You are on page 1of 8

Republic Of The Philippines

Department of Education
Region III, Division of Pampanga
San Matias National High School
Sto. Tomas
S.Y. 2017-2018

I. Layunin

Pagkatapos ng isang oras na talakayan, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Napatutunayan ang kakaibang katangian ng nobela sa pamamagitan ng pagtalunton sa mga


pangyayari at mga tunggalian naganap dito.

B. Nabibigyang katuwiran ang ginawi ng pangunahing tauhan sa akda.

C. Naiuugnay ang mga tauhan sa kasalukuyan.

Paksang Aralin

a. Pamagat: Isang Libo’t Isang Gabi

b. Kagamitan: Larawan, Kagamitang Biswal, Powerpoint Presentation, Video

c. Sanggunian: Panitikang Asyano Pahina 235-240

II. Pamamaraan

Gawain Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

Tumayo ang lahat para sa ating panalangin.

Maari mo bang pangunahan ang ating Opo.


panalangin?

Bago umupo ang lahat ay maari bang pulutin


ang mga kalat na inyong nakikita at ihanay ang
inyong mga upuan.

Mayroon bang lumiban sa araw na ito? Wala po.

B. Pagganyak

Magpapakita ako ng larawan at bawat larawan


ay mayroong nakalaang scrambled letter. Gamit
ang mga scrambled letter ay huhulaan ninyo
kung ano ang nasa larawan.

QRNAU
Ano ang sagot sa unang larawan? Ang unang larawan po ay Qur’an.

Ano ang isang Qur’an? Ito po ang banal na aklat ng mga Muslim.

KMELOYA

Ano ang sagot sa ikalawang larawan? Ang ikalawang larawan po ay Kamelyo.

Saan matatagpuan ang Kamelyo? Ang Kamelyo po ay matatagpuan sa disyerto.

UBANTR

Ano ang sagot ikatlong larawan? Ang ikatlong larawan po ay Turban.


Ano ang isang Turban? Ginagamit ng mga lalaking Muslim.

BAAYA
Ang ika-apat na larawan ay Abaya.
Ano ang sagot sa ika-apat na larawan?

Ano ang gamit ng isang abaya? Ito po ang kasuotan ng mga babaeng Muslim?

KABAA

At ano naman ang nasa ikalimang larawan? Ang ikalimang larawan po ay Kaaba.
Ano ang isang Kaaba? Banal na moseyo ng mga Muslim.
Batay sa mga larawang na ating binigyan ng Ang binibigyang punto po ng mga larawan ay
paglalarawan, anong bansa ang binibigyang ang bansang Saudi Arabia.
punto nito?
Magaling! Ano nga bang relihiyon mayroon ang Ang relihiyon po ng mga nasa Saudi Arabia
mga nasa Saudi Arabia? ay Islam.

Sainyong palagay, sino ang mas nakakalamang Babae po.


sa Saudi, ang babae o ang lalaki?

Tama. Sa Saudi Arabia mas mataas ang tingin


sa lalaki kaysa babae.

C. Pagtalakay

Ang aralin natin sa araw na ito ay nagmula sa


bansang Saudi Arabia na pinamagatang Isang
Libo’t Isang Gabi na isinalin sa Filipino ni
Julieta U. Rivera.

Bago tayo dumako sa ating aralin ay basahin at


bigyan natin ng kahulugan ang mga salitang
maaring makasagabal sa ating talakayan.
Gamitin ito sa isang pangungusap.

Ang mga salita sa Hanay A ay may katapat na


salita sa Hanay B. Ngunit ang salita sa Hanay B
ay kulang ang letra. Base sa salitang nasa Hanay
A, lapatan ang kulang na letra sa Hanay B na
siyang magiging katumbas ng salita sa Hanay A.
 Pagpapalawak ng Talasalitaan

Hanay A Hanay B
1. Paratang B_ _ t_ _ _ Bintang. Ang paratang na siya ay isang taksil
ay hindi totoo.

2. Pakakawalan P_ _ _ _ _ y_ _ _n Palalayain. Ang nagnakaw sa pera ng mga


mamamayan ay pakakawalan na.

3. Nakakulong N_ _a_ _ _ t Nakapiit. Nakakulong sa Pampanga


Provincial Jail si Marco.

4. Iminungkahi I_ _n_ _ _k_ _ a Ipinanukala. Iminungkahi ng Pangulo ang


pagpapahaba ng bisa ng Martial Law sa
Mindanao.

5. Pakay _ _y_ _ Layon. Ang pakay ni Ria sa pag-alis ay upang


makita ang kanyang mahal.

6. Bonnet _ _ _ a_ _t_s Guwantes. Pinalitan ko ang aking Bonnet.

7. Turban B_ _ _ _n _ Bandana. Ang mga lalaking Muslim ay


nagsusuot ng Turban.

Banal na aklat o bibliya ng mga Muslim. Si


8. Qur’an B_ _l_ _ _ ng _ _ _l_m Jose ay mayroong Qur’an sa bahay.

Tayo ngayon ay manunood ng isang video


presentation ng akdang Isang Libo’t Isang Gabi.
Manood ng mabuti at ako ay magkakaroon ng
mga katanungan pagkatapos.

Nagustuhan niyo ba ang inyong pinanood? Opo

Saan nga ba napatutungkol ang inyong Patungkol po ito sa isang babae na nakapag-
pinanood? asawa ng isang manlalakbay ngunit naghanap
ng mas batang kasintahan.

Ano pa? Patungkol po ito sa babae na naisahan ang


mga lalaki sa pagpapapasok sa compartment.

Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Isang babae po na nakapag-asawa ng isang


manlalakbay.

Magaling!
Ano ang kanyang naging suliranin? Ang kaniya pong naging suliranin ay ang
pagkakakulong ng kanyang kasintahan na
sinasabi niyang napagbintangan lamang ng di
kakilala.

Ano pa? Ang paghingi sa kanya ng mga lalaki ng isang


gabi upang sumiping.

Paano niya ito nasolusyunan? Sa paghingi po ng tulong sa kalalakihan

Ano pa? Hiningian po siya ng isang gabi ng mga lalaki


pero hindi niya ito ibinigay at sa halip
ikinulong sa kabinet.

Saan ginanap ang mga pangyayari sa kuwento? Sa tahanan po ng babae.

D. Paglalapat

Atin pang alamin ang mga pangyayari sa


kuwento sa pamamagitan ng inyong
pagkamalikhain sa paggalaw at pag-iisip.
Papangkatin ko kayo sa lima. Bawat grupo ay
magkaroon ng isang sitwasyon o katanungan na
inyong isasabuhay at ipapaliwanag dito sa
harapan. Nangangailangan ito ng kooperasyon
ninyong lahat.
Bawat pangkat ay pipili ng isang kinatawan
upang magpaliwanag dito sa harapan ng inyong
napag-usapan.
Bibigyan ko lamang kayo ng 15 minuto upang
mag-usap-usap.
Maliwanag ba? Opo

Base sa ating mga larawan naipinakita kanina ay


magkakaroon ng pangalan ang bawat pangkat.
Ang unang grupo ay tatawaging Pangkat
Qur’an. Ang ikalawang pangkat ay Pangkat
Ginie. Ang ikatlong pangkat ay Pangkat Turban.
Ang ika-apat na pangkat ay Pangkat Abaya.
Ang ikalimang pangkat ay Pangkat Kaaba.

Alam na ba ninyo ang pangalan ng inyong Opo


pangkat?

Ang pamantayan upang makakuha ng mataas na


puntos ang inyong pangkat ay ang sumusunod:
Nilalaman (pagsasabuhay sa sitwasyon o
pagsagot sa tanong ……………….10 pts.
Pagpapaliwanag……………………5 pts.
Kooperasyon ng miyembro………..3 pts.
Katahimikan ng pangkat………… 2 pts.
May kabuuan na 20 pts.

Pangkat Qur’an
Sa pamamagitan ng pageant, ipakikilala ninyo Ang mga tauhan po na aming ipinakita ay ang
ang mga tauhan sa kuwento. Ipaliwanag babae at ang limang lalaki. Ang hepe ng
pulisya, kung kanino nito sinabi na ang
kasintahan ay kanyang kapatid.
Ang Cadi, isang abogado. Pinakiusapan ito ng
babae upang pag-aralan ang kaso ng
kasintahan.
Ang Vizier, pinakiusapan itong palayain ang
kasintahan.
Ang Hari, Pinakamataas at panginoon ng
lahat.
Ang karpintero, nagpagawa ng Kabinet na
mayroon limang compartment. Ibinigay na
libre ang kabinet sa babae.
Magaling Pangkat Qur’an!
Bigyan natin sila ng Aling Dionisya clap. (Gagawin ang clap)

Pangkat Kamelyo
Sa Saudi Arabia, kinikilala ang mga babae Ang aming ipinakita ay ang bahagi kung saan
bilang mahina at sunod-sunuran sa mga lalaki. ipinasok ng babae ang kalalakihan sa loob ng
Paano pinatunayan ng babae na siya ay malakas compartment. Sa bahaging ito pinatunayan ng
at kayang ipagtanggol ang kaniyang sarili sa babae na kaya rin lamangan ng babae ang
kamay ng mga mapagsamantala? Ipakita gamit mga lalaki.
ang Pantomina.

Mahusay Pangkat Kamelyo!


Bigyan sila ng angels clap. (Gagawin ang clap)

Pangkat Turban
Aling bahagi ng akda ang inyong nagustuhan? Ang ipinakita po naming tagpo ay ang bahagi
Ipakita sa harapan gamit ang mannequin kung saan humanap ng paraan ang babae
challenge. upang mapalaya ang kanyang mahal.

Magaling Pangkat Turban!


Bigyan sila ng Pak-Bet clap (Gagawin ang clap)

Pangkat Kaaba
Sa pamamagitan ng Tableu, ipakita ang mga Ang amin ipinakita ay ang tagpo kung saan
makatotohanang at hindi makatotohanang tagpo naghanap ng lalaki ang babae. Nangyayari po
sa kuwento at ipaliwanag ito sa totoong buhay.
Ang ikalawa naman po ay ang pagkakakulong
ng kanyang kasintahan. Sa panahon naman po
natin ngayon kahit yung mga walang
kasalanan ay nakukulong. Katulad ng sa akda
sinabi ng babae na napagbintangan lamang ito
ng hindi kakilala.
Ang ikatlo pong tagpo na aming ipinakita ay
ang pinagsasamantalahan po ng kalalakihan
ang kahinaan ng mga kababaihan. Halimbawa
nalang po sa mga balita ngayon na may
nangyayaring panggagahasa.
Ang ika-apat na tagpo po ay ang paggamit ng
tao sa panlabas na kaanyuan upang ang
makuha ang hinahangad nito.
Ang hindi po makatotohanan ay ang bahagi
kung saan ipinasok ang mga lalaki sa
compartment.
Magaling Pangkat Kaaba!
Bigyan sila ng limang bagsak.

Pangkat Abaya
Kung ikaw ang magbibigay ng naiibang wakas, Ang ibibigay po naming wakas ay mahuhuli
ano ito? Ipakita sa pamamagitan ng dula. ang babae na nagkulong sa lalaki. Darating
ang asawa ng babae at papaghiwalayin sila ng
kanyang kasintahan.

Bigyan sila ng Yes clap! (Gagawin ang clap)

E. Paglalagom

Tama ba ang ginawa ng pangunahing tauhan sa Hindi po. Dahil mali po na pagkatapos niyang
kuwento? makuha ang kanyang nais sa mga lalaki ay
iiwan niya lamang ang mga ito sa loob ng
cabinet.

Meron pa ba? Tama lang po na humingi siya ng tulong para


sa kanyang kasintahan ngunit sa mas
maganda po sanang paraan.

May iba pang kasagutan? Mali po na naghanap siya ng ibang kasintahan


dahil meron naman po siyang asawa.

Lahat ng inyong tinuran ay tama. Lagi nating


tandaan na sa lahat ng desisyon ay may tama at
mali. At nasa iyo kung ano ang iyong susundin.
Kung ikaw ang tauhang babae, gagawin mo rin Hindi po, Hindi ako papayag sa kagustuhan
ba ang ginawa niya? ng mga lalaki.

May iba pa bang kasagutan? Opo. Gagawin ko rin po ang lahat para sa
mga mahal ko sa buhay.

Lahat ng inyong sagot ay tama. Tama na gawin


mo ang lahat para sa mahal mo sa buhay, pero
tama ba na sa pamamagitan nito ay makasakit o
makasama ito sa ibang tao? Hindi po. Dahil kung ikakabuti ito ng ibang
tao dapat wala kang tinatapakan na iba.

Mayroon pa bang ibang kasagutan? Para sa akin kung wala nap o akong ibang
magagawa, hahayaan ko nalang po.
Marami man tayong nakita na masamang pag- Pagiging matiyaga. Nagtiyaga po siya na
uugali ng babae ay mayroon parin naman itong humingi ng tulong sa iba para lamang
positibong katangian. Maari bang magbigay ng mapalaya ang kanyang kasintahan.
positibong katangian na ipinakita ng babae sa
nobela.

Ano pa? Pagiging mapamaraan. Ginamit niya po ang


kanyang kagandahan upang makuha ang
kanyang nais.

Tunay nga na inyo ng naiintindihan ang nobela.


Ngayon ay magkakaroon kayo ng pagsusulit.

F. Pagtataya

Sino ang kinakatawan/sinisimbolo ng babae at


mga lalaking hiningian ng tulong sa ating
lipunan? Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Babae Mga lalaking


hiningian ng tulong

G. Takdang Aralin

Isulat ang iyong pangangatuwirang gagawin sa


sumusunod na sitwasyon. Sa loob ng saknong
ay nakasulat kung kanino ilalahad ang
pangangatuwiran.

1. Nahuli ka sa klase dahil sa matinding bigat ng


trapiko sa lansangan. (guro)

2. Nagamit mo sa isang proyekto sa paaralan


ang pambayad mo sa tuition. (magulang)
______________________________________
_______________________________________

3. Hindi mo sinamahan ang iyong matalik na


kaibigan sa pagpunta sa mall kahit pa ika’y
nakapangako na sa kanya. (matalik na kaibigan)
______________________________________
_______________________________________
Inihanda ni: Sinang-ayunan ni:

JERALDINE T. OBLIANDA URDANITA A. MAGAT


Gurong Nagsasanay Punong Guro III

Nabatid ni: Pinagtibayy ni:

LUCY ZAPATA Dr. WILFREDO O. CUNANAN


Gurong Tagapayo Superbisor

Binigyang-pansin ni:

ANABELL U. SAPAO
Pang-ulong Guro sa Departamento

You might also like