You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III

Masusing Banghay- Aralin sa Filipino 7


(Ikalimang Linggo-Pangalawang Araw)
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao

PAMANTAYANG PAGGANAP
Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo

KASANAYANG PAGKATUTO
F7PB-In-i5 Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling
karanasan

I. Layunin
1. Natutukoy ang mga makatotohanang pangyayari sa akdang binasa
2. Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling karanasan
II. Paksang Aralin
Paksa: Pagtukoy sa mga makatotohanang pangyayari batay sa sariling karanasan
Genre: Dula
Sangguniaan: Pluma 7 pp. 110-111
Kagamitan: aklat, laptop, at projector
III. Proseso ng Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtatala ng lumiban
 Balik-aral
B. Pagganyak
Magbigay ng isang paboritong palabas sa telebisyon.
Ilahad ang mga makatotohanang pangyayari sa paborito niyong palabas.
C. Pagtalakay sa Paksa
Batay sa tinalakay na dula ibigay ang mga ang mga makatotohanang pangyayari
at ipaliwanag kung bakit ito nasabing makatotohanan.
D. Paglalapat
(Ipapangkat ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay bibig-
yan ng tig-lilimang papel na nakatupi, ang bawat papel ay naglalaman ng mga
iba’t ibang pangyayari na tutukuyin naman ng bawat pangkat kung alin sa mga
pangyayari ang makatotohanan at ipaliwanag kung paano ito naging makatoto-
hanan.
E. Paglalahat
Ano ang mga makatotohanang pangyayari sa binasang dula na “Ang Mahiwagang
Tandang”
IV. Pagtataya
Panuto: Suriin ang mga pangyayaring nakatala sa ibaba. Isulat sa patlang kung ito’y
makatotohanan o di-makatotohanan batay sa iyong sariling karanasan at saka
magbigay ng patunay kaugnay ng iyong napiling sagot.
1. Si Lokus a Mama ang naghahanap ng makakain ng mag-anak habang na bahay na nag-
lalaba at nagluluto si Lokus a Babae.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Ang gamot mula sa albularyo ay hindi nakatulong upang bumuti ang kalagayan ni
Lokus a Mama.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Pinangarap ni Bagoamama na baling araw ay nakatira rin siya sa palasyo ng sultan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Nakahuli ng mahiwagang tandang na nagbibigay ng magarang damit at ginto si
Bagoamama na nagpabago sa kanilang buhay.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
5. Ang simpleng mamamayan na katulad ni Lokus a Babae ay mabilis na binigyan ng
tulong ng sultan nang pumunta ito sa kanilang palasyo.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
V. Takdang Aralin
Manood sa internet ng isang dulang panlansangan o kahit na anong uri ng dulang panlan-
sangan.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III

Masusing Banghay- Aralin sa Filipino 7


(Ikalimang Linggo-Pangatlong Araw)
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao

PAMANTAYANG PAGGANAP
Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo

KASANAYANG PAGKATUTO
F7PD-Ih-i-5 Nailalarawan ang mga gawi at kilos ng mga kalahok sa napanood na dulang
panlansangan

I. Layunin
Nailalarawan ang gawi at kilos ng mga tauhan sa napanood na dulang panlansangan
Naitatanghal ang piling tagpo ng dulang panlansangan na napanood.
II. Paksang Aralin
Paksa: Paglalarawan ng gawi at kilos ng tauhan ng dulang panlansangan
Genre: Dula
Sangguniaan: Pluma 7 pp. 110-111
Kagamitan: aklat, laptop, at projector
III. Proseso ng Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtatala ng lumiban
 Balik-aral
B. Pagganyak
Magtatanong sa mga mag-aaral kung nakapanood na ba sila ng isang dulang pantang-
halan
Ibahagi sa klase ang napanood na dulang pantanghalan
C. Pagtalakay sa Paksa
Magpapanood ng isang dulang panlansangan sa mga mag-aaral.
Magtatanong sa mga mag-aaral tungkol sa napanood na dulang panlansangan.
D. Paglalapat
(Ipapangkat ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay pipili
lamang sila ng isang tagpo ng dulang napanood at itatanghal ito.
E. Paglalahat
Ano ano ang mga napansin sa gawi at kilos ng mga tauhan sa dulang pinanood?
Ilahad ang gawi at kilos ng tauhan kung ito ba ay makatotohanan.
IV. Pagtataya
Panuto: Ilarawan ang mga nagsipagganap sa dula kung ang kanila bang gawi at kilos ay
akmang-akma at makatotohanan sa tauhang kanilang ginampanan. Gamit ang isang
graphic organizer na nasa ibaba.

___________________________________
Pamagat ng Dulang Napanood

Tauhan Papel na Ginampanan Paglalarawan sa Kilos at


Gawi ng mga Tauhan

V. Takdang Aralin
Batay sa napanood na dulang panlansangan bumuo ng isang patalastas.

You might also like