You are on page 1of 11

I.

MGA INAASAHANG BUNGA

A. Nabibigyang kahulugan ang mgasalita sa tindi ng pagpapakahulugan


(F7PT-IIId-e14)
B. Naisasalaysay nang maayos at magkakaugnay ang mga pangyayari sa
nabasa o napanood na mito/alamat/kuwentongbayan(F7PS-IIId-e-14)
C. Napaghahambing ang mga katangian ng mito/alamat/kuwentong-bayan
batay sa paksa, mga tauhan, tagpuan, kaisipan at mga aspektong
pangkultura (halimbawa: uri ng pamumuhay, at iba pa) na nagbibigay-
hugis sa panitikan ng Luzon (F7PB-IIId-e-15)

II. PAKSANG- ARALIN

a. Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa tindi ng pagpapakahulugan


b. Naisalaysay nang maayos at magkakaugnay ang mga pangyayari sa nabasa o
napanood na mito/alamat/kuwentong-bayan.
c. Naihahambing ang mga katangian ng mito/alamat/kuwentong-bayan batay sa
paksa, mga tauhan, tagpuan, kaisipan at mga aspektong pangkultura
(halimbawa: uri ng pamumuhay, at iba pa) na nagbibigay-hugis sa panitikan ng
Luzon.

Lunsaran :
Ang Hukuman ni Mariang Sinukuan

Kaisipan:
“Paghihiganti ay hindi solusyon upang hustisya’y makamtan”
Kagamitan:
Kagamitang pang-biswal (Teksto, Larawan),
Elektronikong Kagamitan (Laptop, Projector, Speaker)

Sanggunian: .
Mula sa LM ng Panitikang Rehiyonal 7: Ang Hukuman ni
Mariang Sinukuan pp. 219-221

III. PROSESO NG PAGKATUTUTO


A. Panimulang Gawain
1. RutinangPansilid-aralan
1.1. Panalangin
1.2. Pagbati
1.3. Pagsasaayos ng silid-aralan
1.4. Pagtala ng liban sa klase
1.5. Pagwawasto ng Takdang-Aralin

B. Pagganyak

Panuto: Batay sa pagkakaunawa, bigyang


pagpapakahulugan ang sumusunod na larawan.

Gabay naTanong:
1. Ano-ano ang sinasalamin ng larawan na may kaugnayan sa mga pangyayaring
nagaganap sa paligid.

2. Ano-ano kaya ang mga posibleng dahilan kung bakit nangyayari ang mga ito?
3. Bilang isang mag-aaral, ano kaya ang magagawa mo upang masolusyunan ang
mga isyung ito?

C. Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Ang Jumbled Letters ay nasa Hanay A at nasa Hanay B naman ang mga
salitang kasing kahulugan. Pagkatapos ayusin ang Jumbled Letters ay kailangan
ikonekta ang salitang nabuo sa tamang salita sa Hanay B.
D. Paglalahad

IKAW AT HUKUMAN NI MARIA!

Pagsunod-sunorin ang mga pangyayari sa kuwento batay sa Graphic Organizer

HasikDiwa

Paglilitis o trial
Ay nangyayari kung ang biktima at
ang nasasakdal ay nag harap upang
mag presenta ng mga impormasyon
sa anyo ng ebidensya sa harap ng
hukom
E. PANGKATANG GAWAIN

Pangkat 1: KLASRUM
JUDGES
Gumawa ng pagsusuri batay sa
takbo o daloy ng hustisya
(paglilitis o trial) sa Pilipinas.
Maayos ba ito o hindi?
Pangatwiranan.

Pangkat 2: IARTE MO
Gumawa ng isang SKIT na
naghahambing ng kawalan ng
hustisya sa ating lipunan.

Pangkat 3: SPEECH LESS

Gumawa ng Maikling silent


show na nagbibigay ng tamang
proseso ng hustisya.
RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN

Mahusay Magaling Katamtamang Kailangan pang


Galing paghusayin

(5) (4) (3) (2)


Pagiging malikhain

Naipapahayag ang
nai-atas sa
malikhaing paraan
Pagkakaisa

Ang bawat miyembro


ay may kooperasyon

Kahusayan

Naihahatid ng
mahusayangDiwa o
Mensahe ng
pagtatanghal

Organisado

May kahandaan sa
pagtatanghal ang
pangkatang gawain.

Kabuuan:
 Pagsisimula ng Gawain
 Pag-uulat ng pangkat
 Pagbibigay ng feedback (Mag-aaral/Guro)
PAG-UUGNAY

KislapPuso

Panoorin ang ilang eksena mula sa Dulang Ang Paglilitis ni Mang Serapio.

Sanggunian:
https://www.youtube.com/watch?v=iqPzSmmHblg

Gabay na Tanong:

1. Ano ang inyong mahihinuha matapos ninyong mapanood ang palabas?


2. Naging makatarungan ba ang paglilitis na ginawa kay Mang Serapio?
F. SINTESIS

Bakit mahirap matamo ang


hustisya?At bakit mas pinipili ng
taong ilagayang batas sa sariling
kamay?
Ang Bintana ng Pagpapalaya

“Ang katotohanan ang


siyang sasalamin sa
kalayaan”
PAGTATAYA.

Ilagay sa patlang ang bilang ayon sa antas ng pagkakahulugan.

1. Husgado
Hukuman
Korte
2. Dagundong
Ingay
Ugong
3. Dumabog
Dumamba
Pumadyak

4. Ano ang pagkasunod-sunod na pangyayari sa kwento kung bakit pinatawag ni Mariang


Sinukuan ang mga hayop sa kanyang hukuman?
I. Isang araw, narinig ni Mariang Sinukuan ang taghoy ng Ibong Martines.
II. Noong isang linggo bigla na lamang niya akong sinipit. Mabuti at hindi niya nasipit ang
aking leeg. Pero nasugatan ang aking isang paa.
III. Natakot akong masunog ang aking bahay dahil nakita kong palipad-lipad si Alitaptap at
may dalang apoy.
IV. Kailangan kong magdala ng apoy para pananggalang laban kay Lamok na palipad-
lipad at may dalang itak.
V. Nagulat ako nang biglang kumokak nang malakas si Palaka.
VI. Humingi lamang po ako ng saklolo dahil nakita kong dala ni Pagong ang kaniyang
bahay.

A. I, V, VI, III, IV, II


B. I, II, III, IV, V, VI,
C. I, V, IV, III, VI, II
D. I, III, IV, VI, V, II

5. Sino ang nakabasag ng mga itlog ni Martines?


A. Pagong
B. Kabayo
C. Lamok
D. Palaka

IV. KASUNDUAN

sumulat ng isang repleksyon patungkol


sa kawalang hustisya at kung ano ang
magagawa mo bilang isang mamayang Pilipino
upang mabigyang solusyon ito.

You might also like