You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino 9

9- Nickel
Setyembre 25, 2019

I. Kasanayang Pampagkatuto
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naibabahagi ang saloobin sa mga piling tanong;
b. naipaglalarawan ang katangian ng mga tauhan sa isang pabula;
c. pagsusunod-sunurin ang mga pangyayari sa isang pabula;
d. nakapag-bibigay ng mga pangyayari mula pabula na nagpapakita ng
bunga ng maling desisyon at tamang desisyon;
e. nakapagbubuo ng kasabihan mula sa isang pabula;

II. Paksang-Aralin:

Panitikan : Nagkamali ng Utos – Pilipinas


Sangguniang Aklat : Panitikang Asyano 9, pp. 108-113
Kagamitan : Video clip, LCD projector, laptop, speaker,
puppet
Kasanayan : Nalilinang ang kasanayan sa pag-unawa sa
napakinggan at nabasang dayalogo.
Konsepto : Ang pabula ay isang maikling kuwentong
kathang-isip lamang. Karaniwang isinasalaysay
sa mga kabataan para aliwin gayundin ang
magbigay pangaral.Mga hayop na
kumakatawan o sumasagisag sa mga
katangian at pag-uugali ng tao.
III. Pamamaraan/Yugto ng Pagkatuto:

A. Panimulang Gawain:
Pagdarasal, Pagbati, Pagtatala ng liban, pagpapanatili ng kalinisan,
Malayang Pagsasalita
B. Pagbabalik-aral: Pagtatanong ng guro
C. Pagganyak
Ang mga bata ay magbibigay ng sagot na ibabahagi ng guro sa klase.
Pagkatapos nito, sila ay magbibigay ng paglalarawan sa katangian ng mga
hapoy na sa isang pabula.
D. Pagtatalakay

Pagtanaw ng isang video clip na “Nagkamali ng Utos”


mula sa Pilipinas.

E. Paglalapat:
A. Story Ladder
Panuto: Isusulat ng mga mag-aaral ang mga
mahahalagang pangyayari sa pabulang “Nagkamali
ng Utos”. Sasagutan rin ng mga mag-aaral ang
gabay mga na tanong.
B. Ang guro ay magtatanong patungkol sa video clip na natanaw. Ang
mga mag-aaral ay magbibigay ng mga pangyayaring nagpapakita ng
maling desisyon at tamang desisyon.

IV. Ebalwasyon
Panuto: Sa isang kapat na papel, ang mga mag-aaral ay magbibigay ng
kasabihan o gintong aral na makukuha sa pabula.

V. Takdang- Aralin:
Panuto: Ibahagi sa social media platform ang ginawang kasabihan o gintong
aral na nakuha sa pabula. Ipasa ang screenshot o magdala ng patunay ng
post sa susunod na araw.

Inihanda ni:

Bb. Dana Althea C. Algabre


Guro sa Filipino 9

You might also like