You are on page 1of 10

Kapag ang tao ay magalang maraming tao

ang makikipag-kilala sa iyo. Si Crisostomo


Ibarra ay galing sa Europa ngunit hindi
nawawala ang pagiging Pilipino nito. Ano
kaya ang mangyayari sa kanyang
pagdating mula Europa? Tara! sama-sama
natin tunghayan ang unang kanata ng Noli
me Tangere.
 Makikilala mo sa kabanatang ito ang pagunanahing
tauhan ng nobela.
 Matutunan mo rito ang mga kaugalian noong
panahong sakop tayo ng mga kastila.
 Masasaksihan mo rin ang pagkakaiba ng mga ugali
ng mga tauhan.
Dumating si Kapitan Tyago kasabay ang isang
binata na halatang nagluluksa ayon sa kasuotan.
Binati ng Kapitan ang kanyang mga panauhin, at
tulad ng kaugalian, humalik siya sa kamay ng
mga pari. Ang mga pari naman ay nabigla, lalo na
si Padre Damaso ng makilala nito na ang binata.
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago ang kagalang
galang na binata bilang anak ng kanyang
nasirang kaibigan na si Don Rafael Ibarra.
Kadarating lamang ng binata mula pitong taon
na pag-aaral nito sa Europa.
Kusang nagpakilala si Ibarra bilang Juan
Crisostomo Ibarra y Magsalin kasabay ng
pakikipag-kamay nito, isang kaugaliang
natutunan niya sa bansang Alemanya. Tumanggi
naman na makipag-kamay si Padre Damaso at
bagkus ay tinalikuran nito ang binata. Lumapit
ang Tinyente kay Ibarra at nagpasalamat ito sa
ligtas niyang pagdating. Pinuri rin nito ang
kabaitan ng kanyang ama, na siyang nagpanatag
sa kalooban ng binata. Palihim naman ang
pagsulyap ni Padre Damaso sa Tinyente na tila ba
nagbabanta.
Dahilan upang tapusin ng Tinyente ang pakikipag-
usap nito kay Ibarra. Nang malapit na ang
hapunan, inanyayahan ni Kapitan Tinong, sa
pananghalian kinabukasan si Ibarra. Si Kapitan
Tinong ay malapit na kaibigan ni Kapitan Tiyago
at kaibigan din ng kanyang ama. Magalang na
tumanggi ang binata sapagkat patungo siya sa
San Diego sa araw na iyon."
Ayusin ang mga salita upang makuha ang tamang sagot.

1. SSORCIMTOO RRBAI______________________
Siya ang pangunahing tauhan ng nobela.
2. DERAP OSDAAM ______________________
Siya isa sa mga paring nasa piging.
3. NTAPAKI OGAIT ______________________
Siya ang may-ari ng bahay kung saan ginanap ang piging
4. YAODN VTICRIANO ______________________
Asawa ni Don Tiburcio De Espadana
5. DREAP ALYSIB ______________________
Kasamang pari ni Padre Damaso.
Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari. Gamitin ang
bilang 1-5.
___a. Kusang nagpakilala si Ibarra bilang Juan Crisostomo
Ibarra y Magsalin kasabay ng pakikipag-kamay nito,
isang kaugaliang natutunan niya sa bansang Alemanya.
___b. Palihim naman ang pagsulyap ni Padre Damaso sa
Tinyente na tila ba nagbabanta.
___c. Magalang na tumanggi ang binata sapagkat patungo
siya sa San Diego sa araw na iyon."
___d. Si tinyente Guevarra ay nagpakilala at nakipag-usap kay
Crisostomo Ibarra.
___e. Nang malapit na ang hapunan, inanyayahan ni Kapitan
Tinong, sa pananghalian kinabukasan si Ibarra.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1.Sino ang sumulyap ng masama ka tinyente Guevarra?
a.Padre Damaso b. Mag-asawng De Espadana c. Kapitan Tiago
2.Saan nag-aral si Crisostomo nang halos 7 taon?
a.America b. Europa c. Africa
3.Sino ang kasama ni kapitan tiago na sa kasoutan pa lamang ay
halatang ito’y nagluluksa?
a.Crisostomo Ibarra b. Padre Damaso c. Tinyente ibarra
4. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago ang kagalang galang na binata bilang
anak ng kanyang nasirang kaibigan na si _____________.
a.Don Rafael Ibarra b. Kapitan Tinong c. Padre Damaso
5. Kusang nagpakilala si Ibarra bilang Juan Crisostomo Ibarra y
Magsalin kasabay ng pakikipag-kamay nito, isang kaugaliang
natutunan niya sa bansang ________.
a.Espanya b. Alemanya c. Portugal
Pagsasanay
1.Tinyente Guevarra 2.Padre Damaso 3.Kapitan Tiago
4.Donya Victorina 5.Padre Sibyla
Pagtataya
a.1 b.3 c.5 d.2 e.4
Pagpapayaman
1.a 2.b 3.a 4.a 5.b

You might also like