
A. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay
B. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kaniyang mga kakayahan
C. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kaniyang pamumuhay
D. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-samang tuparin ang mithiin nglipunan

16. Hindi naging madali kay Ginang Ramos ang pagpaunlad ng negosyong online selling. Sa
kabila ng mga pagsubok, napagtagumpayan niya ito. Paano hinarap ni Ginang Ramos
ang paghihirap na dinanas kaya siya nagtagumpay?
A. Pinag-aralan ang sitwasiyon at pinag-isipan ang gagawing hakbang
B. Pinaniniwalaan niyang ang lahatay hamon na kailangang malampasan
C. Pinaniniwalaan niyang ang pagkabigo ay paraan ng pagsusulit sa kaniya
D. Pinaniniwalaan niya na ang pagkadapa ay hindi senyales upang tuluyang malugmok

17. “Ang oras ay kaloob na ipinagkatiwala ng Diyos sa tao,” Ano ang kahulugan nito?
A. Masuwerte ang tao dahil binigyan siya ng oras.
B. Nagmamay-ari ang tao sa oras dahil ipinagkakaloob ito sa kaniya.
C. Malaya ang tao na gamitin ang oras para sa lahat ng bagay na gusto niyang gawin.
D. Tungkulin ng taong gamitin ang oras nang mapanagutan para sa kabutihang panlahat.
18. Ano ang maipapayo mo sa mga taong gustong makamit ang tagumpay sa buhay?
A. Alamin ang mga sariling salik, maging masinop, mapagpunyagi at magtiwala sa sarili
B. Alamin ang gusto at hilig at maging masipag, madiskarte at matalino
C. Magkaroon ng pananampalataya at disiplina sa sarili
D. Pahalagahan ang sarili, kapuwa, at bansa

19. Malapit na ang pista ng lungsod, abala na ang mga gumagawa ng mga palamuting dekorasyong
siguradong mabenta. Ano ang magandang motibasyon na dapat isaalang-alang nang gumagawa
ng mga ito?
A. personal na kaligayahan na makukuha mula dito
B. materyal na bagay at pagkilala ng lipunan
C. pag-unlad ng sarili, kapuwa, at bansa
D. kalooban at kagustuhan ng Diyos

20. Si Nelia ay tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya pero hindi siya
nagrereklamo at nagpapabaya sa kaniyang tungkulin. Alin sa sumusunod na pananaw ang
isinasabuhay ni Nelia sa kagalingan niya sa paggawa?
A. Pagkilos nang buong puso
B. Pagkaroon ng kasiyahan, pagkagusto at sigla sa ginagawa
C. Pag-iwas sa problemana magiging sanhi ng pagkaalis sa trabaho
D. Pagigiging malikhain sa pamamaraan ng paggawa upang hindi mapagod

21. Ito ay pagtitiyaga na maaabot ang mithiin sa buhay na may pagtitiis atdeterminasyon.
A. Katatagan B. Pagsisikap C. Pagpupunyagi D. Kasipagan
B.
22. Ano ang sinasabi ng Teorya ni Maslow, The Heirarchy of Needs, tungkol sa pera?
A. Ang pera ay dapat nating ingatan at huwag sayangin.
B. Ang pera ay nagsisilbing pantulong sa araw-araw na kailangan.
C. Ang pera ay tumutulong na maramdaman ng tao ang kaniyang seguridad sa buhay.
D. Ang pera ay nagbibigay sa tao ng kasiguraduhan na maging maayos ang
kaniyang buhay.

23. “Marami ang nagtuturing na mahirap itong buhay, Araw-araw ay paggawang tila rin
walang humpay; Datapwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay; Tagumpay ay
nakakamit kapag tao ay masikhay.” Ano ang ibig sabihin nito?
A. Kahit mahirap ang buhay, ang tao ay dapat maging marangal.
B. Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan na magtiis.
C. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag.
D. Mahirap man ang buhay, ang tao ay hindi dapat mawawalan ng pag-asa.

24. Alin sa sumusunod ang hindi naglalarawan ng tunay na kahulugan ng kasipagan?


A. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at positibo sa isang gawain.
B. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
C. Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang gawain.
D. Tumutulong sa tao na malinang ang tiwala sa sarili, mahabang pasensiya, katapatan, integridad, at
disiplina sa sarili
25. Ang kasipagan ay tumutulong sa tao upang mapaunlad niya ang kaniyang
pagkatao. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Magkaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa
B. Gagawa ng isang bagay na makapagpasaya sa sarili
C. Ipagmayabang sa buong mundo ang sariling kakayahan
D. Malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang
pasensiya, katapatan, integridad, at disiplina sa sarili.

26. Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi pag-iwas sa


anomang gawain. Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita nito?
A. Si Rose ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anomang gawain
na ipinapagawa sa kanya ng kaniyang ina.
B. Si Jay-R na masipag mag-aral at sa tuwing nag-aaral ay ibinibigay niya ang
kaniyang panahon at oras dito ng buong husay.
C. Si Pauline ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing
bahay. Siya ay gumagawa nang may pagkukusa.
D. Si Sally na sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan ay sinisiguro niya na
matapos ang mga ito nang maayos at may kalidad.

27. Si Rosette ay sadyang masipag. Hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga gawain at
sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan nito. Anong palatandaan sa
kasipagan ang taglay ni Rosette?
A. Hindi nagrereklamo sa ginagawa
B. Hindi umiiwas sa anomang gawain
C. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal
D. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa

28. Marami kang bibilhin na kagamitan para sa mga proyekto sa paaralan. Paano ka makaimpok ng
pera upang hindi ka na hihingi sa iyong mga magulang?
A. Simulang ipunin ang sobrang baon araw-araw
B. Tiisin ang gutom at hindi kakain sa recess
C. Magpalibre sa mayayaman na kaklase
D. Magpasuhol sa bawat ipagawa ng iba

29. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita na taglay ng tao ang kasipagan?
A. Ang hindi pag-iwas sa anomang gawain
B. Ginawa ang gawain nang may pagmamahal
C. Pagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
D. Ang hindi pagrereklamo gaano man kahirap ang gawain

30. Wala ng mga magulang si Jose at nais niyang makatapos sa pag-aaral. Ano ang
dapat gawin ni Jose upang maipamalas ang taglay na kasipagan?
A. Magsipag sa pag-aaral
B. Magmalasakit sa anumang gawain sa bahay
C. Tutulong sa mga gawaing bahay kapag inuutusan
D. Kahit mahihirapan, tapusin ang pag-aaral at maghanap ng mabuting paraan
upang matustusan ito

You might also like