Inihanda ni: ERIC P. VALERIANO PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN PAUNANG PAGTATAYA Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel. 1. Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba: a. Iba’t iba tayo ng mga kakayahan. b. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin. c. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo nating mag- isa. d. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba. 2. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na: a. ang lahat ay magiging masunurin. b. matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat. c. bawat mamamayan ay may tungkling dapat gampanan. 3. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami? a. Sa ganito natin maipapakita ang ating pagkakaisa. b. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain. c. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin. d. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon. 4. Pangunahing layunin ng lipunang sibil ang: a. pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan. b. pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan. c. pagtalakay ng mga suliraning panlipunan. d. pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan. 5. Ang kahulugan ng “mass media” ay: a. impormasyong hawak ng marami. b. isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon. c. impormasyong nagpapasalin-salin sa marami. d. paghahatid ng maraming impormasyon. 6. Tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan dahil: a. wala tayong ibang mapagkukunan ng impormasyon. b. nagpapasya tayo ayon sa hawak nating impormasyon. c. maaari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon. d. ang mass media ay pinaglalagakan lamang ng impormasyon. 7. May kasinungalingan sa mass media kung mayroong: a. paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan. b. pagpapahayag ng sariling kuro-kuro. c. paglalahad ng isang panig ng usapin. d. pagbanggit ng maliliit na detalye. 8. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng: a. kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa. b. kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang. c. kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon. d. pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay. 9. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil, maliban sa: a. kawalan ng pangmatagalang liderato. b. pagsasalungatan ng iba’t ibang paninindigan. c. kawalan ng kuwalipikasyon ng mga kaanib. d. panghihimasok ng estado. 10. Ang samahang nagsasagawa ng __________ ay maituturing na isang lipunang sibil. a. malayuang pagbibisikleta b. pagmamasid sa mga ibon c. pagtatanim ng mga puno d. pagsisid sa mga bahura (coral reefs) ACTIVITY: VIDEO ANALYSIS
Panoorin ang dokumentaryong Like You, We Have
Rights, Too mula sa https://www.youtube.com/watch?v=D3zbaL0_L9Y o pindutin ang larawan upang iplay ang video 2. Itala sa kuwaderno ang mga usapíng pinalutang ng mga kinapanayam PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG- UNAWA ACTIVITY A PANUTO: Pag-aralan ang dalawang mapagpipiliang mga gawain. Pumili ng isa sa mga ito. Gawin ang iba pang mga panuto ayon sa napiling gawain.
Unang Mapagpipilian - May naaalala ka bang mga
organisasyon na dumayo sa inyong lugar upang maghatid ng kawanggawa? Nabiyayaan ka na ba sa ganitong paglilingkodbayan? Anong serbisyo o tulong ang naipaabot sa iyo? Gumawa ng talaan sa papel ng mga natatandaan mong kahalintulad na gawain sa inyong lugar.
Pangalan o Uri ng Uri ng paglilingkod Panahong Inilaan Pananaw ng mga
Organisasyon tao tungkol sa resulta o epekto ng serbisyo o kawanggawa
Sagutin sa papel ang tanong na ito: Ano kayâ ang
nagtutulak sa mga taong ito upang magpakaabala at magpakagastos, gayong ni hindi naman nila tayo kilala? Ipaliwanag. ACTIVITY B Ikalawang Mapagpipilian (Pangkat B): May nabalitaan ka bang mga organisasyon na nagsagawa ng kilos-protesta? Tungkol sa anong usapín ang kanilang ipinoprotesta? Usaping Ipinoprotesta Pangalan o uri ng Petsa o Taon Organisasyon
Sagutin ang tanong na ito: Ano kaya ang
nagtutulak sa mga taong ito upang iprotesta ang mga ganitong usapín? PAGPAPALALIM BALIK-ARAL • Ang lipunang pang-ekonomiya ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao. • Sa lipunang pang-ekonomiya, ginagawa ng mga tao na malaking tahanan ang bansa – isang tunay na tahanan kung saan maaaring tunay na tumahan (huminto, manahimik, pumanatag) ang bawat isa sa pagsisikap nilang mahanap ang kanilang mga buhay. PANIMULA • Ang pamahalaaan ay gumagawa at nagpapatupad ito ng mga batas, upang matiyak nito na matutugunan ang mga pangangailangan natin sa lipunan.
• Magkagayon man, sa maraming pagkakataon
ay nagkukulang ang pamahalaan sa layuning ito. LIPUNANG SIBIL • Ang kusang-loob na pag-organisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa’t isa. • Hindi rin ito isinusulong ng mga negosyante na ang interes lamang ay ang pananatili ng kita. • Sa halip, ito ay ibinubunsod ng pagnanais ng mga mamamayan na matugunan ang kanilang mga pangangailangan na bigong tugunan ng pamahalaan at kalakalan (business). • Ang lipunang sibil ay nagsasagawa ng mga pagtugon na sila mismo ang nagtataguyod, kung kayâ nagkakaroon ng likas kayang pag- unlad(sustainable development) na hindi tulad ng minadali at pansamantalang solusyon ng pamahalaan at kalakalan. Halimbawa: • Noong 1994, halimbawa, inorganisa ng Simbahang Katoliko sa Zamboanga, Basilan, Tawi-tawi at Sulu ang Consultation on Peace and Justice. • Isang grupo ng kababaihan sa Pilipinas ang nagtipon- tipon noong 1984, at nabuo sila bilang isang lipunang sibil. Naging isang pampolitikang partido sila na tinawag nilang Gabriela, at nagkaroon sila ng kinatawan sa Kongreso. KATANGIAN NG IBA’T IBANG ANYO NG LIPUNANG SIBIL • Pagkukusang-loob - Walang pumilit, nanakot, o nanggipit sa mga kasapi nito upang makisangkot.
• Bukás na pagtatalastasan - Walang
pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag ng saloobin.
• Walang pang-uuri - Hindi isinasaalang-alang
ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi: mayaman o mahirap, may pinag-aralan o wala, KATANGIAN NG IBA’T IBANG ANYO NG LIPUNANG SIBIL • Pagiging organisado - Sapagkat nagbabago ang kalagayan ayon sa mga natutugunang pangangailangan, nagbabago rin ang kaayusan ng organisasyon upang tumugma sa kasalukuyang kalagayan. • May isinusulong na pagpapahalaga - Ang isinusulong nito ay hindi pansariling interes kundi kabutihang panlahat: isinusulong ng media ang katotohanan, isinusulong naman ng Simbahan ang espiritwalidad. ANG MEDIA • Anumang bagay na “nasa pagitan” o“namamagitan” sa nagpadala at pinadalhan ay tinatawag sa Latin na medium, o media kung marami. • Kung maramihan at sabay-sabay ang paghahatid na ginagawa natin, tinatawag natin itong mass media: diyaryo, radyo, telebisyon, pelikula, o internet. • Sa pagpapalutang ng mahahalagang impormasyon ay napapanatili mo ang ikabubuti ng ibang kasapi ng lipunan. • Ang pangunahing layunin ng media bilang isang anyo ng lipunang sibil, ay magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan. Ito ang dahilan kung bakit tungkulin ng media ang pagsasabi ng buong katotohanan, at kagyat na pagtutuwid sakali mang may naipahatid na maling impormasyon na maaaring maging batayan ng iba sa pagpapasya ng ikikilos. • Ang media ay pinaglalagakan lamang ng mga katotohanang kailangan ng lipunan para sa ikabubuti ng bawat kasapi nito. Hindi ikabubuti nino man ang kasinungalingang bunga ng pagbabawas o pagdaragdag sa katotohanan. ANG SIMBAHAN • Gaano man karami ang iyong matamo para sa sarili, makakaramdam ka pa rin ng kahungkagan, ng kawalan ng katuturan, ng kakulangan. • Sa pagiging mananampalataya mo ay hindi nawawala ang iyong pagkamamamayan. Sa katunayan, ang iyong pananampalataya ay naisasabuhay mo sa pamamagitan ng pagtuwang sa lipunan, at pagtugon sa panawagan ng • Ang pangunahing layunin ng media bilang isang anyo ng lipunang sibil, ay magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan. Ito ang dahilan kung bakit tungkulin ng media ang pagsasabi ng buong katotohanan, at kagyat na pagtutuwid sakali mang may naipahatid na maling impormasyon na maaaring maging batayan ng iba sa pagpapasya ng ikikilos. • Ang media ay pinaglalagakan lamang ng mga katotohanang kailangan ng lipunan para sa ikabubuti ng bawat kasapi nito. Hindi ikabubuti nino man ang kasinungalingang bunga ng pagbabawas o pagdaragdag sa katotohanan. • Papa Juan Pablo II - “Ang kapangyarihan ng media ay hindi isang lakas na nananalasa, kundi isang pag-ibig na lumilikha”. • San Ignacio - “Kapag naglihim tayo, doon magtatrabaho ang diyablo.” • Malala Yousafzai - Isang walong taóng gulang na batang babae. Inilalarawan niya sa blog kung gaano kadelikado ang mag-aral sa gitna ng panggigipit ng Taliban. Ipinamamanhik niya sa pamahalaang Pakistani na maglaan ng dagdag na pananalapi para sa mga paaralan, at hinihimok niya ang lahat ng mga kabataang babaeng Pakistani na igiit ang karapatang Panuto: Isulat sa papel kung ano ang tinutukoy sa pangungusap. 1. Ang kusang-loob na pag-organisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa’t isa. 2. Ang pangunahing layunin nito ay magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan. 3. Ang iyong ___________ay naisasabuhay mo sa pamamagitan ng pagtuwang sa lipunan Panuto: Isulat sa papel kung ano ang tinutukoy sa pangugngusap. 4. Ayon kay ___________ “Kapag naglihim tayo, doon magtatrabaho ang demonyo”. 5. Isang walong taóng gulang na sumulat ng blog na naglalarawan kung gaano kadelikado ang mag-aral sa gitna ng panggigipit ng Taliban. PAGSASABUHAY ACTIVITY Panuto: Gamit ang Pagpapalalim bilang sanggunian, tukuyin ang mga nabanggit na halimbawang lipunang sibil, at italâ ang mga ito sa ilalim ng angkop na mga adbokasiya: Katarungang Pangekonomi Pakikilahok ng Pangangalaga Kapayapaan Pagkakapantay Ispiritwalidad Panlipunan yang Mamamayan ng kapaligiran ng kasarian pag-unlad
Itala sa iyong journal ang mga sumusunod:
1. Mga pagkakatuto mula sa personal na sagot sa mga tanong 2. Mga posibilidad na nakikinikinita (Mga halimbawa: isang pamayanang ligtas sa droga, isang malinis na daluyan ng tubig, o isang malilim na lansangan) TAKDANG ARALIN • Sa ano-anong paraan tinutugunan ng lipunang sibil ang mga pagkukulang ng lipunan? Ipaliwanag.