You are on page 1of 6

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 9 – Ikaapat na Markahan

I. Layunin

1. Naipapaliwanag ang mga pangyayari sa kabanata 7 ng Noli Me


Tangere
2. Naihahambing ang pagsusuyuan noon at ngayon
3. Napapahalagahan ang kultura at ugali ng Pilipino na ipinamalas ni
Ibarra at Maria Clara

II. Paksang Aralin


Paksa: “Suyuan sa Asotea” Kabanata 7
Sanggunian: Libro ng Noli me tangere
Kagamitan: Powerpoint, laptop,papel

I. Pamamaraan ng Pagtuturo

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


A. Pangunahing Gawain

 Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang umaga rin po, sir!


Ikinagagalak po naming
makita kayong muli.

 Panalangin
Tayo ay manatiling nakatayo Iyuko po natin ang ating mga ulo at
para sa ating panalangin na damhin ang presensya ng ating
pangungunahan ni Angel. panginoon.
Amang makapangyarihan sa
lahat kami po ay nagpapasalamat sa
panibagong araw na ipinagkaloob
nyo sa amin ngayong araw. Nawa
Panginoon ay bigyan nyo ng talas ng
kaisipan ang aming guro upang
maituro nya sa amin ang aming
aralin at gayon din po bigyan nyo po
kami ng lakas ng pangngatawan at
katalinuhan upang magampanan
namin ang mga gawain na iniatang
nyo sa amin. Ito lamang po ang
hinihiling namin sa inyong
pinakamatamis na pangalan, Amen.
 Pagsasaayos ng Silid-aralan

Bago kayo umupo at simulan


ang ating talakayan, isantabi muna
ang mga bagay na hindi magagamit
sa ating klase. Kaya, iayos ang mga
upuan at pulutin ang mga kalat sa
loob ng ating silid.

 Pagtatala ng Lumiban sa
Klase

Edson, may lumiban ba sa klase Wala naman pong lumiban sa klase


natin ngayong araw? natin ngayong araw.

B. Pagbabalik-aral

Noong nakaraan nating


pagkikita ay tinalakay natin ang
kabanata 6 ng Noli Me Tangere
Ngayon bilang pagbabalik-aral

Allison, tumgkol kanino ang


Kay Kapitan Tiyago po ma’am
ating tinalakay noong nakaraang
araw?

Tama! Maaari ka ng umupo

Ikaw naman Josh, paano inilarawan Magaling pong inilarawan si Kpitan


si Kapitan Tiyago sa Kabanata 6? Tiyago, inilarawan ng maayos ang
kanyang itsura. Nalaman din po
namin na hindi niya tunay na anak si
Maria Clara.

Tama! Nakinig talaga kayo sa


ating talakayan

C. Pagganyak

“Ligawan Noon at Ngayon – Ano ang


pagkakaiba?”
NOON…

(kahoy ay sinisibak, tubig ay iniigib,


mabangong bulaklak ang handog sa
babaeng iniibig)

NGAYON… Opo ma’am yung iba lamang po.


Depende po sa mga lalaki.
(cellphone ang nasa kamay o sa
harap ng computer, nagkasagutan
ang dalawa “in a relationship” na
agad ang status nila.)

Text text lamang po ma’a,m tapos


Gina, ginagawa pa ba ngayon ang bigyan po ng chocolate, rosas ganon
pagsusuyuan noong sinaunang po ma’am.
panahon? Mahusay !

Lloyd, ano ang pagliligawan ngayong


kasalukuyan?

Mahusay! Ngayon ay nagkaroon na


kayo ng ideya kung ano ang ating
tatalakayin sa ngayon. Ito ay ang
kabanata 7 “Suyuan sa Asotea”.
Alamin natin kung paano ang
pagkakaiba ng suyuan noon at
ngayon.

D. Pagtalakay sa Paksa

1. Paglinang ng Talasalitaan o
Pag-alis ng Sagabal

Bago natin talakayin ang kabanata 7,


bigyang-kahulugan muna natin ang
ilang malalalim na salitang ginamit
sa akda.

a. Napatda - natigilan
b. Natatalos - nakaaalam
c. Mag-ulayaw - mag-usap
d. Nagtulos - nagtirik
e. Nagpapasikdo - nagpapatibok

Ngayon gamitin nyo ito sa


pangungusap.
Matapos nyong malaman ang
mga kahulugan ng mga salitang
hindi natin lubos na nauunawaan,
isulat ang inyong mga halimbawa sa
1/4 na papel. Yes ma’am!

Halimbawa: Ang maamo niyang


mulha ang nagpapasikdo sa puso
ko tuwing kapiling siya.

Ngayon basahin ninyo ang kabanata


7 ng tahimik lamang. Ang mga tauhan ay sina Crisostomo
Ibarra, Maria Clara, Tiya Isabel at
Kapitan Tiyago.
E. Paglalahat

Tapos na ba kayong magbasa?


Sagutin niyo ang mga ibibigay kong Sinariwa po nila ang mga ala-ala ng
tanong. kanilang pag-ibig.

Sinu-sino ang mga tauhan sa


binasang kabanata? Nanatili siyang tapat kay Maria Clara
kahit na wala ito sa kanyang tabi.

Paano pinatunayan ni Ibarra at


Maria Clara na hindi nila nalimot ang
isa’t isa.

Sa anong paraan ipinakita ang


pagmamahal sa kasintahan?

Napakahusay ng inyong mga sagot!

Sa kabila ng pagkakahiwalay ng
dalawa sa mahabang taon, dahil
nag-aaral sa Europa si Ibarra ay
patuloy pa ding matatag ang
kanilang pagtingin sa isa’t isa.

Mayroong mga katagang maaaring


tumatak sa ating isipan.
Halimbawa:

a. “Hindi pa rin kumukupas ang


iyong ganda , Maria Clara”
b. “Higit akong nangulila,
Crisostomo”
c. “mag –iingat ka mahal ko”

F. Paglalapat

Sa puntong ito ay hahatiin ko ang


klase sa dalawang pangkat. At
itatanghal ng isang pangkat ang
suyuan NOON at ang isa naman ay
ang suyuan NGAYON. Mamarkahan
ang inyong itatanghal sa
pamamagitan ng rubriks

Kagalingan sa 50%
pagganap
Nilalaman 30%
Pagkakabitiw ng 10%
mga pahayag
Ekspresyon 10%
kabuuan 100 %

Simulan niyo na ang paghahanda!

II. Pagtataya
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat sa buong papel.

1. Ano ang pinagkaiba ng pagsusuyuan noon at ngayon?


2. Ano ang katangian ni Ibarra at Maria Clara ang iyong nagustuhan? At
Bakit?

III. Takdang-aralin

Bilang inyong takdang aralin ay gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng


suyuan noon at ngayon. At basahin ang susunod na kabanata na may
pamagat na “Ang mga Ala-ala”.
Inihanda ni:
April Mae T. Ortiz

You might also like