You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XIII-CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
JOSE SANVICTORES SR. NATIONAL SCHOOL
La Purisima, Cagwait, Surigao del Sur

MALA- MASUSING BANGHAY ARALIN

Grade/Seksiyon: 9-Mendeleev Oras: 10:00 – 11:00 sa umaga


Petsa: Mayo 24, 2021
I. LAYUNIN:

A. Pamantayang Pangnilalaman: Naisusulat muli ang maikling kuwento nang may pagbabago sa
ilang pangyayari at katangian ng sinuman sa mga tauhan. (F9PU-III-e-54)

B. Mga Kasanayang Pampagkatuto: Pagkatapos ng linggo, ikaw ay inaasahang:

a. Napauunlad ang pag-unawa sa binasang teksto/kwento sa


pamamagitan ng pagbubuod nito.
b. Nakabubuo ng mga magagandang ideya base sa binasang kwento.
c. Nailalapat sa sarili ang mabubuting aral mula sa binasang teksto.

II. NILALAMAN: “ANG KALUPI” ni Benjamin Pascual


Maikling Kuwento

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro: FILIPINO 9


2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral: FILIPINO 9
3. Mga pahina sa Teksbuk:
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resources: FILI[INO 9 LAS

B. Iba pang Kagamitang Panturo: Aklat, Loptop, T.V.

C. Estratehiya: Collaborative, Inquiry Base Learning, Inter-active Learning &


Differiated

IV. PAMAMARAAN

A. Balik – aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin

 Pagtala ng attendans..
 Pagbabalik-aral tungkol sa tinalakay noong nakaraan.
 Pagkakaroon ng kaunting Oryentasyon

B. Paghahabi sa layunin ng aralin:


 Tatawag ang guro ng isang mag-aaral upang basahin ang mga layunin.

D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin:

 Magtawag ang guro ng isang mag-aaral upang magsalaysay ng pangyayaring naganap sa


kanya sa araw na ito.
 Ano ang kaugnayan ng inyong pagsasalaysay sa ating paksa ngayon?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


(Apply knowledge of content within and across curriculum teaching areas)

Pagbibigay ng Vokabularyo

 Mga salaita:
1. KALUPI - Pitaka
2. PAGHUHUSGA - Paghatol
3. OUTPOST - Gwardiya
4. NAGPUMIGLAS - Kumawala/kumakawala

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


(Plan and deliver teaching strategies that are responsive to the special educational needs of learners in difficult
circumstances, including: geographic isolation; chronic illness; displacement due to armed conflict urban resettlement or
disasters; child abuse and child labor practices.)

 Itanong ng guro sa mga mag-aaral kung ano ang maikling kuwento at ang mga bahagi ng
maikling kuwento.

 Pagpapakita o pagpapakinig ng isang video clip ng kwentong “Ang kalupi” sa mga mag-
aaral.

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


(Apply knowledge of content within and across curriculum teaching areas)

 Ipapakita ng guro ang ilang larawan na nasa flash slides. Isasaayos ito ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pagbigay ng bilang 1 hanggang tatlo, para mabuo ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento.

_______ _________ _________________


G. Paglalapat ng aralin sa pang – araw – araw na buhay
(Plan and deliver teaching strategies that are responsive to the special educational
needs of learners in difficult circumstances, including: geographic isolation; chronic illness; displacement due to armed
conflict urban resettlement or disasters; child abuse and child labor practices.)

(Toss the Ball)


 Maghahagis ng bola ang guro kung sino ang matamaan siya ang sasagot
sa tanong na ibibigay ng guro.
 (Patuloy ang gawain hanggang matapos ang mga tanong.)
 Mga gabay na tanong:
- Sino-sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
- Ano ang nangyari sa batang gusgusin?
- Ano naman ang nangyari kay Aling Marta?
- Ano ang magandang aral ang inyong napulot mula sa kwento?

H. Paglalahat ng Aralin
(Apply knowledge of content within and across curriculum teaching areas)

 Makabuluhan ba ang kuwento ng Ang Kalupi? Ipaliwanag.


 Paano natin ito maihahambing sa ating lipunan?
 Makabuluhan ang kuwentong Ang Kalupi dahil nagbibigay malay ito sa bawat isa na kahit
mahirap o anong estado ang isang tao ay huwag agad natin itong husgahan sapagkat hindi
natin alam kung ano ang sitwasyon na kinakaharap niya sa buhay, tandaan natin dito sa
mundong ibabaw lahat tayo ay pantay-pantay sa mata ng ating panginoon walang mahirap at
walang mayaman.
 Sa maikling kuwento ni Benjamin Pascual, ipinapakita ang pagiging mapanghusgang lipunan
dahil lamang sa panlabas na anyo ng isang tao. Sinasabi sa atin ng manunulat, na hindi dahil
sa gusgusin at mahirap ang isang tao, ay magnanakaw na ito. Sinasalamin din ng akdang ito
ang katotohanang mahirap makamit ang hustisya para sa mga dukha. Ang gustong ipabatid sa
atin ng manunulat na hindi tamang maghusga tayo ng walang sapat na batayan. Isipin
munang mabuti ang sitwasyon, at huwag magpadalos dalos upang hindi tayo mapahamak o
hindi tayo magkamali ng desisyon.

I. Pagtataya ng Aralin
(Plan and deliver teaching strategies that are responsive to the special educational needs of learners in difficult
circumstances, including: geographic isolation; chronic illness; displacement due to armed conflict urban resettlement or
disasters; child abuse and child labor practices.)

Pangkatang Gawain:

Unang Pangkat:

 Isulat mong muli ang maikling kwento sa paraang babaguhin mo ang ilang pangyayari at
katangian ng sinumang tauhan nito.
 Sundin ang nasa ibaba upang maging gabay mo sa pagsulat.

Pamagat ng maikling kwento: Ang Kalupi


 Aral na napulot: Naipakita ang realidad at mamulat ang mga tao sa
tunay na pangyayari sa lipunan at mundong ating ginagalawan , ang kawalan ng
hustisya at epekto ng mapanghusga ng isipan ng tao.

 Pangunahing tauhan: Aling Marta

 Katangian: Mapanghusga

 Ang nais mong baguhing katangian: Hindi mapagbintang/mapanghusga, mapagkumbaba

 Ipaliwanag: Nais kung hindi mapanghusga si Aling Marta at ipaalaala na hindi nasusukat
sa panlabas na anyo ang tunay na katangian at kalagayan ng tao.

 Pangyayari: Nang magbayad si Aling Marta sa binili niya sa palengke nawala ang
kanyang pitaka, doon niya naalaala na nabangga siya ng isang batang lalaki na may
maruming maong at punit-punit ang kamisita.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT MULI NG MAIKLING KWENTO


3-4 puntos 1-2 puntos
Binigyan ng tuon 5 puntos Natatangi Katamtamang Nangangailangan ng
Kagalingan tulong
Makabuluhan, naging
parang bago dahil sa Makabuluhan, Nagiging
Paksang-Diwa pamamaraan ng bagama’t hindi napakaraniwan ng
pagsasalaysay at estilo. nagmistulang paksa
orihinal
May pagkakaugnay-
ugnay ang mga
Banghay Maayos ang pangyayari ngunit Magulo at nakalilito
pagkakabalangkas ng may ilang bahaging ang pagkakasunud-
mga pangyayari. naging masalimuot. sunod ng mga
pangyayari.
Umaangkop ang
Maingat ang kilos at pananalita sa Hindi umaangkop sa
paglalarawan ng katauhang kilos at pananalita
Tauhan katauhan. Umaangkop ginagampanan ngunit ang mga tauhan sa
ang kilos at pananalita may pagkakataong katauhang
sa katauhang nagiging hindi ginagampanan.
ginagampanan sa konsistent.
kwento.
Naipakita ang
tunggalian sa Nagbibigay –daab sa
Napukaw ang kwento. Hindi mga madudulang
Tunggalian kamalayan ng isipan at gaanong nakaantig sa tagpo upang lalong
damdamin ng mga isipan at damdamin maging kawili-wili
mambabasa. ng mga mambabasa ang mga pangyayari
Malinaw at mahusay Malinaw subalit
na nagamit ang hindi nagamit nang Nagpasalin-salin ang
Pananaw pananaw sa kabuuan lubusan ang pananaw pananaw na
ng kuwento. sa kabuuan ng nagpasalimuot sa
kuwento. kabuuan ng kwento.
Naipahiwatig ang Naging kawili-wili
Naging kaakit-akit ang suliranin sa simula ang simula upang
simula ng kwento at ng kwento ngunit maakit ang mga
Simula at Wakas ang wakas ay hindi kawili-wili mambabasa ngunit
nakapaglakas sa kakalasan patungong hindi nagigigng
suliranin ng kwento. wakas. kawili-wili ang wakas
upang maikintal sa
isipan ng mga
mambabasa ang tema
ng salaysay

Ikalawang Pangkat:

Magsasadula tungkol sa ilang bahagi ng maikling kuwento na Ang kalupi.

Pamantayan sa Pagsasadula
Pagganap/Pag-arte 5
Pagsasalita 5
Pagtayo sa harap ng klase
5
Akmang anyo ng mukha
5
KABUUAN 20

J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin at remediation

 Sabihin ang isang di magandang katangian ni Aling Marta na ipinakita sa kwento. Isulat kung
paano niya baguhin ang katangiang ito.

V. Mga Tala

VI. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya:

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation:

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mag-aaral na nakaunawa sa aralin:

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punungguro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:

NERISSA LINELL JOIE L. APELLANES


Teacher III
Iniwasto at Sinuri ni:

MAREDY C. MELO, MAED


Master Teacher I

Inaprobahan ni:

JOSEFINA C. CAP-ATAN
Punongguro

A B
Gulong ang buhay Buhay ng tao
Hindi totoong Puno ng sakit
Paraiso ang lasap Nasaan ang ginhawa? ng
Bukas ay di mo piho. sinumang nilalang

1. Ano ang mga salitang naitala ninyo na pareho ang baybay ngunit magkaiba ng kahulugan?
1. Ibigay ang kahulugan ng bawat salita.
2. Isa-isahin kung paano mo binigkas ang mga ito.
3. Itala ang mga sinalungguhitang salita at bigkasin.
4. Paano nakatulong ang diin sa pagbigkas?
5. Ano ang ponemang suprasegmental? Paano ito nakapagpapabago ng kahulugan?

Unang grupo
 

“Isang hapon, may mag-asawang Hapon at may anak silang nagbabasa ng aklat tungkol sa nabasang
tao sa tulay. Habang nagbabasa siya, tinawag siya ng kanyang mga magulang: Juan, tumayo ka na
at tayo ng magtulungan sa paglilinis ng bahay. Tumulong naman kaagad si Juan.”

1. Ano ang mga salitang/salitang-ugat na naitala ninyo na pareho ang baybay ngunit magkaiba ng
kahulugan?
2. Ibigay ang kahulugan ng bawat salita.
3. Isa-isahin kung paano mo binigkas ang mga ito.
4. Paano nakatulong ang diin sa pagbigkas?
5. Ano ang ponemang suprasegmental? Paano ito nakapagpapabago ng kahulugan?
Bawal ang pass sa laro at mga aksyon, tanging bibig lang ang gagamitin.
Oh! Klas, kamusta ang laro? Ano ang napansin niyo kanina? May nais ba itong iparating?

You might also like