You are on page 1of 11

I Layunin

a. Natutukoy ang nais ipahiwatig ng mga larawang mayroong kaugnayan sa


kabanata 46 (Ang Sabungan)
b. Napahahalagahan ang masamang epekto ng sabong
c. Naisasadula ang kabanata 46 (Ang Sabungan)

II Paksang Aralin

Paksa: Ang Sabungan ( kabanata 46)


Sanggunian: Noli Me Tangere ni Jose Rizal

III Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng mga lumiban
B. Balik-Aral

Bago tayo dumako sa bagong


kabanata na tatalakayin ay balikan
muna natin ang nakaraang
kabanatana tinalakay natin kahapon

Ano na nga muli ang kabanatang


tinalakay natin kahapon? Erwin! Ang nakaraang kabanta po na tinalay natin
kahapon ay ang ika-apat na put limang
kabanta “Ang mga Pinag-uusig”.
Tama! Ngayon ano na nga ulit ang
nilalaman ng kabanata? Cris Josef?
Ang kabanata po na ito ay naglalaman ng
tungol sa pag-uusap ni Elias at Kapitan
Pablo sa mga inahing ng mga kapawa nila
api namatutulungan sila ni Ibarra na
maiparating ang kanila inahing sa Kapitan
Heneral ng hindi gumagamit ng daas.
Magaling! Sa tingin ko ay
naihintindhan niyo na ang ika-apat
na put limang kabanta.
C. Pagganyak

Magkakaroon tayo ng maikling


laro, ito ay tatawaging “Buuin mo
ako”
Panuto: Pabilisan sa pagbuo nito
ang unang makakabuo nito at
makakasagot sa mga inihandang
katanungan sila ang panalo at
makakatanggap ng tig-iisang chips
at tig-iisang potato chips.

Dalawang pangkat na binubuo ng


limang miyembro.

Ang nabuo pong larawan ay isa pong lugar


na kung saan nagaganap ang paglalaban ng
mga manok at naniniwala po ako na ang
lugar na ito ay tinatawag na sabungan.
Tumpak! Sino na sa inyo ang may
kakilala o tatay nagsasabong?
Ako po may kakilalang nagsasabong.
1. Ano ang napapansin ninyo sa
mga taong nagsasabong?
Ang napapansin ko po sa kakilala kong
nagsasabong ay higit po niyang
pinagtutuunan ng pansin ang kaniyang mga
alagang manok kumpara sa kanyang mga
anak.
Tumpak! Ako man din ganiyan
ang aking mapapansin sa mga
kakilala kong nagsasabong.

2. Ano ang epekto nito sa inyong


pamilya? Kung nagsasabong
ang tatay o kapamilya.
Ang epekto po nito sa aming pamilya ay
hindi maganda sapagkat ang oras na dapat
nilalaan sa amin ng aming ama ay
napupunta sa alaga niyang mga manok. At
ang pera na pinangsasabong niya ay maaari
na itong gamitin sa aming pang araw-araw
na mamumuhay, kaysa ipagsapalaran sa
sabong.
Tumpak! Ou oras na dapat
nilalaan ng ama para sa kanyang
mga anak ay napupunta sa alaga
nitong mga manok.
D. Paglalahad ng Suliranin

Sa ilalim ng inyong mga upuan ay


may nakadikit na kapirasong papel
na may nakasalunguhit na salita na
inyong bibigyan ng kahulugan.
Ang mga salitang pagpipiliihan ay
makikita sa telebisyon.

Nanunuod ba kayo ng Miss QandA


ng showtime?
Opo.
Sa pagsagot sa tamang kahulugan
ay ang paraan kung paano
sumasagot sa Miss Qand A.

Pagpipilian:
1. Suhestiyon
2. Pagkakapareho
3. Problema
4. Ritwal
5. Panlaban
6. Iikot

Tanong
1. Hindi sagabal ang karalitaan sa
tagumpay.
Naniniwala po ako na lagi itong
binabanggit ng mga mag-aaral kapag hindi
sila makakapagpasa sa tamang oras at
naniniwala po ako na ito ay problema at
Tumpak! Ang ibig sabihin ng sagabal maraming salama!
ay problema.

2. Tayo dapat ay maging


makatarungan sa pagpili ng
pambatong mananalumpati sa
nalalapit na timpalak.

Naniniwala po ako na ito ang mga


karapatdapat isali sa isang pagtatanghal
naniiwala po ako ma sila ay magagaling at
naniniwala po ako na ang ibig sabihin ng
Tumpak! pambatong ay panlaban at maraming
salama!
3. May pagkakahawig ang mga
indones sa mga Pilipino

Naniniwala po ako na ito ay isang bagay na


nakikita sa isang tao at sa isa pang tao at
naniniwala po ako na ang ibig sabihin po
ng pagkakahawig ay pagkakapareho at
Tumpak! maraming salamat!

4. Kung igagala mo lamang ang iyong


paningin, tiyak na mapapansin
mong maganda nga pala ang
bansang ito.

Naniniwal po ako na ito ay aming


ginagawa sa oras ng uwian, naniniwala po
ako na ito ay kailang gawin upang mapasin
ang mga mabagay bagay sa paligid at
naniniwala po ako na ang ibig sabihin ng
igagala ay iikot at maraming salamat!

Tumpak!

5. Ang inisasyon saanmang


organisasyon ay maaaring isagawa
huwag na huwag lamang
makasasakit ng katawan.
Naniniwala po ako na ito ay ginagawa ni
Narda upang maging Darna, naniniwal din
po ako na ito ang ginagawa ng mga
sumasayo sa Obando na gustong
magkaanak at naniniwala po ako na ang
ibig sabihin ng inisasyon ay ritwal at
maraming salamat!
Tumpak!
E. Paglalahad

Sa tingin ko nalalaman na ninyo


ang pamagat ng kabanatang ating
tatalakayin. Kung gayon ano ang
pamagat ng tatalakayin natin sa
hapong ito?
Ang kabanata po na ating tatalakayin ay
“Ang Sabungan”
Magaling!
Ang paksang ating tatalakayin ay
“Ang Sabungan”.
F. Pagtatalakay

Handa na ba kayong talakayin ang


kabanata 46?
Opo.
Mahusay kung gayon.
Meron akong inihandang mga
larawan sa pisara para sa
pagtatalakay ng kabanata.

Haydgel, batay sa larawan maaari


mo bang ilahad ang unang
pangyayari sa kabanata.
Ang una pong pangyayari sa kabanata ay
ipinapakita po nito ang simbahan at ang
sabungan sa aking pong palagay ang
pangyayaring inilalahad ng larawan at ayon
din po sa mga nakaraang kabanata
inilalahad po nito na kung maraming
nagsisimba sa araw ng lingo ay marami
ding nagpupunta sa sabungan sa parehong
araw.
Tama! Dahil diyan bigyan natin si
Haydgel ng isang Tumpak Ganern!

Angel, batay sa larawan maaari mo


bang ilahad ang susunod na
pangyayari sa kabanata.
Ang susunod po na pangyayari ay sa
tarangkahan ng sabungan inilalahad po
kailangan magbayad muna bago
makaposok.
Tama! Bigyan ng isang tumpak
ganern! Si Angel.

Paulen, batay sa larawan maaari mo


bang ilahad ang susunod na
pangyayari sa kabanata.
Batay po sa larawan inilalahad po nito na
ang mga batang lalaki na susumasama sa
mga tiyuhin o ama sa sabungan sa aking
pong palagay inilalahad po nito ang
pagsasanay sa mga batang lalaki upang ito
ay mamana sa kanilang ama o tiyuhin kung
ang mga ito ay wala na.
Magaling! Bigyan ng isang sigay na
magaling! Si Paulen.

Kian batay sa larawan maari mo


bang ilahad ang susunod na
pangyayari sa kabanata.
Batay po sa larawan inilalahad po nito ang
mga makikita sa sabungan ang una pong
makikita ay ang mga nagtitinda ng mga
kakanin, nganga at sigarilyo ang sunod na
makikita ay ang mga magkakasama na
magsasabong bago magsimula ang aktuwal
na paglalaban ng mga manok inilalahad din
po nito na hinihimas-himas ng mga
gustong pumusta ang mga ipanlalabang
manok. At ang huling hati ay makikita po
ang mga mayayaman, mga balitang
mananabong ang soltardor at ang
sentensiador na siyang humahatol.
Mahusay!
Ang inilalahad ng larawan na ito ay
ang ibat-ibang pangyayari sa ibat-
ibang panig o hati ng sabungan.

Lomer, batay sa larawan maari mo


bang ilahad ang susunod na
pangyayari sa kabanata.
Batay po sa larawan inilalahad po nito na
may dumating na kilala sa sabungan at
kinakausap ang dinatnan habang hawak
nito ang panlabang manok, at may biglang
dumating na isa pang kilala na naka-camisa
de chino, pantalong de lana at sumberong
gamit ng mga mayayamang sugarol.
Mahusay! Iyan nga ang inilalahad
ng pangyayari sa larawan at ang
unang dumating na kilala sa
sabungan ay si Kapitan Basilio at
ang sunod na dumating na naka-
camisa de chino, pantalong de lana
at sumberong gamit ng mga
mayayamang sugarol ay si Kapitan
Tiago.

Almira, batay sa larawan maaari mo Batay po sa larawan inilalahad po nito ang


bang ilahad ang susunod na pag-uusap ng dalawang kilalang panabong
pangyayari sa kabanata. habang hawak po nila ang kanilang mga
alagang manok at inilaahad din po nito ang
pagkakasundo na ang kanilang mga manok
ang maglalaban. At dumagondong ang
dahil balita na ang mga manok nila ang
maglalaban may sumisigaw ng sapula at sa
puti.
Mahusay! Almira iyan nga inilalaad
ng larawan at ang mga manok nina
Kapitan Tiago at Kapitan Basilio.

Andrei, batay sa larawan maari mo


bang ilahad ang susunod na
pangyayari sa kabanata.
Sa akin pong nakikita sa larawan inilalahad
po nito na maraming pumupusta at marami
rin pong nanunuod lamang dahil walang
pera, makikita sa larawan na may dalawang
nagmamasid na may pagkakahawig sa isat-
isa, na kapwa bubulong-bulong, sa di
kalayuan mayroong lalaking nagmamasid
sa kanila at ng dumaan ito sa kanilang
harapan inihahagis niya ang kanyang barya
at sinasalo
Mahusay! Ang magkapit na
tinutukoy ditto ay sina Tarsilo at
Bruno na anak ng lalaking namatay
sa isang daang palong ipinarusa ng
mga gwardia sibil. At ang lalaking
naghahagi-hagis ng barya ay si
Lucas.

Alysa, batay sa larawan maaari mo


bang ilahad ang susunod na
pangyayari sa kabanata.
Batay po sa larawan inilalahad po nito ang
nakita ng isa sa dalawang magkapatid ang
perang inihahagis hagis ni Lucas, humiram
sila kay lucas at maikitang may sinasabi si
Lukas sa magkapatid.
Mahusay!
Humiram ng pera ang magkapatid
kay Lucas at ang sinasabi nito sa
magkapatid na napakadali lamang
silang pahiramin ng pera sapagkat
malulusog ang kanilang
pangangatawan at sinabi rin nito na
ang perang hawak niya ay
pinahawak lamang sa kanya ni Don
Crisostomo Ibarra, at ito ay
paunang bayad lamang niya sa
sinomang gustong maglingkod sa
kaniya.

Kyle, batay sa larawan maaari mo


bang ilahad ang susunod na
pangyayari sa kabanata.
Batay po sa larawan inilalahad po nito na
magsisimula na ang paglalaban ng mga
manok, makikitang ang natira lamang sa
ruweda ang dalawang magbibitiw at ang
mananari, nilalahad din po nito na tamik na
ang mga tao sa sabungan na waring
hinihintay na lamang kung sino ang
mananalo.
Mahusay!

M.A batay sa larawan maaari mong


ilahad ang susunod na pangyayari
sa kabanata.
Batay po sa larawan inilalahad po nito na
tapos na ang na nanalo ang pula inilalahad
din po nito na nagtalunan ang mga Bata,
nagsigawan ang mga bata.
Magaling!

Cj batay sa larawan maaari mo bang


ilahad ang susunod na pangyayari
sa kabanata.
Batay po sa larawan inilalahad po nito na
sinisi ng ang nakakatandang lalaki ang
nakakabatang kapatid dahil sa ginawa
nitong pagpusta, ng makita nila si Lucas na
kausap si ang isang lalaki at binibigayan
nito ng pera.
Magaling!

Bryan batay sa larawan maaari mo


bang ilahad ang susunod na
kabanata.
Ayon pos a larawang aking
pinagmamasdan inilalahad po nito na
nilapitan ng isang lalaki ang magkapatid at
tinanong po sila kung pupusta o hindi.
Magaling!

Ronie batay sa larawan maaari mo


bang ilahad ang susunod na
pangyayari sa kabanata.
Ang inilalahad po ng larawan ay pumusta
ang dalawang magkapatid kahit wala na
silang mga pera, naisip nila ang sinambit ni
Lukas kaya madali na lamang silang
makakahiram.
Magaling!

Caissy batay sa larawan maaari mo


bang ilahad ang susunod na
pangyayari sa kabanata.
Inilalahad po ng larawan na ito ay lumapit
na ang magkapit kay Lucas tinatanong nito
kung magkano ang mapapahiram niya sa
kanya, tagtatatlumpung piso ang
maibibigay nito sa kanila at inilalahad din
ditto na maghahanap ng mga taong lulusob
sa kuwarter at at ang mahahanap na
kasamaan ay bibigyan ng tigsasampong
piso.
Magaling!
At inilalahad din nito na sinabi ni
Lukas na napakayaman ni
Crisostomo Ibarra.

Diane, batay sa larawan maaari mo


bang ilahad ang pangyayari sa
kabanata.
Batay po sa larawan inilalahad po na ito na
sa pagtapik ni Lukas ang balikat ng
magkapatid nagangahulugan po ito na
nagkasundo nap o sila.
Magaling!
Ako ay nagagalak dahil lahat ng
nilahad ninyo ayon sa larawan ay
tama.
G. Paglalapat

May inihanda ako roleta ng


katanungan.

Pipili ako ng limang mag-aaral na


magpapaikot sa roleta upang mapili
ang tanong at kanilang sasagutin
kung hindi maibibigay ang tamang
sagot maaaring makasagot ang mga
nakaupo.

1. Saan nagpupunta ang mga tao


tuwing araw ng lingo?
Nagpupunta po ang mga tao sa simbahan at
sabungan.
Tama!
2. Ano ang dahilan kung bakit
nagpupunta ang mahihirap sa
sabungan?
Ang dahilan po kung nagpupunta ang mga
mahihirap sa sabungan ay upang
makipagsapalaran na mapadami nila ang
kanilang salapi.
Tama!
3. Kanino alaga ang dalawang
manok na maglalaban?
Alaga nila Kapitan Basilio at Kapitan
Tiago ang mga manok na naglaban.
Tama!
4. Sino ang nagpahiram ng sa
dalawang magkapatid?
Si Lucas po ang nagpahiram ng pera sa
Tama! dalawang magkapatid
5. Anong pangalan ng dalawang
magkapitid ?
Sila po ay sina Tarsilo at Bruno.
Tama!
H. Paglalahat

Kahapon nagbigay ako ng takdang


aralin na isadula ang pangyayaring
nagaganap sa loob ng sabungan at
sa loob ng simbahan. Dahil ssinabi
ninyo na hindi ninyo alam ang
pangyayari sa loob sabungan
inimungkahi ko sa inyo sa
magtanong tanong kayo.
Opo.
Nagyon handa na ba kayong
magtanghal?
Opo.
Nagyon atin ng masasaksihan ang
inihanda niniyong pagtatanghal.

IV Pagtataya

Isulat kung Tama o Mali kung mali isulat ang tamang sagot.

1. Maingay ang mga sa tao sa loob ng simbahan.


2. Tahimik ang mga nanunuod sa sabungan tuwing naglalaban na ang mga manok.
3. Sa dilaw at sa asul ang sinasambit ng mga pumusta bago ang laban ng mga mano.
4. Ritwal na ng mga bata na sumama sa sabungan upang kapag wala na ang mga
tiyuin at ama ng mga ito ay sila ang magmama.
5. Si Padre Damaso ang nag-utos kay Luacas na maghanap ng mga lulusob sa
kuwartel.
6. Si kapaitan Basilio ay naka camisa-de chino ng dumating siya sa sabungan
7. Si Tarsilo at Bruno ay mga gwardiya sibil.
8. Alas diyes ng gabi kikitain ni lucas sina Tarsilo at Bruno.
9. Si Pedro ay asawa ni Sisa.
10. Libre lamang ang pagpasok sa sabungan.

V Takdang Aralin

1. Patunayan kung sino ang nagpapunta kay Lukas sa sabungan. Sa isang kalahating
papel.
2. Basahin ang susunod na kabanata

You might also like