You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Departmento ng Edukasyon
Rehiyon I
Lungsod ng San Carlos
TURAC NATIONAL HIGH SCHOOL
San Carlos City, Pangasinan

Masusing Banghay-Aralin
Sa
Filipino 9
(Kaligirang Pangkasaysayan ng
Noli Me Tangere)
Inihanda ni:

JAKE LEISTER S. URSUA


Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni:

MARLENE E. MORALES
Gurong Tagapagsanay

Binigyang pansin ni:

ELEANOR M. LAO
Ulong Guro III, Filipino

Sinang-ayunan ni:

JEFFREY O. MUÑOZ
Punong Guro II

Araw ng Pagtuturo:
May 2&3, 2023

9- PASCAL
9- RUTHERFORD
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa isang obra maestrang pampanitikan
ng Pilipinas.

Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang movie trailer o storyboard tungkol sa isa
ilang tauhanng Noli Me Tangere na binago ang mga katangian (dekonstruksiyon).

Panitikan: Noli Me Tangere

I. Mga layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang matatamo ang mga
sumusunod na layunin:

1. Batay sa napakinggan, natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan


ng: (F9PN-lVa-b-56)
- pagtukoy sa layunin ng may akda sa pagsulat nito
- pag-iisa-isa sa mga kondisyon sa lipunan sa panahong isinulat ito; at
- pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa kasalukuyang panahon sa
lipunang Pilipino.
a. Nabibigyang kahulugan ang layunin ng may akda sa pagsulat ng Noli Me
Tangere.
b. Natutukoy ang mga napapanahong isyu, problema o kanser ng lipunan sa
kasalukuyang panahon.
c. Nakaguguhit ng poster na may kinalaman sa Noli Me Tangere.

2. Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan bago at matapos isinulat ang akda.
(F9PB-lVa-b-56)

3. Natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan. (F9PT-lVa-b-56)

II. Paksang-aralin
Paksa: Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Sanggunian:
Aklat: Pinagyamang Pluma 9 (K-12)
Internet:
o https://www.slideshare.net/RainierAmparado/kaligirang-pangkasaysayan-ng-
noli-me-tangere
o https://pdfcoffee.com/filipino-2-pdf-free.html
o https://youtu.be/kepVricm6aM
o https://youtu.be/BerH7rd8KRQ
Mga Kagamitan: Box, Laptop, kartolina, marker, Telebisyon, mga ginupit na larawan,
lumang papel, Pisara at Chalk.
Pagpapahalaga: Maipapakita ang pagmamahal sa panitikang Pilipino.
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
Panalangin
Aking hinihingi ang inyong atensyon, upang tayo ay manalangin. (Ang buong klase ay mananalangin
Maaari bang iyong pangunahan ang panalangin Maria? sa pangunguna ni Maria)

Pagbati Magandang Hapon rin po sa inyo


Ginoong Ursua! Mabuti naman po
Magandang Hapon Grade 9! Sir.
Kamusta kayo?

Pagtala ng lumiban sa klase


Bago natin umpisahan ang pagtatalakay, alamin muna natin kung
sino-sino ang mga lumiban sa klase. Wala pong lumiban sa klase sa araw
Sekretarya ng klase sinu-sino ang lumiban sa klase ngayong na ito.
araw?
Pagsasayos ng silid-aralan
(Ang mga mag-aaral ay magpupulot
Bago tayo magsimula maari bang pakipulot ang inyong mga
ng mga kalat at magsasaayos ng
nakikitang kalat sa inyong paligid at pakisaayos ang inyong upuan.
kanilang upuan.)
B. Balik Aral
(May isang mag-aaral ng magtataas
Ngayon naman ay balikan natin kung ano ang napag-aralan
ng kamay)
kahapon.
1. Ano ang Paglalarawan?
Sir, ito ay nagbibigay katangian sa
isang bagay o ugali maging sa
damdamin at mga pangyayari sa
Magaling! Bigyan natin siya ng Tatlong bagsak. ating kapaligiran.
2. Maaari niyo bang bigyang paglalarawan ang ating
bansa Sir, tayo ay nagtutulungan at may
pagkakaisa.
Magaling! Bigyan natin siya ng Tatlong bagsak.
3. Bakit importanteng kultura sa ating bansa? Sir, dahil ito po ang kaluluwa ng
ating bansa at nasasalamin ang ating
kaugalian.
Mahusay! Tunay nga na kayo ay handa na sa ating susunod na
tatalakayin

C. Pagganyak (I-REACT MO NA!)


Panuto: Hulaan kung anong uri ng akdang pampanitikan ang
mga larawang ipapakita sa Telebisyon.
I-LIKE kung ang salita ay DULA,
I-HEART kung ang salita ay NOBELA,
I-HAHA kung ang salita ay MAIKLING KWENTO; at
I-WOW kung ang salita ay EPIKO

1. IBALON
- EPIKO
2. NOLI ME TANGERE
- NOBELA
3. ROMEO AT JULIET
- DULA
4. ANG KUWINTAS - MAIKLING KWENTO
5. ANG KUBA NG NOTRE DAME - NOBELA
6. SA PULA SA PUTI - DULA
7. BIAG NI LAM-ANG - EPIKO
8. SANDAANG DAMIT - MAIKLING KWENTO

D. Paghawan ng sagabal (i-connect mo)


Panuto: Hanapin ang kasingkahulugan ng mga salitang nasa hanay
A sa hanay B.

HANAY A HANAY B 1. C
1. Nailimbag a. Kalaban ng simbahan at Pamahalaan 2. A
2. Pilibustero b. Hawakan 3. D
3. Erehe c. Naisulat 4. E
4. Pananaw d. taliwas sa turo ng simbahan 5. B
5. Salingin e. Saloobin

E. Paglalahad
Ang gawaing at salitang inyong nahulaan ay may kinalaman sa
ating tatalakaying paksa na isang Akdang Pampanitikan na
Nobela. Sa Araling ito ay ating tatalakayin ang halimbawa ng
isang nobela na pinamagatang “Noli Me Tangere”.
Sir, ito ay mahabang pampanitikan
Ayon sa inyong pananaw ano ang Nobela? na naglalaman ng mga kabanata at
magkatambal at magkasunod-sunod
na kwento.
Mahusay! Bigyan natin siya ng tatlong bagsak.
Ayon sa inyong pananaw ano ang Noli Me Tangere? Sir, ito ay isang halimbawa ng
nobela na isinulat ni Dr. JoseRizal.
Mahusay! Bigyan natin siya ng tatlong bagsak.

Ngayon naman, bago natin talakayin ang Noli Me Tangere ay atin


munang kikilalanin ang layunin nito kung bakit ito isinulat at ang
lumimbag nito na ating Pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal.

F. Pagtatalakay
(Tatalakayin ng guro ang paksa gamit ang bidyong hinango sa
youtube at Powerpoint presentation)
 Talambuhay ni Rizal.
 Magulang at mga kapatid ni Rizal.
 Ang buhay Pag-ibig ni Rizal.
 Paano isinulat ang Noli me Tangere at kahulugan nito; at
 Layunin sa paglimbag ng Nobela

Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda


- Ang buong pangalan ng ating pambansang bayani na si
Dr. Jose Rizal kilala rin sa tawag na Pepe.
- Ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba
Laguna.

Noli Me Tangere – ito ay salitang latin na nangangahulugan sa Filipino


na “Huwag mo akong salingin” na hango sa biblia sa ebanghelyo ni
Juan.
Ang Nobelang ito ay inilimbag ni Rizal sa Madrid bago matapos
ang taong 1884 at doo’y natapos niya ang kalahati ng Nobela.
Ipinagpatuloy ang pagsulat niya nito sa Paris taong 1885 at natapos ang
sangkapat (1/4). Ibig sabihin ¾ na ang natapos ni Rizal sa paglimbag
nito at natapos na lamang niya ito taong 1886 sa Alemanya. Nailathala
ito taong 1887 sa tulong ni Maximo Viola.
Ang Noli Me Tangere ay mayroong 65 kabanata, ngunit kinaltasan
ng isa ang Kabanata 25: Elias at Salome gawa ng pagtitipid ni Rizal nang Sir, upang tayong mga Pilipino ay
mga panahong ito ay kanyang ipapaimprinta. mamulat sa katotohanan at
magkaroon ng kamalayan tungkol sa
Mga Gabay na tanong nagaganap sa ating lipunan,
1. Bakit nagkaroon ng lakas ng loob si Rizal upang magsulat
ng Nobela? Sir, Dahil sa pagtitipid ni Rizal at sa
problemang pampinansyal upang
mailathala ito.
2. Bakit may kinaltas si Rizal na kabanata sa nobelang Noli Sir, ang nag-udyok kay Rizal, bukod
me Tangere? sa magkaroon ng Kalayaan ang
bansa ay malaking bagay na nag-
3. Ano ang dahilan at akda o bagay ang nag-udyok kay Rizal udyok sa kanya ang ang mga librong
upang sumulat ng Nobelang pumapaksa sa kalupitan ng kanyang nabasa na ang The
kastila sa ating bansa? Wandering Jew, Uncle Tom’s Cabin
at ang Biblia.

Sir, tayong mga Pilipino ay


tinatawag na Indio o mangmang
dahil sa kakulangan sa sapat na
4. Anong kalagayan ng Pilipinas nang isulat ni Jose Rizal ang edukasyon at kahirapan dahil narin
kanyang nobela. sa pananakop sa atin ng mga kastila.

Opo sir, dahil hindi man siya


nakipaglaban gamit ang dahas at
espada sa halip ay gumamit siya ng
5. Sa iyong palagay, karapat-dapat ba talagang maging pluma at papel sa pamamagitan ng
pambansang bayani si Dr. Jose Rizal panitikan na nagpamulat sa
kamalayan ng maraming Pilipino
upang ipaglaban ang Kalayaan sa
ating bansa.

(Papalakpak ang mga mag-aaral)

Magagaling tunay nga na kayo ay may natutunan sa aralin natin


ngayong araw. Palakpakan ang inyong sarili!

G. Paglalahat
Kumpletuhin ang graphic organizer sa ibaba at tukuyin ang mga
layunin ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere.

H. Paglalapat
Ngayon ay magkakaroon tayo ng pangkatang Naintindihan po Sir.
Gawain, ito ay patungkol sa pagtukoy sa kahulugan ng mga
nakalihis na salita sa loob ng pangungusap na (Pupunta ang mag-aaral sa kani-
pinamagatang TUKUYIN MO, KAHULUGAN KO! kanilang pangkat at aktibong
nakilahok ang mga mag-aaral sa
Naiintindihan ba ang inyong pangkatang Gawain? pangkatang gawain)
(Papangkatin ng guro ang mag-aaral sa tatlo at kanilang
isasagawa ang inihandang aktibidad at kokolektahin
pagkatapos ng 15 minuto.)

Panuto: Tutukuyin ng mga mag-aaral ang kahulugan ng salitang


nakahilis sa loob ng pangungusap at ipaliliwanag ang kahulugan
ng pagkagamit nito sa pangungusap. Pagkatapos nito ay isalaysay
ito sa harap ng klase.

1. Si Maria Clara na imahe ng isang kahali-halinang


binibini na sa kagandahan at mga katangian ay ginawang
sagisag ng Pilipinas ni Dr. Jose Rizal sa kaniyang nobelang
Noli Me Tangere.
SAGISAG:
__________________________________________________
__________________________________________________
_____________________________________________.

2. Ineskomulgado si Ibarra ng Arsobispo sa simbahang


Katoliko Romano. Dahil sa pagkatiwalag, inutusan ni
Padre Damaso si KapitanTiyago na sirain ang kasunduang
pagpapakasal ni Ibarra kay Maria Clara.
INESKOMULGADO:
__________________________________________________
__________________________________________________
_____________________________________________.

3. Sugatan at halos naghihingalo, naisip ni Elias ang mga


kahingian para sa Inang-Bayan, bago mamatay humarap
siya sa Silangan at waring dumadalangin.
KAHINGIAN:
__________________________________________________
__________________________________________________
_____________________________________________.

Magaling! Tunay nga na kayo ay natuto sa leksyong ito. Maraming


salamat sa aktibong pakikilahok!

IV. Pagtataya
I. Pagkakakilanlan/ Identipikasyon
Panuto: Tukuyin ang hinihingi ng bawat bilang. (5 puntos)
_________________1. Kailan at saan inilimbag ang Noli Me Tangere
_________________2. Sa anong wikang banyaga orihinal na nakalimbag ang Noli Me Tangere?
_________________3. Ilang taong gulang si Rizal nang simulan niyang isulat ang Noli me
Tangere
_________________4. Ang kaibigan ni Rizal na tumulong sa kanyang upang maimprinta ang
kanyang unang nobela.
_________________5. Ang Noli me tangere ay galing sa salitang latin na nangangahulugan sa
Filipino na ___________.
II. Essay
Panuto: Magbigay ng isang kondisyon sa lipunan sa panahong isinulat ang Noli me Tangere at
patunayang umiiral pa rin ito sa kasalukuyang panahon. (5 puntos)
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
__________________________________________________________.

V. Kasunduan: 
Panuto: Magsagawa o gumuhit ng poster making patungkol sa Noli Me Tangere. Gawin itong
kaakit-akit at makulay. Iguhit ito sa short coupon at bigyang pagpapaliwanag sa pagpepresenta
sa susuod na talakayan.

Pamantayan sa Paggawa ng Poster


PAMANTAYAN INDIKADOR PUNTOS NATATAMONG
PUNTOS
Nilalaman  Naipakita at naipaliwanag nang 21-25
maayos ang ugnayan ng lahat ng
konsepto sa paggawa ng poster.
Kaangkupan ng  Maliwanag at angkop ang 16-20
Konsepto mensahe sa paglalarawan ng
konsepto.
Pagkamapanlikh  Orihinal ang ideya sa paggawa ng 11-15
a poster.
(originality)

Kabuuang  Malinis at maayos ang kabuuang 6-10


Presentasyon presentasyon

Pagkamalikhain  Gumamit ng tamang kombinasyon 1-5


(creativity) ng kulay upang maipahayag ang
nilalaman, konsepto, at mensahe.
Kabuuan
:

Susing Kasagutan sa Pagtataya:


Gawain I:
1. Madrid 1884
2. Kastila
3. 23 taong gulang
4. Maximo Viola
5. Huwag mo akong Salingin/ Huwag mo akong hawakan

You might also like