You are on page 1of 4

Department of Education

Region III
DIVISION OF PAMPANGA
City of San Fernando

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa ESP 9


S.Y 2014-2015
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at
isulat ang titik nito sa sagutang papel.

1. Ano ang katarungan?


a. Paggalang sa sarili. c. Pagsunod sa batas
b. Pagtrato sa tao bilang kapwa d. Lahat ng nabanggit.

2. Ano ang tamang pagpapatupad sa katarungan?


a .Bigyan ng limos ang namamalimos c. Tumawid sa tamang tawiran
b. Ikulong ang lumabag sa batas. d. Tumakas pag hindi kasalanan

3. Sino ang may tungkuling ipatupad ang batas?


a. mamamayan c. pulis
b. pamahalaan d. Lahat ng nabanggit.

4. Bakit kailangan ng mga batas?


a. Upang matakot ang mga tao at magtino sila.
b. Upang magabayan ang mga tao sa tamang pagkilos.
c. Upang parusahan ang mga nagkakamali.
d. Lahat ng nabanggit.

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatarungan?


a. Ang pagbigay ng limos sa namamalimos sa kalye .
b. Ang pagpatay sa mga nahuling kargador ng droga sa Tsina
c. Ang pagbibigay ng bagsak ng grado sa hindi nakakatupad sa mga kakailanganin sa klase.
d. Wala sa nabanggit.

6. Alin sa mga sumusunod ang pagpapamalas ng katarungan?


a. . Pagpapautang ng 5-6.
b. Pagsumbong sa guro ng kaklaseng nangongopya.
c. Pagturing sa mga fixer ng lisensya bilang kapwa-naghahanap-buhay.
d. Wala sa nabanggit.

7. Ang mga sumusunod ay mga panukalang makatarungan maliban sa:


a. Mata sa mata, ngipin sa ngipin.
b. Kunin mo lamang ang kailangan mo.
c. Tulungan ang lahat ng nanghihingi ng tulong.
d. Walang sala hanggat hindi napapatunayang nagkasala.

8. Ang katarungang panlipunan ay:


a. pinatutupad ng pamahalaan. c. ideyal lamang at hindi mangyayari sa talaga.
b. ukol sa parehong komunidad at sarili d. Wala sa nabanggit.

9. Nagsisimula ang katarungang panlipunan sa:


a. Diyos. c. lipunan.
b sarili. . d. pamahalaan

10. Nakapaloob sa katarungang panlipunan ang mga sumusunod:


a. batas, kapwa, sarili. c. batas, konsensya, parusa.
b baril, kapangyarihan, rehas. d. Diyos, pamahalaan, komunidad

11. Siya ang sumulat ng librong Laborem Exercensnoong taon 1981, ang paggawa ay mabuti sa tao dahil sa
pamamagitan nito naisasakatuparan nito ang knyang responsibilidad sa sarili, kapwa at sa Diyos.
a. Pope John Paul II c. Pope Francis
b. Pope Benedict d. Pope Paul
12. Ito ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kanyang paligid.
a. malikhain c. tiyaga
b. disiplina sa sarili d. masigasig

13. Ito ang yugto na magtuturo ng ibat ibang istratehiyang maaaring gamitin upang mapadali ang pagsasakatuparan ng
mga tunguhin sa pamamagitan ng pagtatala ng mga konkretong hakbang upang maisagawaang proyektong napili.
a. pagkatuto habang ginagawa
b. pagkatuto bago ang paggawa
c. pagkatuto na di pa ginagawa
d.pagkatuto pagkatapos gawin ang isang Gawain

14. Ang produkto o gawaing lilikha ay hindi bunga nang panggagaya ito ay likha ng mayamang pag-iisip.
a. kasipagan c. masigasig
b. malikhain d. disiplina sa sarili

15. Ito ay mga tanong na hinahanapan ng mga kasagutan.


a. demonstrasyon c. misteryo
b. mausisa d.pandama

16. Ito ang kakayahang yakapin ang kawalang katiyakan ng isang bagay, kabaligtaran ng inaaasahang pangyayari.
a. demonstrasyon c. misteryo
b. mausisa d.pandama

17. Maganda ang pagkakagawa ng mga bag na yari sa tetra pack ng juice ng pamilya nina Suzanne. Mabenta ang mga ito
lalo na yung mga bag na may ibat ibang kulay at disenyo. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o
nagpapakita sa kagalingan ng tao sa paggawa?
a. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay
b. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kanyang mga kakayahan
c. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kanyang pamumuhay
d. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sam sa mithiin ng lipunan

18.Inilunsad ng isang kilalang kumpanya ng softdrinks in can ang proyektong Ang latang naitabi mo, panibagong
pamatid uhaw ang dala nito sa iyo upang makaipon ng maraming lata na ido-donate sa Tahanang Walang Hagdan. Ang
programang ito ay tumutugon sa mga pagpapahalagang mayroon ang pagawaan o ang kumpanya sa paglikha ng isang
produktong may kalidad at nakikibahagi sa lipunan, lalo na sa mga may kapansanan. Kung ikaw ang lilikha ng produkto
alin sa mga sumusunod ang dapat mong isaalang-alang?
a. Gumawa ng produktong kikita ang tao
b. Gumawa ng produktong makatutulong sa tao
c. Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao
d. Gumawa ng produktong ayon sa kalooban ng Diyos

19. Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya pero hindi
ito nagrereklamo at nagpapabaya sa kanyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni Katrina ang kagalingan niya sa paggawa?
a. Ginagawa niya nang may kahusayan ang kanyang tungkulin
b. May pagmamahal at pagtatangi siya sa kanyang katrabaho
c. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa
d. Ang kaganapan nang kanyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng kanyang pangarap

20. Sa pagreretiro ni Mang Rene binigyan siya nang mga benepisyong hindi niya inaasahan ng pabrikang kanyang
pinaglingkuran ng mahigit sa 40 taon, bukod dito binigyan din siya nang plake ng pagkilala bilang natatanging
manggagawa ng pabrika. Ang pagtanggap ba nang benepisyo at pagkilala ni Mang Rene ay palatandaan ng
kagalinganniya sa paggawa?
a. Oo, sapat na basehan ang 40 na taon niyang paglilingkod
b. Oo, hindi ibibigay ng isang kumpanya ang pagkilala at benepisyo sa manggagawang hindi nararapat bigyan o
gawaran nito
c. Hindi, binigay lang ang parangal upang maging masaya si Mang Rene dahil sa edad na mayroon siya
d. Hindi, binibigay talaga ang parangal at benepisyo sa isang manggagawa sa oras na siya ay magretiro bilang
bahagi nang kanyang karapatan bilang isang manggagawa

21. Hindi natapos ni Baldo ang kanyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila nito siya ay matagumpay dahil sa
negosyong kanyang itinayo at pinaunlad. Naging madali ito para sa kanya dahil ito ay ayon sa kanyang gusto at hilig. Ano
ang katangian ang mayroon si Baldo?
a. Masipag, madiskarte at matalino
b. May pananampalataya, malikhain, may disiplina sa sarili
c. May angking kasipagan, pagpupunyagi at tiwala sa sarili
d. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapwa at bansa
22. Malapit na ang pasko, abala na ang mga gumagawa ng mga palamuti dekorasyong siguradong mabenta. Ano ang
magandang motibasyon na dapat isaalangalang nang gumagawa ng mga ito?
a. kaloob at kagustuhan ng Diyos
b. materyal na bagay at pagkilala ng lipunan
c. pag-unlad ng sarili, kapwa at bansa
d. personal na kaligayan na makukuha mula dito.

23. Pinalitan ni Lesie ang nagretirong punong-guro ng kanilang paaralan. Marami ang nagsasabing hindi niya kayang
higitan ang kabutihang nagawa at tagumpay na narating ng huli. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang linangin upang
mapatunayan na siya ay karapat-dapat sa posisyong ibinigay sa kanya?
a. Gamitin ang ganda, angking karisma, talino at kasipagan
b.Magpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng dating punongguro
c. Maging masipag, masigasig at malikhain sa pagsasabuhay nang kanyang trabaho
d. Sundin ang payo at gusto ng mga matatandang guro upang maging maganda ang relasyon ng mga ito.

24. Bata pa lang si Juan Daniel pinangarap na niyang maging isang guro tulad ng kanyang mga magulang. Alin sa mga
sumusunod ang dapat niyang isaalang-alang upang maging madali sa kanya na upang maabot ang pangrap at sa huliy
magkaroon ng kagalingan sa paggawa?
a. Maging masipag, magpunyagi at magkaroon ng disiplina sa sarili
b. Maging matalino, marunong magdala ng damit, magaling makipag-usap
c. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
d. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos.

25. Hindi naging madali kay G. Sandy Javier ang pagpapaunlad ng Andoks, sa kabila nito napagtagumpayan pa rin niya
ito. Paano kaya tinignan ni G. Javier ang pagkabigong dinanas kaya ito nagtagumpay?
a. Ang pagkabigo ay paraan ng pagsusulit sa kanya
b. Ang pagkadapa ay hindi senyales upang tuluyang malugmok
c. Itinuring niya itong hamon na kailangang malampasan
d. Pinag-aralan ang sitwasyon at pinag-isipan ang gagawing hakbang

26.Maganda ang binitawang hamon ng Tagapagsalita sa mga mag-aaral na magtatapos sa taong ito bilang susi upang
maiangat ang sarili, pamilya, kapwa at bansa sa kabuuan. Alin ang maaaring maging instrumento upang maisabuhay ito?
a. Gumawa ng produkto o gawaing na pagkakakitaan
b. Gumawa ng produkto o gawaing para sa tao at sa Diyos
c. Gumawa ng produkto o gawaing makatutulong sa tao at bansa
d. Gumawa ng produkto o gawaing magiging intsrumento ng kapayapaan

27.Tumutulong ito sa tao upang mapaunlad niya ang kanyang pagkatao


a. kabutihan c. kasipagan
b. katamaran d. pagpupunyagi

28. Ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
a. kabutihan c. . kasipagan
b. katamaran d. pagpupunyagi

29. Pinagpapaguran upang kitain ito kaya, kailangan na gastusin ito sa tama upang huwag itong mawala.
a. alahas c. pera
b. pagkain d. tirahan

30. Mula sa saknong ng isang tula Marami ang nagtuturing mahirap daw itong buhay, Araw-araw ay paggawang tila din
walang humpay; Datapuwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay; Tagumpay ay nakakamit kapag tao ay masikhay.
a. Mahirap ang buhay kayat ang tao ay kinakailangan na magtiis.
b. Kahit mahirap ang buhay ang tao ay dapat na maging marangal.
c. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag.
d. Mahirap man ang buahay ang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa.

31 Ang mga sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:


a. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
b .Ito ay pagtingin ng kasiyahan at positibo sa isang gawain
c. Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang gawain, kapwa at lipunan.
d. Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensya,
katapatan at disiplina.

32. Si Rony ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga gawain at sinisiguro niya na magiging maayos
ang kalalabasan nito. Ano kayang palatandaan sa kasipagan ang taglay ni Rony?
a. Hindi umiiwas sa anumang gawain
b.Hindi nagrereklamo sa ginagawa
c . Ginagawa ang gawain ng may pagmamaha
d. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa

33. Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi umiiwas sa anumang gawain. Alin sa mga
halimbawa ang nagpapakita nito?
a. Si Marife ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay. Siya ay gumagawa ng
mayroong pagkukusa.
b. Si Jazmine ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang gawain na ipinapagawa sa kaniya ng
kaniyang ina.
c. Masipag na mag-aaral si Hans, sa tuwing siya ay nag-aaral ay ibinibigay niya ang kaniyang panahon at oras
dito ng buong husay.
d. Sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan si Marianne ay hindi niya ginagawa ito basta lamang matapos,
kundi naghahanap siya ng perpeksyon dito.

34. Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, at
determinasyon.
a. Kasipagan c. Pagsisikap
b. b. Katatagan d. Pagpupunyagi

35. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na makapagbigay sa iba.
a. Pag-iimpok c. Pagtulong
b. Pagtitipid d. Pagkakawanggawa

36. Ano ang naglalarawan sa pinakmahalagang paraan ng pagtitipid?


a. maging mapagkumbaba at matutong makuntento
b. maging mapagbigay at matutong tumulong
c. maging maingat sa paggastos at matutong maging simple
d. maging masipag at matutong maging matiyaga

37. Ano ang sinasabi ng Teorya ni Maslow, The Hierarchy of Needs tungkol sa pera?
a. Ang pera ay dapat nating ingatan at huwag sayangin.
b. Ang pera ay nagsisilbing pantulong sa araw-araw na kailangan.
c. Ang pera ay tumutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang seguridad sa buhay lalo na sa hinaharap.
d. Ang pera ay nagbibigay sa tao ng kasiguraduhan upang ang kaniyang buhay ay maging maayos sa hinaharap.

38. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay Francisco Colayco maliban sa:
a. Para sa pagreretiro c. Para sa proteksyon sa buhay
b. Para sa mga hangarin sa buhay d. Para maging inspirasyon sa buhay

39. Hindi dapat taglayin ng tao ang katamaran. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagbibigay ng kahulugan nito
maliban sa:
a. Ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho.
b. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
c. ito ay maaaring sumira sa ating kinabukasan.
d. Ito ay magdadala ng panganib sa buhay.

40. Ito ay tumutukoy sa panahon, pagkakataon, saglit, araw, at sa gaano katagal ang ginugugol sa paggawa. Ito ay
mahalaga at kakarampot na yaman.
a. oras c.lakas
b. pagmamahal d. respeto

II. Performance (Paglilipat) 10 points

Role Play
A. Katarungan,
B. Kagalingan sa paggawa,
C. Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at wastong pamamahala sa naimpok
D. Pamamahala sa paggamit ng oras

You might also like