You are on page 1of 14

IKATLONG MARKAHAN

ARALIN 4
A. PANITIKAN USOK AT SALAMIN:
ANG TAGAPAGLINGKOD AT ANG
PINAGLILINGKURAN
(Sanaysay mula sa Israel)
B. GRAMATIKA/RETORIKA PAMAKSA AT PANTULONG NA
PANGUNGUSAP
C. URI NG TEKSTO NAGLALAHAD
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN POKUS NA MGA TANONG
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at 1. Bakit mahalagang pag-aralan ang sanaysay sa
pagpapahalaga sa sanaysay at paggamit ng Timog Kanlurang Asya
pamaksa at pantulong na pangungusap upang 2. Paano nakatutulong ang paggamit ng pamaksa at
mailahad ang sinasang-ayunan/di sinasang- pantulong na pangungusap sa paglalahad ng
ayunang argumaento tungkol sa ilang sinasang-ayunan at di sinasang-ayunang
napapanahong isyu argumento?

MAHAHALAGANG PAG-UNAWA PAMANTAYAN SA PAGGANAP


1. Mahalagang pag-aralan ang sanaysay ng Timog Napangangatuwiranan ang sinasang-ayunan at di
Silangang Asya dahil sa matutuklasan mo rito sinasang-ayunang argumento tungkol sa ilang
ang kanilang kultura, tradisyon at paniniwala napapanahong isyu sa pamamagitan ng
2. Nakatutulong ang paggamit ng pamaksa at pagtatalumpati.
pantulong na pangungusap sa paglalahad ng
sinasang-ayunan at di sinasang-ayunang
argumento.

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN
Nababalangkas ang pangunahin at pantulong na kaisipan sa napakinggang talumpati

PAG-UNAWA SA BINASA
Nasusuri ang binasang sanaysay batay sa mga elementong paksa, tono, at kaisipan

PAGLINANG NG TALASALITAAN
Nabubuo ang salita batay sa pinagmulan nito (etimolohiya)

PANONOOD
Nasusuri ang paksa, tono at kaisipan ng dokumentaryong palabas na pinanood

PAGSASALITA
Napangangatuwiranan ang sinang-ayunan o di sinang-ayunan hinggil sa napapanahong isyu o paksa sa
pamamagitan ng pagtatalumpati

PAGSULAT
Nakasusulat ng isang tekstong nangangatuwiran hinggil sa napapanahong isyu o pkasa
GRAMATIKA AT RETORIKA
Nagagamit ang mga pamaksa at pantulong na pangungusap sa pagbuo ng mga tekstong nangangatuwiran
IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 4
IKADALAWAMPUNG LINGGO
TUKLASIN
GABAY SA PAGTUTURO BLG. 113
PETSA: MARTES, ENERO 3, 2017
BAITANG 9, SEKSYON 9 (1:00 – 1:50 NH) BAITANG 9, SEKSYON 23 (3:50 – 4:40 NH) BAITANG 9, SEKSYON 22 (4:40 – 5:30 NH)
BAITANG 9, SEKSYON 14 (5:30 – 6:20 NG) BAITANG 9, SEKSYON 16 (6:20 – 7:10 NG)

I. MGA TIYAK NA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


A. Nakababasa ng isang tekstong naglalahad ng karanasan ng may-akda sa lipunang kinabibilangan
B. Natatalakay ang pinakamainit na isyu ng bansa, ang droga, sa tulong ng mga islogan
C. Nakapaglalahad ng saloobin sa mga larawang nagpapakita ng kalagayan ng ordinaryong mamamayan

II. PROSESO NG PAGKATUTO


A. PANIMULANG GAWAIN
TEXTSAKTO. Pagpapabasa ng isang akdang pampanitikan mula sa ating bansa.
Hindi na Ako Magiging Adik ni Manny Ledesma

GABAY NA MGA TANONG:


1. Bakit mapanganib ang pagkakakulong sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot?
2. Patunayang may iba’t ibang pananaw ang mga kabataan hinggil sa paggamit nito.
3. Ipaliwanag mo naman ang iyong posisyon o pananaw hinggil sa pagkakasangkot ng mga kabataan
sa paggamit ng droga.

B. PANGKATANG GAWAIN
PANGKAT 1 Gamit ang Concept Map Organizer, isulat ang hinihinging mga kasagutan tungkol sa
binasang akda.
DETALYE

PANGUNAHING
KAISIPAN

DETALYE

PANGKAT 2 Pumili ng isa sa tatlong islogang nakasulat sa bawat kahon. Sumulat ng pagpapaliwanag
sa pamamagitan ng pagbibigay ng iyong palagay o kuro-kuro tungkol dito.

KUNG PARA SA
DROGA AY HUWAG ABUSUHIN
KINABUKASAN,
IWASAN, SALOT SA ANG KATAWAN,
DROGA DAPAT
LIPUNAN. DROGA AY IWASAN
LANG IWASAN

PANGKAT 3 Ano ang iyong masasabi? Ibigay mo ang iyong reaksyon tungkol sa pinapaksa ng larawan.

PANGKAT 4 Pagtataya sa isinagawang pag-uulat ng unang tatlong pangkat.


PAMANTAYAN SA PAGTATAYA SA ISINAGAWANG PAG-UULAT
C. NILALAMAN 5
BISWAL 4
PAKIKILAHOK 3
PARAAN NG PAG-UULAT 3
KABUUAN 15
SINTESIS
Tapusin ang pahayag upang mabuo ang konsepto ng araling tinalakay.
Noong una, akala ko ay ______________________________________________________________
Subalit ngayon, napatunayan ko nang __________________________________________________

III. PANSUPORTANG GAWAIN

Saliksikin ang makulay na kultura ng bansang Israel.

Inihanda ni Binigyang-pansin ni

G. JAMIL Q. CARVAJAL Gng. MELINDA G. MARIANO


Guro sa Filipino 9 Dalubguro (OIC), Kagawaran ng Filipino

IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 4
IKADALAWAMPUNG LINGGO
LINANGIN (UNANG SESYON)
GABAY SA PAGTUTURO BLG. 114
PETSA: MIYEKULES, ENERO 4, 2017
BAITANG 9, SEKSYON 9 (1:00 – 1:50 NH) BAITANG 9, SEKSYON 23 (3:50 – 4:40 NH) BAITANG 9, SEKSYON 22 (4:40 – 5:30 NH)
BAITANG 9, SEKSYON 14 (5:30 – 6:20 NG) BAITANG 9, SEKSYON 16 (6:20 – 7:10 NG)

I. MGA TIYAK NA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


A. Nasasaliksik ang kultura ng bansang Israel
B. Nabubuo ang salita batay sa pinagmulan nito (etimolohiya)
C. Nasusuri ang binasang sanaysay batay sa mga elementong paksa, tono at kaisipan

II. PROSESO NG PAGKATUTO


A. PANIMULANG GAWAIN
Suriin ang mapa kung saan makikita ang bansang Israel. Isulat ang mga impormasyong alam mo tungkol
dito.
B. PAGLINANG NG TALASALITAAN
Isulat ang hinihinging kasagutan sa graphic organizer.

ELEKSIYON

PINAGMULANG
BAYBAY
WIKA

KAHULUGAN PANGUNGUSAP BISA SA AKDA

C. PAGPAPABASA SA AKDA
USOK AT SALAMIN:
ANG TAGAPAGLINGKOD AT ANG PINAGLILINGKURAN
Isinulat ni Gordon Fellman
Isinalin sa Filipino ni Patrocinio V. Villafuerte

D. PAGTALAKAY SA ARALIN
1. Bakit masasabing malaki ang ginampanang papel ng Ashkenazi an Israel?
2. Paano ipinakita ang di magandang ugnayan ng tagapaglingkod at pinaglilingkuran?
3. Patunayang di makabubuti sa isang lipunan ang pag-uuri-uri ng mamamayan. Ipaliwanag.

E. SINTESIS
LAF List All Factors
Sitwasyon: Kung ikaw ay mahahalal na pangulo ng isang samahan sa iyong paaralan, ano-ano ang dapat
na isaalang-alang upang maging maayos ang pamamalakad.

III. PANSUPORTANG GAWAIN

Saliksikin ang Tilamsik ng Sining . . . Kapayapaan ni Magdalena O. Jocson.

Inihanda ni Binigyang-pansin ni

G. JAMIL Q. CARVAJAL Gng. MELINDA G. MARIANO


Guro sa Filipino 9 Dalubguro (OIC), Kagawaran ng Filipino
IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 4
IKADALAWAMPUNG LINGGO
LINANGIN (IKALAWANG SESYON)
GABAY SA PAGTUTURO BLG. 115
PETSA: HUWEBES, ENERO 5, 2017
BAITANG 9, SEKSYON 9 (1:00 – 1:50 NH) BAITANG 9, SEKSYON 23 (3:50 – 4:40 NH) BAITANG 9, SEKSYON 22 (4:40 – 5:30 NH)
BAITANG 9, SEKSYON 14 (5:30 – 6:20 NG) BAITANG 9, SEKSYON 16 (6:20 – 7:10 NG)

I. MGA TIYAK NA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


A. Naiisa-isa ang mahahalagang elemento ng sanaysay
B. Nasusuri ang binasang sanaysay batay sa mga elementong paksa, tono at kaisipan
C. Nasasaliksik ang maayos na pagbabalangkas ng isang sanaysay sa tulong ng pamaksa at pantulong na
pangungusap

II. PROSESO NG PAGKATUTO


A. PANIMULANG GAWAIN

Pagbasa sa isang bahagi ng teksto: TILAMSIK NG SINING . . . KAPAYAPAAN ni Magdalena O. Jocson

B. PAGTALAKAY SA ARALIN
1. Tungkol saan ang binasang sanaysay?
2. Paano ipinakita sa pagtalakay ang kalinawan ng argumento?
3. Alin sa mga argumento ng may-akda ang iyong sinang-ayunan o di sinang-ayunan? Bakit?
4. Sa kabuuan, ano ang nangingibabaw na layunin ng sumulat?
5. Paano mo bubuuin sa sarili mong pangungusap ang kaisipang binibigyang-diin?
C. PAGBIBIGAY-INPUT NG GURO

ALAMIN MO!
MGA ELEMENTO NG SANAYSAY
1. PAKSA – Ito ang pinag-uusapan sa anumang uri ng diskurso.
“Tungkol saan ang akda?”
2. TONO – Tinutukoy nito ang damdaming nakapaloob sa isang akda.
May kaugnayan iyo sa layunin ng may-akda sa kaniyang pagsulat.
3. KAISIPAN – May kaugnayan ito sa ideya o konseptong nais iparating
ng may-akda sa kaniyang isinulat. Hindi ito tuwirang nakikita sa akda
kundi nasa mambabasa kung paano niya ito bubuuin sa tulong ng mga
pahiwatig sa kaniyang binasa.
D. PANGKATANG GAWAIN

PANGKAT 1 Suriin mo ang binasang sanaysay batay sa mga elemento nito gamit ang kasunod na
graphic organizer.

TILAMSIK NG
SINING . . .
KAPAYAPAAN

PAKSA TONO KAISIPAN

PANGKAT 2 Ngayon, surrin mo batay sa mga elemento ng sanaysay ang naunang binasang akda:
Hindi Ako Magiging Adik ni Manny Ledesma.

HINDI AKO
MAGIGING ADIK
PAKSA

TONO

KAISIPAN
PANGKAT 3 Basahin at unawaing mabuti ang nakatalang mga pangungusap. Tukuyin at isulat ang tono
at damdaming isinasaad.
1. Hindi pahuhuli ang maindayog at makabuluhang pagsasayaw na sa bawat kampay at tikwas ng mga
daliri sa kamay at galaw ng buong kaawan ay pilit na ipinararating ang diwang nais ipahiwatig.
2. Hindi abot-tanaw lamang ang pagkakamit ng kalayaan kundi isang pagpupumiglas na katotohanan
na mayayakap natin siya.
3. Napatalsik ang diktador at iniluklok ang isang babae na siyang naging daan upang ang inaasam na
pagbabago sa ganap na kapayapaan ay makamit na.
4. Huwag kayong malungkot at mangamba, kapayapaan ay nakangiti sa Perlas ng Dagat Silangan.
5. Kaya’t sa pag-aalimpuyo ng kaniyang damdamin, masining niyang naisulat at ipinarinig ang tula niya
tungkol sa Pag-ibig sa Tinubuang Lupa na gumising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino
noong panahong iyon.

PANGKAT 4 Pagtataya sa isinagawang pag-uulat ng unang tatlong pangkat.

PAMANTAYAN SA PAGTATAYA SA ISINAGAWANG PAG-UULAT


E. NILALAMAN 5
BISWAL 4
PAKIKILAHOK 3
PARAAN NG PAG-UULAT 3
KABUUAN 15

SINTESIS
Gamit ang PMI (Plus, Minus, Interesting), isa-isahin ang kaisipan o kaalamang natutuhan sa aralin na
dapat bigyan ng pagpapahalaga at di bigyang-pansin at may kawili-wiling bisa. Isulat ang sagot sa
kasunod na chart.

PLUS MINUS INTERESTING

III. PANSUPORTANG GAWAIN

Saliksikin: Pamaksa at Pantulong na Pangungusap.

Inihanda ni Binigyang-pansin ni

G. JAMIL Q. CARVAJAL Gng. MELINDA G. MARIANO


Guro sa Filipino 9 Dalubguro (OIC), Kagawaran ng Filipino
IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 4
IKADALAWAMPUNG LINGGO
LINANGIN (IKATLONG SESYON)
GABAY SA PAGTUTURO BLG. 116
PETSA: BIYERNES, ENERO 6, 2017
BAITANG 9, SEKSYON 9 (1:00 – 1:50 NH) BAITANG 9, SEKSYON 23 (3:50 – 4:40 NH) BAITANG 9, SEKSYON 22 (4:40 – 5:30 NH)
BAITANG 9, SEKSYON 14 (5:30 – 6:20 NG) BAITANG 9, SEKSYON 16 (6:20 – 7:10 NG)

I. MGA TIYAK NA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


A. Nasusuri ang binasang sanaysay batay sa elementong paksa, tono at kaisipan
B. Nababalangkas ang pangunahin at pantulong na kaisipan sa binasang sanaysay
C. Nagagamit ang mga pamaksa at pantulong na pangungusap sa pagbuo ng mga tekstong
nangangatuwiran

II. PROSESO NG PAGKATUTO


A. PANIMULANG GAWAIN
PAGPAPABASA NG TEKSTO
Sanggunian: Panitikang Asyano, p. 46
SAGUTIN: Isulat ang tinatalakay o paksa ng bawat talata.
Talata 1
Talata 2
Talata 3
B. PAGSUSURING GRAMATIKAL
1. May kaisahan ba ang mga pangungusap sa bawat talata? Patunayan.
2. Bigyang-pansin ang mga pangungusap na may salungguhit, bakit ito binigyang-pokus sa bawat
talata?
3. Paano naman nakatulong ang mga pangungusap na walang salungguhit sa bawat talata?

C. PAGBIBIGAY-INPUT NG GURO

ALAMIN MO!
PAMAKSA AT PANTULONG NA PANGUNGUSAP
1. PAMAKSANG PANGUNGUSAP – Ito ang nagbibigay ng pahiwatig
“tungkol saan ang pag-unawa sa talata?” Ipinahahayag ito sa
pamamagitan ng isang pangungusap na tuwirang natutukoy kung ano
ang pinag-uusapan sa buong talata.
2. PANTULONG NA PANGUNGUSAP – Ito ang mga pangungusap na
nagbibigay ng paliwanag o detalye sa isinasaad ng pamaksang
pangungusap.
D. PAGSASANAY
Matatagpuan sa Panitikang Asyano, pp. 47 – 48
E. SINTESIS
Paano nakatutulong ang paggamit ng pamaksa at pantulong na pangungusap sa paglalahad ng
argumento?

III. PANSUPORTANG GAWAIN

Suriin ang sanaysay, TILAMSIK NG SINING . . . KAPAYAPAAN batay sa pamaksang pangungusap at pantulong
na pangungusap nito.

Inihanda ni Binigyang-pansin ni

G. JAMIL Q. CARVAJAL Gng. MELINDA G. MARIANO


Guro sa Filipino 9 Dalubguro (OIC), Kagawaran ng Filipino
IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 4
IKADALAWAMPUNG LINGGO
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
GABAY SA PAGTUTURO BLG. 117
PETSA: LUNES, ENERO 9, 2017 WALANG PASOK – Kapistahan ng Itim na Nazareno
PETSA: MARTES, ENERO 10, 2017
BAITANG 9, SEKSYON 9 (1:00 – 1:50 NH) BAITANG 9, SEKSYON 23 (3:50 – 4:40 NH) BAITANG 9, SEKSYON 22 (4:40 – 5:30 NH)
BAITANG 9, SEKSYON 14 (5:30 – 6:20 NG) BAITANG 9, SEKSYON 16 (6:20 – 7:10 NG)

I. MGA TIYAK NA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


A. Nailalahad ang saloobin tungkol sa isyu sa tulong ng pamaksa at pantulong na pangungusap
B. Nasusuri ang paksa, tono at kaisipan ng binasang sanaysay
C. Nagagamit ang mga pamaksa at pantulong na pangungusap sa pagbuo ng mga tekstong
nangangatuwiran

II. PROSESO NG PAGKATUTO


A. PANIMULANG GAWAIN Ibigay ang iyong saloobin sa larawang ito sa tulong ng pamaksa at pantulong
na mga pangungusap.
B. PANGKATANG GAWAIN
PANGKAT 1 Ayusin ang mga pangungusap nang may tamang pagkakasunod-sunod upang magkaroon
ng kaisahan. Isulat itong muli na isinasaalang-alang ang pamaksa at pantulong na pangungusap.
1. Ang mga mamamayan ay siyang bumubuo ng isang bansa kaya’t ito’y hindi maaaring lumakas pa sa
mga bahaging binubuo nito.
2. Ang lakas ng isang bansa ay nasasalig sa katauhan ng mga mamamayan.
3. Ang kahinaan ng mga mamamayan ay pagkukulang: ang kanilang lakas ay kapangyarihan.
4. Ang isang bansa ay hindi maaaring humigit-kumulang sa kaniyang mga mamamayan.
(Ang mga Pilipino Noon at Ngayon ni Manuel Luis Molina Quezon)
PANGKAT 2 Suriin ang sanaysay TILAMSIK NG SINING . . . KAPAYAPAAN batay sa pamaksang
pangungusap at pantulong na pangungusap nito.

PANGKAT 3 Manood ng isang dokumentaryong palabas sa telebisyon tungkol sa mga napapanahong


isyu. Humandang iulat sa klase gamit ang graphic organizer.

DOKUMENTARYONG
PALABAS

PAKSA TONO KAISIPAN

PANGKAT 4 Pagtataya sa isinagawang pag-uulat ng unang tatlong pangkat.


PAMANTAYAN SA PAGTATAYA SA ISINAGAWANG PAG-UULAT
C. NILALAMAN 5
BISWAL 4
PAKIKILAHOK 3
PARAAN NG PAG-UULAT 3
KABUUAN 15
SINTESIS
Paano nakatutulong ang paggamit ng pamaksa at pantulong na pangungusap sa paglalahad ng
argumento?

III. PANSUPORTANG GAWAIN

Ano ang talumpati? Paano mabisang maipababatid sa mga mambabasa o tagapakinig ang talumpati?

Inihanda ni Binigyang-pansin ni

G. JAMIL Q. CARVAJAL Gng. MELINDA G. MARIANO


Guro sa Filipino 9 Dalubguro (OIC), Kagawaran ng Filipino

IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 4
IKADALAWAMPUNG LINGGO
ILIPAT
GABAY SA PAGTUTURO BLG. 118
PETSA: MIYERKULES, ENERO 11, 2017
BAITANG 9, SEKSYON 9 (1:00 – 1:50 NH) BAITANG 9, SEKSYON 23 (3:50 – 4:40 NH) BAITANG 9, SEKSYON 22 (4:40 – 5:30 NH)
BAITANG 9, SEKSYON 14 (5:30 – 6:20 NG) BAITANG 9, SEKSYON 16 (6:20 – 7:10 NG)

I. MGA TIYAK NA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


A. Naisusulat ang isang tekstong nangangatuwiran hinggil sa napapanahong isyu o paksa
B. Napangangatuwiranan ang sinang-ayunan o di sinang-ayunan hinggil sa napapanahong isyu o paksa sa
pamamagitan ng pagtatalumpati
C. Nagagamit ang mga pamaksa at pantulong na pangungusap sa pagbuo ng tekstong nangangatuwiran

II. PROSESO NG PAGKATUTO


A. PANIMULANG GAWAIN

UNAWAIN MO!
Ang TALUMPATI ay isang maanyong pagpapahayag ng kaisipan sa
paraang pasalita. Layunin niyong makapagharap ng mga patakaran o
simulain o dili kaya’y maakit ang mga nakikinig sa isang kapasiyahan at
gayundin mapakilos ang mga nakikinig. Ang sanaysay ay isinusulat para
basahin, ang talumpati ay binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
B. PAGBIBIGAY NG SITWASYON

Isa ka sa mga nominado sa GAWAD ULIRANG KABATAAN ng inyong pamayanan. Kinausap ka ng


tagapamahala ng paligsahan at isa sa kinakailangang kakayahang maipakita mo ay ang
pagtatalumpati. Layunin nilang mahikayat mo ang kabataang makiisa sa kampanya sa pagsugpo
ng bawal na gamot sa inyong lugar.

C. PAGLALAHAD NG PAMANTAYAN
PAMANTAYAN SA PAGTATAYA SA MABISANG PAGTATALUMPATI
D. NILALAMAN 40
(PIYESA AT PAGBIBIGAY-DIIN O DAMDAMIN)
TINIG 35
HIKAYAT 10
UGNAYAN SA TAGAPAKINIG 15
KABUUAN 100
PAGSULAT NG SANAYSAY
E. PAGSASAGAWA NG TALUMAPTI
F. PAGSASAGAWA NG PEER EVALUATION
G. PAGBABASA NG OUTPUT SA GURO

III. PANSUPORTANG GAWAIN

Magsaliksik ng iba’t ibang kalagayan ng kababayan nating Pilipino sa Saudi Arabia. Paano sila umaagapay sa
kultura ng Gitnang Silangan?

Inihanda ni Binigyang-pansin ni

G. JAMIL Q. CARVAJAL Gng. MELINDA G. MARIANO


Guro sa Filipino 9 Dalubguro (OIC), Kagawaran ng Filipino

You might also like