You are on page 1of 9

Department of Education

Region X
Division of Misamis Occidental
Sapandalaga District
BITIBUT INTEGRATED SCHOOL
S.Y. 2022-2023
IKATLONG MARKAHAN

Banghay Aralin sa Filipino 7 – Modyul 5-6


March 6-10, 2023
I. Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
akdang pampanitikan ng Luzon.
B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita
(news casting) tungkol sa kanilang sariling lugar.
C. Kasanayang Pampagkatuto at Code: Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito,
alamat, kuwentongbayan, maikling kuwento mula sa Mindanao, Kabisayaan at Luzon batay
sa paksa, mga tauhan, tagpuan, kaisipan, at mga aspetong pangkultura (Hal: Heograpiya, uri
ng pamumuhay, at iba pa) (F7PB-IIId-e-15/ F7PB-IIId-e-16)
D. Mga Layunin: Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay mahahasa sa mga
sumusunod na kakayahan:
a. Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito, alamat, kuwentongbayan, maikling
kuwento mula sa Mindanao, Kabisayaan at Luzon batay sa paksa, mga tauhan, tagpuan,
kaisipan, at mga aspetong pangkultura (Hal: Heograpiya, uri ng pamumuhay, at iba pa)
(F7PB-IIId-e-15/ F7PB-IIId-e-16)
b. Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at wakas ng
isang akda. (F7WG-IIId-e-14)
c. Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan.
9F7PB-IIIf-g-15
II. Paksang Aralin: KATANGIAN AT ELEMENTO NG MITO, ALAMAT,
KUWENTONGBAYAN, MAIKLING KUWENTO MULA SA MINDANAO,
KABISAYAAN AT LUZON
A. Aklat: Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino/Deped TV
B. Kagamitan: Laptop, PowerPoint, Mga Larawan at Elektronikong Kagamitan
I. Pamamaraan: Expositroy
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A.Paghahanda
a-1 Panalangin
• Magsitayo ang lahat para sa
panalangin.
a-2 Pagbati Magandang hapon po, Bb. Arlyn.
• Magandang hapon sa lahat.
• Maaari na kayong umupo. Wala po.
a-3 Pagtsek ng atendans
• May lumiban ba sa klase ngayon? (Ginawa ng mga mag-aaral.)
• Mahusay kung gonoon.
a-4 Balik-aral Ang tinalakay po natin ay ang
• Ano ba ang tinalakay natin noong Kasingkahulugan at Kasalungat.
nakaraang tagpo?
Wala po ma’am.
a-5 Nagpapahayag ng Layunin
May mga takdang-aralin ba kayong ipapasa?

B.Pagganyak
Pagpapakita ng video

1. Ano ang pamagat ng bidyung inyong Ang lahat ay nakilahok at nakinig.


napanood?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa bidyu?
3. Tungkol saan ba ang bidyu?

Alam ba ninyo kung ano ang tawag sa


kuwentong ito?

C. Pagtatalakay sa bagong konsepto

Paraan ng pagsusuri sa elemento at


katangian ng mga akdang pampanitikang
pasalaysay Ang mga sumusunod na hakbang
ay nararapat na isaalang-alang sa pagsusuri
ng mga akdang pampanitikang tuluyan. Ang lahat ay nakilahok at nakinig.
1. Pagsusuri sa tauhan – suriing mabuti ang
gawi, kaugalian, kagandahang asal, anyo at
paraan ng pagsasalita ng mga tauhan upang
magkaroon ng kaisipan hinggil sa kanilang
kultura, paniniwala at pinagmulan.

2. Uri ng Panitikang kinabibilangan ng


akda – mahalagang matukoy ang panitikang
kinabibilangan ng isang akda upang masuring
mabuti ang elemento at katangian nito.
Madalas itong matutukoy sa paksang
itinatampok at sa panimula, gitna at wakas ng
babasahing akda.

3. Pagtukoy sa mahahalagang pangyayari


sa akda – kinakailangang suriin ang mga
nilalaman ng pangyayari sa isang akda dahil
mula sa tauhan hanggang sa wakas o
kinahinatnan ay nagpapahayag ito ng mga
mahahalagang kaisipang sumasaklaw sa
pinagmulan ng akdang binabasa.

Pagkakatulad ng mito, alamat, maikling


kuwento at kuwentong-bayan
Halos pareho lamang ng mga paksang
tinatalakay ang apat na uri ng panitikang ito
na karaniwang tumatalakay sa kalikasan,
pamahiin, relihiyon, paniniwala, kultura
maging ang heograpiya, uri ng hanapbuhay at
katangian ng mga mamamayan sa isang
partikular na lugar o pangkat na pinagmulan
ng mga ito. Karaniwang ikinukuwento ang
mga ito upang makapagbigay ng gintong aral
na magagamit sa tunay na buhay.

D. Pagtatalakay sa bagong Konsepto

Pagkakaiba ng mito, alamat, maikling


kuwento at kuwentong-bayan
Mito – karaniwang tumatalakay sa mga Diyos, Ang lahat ay nakilahok at nakinig.
Diyosa, Bathala, Diwata at mgakakaibang
nilalang na may kapangyarihan.
Alamat – isang kuwentong nagsasaad kung saan
nanggaling o nagmula ang mga bagay-bagay.
Kuwentong-Bayan – isang maikling kuwento
tungkol sa isang tauhang naninirahan o
paniniwalang litaw na litaw sa isang partikular na
lugar o pangkat. Maikling Kuwento- isang
akdang pampanitikang likha ng guniguni at
bungang-isip na hango sa isang tunay na
pangyayari sa buhay.

Elemento ng Maikling Kuwento

1. Tauhan Likha ng mga manunulat ang


kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan
kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at
mga pantulong na tauhan.
2. Tagpuan/Panahon Dinadala ng may-akda
ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang
panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga
pangyayari. 3. Saglit Na Kasiglahan
Inihahanda sa bahaging ito ang mga
mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na
darating sa buhay ng mga tauhan
4. Suliranin O Tunggalian Tumutukoy ito sa
paglalabanan ng pangunahing tauhan at
sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay
maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa
sarili, Tao laban sa Tao/lipunan.
5. Kasukdulan Ito ang pinakamataas na uri ng
kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa
ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung
siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng
suliranin. 6. Kakalasan Ito ang kinalabasan
ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa
kasukdulan.
7. Wakas Tinatawag na trahedya ang wakas
kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo
ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan.
Tinatawag na melodrama kapag may malungkot
na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-
siya para sa mabubuting tauhan.

E. Pagtatalakay sa Pagbuo ng Konsepto


Maikiling Kuwento
Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao

Alamat
Alamat ng Mindanao

Kuwentong Bayan
Bakit Kulang ang Liwanag ng Buwan

F. Pagtatalakay sa bagong konsepto

Angkop na mga Pahayag sa Panimula,


Gitna, at Wakas Simula- Ang mahusay na
simula ay mabuti para makuha ang interes ng
tagapakinig o ng mambabasa. Dito nabubuo
ang larawan at nakikita ang aksiyong
magaganap sa isinasalaysay.Maaaring
simulan ito sa: Noong unang ____, sa simula
pa lamang, at iba pang pananda sa
pagsisimula.Pagkatapos nito ay maaaring
isunod ang:
1. Pang-uri gaya halimbawa ng :
• Napakadilim at napakalamig ng pag-ibig …
• Nananabik sa mangyayari …
2. Pandiwa gaya ng:
• Nagtatakbuhan ang kalalakihan at
naghahanda ang kababaihan nang …
• Nagmamasid ang matanda at misteryosong
kuba habang …
3. Pang-abay
• Maagang gumising ang tribo …
• Nananabik na masaksihan ang pagdiriwang
…..

Gitna- Sa bahaging ito, mabuting mapanatili


ang kawing-kawing na pangyayaring at
paglalarawang nasimulan.Aabangan kung
paano magtatagumpay o magwawagi, ang
pangunahing tauhan, maiwawasto ang mali o
matututo ang katunggaling tauhan habang
tumataas ang pangyayari. Maaaring gamitin
ang: kasunod, pagakatapos, walang ano-
ano’y, at iba pa na maghuhudyat ng
kasunod na pangyayari. Patuloy na
gumamit ng mga panlarawang salita upang
mapanitili ang interes ng mga mag-aaral sa
larawan at aksiyong isinasalaysay.

Wakas- Napakahalaga rin ng huling


pangyayaring maiiwan sa isipan ng
tagapakinig o mambabasa. Dito nakapaloob
ang mensaheng magpapabuti o magpapabago
sa kalooban at isipan ng lahat—na ang
kabutihan ang nagwawagi at may
kaparusahan ang gumagawa ng masama.
Maaaring gumamit ng: sa huli, sa wakas, o
iba pang panandang maghuhudyat ng
makahulugang pagtatapos. Pangunahin at
Pantulong na Kaisipan
1. Pangunahing kaisipan
Ito ang tumutukoy sa nais sabihin at
ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa.
Karaniwang matatagpuan ito sa unahan o
hulihan ng talata.
2. Pantulong na kaisipan
nagtataglay ito ng mahahalagang
impormasyon na tumutulong sa mambabasa
upang lubusang maunawaan ang pangunahing
ideya o kaisipan ng isang teksto tulad ng
petsa, pangalan, lugar, paglalarawan, datos,
istatistika at iba pang mahahalagang
impormasyon na nagbibigaysuporta sa
pangunahing kaisipan. Madali mong
mauunawaan ang tekstong iyong binabasa
kung susundin mo ang dayagram na nasa
ibaba.

G. Pagtatalakay sa Pagbuo ng Konsepto

Pagsusuri sa Maikling Kuwento Panimula,


Gitna at Wakas

Ang Sayaw ng Mandirigma


Noong unang-unang panahon ay mababa
lamang ang kalangitan. Napakababa nito na
kayang abutin ng mga tao. Dahil sa lapit
na ito ng langit, ang kahilingan ng mga tao ay
agad na naririnig ng mga diyos sa kalangitan
at kaagad na ipinagkakaloob sa kanila. Ito ang
dahilan kung bakit sadyang inilapit ng mga
diyos ang langit sa mundo. Ang nais nila
ay matulungan ang mga tao. Sa ganitong
kalagayan, maligaya ang mga tao. Wala
silang gagawin kung hindi humingi at agad
namang ipagkakaloob sa kanila. Hindi
nagtagal, umabuso ang mga tao. Naging
tamad na sila. Ayaw na nilang magtrabaho
at iniaasa na lamang sa mga diyos ang
kanilang pangangailangan. Dahil dito, nagalit
ang mga diyos kaya binago nila ang kanilang
panuntunan. Patuloy pa rin nilang
pangangalagaan at pagbibigyan ang mga
tao sa kanilang kahilingan ngunit
paghihirapan muna nila ito. Kailangan
nilang magtrabaho bago nila makamtan ang
anumang nais nila. Mula noon, hindi na
naging madali ang pamumuhay ng mga
tao. Nagsimula na silang gumawa sa bukid
sa ilalim ng init ng araw o buhos ng ulan.
Ang pagtatanim at pag-aani ay kanilang
pinagtutulungan. Pagkatapos ng anihan,
sila ay nagkakaroon ng mga pagdiriwang
bilang pasasalamat sa masaganang ani.
Naghahanda sila ng maraming pagkain at
inumin. Ang kasayahang ito ay inaabot ng
isang buong linggo. Masaya ang lahat, lalo na
ang mga magsasaka, dahil makapagpapahinga
sila ng ilang buwan habang marami pa silang
pagkain. Isang araw ay inihayag ni
Abing, pinuno ng tribu, na magkakaroon
sila ng marangyang pagdiriwang dahil sa
higit na masaganang ani. Tulad ng
inaasahan, nagkaroon ng malaking kasayahan
ang buong nayon. Bumaha ang napakaraming
pagkain at inumin. Matapos
magpasalamat sa mga diyos, nagsimula ang
pagdiriwang. Pinagpistahan ng mga
dumalong panauhin ang masasarap na
pagkain at inumin. Matapos ito ay
inanyayahan ng pinuno na manood ang lahat
sa ipakikitang sayaw ng mga mandirigma
bilang parangal sa pagpapanatili nila ng
katahimikan sa kanilang lugar.
Gayon na lamang ang tuwa ng mga tao
nang magsimulang sumayaw ang mga
mandirigma na buong husay na iwinawasiwas
ang kanilang mga sibat. Sinabayan sila ng
mga panauhin sa pag-indak sa tugtog
habang pumapalakpak. Isang mandirigmang
napakahusay humawak ng sibat ang labis
na hinangaan ng mga manonood. Bigla
silang natahimik habang pinanonood ang
kakaibang husay nito sa pagsayaw at
paghawak ng sibat. Dahil sa kalasingan at
nakikitang paghanga ng tao sa kanya,
marahan itong umikot paitaas at ikinumpas
ang kanyang sibat nang napakataas.
Napasigaw ang lahat! Nakalimutan ba ng
mandirigma na mababa lamang ang langit?
Hindi lamang niya natusok ang mga ulap,
nasugatan din niya ang isa sa mga nanonood
na diyos! Nagalit ang ibang mga diyos sa
pangyayaring ito. Nang gabi ring iyon,
ipinasya nilang itaas ang langit mula sa lupa.
Simula noon, ang panalangin ng mga tao ay
naglalakbay muna ng napakalayo bago
marinig ng mga diyos at ito ay
ipagkaloob sa kanila. Patuloy pa ring
pinangangalagaan ang mga tao ng mga diyos
sa langit ngunit ang binibigyan lamang nila
ng grasya ay iyong mga karapat-dapat. At
kung ibigay man ang hinihiling nila, ito ay
karaniwang hindi kaagad. Nagtatagal muna
bago ito ipagkaloob. Nangyari ito dahil

lamang sa walang ingat na pagsasayaw ng


isang mandirigmang nakatusok sa ulap at
nakasugat sa isa sa mga diyos.

H. Paglalahat

Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng


Alamat, Mito, Kuwentong bayan atMaikling
Kuwento?

Ano-ano ang mga elemento nito?

Anong mayroon sa panimula, gitna at wakas?

E. Paglalapat ng Aralin sa pang-araw-


araw na buhay.

1.Ano ang aral na mamapupulot natin sa


akdang “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng
Cañao”
2. Ano ba ang naidudulot ng pagiging
gahaman?
3. Bakit mahalaga na sumunod sa mga utos?

F. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang mga
impormasyon mula sa akdang binasa o
napanood na sumasalamin sa katangiang
taglay ng alamat, mito, kuwentong-bayan
at maikling kuwento.
I.

Takdang-Aralin
Pag-aralan ang .
Prepared by: Checked: APPROVED:

ARLYN C. LUMASAG JULFA P. AGSABAY GINA


H. TUMAGNA ESP III
Teacher I Secondary Head Teacher School Head

You might also like